Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Behind Her Chalk : The Mafia's True Face of Zhaine

Behind Her Chalk : The Mafia's True Face of Zhaine

Si Jhai ay ang pinuno ng isang lihim na samahan na tinatawag na Lion Warrior, isang grupo na nagtutuwid ng mga maling katarungan. Maaga siyang naulila matapos mapatay ang kanyang mga magulang sa isang madugong insidente. Bitbit ang pangakong tutuparin ang pangarap ng mga ito, pinili niyang maging high school teacher. Upang mapanatili ang kanyang lihim na pagkakakilanlan, nagpakilala siya bilang si Zhaine, isang weird at old-fashioned na guro. Sa hindi inaasahan, siya ang itinalagang class adviser ng section 12-D—isang klase ng mga outcasts, pasaway, at mga estudyanteng tila wala nang pangarap sa buhay. Isa sa mga estudyante ay si Kenn Singson, anak ng school director. Masungit, matalino, at mailap—katulad ni Zhaine pagdating sa mga taong mahal nila. Bagama’t malamig at puno ng tensyon ang kanilang unang pagkikita, unti-unting nahulog ang loob ni Kenn sa kanyang adviser. At sa pagdaan ng panahon, kahit labag sa patakaran ng paaralan at sa sariling prinsipyo, natutunan ding ibigin ni Zhaine ang binata. Ngunit sa gitna ng unti-unting namumuong pag-ibig, patuloy pa rin ang misyon ni Jhai para makamit ang hustisya para sa kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw, natuklasan niya ang isang nakakagulat na katotohanan: ang taong pumatay sa kanyang ama ay walang iba kundi ang kanyang bagong kaibigan—isang private police inspector na lingid sa lahat ay may itinatagong lihim bilang kalaban ng Lion Warrior. Gumuho ang mundo ni Jhai. Ang paghahangad ng hustisya, sa pagkamatay ng kanyang magulang ang-siyang nagdulot sa kanya, upang siya'y mapahamak at mag-agaw buhay. Makakaligtas kaya si Zhaine sa bingit ng kamatayan? Isusuko ba niya ang Lion Warrior sa kanyang kaaway? handa ba nyang tanggapin ang alok ni Blue magpakasal kapalit ng kaniyang kaligtasan? At paano haharapin ni Kenn ang sakit ng mawalan ng babaeng unang nagturo sa kanyang magmahal—sa paraang kailanma’y hindi niya malilimutan?
Mafia
9.7549 viewsOngoing
Read
Add to library
TRAPPED BY ALLEJO

TRAPPED BY ALLEJO

Ambisyosa22
Allejo is well-known as one of the powerful clan, sa Probinsya ng Cagayan Juancho Juno Allejo, panganay na anak ni Don Allejo at Donya Ceress. Marami ang nagtataka dahil hindi kalayuan ang edad ng mag ama. Edad labing apat ay nabuntis ni Don Allejo ang naging kabiyak. Ngunit alam nila sa puso nila walang pagmamahal doon kahit sinubukan nila. Dumaan ang panahon, nagkaroon ng ibang babae ang batang Don. Sa edad labing lima ni Juno ay pumanaw ang ina nila ni Migo, napuno ng galit ang puso nito at nangako na hahanapin ang babae na sumira sa pamilya n'ya. All along akala ng binata perpekto ang pamilyang kinabibilangan. Matapos ang pagkawala ng ina ay na buhay ang ibang katauhan ni Juno. Malamig, malayo at mabagsik sa mga kababaihan pero sa likod nito naroon ang kababata na si Kim. si Xhymich hangad lang ay simpleng buhay. Ngunit para sa magulang ng dalaga hindi sapat ang simple lang. Kaya sa mismong araw na itinakda na kasal ng dalaga ay tumakas ito. Ngunit ang akala n'yang hero na tumulong sa kanya ay ang mas magkukulong sa mabagsik at marahas na mundo. Pigilan man niya ang kanyang damdamin ay sa pagmamahal pa rin nauwi. Pilit mang saktan s'ya ng lalaki ay pag-ibig pa rin ang hiyaw ng puso niya. Ang isa nga bang pagkakamali ay maitutuwid ng isa pang pagkakamali? Kung nakakasakit ba ang pagmamahal dapat na bang tigilan? O ang pagmamahal kaya ng dalaga ang gamot sa lahat ng galit at poot na inipon ng binata? O baka nga si Kim ba na kababata at matagal ng nag aabang sa atensyon at pagmamahal ni Juno ang tunay na nakatakda?. " Hindi man ako ang una, ako naman ang magiging huli. Para lang sa akin ang panganay na Allejo" Mga katagang binitawan noon ni Kim.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Play with Me, Mr. Billionaire

Play with Me, Mr. Billionaire

[WARNING: SPG] Gwapo, playboy at malakas ang appeal. Iilan lang iyan sa mga katangian ng bilyonaryong si Kian Fuentavilla kaya napakaraming babaeng nagkakadarapa sa kanya—maliban kay Jhymea Madrigal. Isang dalagang manang kung manamit at madalas pang napagkakamalang lola at mambabarang. Panget si Jhymea, at aminado naman siya roon, pero para sa kanya ay may karapatan pa rin naman siyang mamili kaya inayawan niya si Kian na kahit mala-Adonis na ang datingan ay ubod naman ng yabang. Unang pagkikita pa lang ng dalawa ay nagkairingan na sila. Labis na dinibdib ni Jhymea na tinawag siyang ‘janitress’ at ‘ipis’ ng binata at ganun din si Kian sa kanya nang mapunit ang pwètan ng slacks nito dahil sa dalaga. Halos isumpa nila ang isa't isa hanggang napagdesisyunan ng kapatid ni Kian na si Nexie Fuentavilla na mag one-night stand silang dalawa. Kapalit nun ay ang impormasyong hinihingi ni Kian tungkol sa ex niyang si Tanya, at pera naman para kay Jhymea para mapauwi na niya sa bansa ang ina niyang OFW na kay tagal niyang ‘di nakasama. Dahil sa pagiging maloko ni Kian ay pinalabas niyang nabutas ang còndom na ginamit niya sa pakikipagtalik sa dalaga. Ilang linggo iyong iniyakan ni Jhymea kasi ang buong akala niya ay hindi na siya makaka-graduate, ngunit nahuli niya ang binata nung minsan ay may kausap ito sa telepono at inamin nito ang lahat. Doon ay naisip na gumanti ni Jhymea at pinalabas na totoong nabuntis nga siya ng binata. Nakarating ang tsismis na yun sa ina ni Kian na si Mrs. Anita Fuentavilla. Nagkukumahog na nagpaliwanag ang dalawa na hindi totoo ang lahat pero huli na kasi nagawan na sila ng kontrata ng ginang sa nalalapit nilang kasal. Matakasan kaya nila ang kapalarang nagsimula sa isang laro lamang? O mauuwi na ang lahat sa totoong pag-iibigan?
Romance
103.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Soldier's First Love (Sanchez Series #4)

Soldier's First Love (Sanchez Series #4)

LauVeaRMD
Isang rebelde si Marcus at hindi iyon alam ni Amara. Habang si Amara naman ay alagad ng batas, isang sundalo. Naging magkasintahan si Marcus at Amara. Nagpakasal, pilit na lumalayo si Marcus sa kanyang pinagmulan ang isang lihim na di dapat mabunyag. Isang gabi, habang nasa biyahe si Marcus, pauwi sa bahay nila Amara ay tinambangan ito ng mga di kilalang armadong kalalakihan. Isang operasyon ang nangyari at kasama si Amara doon, nalaman ni Amara na buhay pala si Marcus at isa itong rebelde. Naging bihag ng kupunan nina Marcus, si Amara. Ano ang pipiliin ni Amara ang mahalin ang kanyang kalaban o iwan ito ay ipagpatuloy ang laban?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Trillionaire’s Hidden Possesion

The Trillionaire’s Hidden Possesion

CatNextDoor
Kapalit nang operasyon ng anak, kinailangan ni Mortala na magpanggap bilang kaniyang kakambal na si Mortishia na noon ay naglayas sa kanila. Ipapakasal kasi si Mortishia sa mayamang businessman para maisalba ang kumpanya ng mga Gustavo. Sapagkat magkamukha naman sila kailangan lang niyang maging proxy hanggang sa mahanap si Mortishia. Ngunit hindi inaasahan ni Mortala nang kaniyang makaharap ang pakakasalan ng kaniyang kakambal. Si Cadrus Logan Adejer, isang trillionaire ang taong matagal na niyang pinagtataguan . . . ang ama ng kaniyang anak na babae. Anong gagawin niya kung malaman ni Cadrus na hindi siya si Mortishia? Makatatakas pa kaya siya o mapupurnada na ang ginagawa nilang pagtatago ng limang taon?
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Memory Of Love

Memory Of Love

Tearsxme
Pangarap ni Angge ang titingalain ng ibang tao kaya ipinagkalat niya na boyfriend niya ang isang low-profile businessman na si Rhodly James Smith at nang malaman ni Rhodly ang tungkol sa bagay na 'yon ay galit ang kanyang nararamdaman para sa dalaga kaya pinuntahan niya ito sa tinatrabahuan nito upang pagalitan at suklaman pero papaano na lamang kung sa unang beses na magisnan niya ang kagandahang taglay ng dalaga at ang matamis nitong ngiti ay bibihagin nito ang pihikan niyang puso? Maisasagawa pa kaya niya ang kanyang binabalak? Papaano naman haharapin ni Angge ang kaparusahan sa kanyang nagawa? May matamis kayang pag-iibigan ang mabubuo sa kanilang pagitan?
Romance
104.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's First Love

The CEO's First Love

Tamara and Harry have been married for six years, and they have a daughter named, Lily. Tamara’s mom noticed that Harry has been distant to her, so she suggested that they should take a vacation to strengthen their married life. Pero dahil sumama ang pakiramdam ni Tamara, she was left in the house. Harry made it to the beach resort, alone. Tamara said he needed it. He needed to unwind and relax. Tamara thought he was really alone, dahil nung umayos na ang pakiramdam niya at sumunod siya sa resort, nahuli niyang may kasama itong ibang babae. Tamara had to grapple with decisions; to stay, or leave. At lalong naging magulo ang lahat noong pumasok sa eksena si Daniel De Guzman, ang billionaire CEO na first love ni Tamara, at ang tunay na ama ni Lily.
Romance
104.2K viewsOngoing
Read
Add to library
THE BATTERED WIFE (CATHY & GREY STORY)

THE BATTERED WIFE (CATHY & GREY STORY)

Isa lang naman ang gusto ni Cathy Xyra Garcia at ito ay si Grey Sanford, ang lalaking kinahuhumalingan niya ngunit sa kasamaang palad, hindi siya mahal nito kaya naman sa sobrang pagmamahal niya sa binata, ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan at kinulong ito sa isang kasal. Akala ni Cathy ay ito na ang magiging daan para sa kanilang happy ever after na ending, ngunit siya ay nagkakamali. Dahil sa kasamaang palad, imbis na makatanggap ng pagmamahal, nakatanggap siya ng pang-aabuso mula sa kaniyang asawa. Ngunit dahil mahal niya ito, nanatili parin siya sa piling ng asawa at piniling magpakamartyr. Hanggang kailan siya magtitiis? May pag-asa pa bang mahalin siya ni Grey? abangan....
Romance
1029.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Chasing Justice

Chasing Justice

Dalawang puso ang tumitibok at naglalayong magpaalab ng sumibol na pag-ibig sa hindi inaasahang pagkakataon at panahon. Ang pag-ibig na hindi mapapantayan ang inaalay ni Brael Montegarde at Hasumi Mitsunabi sa isa't isa. Ilang beses na pinaghiwalay ng tadhana subalit muling natatagpuan ang mga sariling tapat na sumisinta sa isa't isa at pinipiling iraos ang pag-ibig na pilit hinahadlangan ng mga taong nakapaligid sa kanila. Isang trahedya sa nakaraan ang muling binabalikan ng kasalukuyan. Ang madugong pagpatay sa mga magulang ni Brael at ang bangungot na patuloy na gumugulo kay Hasumi ay tila ba konektado.  Sa pagsiwalat ng katotohanan ay magugulantang ang mga pusong nagiibigan. Ang pumatay sa mga magulang ni Brael ay ang babaeng minamahal niyang si Hasumi.  Layunin ni Brael Montegarde ang maghiganti sa taong pumaslang sa mga magulang niya. Subalit guguluhin ng pagmamahal niya ang paghangad niya ng hustisya.  Kaya niya bang paslangin ang babaeng mahal niya? O mananaig ang pag-ibig na napunla sa mga puso nilang lubos na nagmamahal sa isa't isa?
Romance
104.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Claimed By A Billionaire

Claimed By A Billionaire

Perpekto ang buhay ni Celestine—o iyon ang akala niya. Bilang tagapagmana ng isang kilalang fashion empire, mayaman, sikat, at malaya siya… hanggang sa biglang bumaliktad ang lahat. Pinagpakasal siya kay Enzo, isang misteryosong bilyonaryong Formula 1 driver, at bigla siyang napasama sa buhay ng isang lalaking halos hindi pa niya kilala. Ang inaasahang pormal at maayos na kasal ay nauwi sa isang nakakaalab na laro ng pagnanasa, selos, at init ng damdamin. Nang isama siya ni Enzo sa kanyang high-octane na mundo ng karera, lalong tumindi ang tensyon: may mga karibal na nanliligaw, may panganib sa paligid, at unti-unting lumalabas ang possessive at obsessive na side ni Enzo—hindi siya nahihiya ipakita sa lahat na siya ay pag-aari niya. Sa pagitan ng kanyang pride, takot, at hindi mapigilang atraksyon, kailangan ni Celestine na harapin ang lalaking gustong makuha ang lahat… pati ang kanyang puso. Mapapapayag kaya si Celestine sa bilyonaryong nag-aangkin sa kanya, o hahayaan ba ng mabilis at mapanganib na mundo ng yaman, selos, at pagnanasa na sila’y maghiwalay?
Romance
10171 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status