Anna
Sabi naman ni inay maputi naman talaga ako noong pinanganak ako, sadyang umitim lang ako dahil sa init at panay Ang ligo ko sa dagat.
"Anna, pakilabas muna ng lumpia!" Sigaw ni ate Anne dahil busy ito sa kaka lagay ng mga ulam sa mesa sa labas.
"asan ba si Ariana? alam naman niyang busy dito Kung saan saan nag susuot." reklamo ni inay.
"may lalakarin daw nay, babalik naman daw Ito kaagad"
Sabi ni April na dumaan sa tabi ko. Pumasok ako at kinuha Ang lumpia, kukunin ko na sana Ito ng biglang lumiyaw ang kababata Kong si Kim at kaagad akong niyakap.