Hiram na Asawa
Dinig niya itong suminghot ngunit pilit siyang ngumiti at kumuha ng papel at ballpen sa gilid ng higaan.
"Maiintindihan po nila. Masasaktan sila sa una at iiyak pero makakalimutan din naman nila kapag lumipas na ang panahon. Ganoon naman po lagi, dadalaw naman sila kapag birthday ko o... death anniversary, Nay."
Gusto niyang maging positibo sa mangyayari. Ang maganda lang naman doon ay makakasama na niya ang totoong Mama niya.