Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
THE TWIN and The Chaos

THE TWIN and The Chaos

Isinilang na magkadikit. Paghihiwalayain Ng Kapalaran. Pagtatagpu-in ng Ibang kata-uhan. Saan hahantong Ang dalawang Kambal. Sa muli nilang pagkikita. Makikilala pa kaya nila ang isat isa. Paano kung Hindi na nila makilala ang isat isa at ang lalaking Nagpatibok sa puso ni Dennes ay Naging Siya rin ang dahilan ng pagbabago ni Maria. Ang Dating Maria Gonsales Ay mapapalitan Bilang Eloisa Chin. At si Mayra naman ay mabubuhay sa kata-uhan ni Luisa Chua! Muling magtatagpo ang landas ng Kambal at sa iisang lalaki lang sila iibig! Sino kina Eloisa Chin At Luisa Chua Ang Magpaparaya para sa kanilang kaligayahan. "Paano kung iisang babae lang ang mahal na mahal ni Dennis Duatin At siya ang hinahanap niya buong buhay niya!'' Magpaparaya kaya ang isa o mananatili silang magbabangayan sa pag-ibig.
Romance
10598 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Affair Bk.7 Somewhere in my Past

The Billionaire's Affair Bk.7 Somewhere in my Past

Dylan Glenn Samaniego loved Hera Armida Saavedra even before when they were kids. Hindi niya alam kung kailan ito nagsimula, actually pero ang paraan ng pagpapapansin niya sa dalaga ay ang asarin ito. Kahit noong mga bata pa sila, palagi niya itong pinapaiyak kaya naman nabuo ang inis sa kanya ni Hera hanggang magdalaga. Binago ni Dylan ang diskarte. Hindi na niya inaasar si Hera pero binabakuran na niya ito, na nagdala ng kalituhan sa puso ng dalaga. Kilalang babaero si Dylan pero bakit siya nito binabakuran? Paano kung malaman ng dalawa na ang buhay at pag-ibig nila ay may kinalaman sa isang pangako na binitiwan sa nakaraan. At paano kung ang pangako na iyon ay nakasalalay na mabigyan ng katuparan sa katauhan nilang dalawa ?
Romance
1017.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother

Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother

Limang taon na kasal si Yeon Na kay Henry, pero sa isang iglap, naghiwalay rin sila dahil sa isang masakit na paratang na baog daw siya. At para gawing mas masahol pa ang lahat, isang linggo matapos ang diborsyo nila, nakatanggap pa siya ng imbitasyon sa baby shower ng sarili niyang nakababatang kapatid—na buntis sa dating niyang asawa. Bigo man at sugatan ang puso, gumawa siya ng isang matapang na desisyon. Lumapit siya sa nag-iisang lalaking alam niyang makakatulong para muling mabawi ang dignidad niya—si Sire Vemeer, ang kanyang boss. Isang kilalang playboy, isang bilyonaryong CEO, at... half-brother ng ex-husband niya. Hindi para umibig. Hindi para magka-relasyon. Isa lang ang gusto niyang mangyari... ang mabuntis. Kung nakaya siyang pagtaksilan ng kanyang kapatid at ni Henry, kaya niya ring gumawa ng paraan para gumanti sa mga ito. Gagamitin niya rin ang kapatid ni Henry para maipamukha rito na hindi siya baog. Na kaya niyang magdalang-tao. Pero paano kung ang panandaliang plano ay mauwi sa permanenteng koneksyon? At paano kung, sa gitna ng paghihiganti, matutunan niyang magmahal muli, sa isang lalaking ni minsan ay hindi niya pinangarap?
Romance
1018.3K viewsOngoing
Show Reviews (24)
Read
Add to library
Anne Lars
𝗧𝗵𝗮𝗻𝗸 𝘂 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝗻𝗶𝗻𝘆𝗼 𝗸𝗶𝗻𝗮 𝗦𝗶𝗿𝗲 𝗮𝘁 𝗬𝗲𝗼𝗻 𝗡𝗮! 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗹𝗹𝘆, 𝘁𝗵𝗲 𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗵𝗮𝘀 𝗰𝗼𝗺𝗲 𝘁𝗼 𝗮𝗻 𝗲𝗻𝗱. 𝗦𝗮𝗻𝗮 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗽𝗮 𝗿𝗶𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗯𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗶𝘁𝗼. 𝗠𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁!
Reni Torejas
aabangan ko tong libro mo hanggang sa matapos. sana matapos mo rin mga ongoing books mo. I love your writing style at saka hnd boring bwat episode. iba rin ang flavor ng bawat story mo. Kaya keep writing po. you deserve a hype sana sumikat pa mga gawa mo po
Read All Reviews
Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire

Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire

Hindi ko kailanman inakala na ang isang desperadong desisyon ay tuluyang magbabago sa buhay ko. Nang lumobo ang bayarin sa ospital ng aking lola, wala akong ibang pagpipilian kundi tanggapin ang isang hindi pangkaraniwang alok—ang magpakasal kay Conrad, ang bulag ngunit malupit na tagapagmana ng makapangyarihang pamilya Laurier. Sinasabi nilang ipinanganak siyang nagdadala ng kamalasan dahil namamatay ang mga mahal niya sa buhay. Ngunit kailangan nila ng asawa para sa kanya, at kailangan ko ng pera. Dapat sana, isang simpleng kasunduan lang ito. Ngunit mula nang pumasok ako sa kanyang mundo, napagtanto kong may higit pa kay Conrad kaysa sa mga bulung-bulungan. Ang kanyang pagkabulag ay hindi kahinaan—bagkus, ginawa siyang mas matalas, mas mapanganib. Bawat salitang binibigkas niya ay may bigat, at bawat dampi ng kanyang kamay ay nagpapadala ng kilabot sa aking balat. Hindi niya ako pinagkakatiwalaan. Iniisip niyang isa lang ako sa mga babaeng nais samantalahin siya. Pero paano kung unti-unti kong makita ang totoong lalaking nasa likod ng malamig niyang maskara? At mas masama pa—paano kung mahulog ako sa kanya?
Romance
9.811.1K viewsOngoing
Read
Add to library
THE SEX CONTRACT

THE SEX CONTRACT

Sulit na sulit ang 7 days Sex Contract sa pagitan nina Frey at Warren 'Dark' Samaniego dahil hinabol-habol ng milyonaryo ang ordinayong babae na gaya niya. He offered her all the things in the world, maliban sa kasal. Na hindi niya kailangan dahil kapag natapos ang paghihiganti niya, may sarili siyang plano kung paano maglalaho sa buhay ni Dark. May lugar ba ang pag ibig sa mga pusong pagod nang masaktan?
Romance
109.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Rich Man's Daughter

The Rich Man's Daughter

Faded Name
Jane Buenaverde grew up living nang isang kayod isang tuka. She was the bread winner of the family. Bukod sa mahina na ang kaniyang ina ay wala rin siyang kinalakihang ama. Sa murang edad ay nagawa niyang magtrabaho para lang makaraos sa araw-araw. Life is hard and poor but she was contented, happy, and always motivated with her boyfriend, Dave. Ngunit nagising nalang siya isang araw at nakatira na siya kasama ang bossy, strikto, at isa sa pinakamayamang tao na si Gian Muentes. Jane don't want to live with him but Gian's family promised to give all of her family wants. Her family will be living happy at hindi na kailangang mamroblema sa pang araw-araw na gastusin kaya kahit labag sa loob ay pumayag siya. But all she never know, sa kabila ng sustentong ibibigay sa kaniyang pamilya ay araw-araw niya namang dusa sa puder ni Gian. Sasaktan, paparusahan, araw-araw na pagdudusa at sakit sa buong katawan. Reason for her to think, paano kaya kung may ama siya. Paano kaya kung kahit papaano may pera sila. She will surely not suffer from this kind of pain. But little she know that the suffering she was experiencing was all because of her real and rich father. Matatanggap o mapapatawad niya kaya ang ama? Will Gian accept her as his wife, o lalo lang siyang magdudusa?
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire’s Bride: The Classroom Deal

Billionaire’s Bride: The Classroom Deal

Si Allison Reyes ay isang simpleng guro na ang gusto lang ay makaraos sa bawat araw; makabayad sa gamot ng tatay niya, makapagturo ng tahimik, at mabuhay nang disente. Pero nagulo ang mundo niya nang isang viral photo ang nag-ugnay sa kanya sa lalaking ni wala man lang siyang planong kausapin. Walang iba kundi ang may-ari ng eskwelahan, si Zion Almonte. Mayaman, malakas ang dating, at malamig ang pakikitungo ni Zion sa lahat. Pero sa likod ng itsura at yaman, desperado rin siyang ayusin ang pangalan niya. Kaya’t inalok niya si Allison ng kasunduan: isang taong peke nilang kasal kapalit ng pambayad sa hospital ng ama nito. Walang feelings na involved, walang komplikasyon, tanging business lang. Pero paano kung habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, may mga tingin at kilos silang nagagawa na hindi parte ng usapan? Paano kung kahit anong iwas nila, may parte pa rin ng araw-araw nila na unti-unting nagiging totoo?
Romance
327 viewsOngoing
Read
Add to library
Eternally

Eternally

Isang car accident ang kinasangkutan ng sikat na nobelista na si Jia Molejon. Ang beinte-singko anyos na dalaga, nakatakda na sanang ikasal sa anak ng Gobernador ng kanilang probinsiya. Sikat at maimpluwensya ang kasintahan nitong si William Cervantes. Ang kanilang kasal na tila hinadlangan ng trahedya. Nagising si Jia mula sa mahabang panahon na pagka-comatose. Ngunit nang magising ito, tila nagbago na ang mundo niya. Bagong kapaligiran, bagong kabanata. Nagising siya sa katauhan ng isang nagngangalang Matilda. Tila nagkatotoo ang mga kwentong-pantasya na dati ay isinusulat lamang niya. TIME TRAVEL. At sa lumang mundo, tila kaya niyang baguhin ang tadhana sa hinaharap. Ngunit paano kung mas nagugustuhan niya na ang lumang panahon, ang panahong kaedad niya ang kaniyang Abuela? O, dahil sa lumang panahon niya rin nakilala ang lalakeng bahagi na ng mga libro ng kasaysayan, si Macario Manlapaz Apolinario na nagpakulo ng kaniyang dugo ngunit palihim na nagpatibok ng kaniyang puso. Sa mundo ng kahapon at kasalukuyan. Paano pipigilan ang itinakda ng tadhana?
Romance
10459 viewsOngoing
Read
Add to library
Not Your Wife Anymore

Not Your Wife Anymore

Sa batang edad ay napilitang magpakasal si Raven Santana sa nag-iisang tagapagmana ng Go Prime Holdings na si Caleb Go. Pero pagkatapos niyang ipanganak ang kamnbal nilang anak, hindi pa rin naging maganda ang kanilang pagsasama. Hindi siya tinratong asawa ng lalaki. Hanggang sa dumating sa punto na napuno na si Raven at nakipaghiwalay na sa asawa. Maraming nagtaka sa ginawa niya. Sabi nila ay para siyang nagtampo sa bigas, pinakawalan ang isang napakagandang pagkakataon. Pero paano kung ang wakas pala ng pagsasama nila ni Caleb ay ang magiging simula ng panibagong kuwento ng buhay ni Raven? At sa kuwentong iyon, siya naman ang bida.
Romance
1011.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Contract Marriage: Love Beyond Agreement

Contract Marriage: Love Beyond Agreement

Sa isang mundo kung saan ang pag-ibig ay tila isang laro ng kapangyarihan at pangangailangan, nagkrus ang landas nina Isla Montemayor at Liam Callisto-dalawang taong magkaiba ng mundo pero parehong desperado sa isang bagay. Si Isla, isang matapang at determinadong babae, ay kailangang iligtas ang kanilang naluluging negosyo at ang nag-iisang pamilya niyang natitira—ang kapatid niyang si Lucas na may malubhang sakit. Samantalang si Liam, isang malamig at istriktong CEO, ay nangangailangan ng isang huwad na asawa upang mapanatili ang kanyang posisyon sa Callisto Group at hindi ito mapasakamay ng kanyang tusong madrasta. Dahil sa desperasyon, isang kasunduang kasal ang nagbuklod sa kanila—isang kasunduan na dapat ay walang halong damdamin. Ngunit paano kung ang larong ito ng pagpapanggap ay unti-unting maging totoo? Paano kung sa kabila ng kanilang matinding away, pagkakaiba, at mga lihim, ay matutunan nilang umibig sa isa't isa? Sa gitna ng pagsubok, pagtataksil, at mga hindi inaasahang rebelasyon, matutuklasan nina Isla at Liam na ang tunay na pag-ibig ay hindi isang kasunduan—ito ay isang bagay na lalampas sa kahit anong kontrata. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang talunin ang lahat ng balakid? Isang kwento ng pag-ibig na hindi lang tungkol sa isang kasunduan, kundi sa pagpili ng pagmamahal kahit gaano kahirap. Dahil sa huli, kahit anong pagsubok, ang tunay na pag-ibig ang magtatagumpay.
Romance
10268 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4344454647
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status