Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Hunter Buencamino: My Runaway Groom

Si Hunter Buencamino na isang kilalang business tycoon sa Pilipinas ay binigyan ng isang buwan na palugit ng kanyang ama na kailangan niyang maiharap ang babaeng makakasama niya habang buhay, kapalit ang malaking project sa Brown Corporation . Halos hindi makapaniwala si Hunter sa mga salitang narinig niya sa kanyang ama, lalo pa't wala sa kanyang vocabulary ang salitang kasal. Kaya hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa pagpayag ng ama sa proyekto na matagal na niyang pinapangarap na makuha, ngunit kapalit ay ang pagpapatali niya sa isang kasal na labis niyang kinamumuhian. Sa kagustuhan ni Hunter na makuha ang project, isang plano ang nabuo sa kanyang isip at nakahanda siyang magbayad kahit na magkano sa isang babae na magpapanggap na kanyang girlfriend at asawa. Makikilala ni Hunter si Nathalie del Prado sa isang agency na bride for hire at aakalain niya itong babaeng bayaran. Ngunit dahil sa isang gabing pagkalimot ay matutuklasan ni Hunter na isa pa lang birhen ang babaeng inakala niyang marumi. Si Nathalie na nga ba ang babaeng magpapabago sa pusong bato ni Hunter?
Romance
1010.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Desiring My Runaway Billionaire Uncle

Desiring My Runaway Billionaire Uncle

What will happen if a runaway bride meets her runaway billionaire uncle? Suot ang wedding gown sa mismong araw ng kanilang kasal, pinili ni Islaine na iwan ang lahat pagkatapos masaksihan ang pagtataksil ng kaniyang fiancé at ang wedding coordinator nila. Sa kagustuhang takasan ang lahat, magtutungo siya sa isla kung saan matagal nang naninirahan ang Uncle Nereus niya, ang step-brother ng mommy niya na piniling talikuran ang marangyang buhay para manirahan sa isang malayo at tagong isla. Sa kaniyang pagdating sa isla, paano kung ang Uncle Nereus ay tila ibang-iba na sa dating pagkakakilala niya? Ang dating bilyonaryong sanay sa syudad, may mestizo na kutis at may matayog na posisyon sa kompanya ay isa nang mangingisdang sunog sa araw. Pero sa kabila ng ilang pagbabago, naroon pa rin ang ilang katangian niyang hinahangaan niya rito. Siya pa rin ang guwapo at maskuladong uncle na pasekreto niyang hinahangaan noon. At sa bawat sulyap, sa bawat pagkilos nito, lalong lumalalim ang pagnanais na matagal na niyang pilit inilibing. Sa ilalim ng araw at mga alon, isang bawal na damdamin ang muling nagising. Dahil minsan, mas matindi ang tukso kapag alam mong bawal.
Romance
104.4K viewsOngoing
Read
Add to library
TEACHER DAHLIA

TEACHER DAHLIA

"Oo, isa akong guro, at may nais akong turuan ng leksyon." --- Walang ibang tutulong sa kaniyang matinding pagdurusa kundi ang kaniya lamang sarili. Si Dahlia Perez o mas kilala bilang teacher Dahlia ang mismong aalam sa madilim na nangyari sa kaniyang ama sa nakaraan. *** Nagtuturo sa isang paaralang elementarya si Dahlia Perez. Baguhan lamang siya sa isang lungsod. Dahil nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo, kinuha niyang trabaho ang maging isang guro. Ngunit sa halip na ang kaniyang propesyon ang kaniyang isinaalang-alang ay iba ang sadya niya sa pamamagitan nito.
Mafia
10776 viewsOngoing
Read
Add to library
Her Playboy CEO (FILIPINO VERSION)

Her Playboy CEO (FILIPINO VERSION)

Josie frank
Naglalaro sila ng isang mapanganib na laro, naglilikot sa isang lugar kung saan madali silang mahuli ngunit sa tingin ko bahagi iyon ng kilig . Isang mainit na gulo. Isang mainit na boss. Isang napakaraming mainit na engkwentro na may pagnanasa na hindi mapaglabanan. Si Leslie ay parang walking ticking bomb hindi lang literal na "kapus-palad" ang ibig sabihin ng kanyang pangalan, ngunit iyon ang kuwento ng kanyang buhay. Pakiramdam niya lahat ng mahawakan niya ay biglang nagiging kalokohan. Lalo na pagkatapos ng hindi magandang pangyayari sa kanyang dating nobyo, lumipat siya sa studio na kanyang ibinahagi sa kanyang dating dahil sa panloloko na nangangahulugang bumalik siya sa bahay kasama ang kanyang teenager na parang mga magulang. Kaya naman kailangan niya ng bagong trabaho bilang personal assistant ni Damien Cameron Romano para makabangon muli. Ang tagapagtatag ng Boyce industries, Tatlong buwan sa trabahong ito at maaari na siyang lumipat at, sana ay magsimulang muli sa bagong tseke mula sa kanyang bagong trabaho. Sa papel, madali ang kanyang trabaho. Mag kape. Mag-book ng mga appointment. Panatilihing maayos ang lahat. Ngayon, wala na dahil hindi nagpapagaan ang kanyang amo sa kanyang seksing katawan at seksing mga mata. Imbes na tumutok sa trabaho niya ay walang tigil ang iniisip niya tungkol sa biglaang nakakapasong paso ng kanilang atraksyon sa isa't isa. Pero boss niya! Alam mo kung ano ang sinasabi nila tungkol sa paghahalo ng trabaho at kasiyahan: Hindi ito nagtatapos ng maayos.
Romance
108.7K viewsCompleted
Read
Add to library
BOUGHT BY THE BILLIONAIRE

BOUGHT BY THE BILLIONAIRE

May magandang mukha, makurbadang katawan, malaporselanang kutis, simple lang mag ayos, at higit sa lahat may busilak na puso ang dalagang lumaki sa malayong probinsya na si Berry Marasigan. Sa angking kagandahan ni Berry ay marami sa kanya ang nagkakagusto o nahuhumaling. Sa edad niyang bente dos ay simpleng inosente pa rin siya dahil hindi pa siya nakaranas magkaroon ng kasintahan. Nang maulila si Berry sa mga nag ampon sa kanya ay nangarap na siyang makarating ng Maynila upang hanapin ang kanyang tunay na ina, kaya mabilis na nahikayat si Berry ng bagong kakilala ng alukin siyang makapagtrabaho sa Maynila at agad niyang sinunggaban ang oportunidad na iyon ng hindi na nagdalawang isip pa. Pagkarating sa Maynila ay ibinenta naman siya ng recruiter niya sa may ari ng isang sikat na night club na ang mga costumer ay mga mayayaman. Sa angking kagandahan at kaseksihan ng dalaga ay maraming lalaki ang gusto siyang maangkin at isa na sa kanila si Jayden Curtis, ang binatang CEO ng GC Construction Company na pagmamay-ari ng pamilya nila. Na love at first sight ang binata sa dalaga kaya nais niyang tulungan si Berry na makaalis agad sa club. Ngunit hindi iyon naging madali para kay Jayden, dahil sa pinagkaguluhan ang kagandahan ng dalaga ay ipina-auction si Berry ng may ari ng club at na bid ang dalaga sa napakalaking halaga. 20 Million pesos ang naging last bid ng bidder mapasakanya lang ang kaakit-kaakit na si Berry Marasigan.
Romance
1018.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Ex-Wife Comeback

The Billionaire's Ex-Wife Comeback

Isabel G
Minahal ko siya sa kabila nang malamig niyang trato sa akin, ngunit sa huli ay parang basura niya lang kung itapon ako sa pagbabalik ng kaniyang unang pag-ibig. Pero hindi ako papayag na mauwi sa wala ang mga araw na natitira sa akin. Hindi mo na ako maaangking muli, President Riego!
Romance
44.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Missing Heir

The Missing Heir

MERIE
Nakidnap si Alyssa, isang kilalang aktres-model sa hindi niya malamang dahilan. Nang makakakita siya ng pagkakataon, nagawa niyang makatakas mula sa mga kumidnap sa kanya. Sa kanyang pagtakas, napadpad siya sa isang isla. Doon niya nakilala si Mark. Si Mark ay isang military man. Iyon ang buong akala ni Alyssa tungkol sa binata. Ngunit hindi pala. Ang pagkatao pala nito ay nababalot ng isang sikreto. Sikreto na noon lang muli mauungkat. Sino ba talaga si Mark? Ano kaya ang sikreto sa likod ng pagkatao nito? Magiging hadlang kaya ang sikretong ito sa namumuong pagmamahalan sa pagitan ni Alyssa at Mark?
Romance
3.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Following The Ferrario

Following The Ferrario

"Babayaran kita sa kahit magkanong halaga basta't paligayahin mo lang ako." Wala nang ibang nagawa si Karen kundi tanggapin ang alok ni Mr. Valer Ferrario nang sabihin ito sa kaniya. Ano bang magagawa niya sa sunod-sunod na negatibong nangyayari sa kaniyang buhay; na-ospital ang kaisa-isang anak, pinalayas sa tinutuluyan nilang apartment at natanggal pa sa trabaho. Kaya't kahit labag sa loob ay sumang-ayon siya sa alok ng mayamang lalaking ito. Alam niyang magagamit niya ito para magkaroon ng maraming pera. Ngunit paano kung magkaroon din siya ng pagtingin kay Mr. Ferrario? Sa lalaking pamilyado na?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Hacienda Del Puedo #1 Hara

Hacienda Del Puedo #1 Hara

Si Hara Del Puedo ay kilala sa buong hacienda bilang pinakamabait, pinakamadaling lapitan at higit sa lahat ay pinakamatapang na apo ni Don Ernesto. Iginagalang at minamahal siya ng mga tauhan nila. Sa edad niyang bente anyos ay marami na siyang naranasan katulad ng isang insidente limang taon na ang nakakaraan. Dahil dito ay umalis ang dalaga sa Hacienda Del Puedo upang makalimot. Ngayon, nagbabalik na si Hara sa kaniyang bayang sinilangan upang harapin ang malagim na trahedya ng kahapon. Sa kaniyang pagdating ay may isang Xandro na naghihintay sa kanya. Kasabay ng mga alaalang muling nanunumbalik ay ang pagkahulog ng loob ng dalaga sa lalaking katulad niya ay may amnesia rin. Sa tulong ng binata ay gagawin ng dalaga ang lahat upang hanapin ang mga totoong salarin sa Hacienda Del Puedo massacre. Unti-unting makakamit ng dalaga ang hustisya ngunit maraming hadlang ang sa kaniya'y naghihintay. Pakiramdam ng dalaga ay pilit ibinabaon ng sinuman ang katotohanan upang wala siyang matuklasan. Gamit ang tatag ng loob at determinasyon ay malalaman ni Hara ang mga lihim ng kahapon kasama na rin ang mga sikreto ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang katotohanang akala niya ay magpapalaya sa kaniya ay muli palang susugat sa puso niyang durog na durog na kaya gagawin ni Xandro ang lahat upang muling mabuo ang dalagang ngayon ay hindi na kayang magtiwala pa sa kahit sino man.
Romance
9.936.5K viewsCompleted
Read
Add to library
HER TURN TO BREAK HIM

HER TURN TO BREAK HIM

Synopsis Sa mata ng lahat, si Safara Gomez ay isang simpleng estudyanteng nerd na walang kapansin-pansin—laging nakasuot ng makapal na salamin at simpleng damit. Ngunit ang hindi nila alam, si Safara ay anak ng isang mayamang angkan, may taglay na katangi-tanging ganda, at itinago lamang ang kanyang tunay na pagkatao upang makaiwas sa mapanirang intriga ng mundo ng mga mayayaman. Sa kabila ng kanyang pagpapakumbaba, hindi siya nakaligtas sa pang-aapi ng mga kaklase, lalo na ng elitistang grupo ni Sabrina. Gayunpaman, nanatili siyang matatag dahil sa pangarap na makatapos ng pag-aaral. Ngunit isang pustahan mula kay Vince Rosales, ang gwapo at sikat na campus heartthrob, ang nagdala sa kanya sa pinakamasakit na karanasan sa buhay niya. Sa gitna ng pagkabigo at pagkasira ng puso, napilitan si Safara na ilantad ang kanyang tunay na katauhan sa isang grandeng beauty pageant na ginanap sa kanilang campus. Sa kabila ng pagkagulat ng lahat, siya ang naging sentro ng atensyon at itinanghal bilang reyna ng gabi. Ngunit hindi iyon ang huling sorpresa ni Safara—sa parehong gabi, iniwan niya ang eskwelahan, dala ang pangakong babalik siya hindi para magpatawad, kundi para maghiganti sa mga taong nagmalupit sa kanya. Handa na si Safara na muling ipakita ang kanyang lakas at talino. Ngunit paano kung ang kanyang pagbabalik ay hindi lang magdulot ng hustisya, kundi muling buhayin din ang sugatang puso?
Romance
105.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4041424344
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status