Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Escaping From My Knight

Escaping From My Knight

Tinkasan ni Naomi ang impyernong bahay na kinalakihan niya. Buong akala niya ay magkakaroon na siya ng kumpleto at masayang pamilya nang may umampon sa kanyang mag-asawa. Ngunit isang sindikato pala ang mga ito, pinalaki, pinag-aral, at binihisan siya ng mga kinalakihang magulang upang pagkakitaan. At bago pa tuluyang masira ang buhay niya, buwis buhay ang pagtakas na ginawa niya palayo sa mga ito. Sa di inaasahang pagkakataon, nakilala niya si Conrad, isang simpleng construction worker. Binigay niya ang sarili niya sa lalaking unang beses niya pa lamang nakita at nakilala. Natagpuan na lamang niya ang sarili na nagpaubaya sa lalaking estranghero sa buhay niya, dahil hindi niya maatim na ibenta siya ng mga sindikatong umampon sa kanya at higit sa lahat hindi niya kayang lunukin na kung sino-sino lang ang gumamit sa katawan niya. Ang buong akala niya ay iiwan na niya ang lahat ng iyon sa paglayo niya, hanggang sa isang araw ay nagkrus muli ang landas nila ni Conrad. Ang simpleng construction worker na nakilala niya ay inaalok siya ng kasal upang matakasan ang mga babaeng naghahabol dito.
Romance
10463 viewsOngoing
Read
Add to library
My Sister's Fiancé

My Sister's Fiancé

PoisonIvy
Iniidolo ni Carmela ang ate Olivia niya dahil bukod sa maganda na ito at matalino, ay mabait din ito. Ito na ata ang pinakapinagpala na babae sa mundo. Idagdag mo pa na may mapagmahal itong fiancé. Pero katulad ng sinasabi nila, lahat ng bagay ay may kapalit. Olivia is dying. Matagal na pala nito itinatago sa pamilya nito ang sakit. They only find out two weeks before the wedding. Gusto ni Olivia may maiwang magmamahal kay Jared kahit wala na ito. And her dying wish is to Carmela to get married with Jared. Noon pa man ay crush na crush na ni Carmela si Jared, pero isinasarili niya lang iyon dahil ayaw niya mag-isip ng hindi maganda ang ate niya. Pumayag siya sa hiling ng ate niya, pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay ipinaparamdam ni Jared na walang makakapalit sa pagmamahal nito kay Olivia, kahit siya pa na kapatid ni Olivia at kahit pa kasal na silang dalawa.
Romance
652 viewsOngoing
Read
Add to library
Suddenly, I'm Married

Suddenly, I'm Married

breathe.shaiy
Eletheria Aurelius was bound to be married to a famous, rich and powerful man. Ngunit ang problema ay hindi niya man lang ito kilala. Nang malaman niya ang plano ng kaniyang mga magulang na ipakasal siya sa isang misteryosong lalaki, nag-walk out siya. Sa pag-walk out niya, napunta siya sa isang hotel kung saan may kahati siya. She has a roommate. And that roommate of her became the bridge for her to be free from her supposed to be marriage. She left their city and had her adventure. Pero may isang lugar siyang gustong puntahan ngunit eksklusibo lamang ito para sa pamilyang Ferrer. Ang Paraiso de la Ferrer. Desperada siyang naghanap ng paraan para makapasok sa eksklusibong lugar na iyon hanggang sa may nakilala siyang isang mayabang na lalaki, si Acanthus Ferrer. Naiirita siya sa lalaki ngunit wala na siyang ibang maisip na ibang paraan para mapasok ang lugar na 'yon. Hanggang sa isang araw, natagpuan niya na lang ang sarili niya na pumipirma sa isang marriage contract at sumasang-ayon sa mga kagustuhan ng lalaki. "Umalis ako at nagpakalayo layo dahil tinakasan ko ang kasal ko. Then, what? Suddenly, I'm married?!"
Romance
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Art of Destiny

Art of Destiny

Juanmarcuz Padilla
Dahil sa labis na pagkagahaman sa yaman, ang lihim pala ng pagpapakasal ni Rose Mary Gaile De La Luna Villadencio kay Kent Jino Zeke Domingo ay isang plano ng paghihiganti. Walang alam ang binata na matagal na itong pinagplanuhan ng ama ni Rose Mary na si Jonathan Villadencio at maging ang lihim na relasyon nina Rose Mary at Drax Steve Del Valle. Ang kasal ang magiging katuparan ng masamang tangka ng pamilya kay Jino at sa mga taong mahal niya. Hanggang sa nagising na lamang si Jino sa isang Isla sa Palawan na taglay ang pangalan ni Jino Favila, ang yumaong nobyo ni Naikkah Mae Miraflores. Kung sining ng tadhana ang naganap para magkita sina Jino at Naikkah, sapat na ba ang pagkikita nila para sabihin na sila talaga ang para sa isa't isa? Paano ang pagiging legal na asawa ni Jino sa kay Rose Mary? Sino kaya ang pipiliin niya? Ang dating pag-ibig na nagdala sa kaniya sa kapahamakan? O ang isang buhay na nasa sinapupunan ng babaeng hindi niya kilala pero natutunan na niyang mahalin?
Romance
102.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Betrayed Wife

The Betrayed Wife

Siya ang pinaka magandang babae para sa asawa niyang si Liam,pero noon iyon.....noong panahon na wala pa siyang malubhang karamdaman. Ang mas masakit na nadiskubri niya ay ang relasyon nito sa kababata nitong si Nathalie. Hindi niya masumbat si Liam at ang kabit nito dahil alam niyang darating ang panahon na mamamatay siya. Pero isang trahedya ang dumating sa buhay ni Amaiah.Akala ng lahat ay patay na siya pero iniligtas siya ng isang taga isla nang sumabog ang yate na kanyang sinasakyan. Sa islang 'yon ay natuto siyang lumaban.They trained her to be an assassin.Naging mabuti na rin ang pakiramdam niya sa islang iyon, totally free from cancer. May sumasabotahe ba sa kanya dati at puro kasinungalingan lamang ang sakit niya? Ano kaya ang madidiskubri niya sa muli niyang pagbalik sa buhay ni Liam bilang si SERENA? Mananaig ba ang kanyang pag-ibig sa dating asawa na ngayon ay kasal na kay Nathalie? o mas mananaig sa kanya ang kagustuhan na paghigantihan ang mga taong tinraydor siya? Ito ang istorya ni Amaiah aka " The Betrayed Wife"
Romance
1046.8K viewsOngoing
Read
Add to library
THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE

THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE

"5 Million, kapalit magpakasal sa akin!" Isang hindi kilalang lalaki ang bigla na lang nag-alok kay Kara Smith Curtiz ng isang kasunduang hindi niya inaasahan. Si Kara, 23 years old, ay anak ng dating mayamang pamilya, ngunit matapos malugi ang kanilang kumpanya, nagkaroon ng stroke ang kanyang ama at halos mawalan ng pag-asa ang kanyang ina. Bilang panganay, pasan niya ang responsibilidad na ibangon muli ang kanilang pamilya. Sa desperasyon, napilitan siyang tanggapin ang kasal sa lalaking hindi niya kilala. Ngunit sino nga ba siya? At bakit siya handang magbayad ng ganoon kalaking halaga para lang mapakasalan siya? Habang unti-unting nakikilala ni Kara ang lalaking ito, natuklasan niyang hindi lang ito basta isang estranghero. May lihim siyang dahilan, at sa kabila ng malamig at misteryosong ugali nito, may isang ng lahat, ang pinansyal na transaksyon ay mauwi sa isang bagay na hindi niya inaasahan—pag-ibig?
Romance
1017.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Taming The Wild CEO (Tagalog)

Taming The Wild CEO (Tagalog)

Ethan Choi
[Mature Content] Sa halos apat na taon, sekretarya si Ella Stanford kay Javier Summers, at loob ng panahon na iyon, palagi niyang nilalabanan ang nararamdaman para rito. Jave was undeniably sexy, pero alam ni Ella na hindi siya mahuhulog kailaman sa isang babaero. Ni minsan, ‘di man lang siya nito binigyang pansin. Kahit hindi naman ito naging problema para kay Ella, kinimkim niya itong mag-isa. Hanggang sa isang araw, sa magarbo at sosyal na birthday party ni Jave, dumating si Ella na suot ang isang napakagandang pulang dress, kasabay ang isang accessory: another man. Isang business trip sa Sicily, Italy kasama si Jave ang nagtulak sa kanila upang mas mapaglapit pa. Kinailangan pa ni Jave na magpanggap na mapapangasawa ni Ella para lumayo ang kanyang manliligaw. Soon, this led to an intense, passionate affair. Pero nang magdulot ng ‘di inaasahang pagbubuntis ang mainit na pagtatagpong ito, papayag ba ang isang malayang CEO na magpatali sa kasal? Naglalaman ang kuwentong ito ng mga sekswal na eksena at ‘di angkop na mga salita.
Romance
10.6K viewsOngoing
Read
Add to library
BETWEEN LOVE & LIES

BETWEEN LOVE & LIES

Limang Milyon! Limang Milyon ang magiging kapalit ng buhay ng fiancé ni Alexa. Matindi ang pinsalang tinamo ng lalaki mula sa isang malagim na aksidente at sa ngalan ng pag-ibig handa siyang gawin ang lahat upang mailigtas ang buhay ng lalaking labis niyang minamahal. Kaya pikit mata siyang pumayag na ibigay ang kaniyang puri sa isang estranghero h’wag lang mawala si Jake. Ngunit paano nga ba niya haharapin ang buhay niya ngayon, kung dinadala na niya sa kaniyang sinapupunan ang sanggol na naging bunga ng gabing iyon? Makakaya pa ba siyang tanggapin ni Jake pati na rin ang kaniyang anak?  Gayung konserbatibo ang lalaki kaya nga sa loob ng limang taon nilang dalawa bilang magkasintahan ay iginalang nito ang kaniyang pagkababae. O mas tamang piliin na lamang niya ang alok na kasal ni Luis Antonio dela Merced ang mayamang lalaki na nakabuntis sa kaniya upang bigyan ng magandang buhay ang kaniyang anak kahit pa walang pag-ibig na namamagitan sa kanilang dalawa?
Romance
10194 viewsOngoing
Read
Add to library
Eternally

Eternally

Isang car accident ang kinasangkutan ng sikat na nobelista na si Jia Molejon. Ang beinte-singko anyos na dalaga, nakatakda na sanang ikasal sa anak ng Gobernador ng kanilang probinsiya. Sikat at maimpluwensya ang kasintahan nitong si William Cervantes. Ang kanilang kasal na tila hinadlangan ng trahedya. Nagising si Jia mula sa mahabang panahon na pagka-comatose. Ngunit nang magising ito, tila nagbago na ang mundo niya. Bagong kapaligiran, bagong kabanata. Nagising siya sa katauhan ng isang nagngangalang Matilda. Tila nagkatotoo ang mga kwentong-pantasya na dati ay isinusulat lamang niya. TIME TRAVEL. At sa lumang mundo, tila kaya niyang baguhin ang tadhana sa hinaharap. Ngunit paano kung mas nagugustuhan niya na ang lumang panahon, ang panahong kaedad niya ang kaniyang Abuela? O, dahil sa lumang panahon niya rin nakilala ang lalakeng bahagi na ng mga libro ng kasaysayan, si Macario Manlapaz Apolinario na nagpakulo ng kaniyang dugo ngunit palihim na nagpatibok ng kaniyang puso. Sa mundo ng kahapon at kasalukuyan. Paano pipigilan ang itinakda ng tadhana?
Romance
10566 viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire’s Bride: The Classroom Deal

Billionaire’s Bride: The Classroom Deal

Si Allison Reyes ay isang simpleng guro na ang gusto lang ay makaraos sa bawat araw; makabayad sa gamot ng tatay niya, makapagturo ng tahimik, at mabuhay nang disente. Pero nagulo ang mundo niya nang isang viral photo ang nag-ugnay sa kanya sa lalaking ni wala man lang siyang planong kausapin. Walang iba kundi ang may-ari ng eskwelahan, si Zion Almonte. Mayaman, malakas ang dating, at malamig ang pakikitungo ni Zion sa lahat. Pero sa likod ng itsura at yaman, desperado rin siyang ayusin ang pangalan niya. Kaya’t inalok niya si Allison ng kasunduan: isang taong peke nilang kasal kapalit ng pambayad sa hospital ng ama nito. Walang feelings na involved, walang komplikasyon, tanging business lang. Pero paano kung habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, may mga tingin at kilos silang nagagawa na hindi parte ng usapan? Paano kung kahit anong iwas nila, may parte pa rin ng araw-araw nila na unti-unting nagiging totoo?
Romance
421 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status