Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
isa Pala akong Batang Bilyonaryo

isa Pala akong Batang Bilyonaryo

Isang Batang Lalake ang Nabuhay na Mag isa, Dahil ang kaniyang magulang Ay namatay nang si Brayan Brilliones Ay 8 Years Old Palang, at Tanging mag bubukid ang kaniyang kinabubuhay habang nag Aaral si Brayan Brilliones, bago ito pumasok ng School, si Brayan ay nag titinda muna ng mga Gulay at Prutas na tanim nito sa Kaniyang Bukid kaya sa Araw araw na ginagawa ni Brayan ito, si Brayan ay nakapag Tapos ng 4th Year High School pagkalipas ng ilang araw, tuloy tuloy si Brayan sa kaniyang kasipagan habang naka iipon ito para sa kaniyang kinabukasan hanggang isang Araw, nagbago ang buhay ni Brayan simula nang nag Invest siya nung Bata pa lang siya sa isang Crypto Currency ng FTNS Corporation na ang Value nuon ay 0.01 Sentabos lang, ngunit pagkalipas ng ilang taon, ang Pera na Inimvest ni Brayan ay umabot ng 99 Trillion Pesos dahil ang value ng Crypto nya dati ay umabot na sa 330,000 pesos ang Value Ang Ama ni Brayan Brilliones ay isang napaka husay Fighter sa kanilang Lugar, ngunit ang Ama ni Brayan ay hindi kaylan mab sumasali sa mga Tournament, kaya mas pinili nalang nito ang maging Coach isang Araw si Brayan ay isinaman ng kaniya Ama sa Studio na kaniyang pinag Tuturuan, habang may Lumapit sa kaniyang Ama at binigyan siya ng isang Treasure Map, kaya ng Magtatanong pa si Zaldy Brilliones ang Ama ni Brayan, ay bigla nalang ito nawala, ngunit ang hindi alam ni Zaldy Brilliones, si Brayan ay Binigyan ng Matanda ng isang Magic Item, ito ang Red Brilliant Stone na Singsing may Apat na uri ng Brilliant Stone, ito ang Black, Blue, Green at ang pinaka Malakas sa lahat ng Brilliant Stone ay ang Red Brilliant Stone ni Brayan kaya naman si Brayan Brilliones ang Pinaka Mayaman at Pinaka malakas sa Kasaysayan
Fantasy
9.547.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Today Until Forever

Today Until Forever

yourpurpleXhie
Si Serenity Delpino ay isang pihikan at bitter na dalaga. May trust issues siya because of her past relationship and past experience. Hanggang sa umeksena sa buhay niya ang isang richman and womanizer na si Braiv Jexon Velazco. Ang dating tahimik at simpleng buhay niya ay magbabago. Paiibigin siya ng lalaking una pa lang ay kinaiinisan niya na. Pagkatapos niyang mapaibig ay masasaktan siya dahil malalaman niyang ang lahat ng ito ay planado lamang ni Braiv. Muli na namang masisira ng isang lalaki ang tiwala niya at mangangako siya sa sarili na hinding hindi na magmamahal pang muli. Ngunit pagkalipas ng ilang taon ay pagtatagpuin na naman sila ng mapaglarong tadhana. Madidiskubre niyang si Braiv ay parte pala nang nakalimutan niyang nakaraan, her childhood memories. Madudugtungan pa ba ang naudlot nilang istorya? Posible pa bang magmahal ang babaeng hindi na naniniwala sa tunay na pag-ibig, o may pag-asa pa ba talagang magbago ang lalaking walang planong magseryoso at magmahal?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
MARRY ME, MR. BILLIONAIRE

MARRY ME, MR. BILLIONAIRE

MATAPOS ang kanyang business trip, nagulat na lang si Eloisa Sandoval nang makauwi siya at natuklasan na nakabalik na ang ate niya na matagal nang hindi nila nakakasama. Isa pang balitang nakagimbal sa kanya sa pagbabalik niya ay nang malaman niya na ang kanyang long-time boyfriend ay engaged na. Ang malala pa, engaged ito sa ate niya na matagal na nawala sa piling nila. Pakiramdam niya ay nilapastangan siya ng lahat at pinagtaksilan. Nawala sa kanya ang lahat. Maging ang kumpanya na matagal niyang pinaghirapang mapalago ay napunta sa ate niya. Pero sa isang hindi inaasahang pangyayayari, she found a knight in shining armour in the identity of Maximo Walton. Ang mismong uncle ng kanyang ex-boyfriend. Hindi siya nag-atubili na alukin ng kasal si Maximo. Ikinagulat niya ang pagpayag nito nang walang pag-aalinlangan. Nang mawala ang lahat sa kanya, sisikapin niyang kumapit sa isang taong malapit sa lalaking nangwasak sa puso niya. Walang ibang nasa isip niya kundi ang paghihiganti. Babalik siya at babawiin niya ang lahat.
Romance
1055.4K viewsCompleted
Read
Add to library
GUERRERO LEGACY 1: ADRIELLE GUERRERO

GUERRERO LEGACY 1: ADRIELLE GUERRERO

Bryll McTerr
Bilang isa sa walong tagapagmana ng Octagon, isang mafia organization na namamayagpag hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong Asya at sa iba pang karatig na kontenente ay walang kinatatakutan si Adrielle Guerrero. Para sa kanya ay hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay. Because why not? She has everything that every woman could ask for and she can defend herself as well. Pero nang makilala niya si Cougar Falcon, ang secret agent na nagtatago sa pangalang "Bob" ay biglang nagbago ang lahat para kay Adrielle dahil sa unang pagkakataon ay bigla niyang na-realize na mahina pala siya...mahina sa tukso kapag nasa tabi niya ang lalaki. Ngunit paano kung matuklasan niya ang tungkol sa totoong pagkatao ng lalaki at ang tunay nitong motibo sa pagpasok sa Octagon? Kaya kayang tanggapin ng puso ni Adrielle ang panlilinlang ni Cougar o pagbabayarin niya ito ng dugo gamit ang sarili niyang mga kamay?
Romance
103.7K viewsOngoing
Read
Add to library
When We Collide

When We Collide

Margaux Andrea dela Paz, mapag-mahal at mabait na ate sa kaniyang kapatid. Iniwan sila sa kanilang magulang kaya kailangan tumigil ni Margaux sa pag-aaral para mag-trabaho para may pang-tustos sa pang araw-araw na kakainin nila at sa pag-aaral ng kaniyang kapatid. Hanggang sa hindi na sapat ang kaniyang suweldo at kailangan niyang humanap ng trabaho na malaki ang sahod. Isa sa mga ka-trabaho niya ay nag-suggest na mag-trabaho bilang stripper. Noong una ay nag-alinlangan pa ito pero kalaunan ay pumayag din. Naging maganda naman 'yong unang linggo niya hanggang sa isang gabi ay may bigla nalang lumapit sa kaniya na lalaki. Hindi niya alam na 'yon pala ang gugulo sa kaniyang buhay. Araw-araw silang nagkikita sa bar. HangganUg sa nagkakamabutihan at naging sila na nga. Isang araw, nagulat nalang si Margaux nang mabalitaan na may nakatakda na palang magiging asawa ang kaniyang nobyo. At sa araw din na iyon ay nalaman niya buntis pala siya.
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
THEN AND NOW

THEN AND NOW

Claude Yuchengco is a responsible son, student and a very independent man. He studied a lot and take everything seriously because he always wanted to help his family. Ayaw niyang makitang nahihirapan ang mga magulang niya. Hanggang sa dumating ang araw na natuto siyang magmahal. Ngunit sa mura niyang isipan ay naranasan niya lahat ng pinakamalalang trahedya sa buhay niya. The person he really love hurt him, at ang taong kinapitan pa niya ng sobra ay kinuha sa kaniya. Akala niya hindi na siya makakaahon pang muli sa pagdurusang ibinibigay ng mundo pero kakayanin niya. Ngunit paano kung dumating ang pagkakataong bumalik ang taong minsan ay minahal niya noon at malamang pinaglaruan lamang pala sila ng tadhana. Ilalaban ba niya? Lalaban ba siya? Ilalaban pa ba ng bawat isa kung ang pag-ibig na nagsimula noon ay sariwa padin pala hanggang ngayon? Are they going to dig the love that they've burried many years ago? A love that started since then until now.
LGBTQ+
106.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Grumpy Boss (Taglish)

The Grumpy Boss (Taglish)

Being left behind by the people she cherished, Lura Elise Abejero wants nothing but to end her suffering. Unfortunately, fate brought her broken self to the cold yet ravishingly hot business magnate, Lucio Gavin Cradford—not to neither fix nor save her but the other way around. After she lost the man she thought she would grow old with, she vowed to never love again. But her heart is indeed stubborn. Muling tumibok ang kaniyang puso at kahit malubak ang daang tinatahak niya patungo sa lalaking bagong minamahal ay masaya siya. Ngunit sadyang mapaglaro at mapait ang tadhana kay Lura. Dahil ang inakala niyang taong tuluyang bubuo sa basag niyang pagkatao ay siya pang muling sisira sa kaniya. Lumulubog na nga siya sa kumunoy, pilit pa siyang itinutulak pailalim nang bumalik ang isang parte ng kaniyang nakaraan na akala niya matagal nang naibaon sa hukay. Would she still hold on to the man who broke her trust and took her love for granted? Or would she rather bring back the love she had long forgotten?
Romance
1012.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PRETENDING AS MY TWIN SISTER

PRETENDING AS MY TWIN SISTER

Si Amythist at Amberlyn ay kambal at talaga namang magkamukhang magkamukha ang mga ito, kung wala lang pagkakaiba sa ayos ng buhok, pananamit at ugali ay malilito ang kahit na sino kapag nakita ang dalawa. Hindi maganda ang pakikitungo ni Amber kay Amy kaya lahat gagawin ni Amy upang magkaayos silang magkapatid. Hanggang sa humingi ng pabot si Amber sa kapatid na magpanggap ito bilang siya. Kahit Labag sa loob ni Amy na magpanggap bilang Amber sa nobyo ni Amber na si Dominic ay pumayag na ito alang alang sa pangako ni Amber na magiging maayos na ang pakikitungo nito kay Amy sa loob ng dalawang buwang pagpapanggap. Mabuko kaya si Amy ni Dom na hindi talaga siya ang totoong Amber? at ano ang dahilan kung bakit gusto ni Amber na magpanggap si Amy bilang siya? Magiging maayos ba talaga ang relasyon nilang magkapatid o mas lalo pang kamumuhian ang isa't isa.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance

The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance

Mapipilitan si Sandy na umalis sa kinalakihan niyang lugar sa probinsiya para sa isang kasal. Kinuha siya ng magulang niya para ipakilala siya kay Dwight Montemayor, ang lalaking hindi na nagawa pang makalakad dahil sa isang aksidente. Pumayag si Sandy na ipakasal siya kay Dwight hindi dahil mayaman ang pamilya nito. Meron siyang malalim na dahilan kaya pumayag siyang makasal sa binata, ngunit sa kabila ng lahat ay magiging magulo ang buhay ni Sandy sa poder ng kanyang magulang dahil sa kanyang kapatid na si Amara. Laging ito ang mas magaling at mabuti, kahit kabaliktaran naman lahat ng pinapakita nito kay Sandy, at isa pa, ang iniibig ng kanyang kapatid ay ang kanyang mapapangasawa, si Dwight. Kaya mas lalong magiging magulo ang lahat sa pagitan nila Amara at Sandy. Muli kayang makalakad pa si Dwight? Darating pa kaya ang panahon na mapapatawad ni Sandy ang kanyang magulang?
Romance
106.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)

Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)

Youniqueen
Nagimbal ang mundo ng labinpitong taong gulang na si Elyne nang matuklasan ang isang sikretong matagal na panahong inilihim sa kan’ya. Dala ng matinding galit, unti-unting binago ng masakit na katotohanang iyon ang tahimik niyang buhay. Iyon din ang nag-udyok sa kan’ya upang tahakin baluktot na landas na hindi niya ginusto. Kailanman ay hindi niya naisip na ganitong kapalaran ang ibinigay sa kan’ya ng mapaglarong tadhana. Ni sa hinagap ay hindi rin niya naisip na magiging magulo ang kan’yang buhay. Maniniwala pa kaya siya na babalik din ang lahat sa dati? Maniniwala pa kaya siya na darating ang araw na mararanasan niyang maging masaya ulit? Maniniwala pa kaya siyang pagsubok lang ang lahat ng nangyayari? Maniniwala pa kaya siyang mayro’n pang natitirang pag-asa? Pero paano nga ba niya magagawang maniwala kung pakiramdam niya, pati ang Diyos na lumikha’y kinalimutan na rin siya?
1029.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status