Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Womanizer Series 03: Wyatt Rodriguez

Womanizer Series 03: Wyatt Rodriguez

Blazingfire
Wyatt Rodriguez is one of the womanizer in town. Walang araw na wala itong babae. Sa tuwing nagba-bar ito ay palagi itong may naikakama sa iba’t-ibang hotel. Halos suki na nga ito ng mga hotel at kilala na ito ng mga staff. He own one of a hotel, pero hindi siya doon nagche-check in. He still remains as a respective boss in his employees. Madison Rewis, ang kanyang kababata na kapitbahay niya. Isa itong medyo boyish kung gumalaw at amazona pagdating kay Wyatt. Dahil sa sabay na lumaki ang dalawa ay alam na nito ang ugali ng isa’t-isa. Ang hindi alam ni Wyatt ay matagal na pa lang may gusto sa kanya ang dalaga kahit pa alam nitong womanizer siya. Tanggap nito kung ano at sino man ang binata. They are friends dahil sa magkakumare ang mga magulang nila at minsan dumadalaw ito sa bahay nila dahil close ang dalaga at ang mommy nito. Pero kahit pa magkaibigan sila ay para pa din silang aso’t-pusa dahil palaging ini-interupt ni Madison ang binata kapag may kasama itong babae dahilan para mainis sa kanya ito. Ginagawa nito ang lahat para walang makuhang babae ang binata. Minsan nagtatagumpay ito, minsan naman hindi. Isang araw dahil sa gustong-gusto ng mommy ni Wyatt ang dalaga ay napagdesisyonan nito na ipakasal ang dalawa. Agree naman ang mga magulang ng dalaga dahil alam nilang magiging mabait na asawa ang binata dito. Magiging masaya kaya ang buhay mag-asawa ng dalawang tao na parang aso’t-pusa kung magbangayan araw-araw. Madison loves him very much that she will do everything just to make Wyatt love her back. But can she really make really make Wyatt Rodriguez, a womanizer, into a loyal husband? Hanggang saan ang makakaya niya sa pagiging babaero nito?
Romance
2.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Babysitting my Billionaire Ex-Husband

Babysitting my Billionaire Ex-Husband

(Nexus Almeradez's story) Annulled si Amara Stephanie sa kanyang asawa. Two years later, nakatanggap siya ng tawag mula sa pamilya nito. Na-aksidente ang dati niyang asawa at tanging siya lang ang naalala nito. Naki-usap sa kanya ang pamilya ng dating asawa na manatili siya sa tabi nito at tulungan itong makaalala. They offer her a big amount of money that she couldn’t resist. Kailangan niya iyon sa expansion ng kanyang business. Tinanggap niya ang offer, nasa isipan na trabaho lamang at walang personalan. Sa perspketibo ng dati niyang asawa, kasal pa sila kaya kung umasta ito ay parang wala itong kasalanan sa kanya. Kung kumilos ito ay parang noong dating mag-asawa pa sila. Nilalambing, binibigyan ng bulaklak at kahit hirap ay inaalala siya nito. Those gestures of him make her weak again. Nexus Almeradez is a walking trouble that she should avoid. Kumakatok na naman ito sa puso niyang nagsisimula na naman mahulog dito. She’s falling for him again and again. Oh no—yes!
Romance
10174.1K viewsCompleted
Show Reviews (27)
Read
Add to library
pariahrei
Vioxx Almeradez story is UP! nasa Sebastian's Downfall book. kasunod ng story ni Sevirious Rocc. Sebastian's Downfall (Sebastian and Neshara Story) Womb for Rent (Sevirious and Kaye Story) Mommy Nanny (Vioxx and Danica Shane story)
Nihan
Congratulations po ms.pariahrei! Isa na namang kuwento ang natapos ninyo. Kahit sinabi ninyong toxic ang story ni Steph at Nix , masasbi kong isa prin ito sa magagandang kwentong nabasa ko. Aabangan ko po ulit ang next story ninyo.
Read All Reviews
Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger

Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger

Hindi kailanman inakala ni Hestia Vale na ang simpleng blind date na dinaluhan niya sa Araw ng mga Puso ang magiging simula ng pinakamasalimuot na kabanata ng buhay niya. Ang plano lang niya noon ay makatakas sa mapang-abusong tiyahin at magkaroon ng bagong simula, pero natapos ang gabi na ikinasal siya sa isang lalaking ngayon niya lang nakilala. Misteryoso. Malamig. Mapanganib. ’Yan si Lucian “Ian” Escalera, ang lalaking nag-alok ng kasal na parang isang business deal. Sa bawat titig at bawat salita nito, alam ni Hestia na may itinatago siya—isang lihim na maaaring magpabago ng lahat. Akala ni Hestia, ligtas na siya sa mga kamay ng pamilya niyang mapagsamantala. Pero nang makilala niya ang tunay na pagkatao ng napangasawa—ang tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking korporasyon sa bansa—mas malaking gulo ang naghihintay. Sa pagitan ng kasunduang kasal at mga lihim na unti-unting nabubunyag, pipilitin ni Hestia na protektahan hindi lang ang puso niya, kundi pati ang kalayaan niyang pinangarap. Ngunit paano kung ang lalaking dapat ay iwasan niya… ang siya ring unti-unting minamahal?
Romance
10156 viewsOngoing
Read
Add to library
The Shoemaker

The Shoemaker

Achyxia
Napakarami na ng problema ng bayan ng Garapal dahil sa bilang ng mga krimeng nangyayari ngunit parang mas malaki pa yata ang problema ni Ruanne. Nais lang naman ni Ruanne na makalimot sa pangangaliwa ng nobyo niya na sa kaaway pa niya napiling makipaglandian. Ngunit ang taksil niyang puso ay hindi umaayon sa gusto ng kanyang isip. Sa gitna ng kanyang pagmomove-on ay nakilala niya si Pio, ang isa sa mga staff ng sikat na tindahang 'The Shoemaker'. Ang 'The Shoemaker' lang naman ang pinakasikat na tindahan ng sapatos na mayroon lamang isang branch na nakapuwesto pa sa tapat ng boutique ni Ruanne. Ito lang din naman ang magiging kalaban ni Ruanne kung sakaling simulan niya na ang kanyang shoe line. At ang tahimik na buhay ng binatang nag-aasikaso nito ay mabubulabog dahil sa alok ni Ruanne na maging pekeng kasintahan niya na siya namang tinanggap agad ng binata. Ngunit sa pagsunud-sunod ni Ruanne kay Pio, may malalaman siyang hindi dapat. At matatagpuan niya na lamang ang sarili niyang sinusunod ang lahat ng gusto ng binata, maging sa ibabaw ng kama. At hindi lang iyon, mapapasok niya pa ang delikadong mundo ng mafia.
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Traded Maiden

The Traded Maiden

She sold herself, was framed up and imprisoned for a man’s personal motives―By a rich and dark man just like his name, Dark Villaraigosa. Isinakripisyo niya ang sarili sa kapakanan ng pamilya pero siya ang napahamak sa kamay ng lalaking wala siyang ibang alam kung hindi tahimik at nakakatakot, liban sa katangian na gwapo at walang katulad – pero peligroso at parang bato.
Romance
1019.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir

Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir

Pinilit si Mariette ng kaniyang ama sa isang arranged marriage. At sa kagustuhan niyang tuluyang makatakas sa anino nito, pumayag siya. Ang mapapangasawa niya? Si Gideon Amir Masterson: ang lalaking sinasabi ng lahat na malapit nang kunin ni Satanas, may taning na tatlong buwan na lamang ang buhay. Walang pag-aalinlangan, pumirma siya ng marriage contract at tinanggap ang paunang bayad kahit hindi pa niya nakikita ang binata. Sa isip niya, hihintayin na lang niyang mamatay ito. Ngunit bigla siyang pinatawag ni Gideon. Pinapunta siya sa isang pribadong bar kung saan ito naghihintay. Pagpasok ni Mariette, halos yumanig ang kaniyang mundo. Napakaguwapo ng lalaking bumungad sa kaniya! Wala itong bakas ng kamatayan at sa paraan pa lang ng kilos at titig nito, parang kaya siyang lamunin nang buo. “Alam mo ba ang kasabihang ‘die for money’?” malamig na sabi nito. “Sinumang babaeng papasok sa buhay ko ngayon, iisa lang ang habol… pera.” Napakagat-labi si Mariette. Totoo naman, pera ang dahilan kung bakit siya pumayag para makawala sa kaniyang ama. Kaya’t tuluyan niyang nilaro ang apoy. “What if mahal na kita noon pa?” pagsisinungaling niya. Ngunit isang mapanuyang ngiti lang ang isinagot ni Gideon, saka itinapon sa mesa ang kanilang marriage certificate. “Divorce me.”
Romance
433 viewsOngoing
Read
Add to library
The Officer's Little Wife

The Officer's Little Wife

JMC
Para ma-proteksiyunan ay ipinasya ng lolo ni Azen na ipakasal siya sa isang sundalo na anak ng kaibigan nito. The cold and aloof, Commander Captain Jack Bernandino. Dahil mahal ni Azen ang kanyang lolo kaya pumayag siyang magpakasal kay Jack samantalang tumatanaw naman ng malaking utang-na-loob ang pamilya ni Jack sa namayapang ama ni Azen kaya ito pumayag na magpakasal sa dalaga. Subaybayan kung paano mahuhulog at iibig sa isa't isa ang dalawang taong magkasalungat ang ugali ngunit pinagbuklod ng isang pirasong papel. Ngunit isang kapirasong papel din ba ang sisira sa nabuo nilang pagmamahalan? Manaig kaya ang pag-ibig sa puso ni Jack o mangibabaw ang galit sa kanyang dibdib? Makakaya bang pakisamahan ni Jack ang pasaway at batam-batang asawa samantalang mapagtiisan naman kaya ni Azen ang masungit at aloof na binatang sundalo?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
ANG PIYAYA NI PIPAY

ANG PIYAYA NI PIPAY

“Pipay!” galit na sigaw ng aking madrasta mula sa kanyang silid habang abala sa pag-aayos ng kanyang mukha. Halos magputok ang ugat sa kanyang leeg, na para bang ako ang dahilan ng lahat ng problema niya sa buhay. “Bakit po, Madam?” mahinahon kong sagot habang tuloy sa paglalampaso ng sahig. “Madam”—iyon ang itinawag niya sa akin mula pa noong una, at dahil sa takot, hindi ko na rin inusisa kung bakit. Ako nga pala si Piazza Fontana Vega, o mas kilala bilang Pipay. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ako, ngunit hanggang Grade 5 lang ang naabot ko. Natigil ako sa pag-aaral noong mag-asawa muli ang aking ama. Simula noon, naging parang alipin na ako ng aking madrasta. Araw-araw, pareho lang ang eksena sa bahay. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawain habang si Madam at ang kanyang anak na si Claire ay nag-e-enjoy sa luho ng buhay. Pero kahit ganoon, may lihim akong pangarap. Minsan, sa mga tahimik na gabi, iniisip ko kung darating ba ang araw na makakawala ako sa ganitong sitwasyon. “PIPAY!” muling sigaw ng aking madrasta, na tila mas nagiging galit pa. Agad kong iniwan ang mop at tumakbo sa kanyang kwarto. Kailangan kong magmadali. Kapag natagalan ako, mas matindi ang parusa. “Madam, may kailangan po ba kayo?” magalang kong tanong sa aking Madrasta. "Bakit ba ang bagal mong kumilos? HETO! Labhan mo pati ang damit ng anak ko!” sigaw niya, sabay hagis sa akin ng maruruming damit. Tumama ito sa aking mukha, pero wala akong nagawa kundi damputin ang mga ito. “Opo, Madam,” sagot ko, habang pinipigil ang pagbagsak ng luha.
Romance
1020.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Unstoppable Desire (Road to Happiness)Book 2

Unstoppable Desire (Road to Happiness)Book 2

“Love.” “Boobae.” “Jes?..” It feels like a reunion for Nick, George, Scarlett, and Jessica. After five years, muli silang nagkita. Ngunit sa pagkakataong ito, para silang estrangherong apat. Pare-parehong kumunot ang noo nina Nick, George, at Scarlett nang titigan nila ang babaeng kamukhang-kamukha ni Jessica. She is not Jessica, bulong nila sa sarili. Ibang-iba siya sa Jessica na kilala nila. Ang babaeng nasa harap nila ay isang sophisticated woman with a strong aura. The way she dresses, halos nipple na lang ang natatakpan. Malayong-malayo sa dating Jessica. Hindi ganito si Jessica. Mahinhin siya, mahiyain, mabait, maunawain. Pero ang babae sa harap nila ngayon ay puno ng kumpiyansa sa sarili. Ang isang titig pa lang niya ay parang kutsilyong gustong dumurog sa'yo. Yes, gano’n na gano’n ang kanyang aura. Matapang. Hindi nagpapa-api. Ang pag-asa ng tatlong magkakaibigan ay tila naglaho. Dahil si Audrey Castellan ay hindi kailanman magiging si Jessica. Ang pinakamamahal nilang si Jessica… ay limang taon nang patay. Maghihilom na kaya ang puso nilang sugatan mula sa matinding pagsisisi sa sarili, sa muling paglitaw ng isang babaeng kamukhang-kamukha ni Jessica? May pag-asa bang muling liliwanag ang madilim nilang mundo… dahil kay Audrey Castellan? Malalaman natin 'yan sa Book 2 ng Unstoppable Desire: Revelation and Road to Happiness.
Romance
105.6K viewsOngoing
Read
Add to library
His Covetous Wife

His Covetous Wife

Lumaki sa napakayaman na pamilya si Krissy Parker. Siya ang nag-iisang anak na tagapagmana ng isa sa pinakamayaman at kilalang negosyante sa buong Pilipinas. Kaya naman kilala siyang maldita at spoiled brat, sanay na laging nasusunod at nakukuha ang anumang naisin niya. At nang umibig sa ibang babae ang lalaking kanyang minamahal ay ginawa niya lahat ng paraan para muling makuha ang puso at atensyon nito, kasama na ang paggamit niya sa half-brother nitong si Calex. Ngunit dahil sa pagiging desperada niya ay nagbunga ang isang gabi ng pagkakamali. Dahilan para mapilitan si Calex na pakasalan siya At sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib ay isinumpa ng lalaki sa kanyang harapan na kailanman ay hindi siya nito magagawang mahalin. Na gagawin nitong masalimoot ang mala-prinsesang buhay na nakasanayan niya. Paano siya mamumuhay kapiling ang asawang araw-araw na nasusuklam at namumuhi sa kanyang pagkatao?
Romance
1024.8K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3334353637
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status