Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Pangarap Kong Matikman Ka

Pangarap Kong Matikman Ka

Ikakasal na lang ang bachelorette na si Alina Lovia, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla siyang napunta sa tapat ng isang lumang apartment habang nakasuot pa rin ng wedding gown. Laking-gulat niya nang tumagos siya sa dingding ng apartment na ‘yon at doon niya nakita ang isang lalaking hubu’t hubad habang nilalaro ang sarili nitong ari. Doon niya napagtanto na para bang isa na lamang siyang kaluluwa. Hindi niya alam kung paano siya namatay o kung may pumatay ba sa kaniya. Habang kaluluwa na lang siya, doon niya nalaman kung sino sa pamilya niya ang kakampi, kaaway at kung sino ang nagmamahal sa kaniya. Habang tumatagal din na palagi siyang nakabuntot kay Corvus Ferrara at napapanuod niya ang ginawa nito habang nakahubu’t hubad ay tila ba natatakam na siya sa rito. Naging pangarap niyang mabuhay ulit para kay Corvus. Naging pangarap niya na matikman ito. Ano ang magiging koneksyon ni Corvus Ferrara sa kaniya? Bakit siya lang ang nakarinig at nakikita sa kaniya? Ito ba ang makakatulong sa kaniya para malaman kung ano ang nangyari sa kaniya at kung sino ang pumatay sa kaniya? Pero ang magandang tanong, tutulungan kaya siya ni Corvus?
Romance
1081.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife

The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife

Matapos ang tatlong taong paghihirap ni Cassandra Andrada bilang asawa ng isang CEO na nag-ngangalang Dylan Almendras, ay tuluyan nang natuldukan ang kaninang pagsasama. Nauwi sa pirmahan ng divorce paper at pagkamuhi sa isa’t-isa ang dalawa. Hindi makita ni Dylan ang halaga ng babae sa tagal ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Habang si Cassandra naman ay tuluyan nang naniwala na kung sino man ang gustong pakasalan pa siya ay nasisirain na ng ulo. Itinuon din nito ang kaniyang atensyon bilang isang magaling abogado sa bansa— na iilan lamang ay may alam. Ngunit hindi rin nag tagal ay dumating rin sa pagkakataon na nanaisin muli ni Dylan na mabawi ang asawa. Gagawin niya ang lahat upang pumayag ulit itong pakasalan siya kahit pa umabot sa puntong naghahabol na siya rito. Subalit ang matigas at determinadong si Cassandra ay ayaw ng magpadala sa kahit anong mga sinasabi at mga ipinapangako ng lalake. Patuloy niyang tinataboy si Dylan sa kabilang ng lahat ng pagmamakaawa nito. Tuluyan kayang mababawi ni Dylan si Cassandra kahit lingid sa kaalaman nito na ang asawang kaniyang hiniwalayan ay maraming tinatago tungkol sa kaniyang pagkatao?
Romance
9.627.1K viewsOngoing
Ipakita ang mga Review (10)
Read
Idagdag sa library
Amaya
good evening! 2 new chapters are uploaded! pasensya na po at mabagal ang updates ko simula kahapon at ngayon, may upcoming exams po kasi kami at bukas na yon. babawi po ako ng updates bukas pagkatapos ng exams namin, promise! thank you for supporting our Casey and Dylan!
Nimpha
thank you so much miss A sa update po sana ipag patuloy nyo Ang palaging pag update nyo po kming mga readers ito Ang gusto nmin yong Hindi madamot Ang author mg update at mg patuloy kming susuporta sa aklat na ito God bless,!! And more readers to come
Basahin ang Lahat ng Review
Painful love

Painful love

“First Love Never Dies,” sabi nila. Kaya naman kahit lumipas na ang ilang taon ay iisang babae pa rin ang nasa puso't isipan si Andrew Herras, iyon ay ang ex-girlfriend niyang si Mara Salandanan. Ikakasal na sana ang dalawa noon, ngunit hindi sumipot ang nobyo sa araw ng kanilang kasal at simula noong araw na iyon ay hindi na nagpakita o nagparamdam pa si Andrew kay Mara. Nagsimula siyang magalit sa kanya. Kinamumuhian niya ito na halos gusto niyang ipagsigawan sa buong mundo na sana hindi na lang niya nakilala si Andrew. Pagkatapos ng maraming araw, buwan at taon. Pinagtagpo ulit sila ng tadhana. Pero sa mga sandaling iyon, nakahanap na siya ng iba. Alam niyang ikakasal ito sa ibang lalaki at alam din niyang mas better ang lalaking ipinalit nito sa kanya. Ngunit hindi pa ito ang huling kabanata para sa kanilang dalawa ni Mara. Dahil si Andrew, naniniwala na hindi pa huli ang lahat para makabawi siya sa mga pagkakamaling nagawa niya noon sa dating kasintahan. Mapipigilan ba niya si Mara na magpakasal sa iba? O tuluyan na siyang buburahin ni Mara sa kanyang puso at alaala? *** PAINFULLOVE 2021AllRightsReserved_CAT LYN
Romance
109.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
SWEET HOME

SWEET HOME

Apolinariaaa
Nagulat, namangha at nainggit ang lahat kay Shine Garcia nang luhuran siya ng elite na boyfriend at inalok ng kasal. Iyon na ang pangatlong alok nito ng kasal. Dalawa na nagawa niyang tanggihan at ngayon na hindi niya malulusutan. "Will you marry me?" Lumuhod si Elias Gustavo sa kaniyang harapan. Sa harap ng media. Cameras are snapping at them and her head spinning. Hindi pa siya pwede magpakasal. Hindi pa gayong hindi naman siya totoo at perfect na si Shine Garcia. She is just Luningning. Luningning Garcia-Altamayo. Probinsiyana at may tinatagong asawa. "Y-Yes," sagot niya sa kaniyang boyfriend. Dahil sa impulsive na pagpayag, napilitan si Reyna na balikan ang nakaraan para sa annulment. Sinong ang mag-aakalang ang tinatakbuhan niya noon, hahabulin niya ngayon para matuloy ang kaniyang happy ending. “Annulment? I don't need that. Ikaw lang ang may kailangan,” ang halos 'di na niya nakikilalang asawa, si Akim. "Ayaw mo bang mag-asawa ulit?” "I already have a wife," anito na ikinapula ng pisngi niya. "I never been a wife to you." "Iyon na nga, paano tayo maghihiwalay kung hindi ka naman naging asawa sa'kin? Why don't you try show me how bad of a wife you are. Be my wife for once, Ning, even just for a month. Baka magbago ang isip ko." At that very moment, Ningning felt like destiny slapped her on the face. "Sweet home, bitch!"
Romance
642 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Loveless Marriage With Attorney Chandler

My Loveless Marriage With Attorney Chandler

Kung ang iba ay ikinasal dahil sa pagmamahal, si Adaghlia Perez naman ay ikinasal upang magbayad ng utang. Katumbas ng limang taong pagbaba ng sentensya ng kanyang ina ay limang taong pagdurusa sa piling ng abogadong si Grayson Chandler. Kaliwa't kanang kasinungalingan at panloloko ang nararanasan niya araw-araw. Para bang iiyak ang araw kung hindi siya nito nasasaktan. Hindi lang siya harap-harapang pinagtaksilan ng lalaki, kung maka-deny pa ay sobrang kapal ng mukha nito kahit mahuli pa sa akto. Hindi asawa ang turing nito sa kanya kundi isang alipin. Alam niyang walang babaeng dapat makaranas ng ganito pero wala siyang ibang magagawa. Bukod sa may utang na loob siya dito, hindi maipagkakailang mahal na mahal niya ito. Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahinihintay. Handa na siyang iwan ang lahat at ayusin ang sarili. Pero isang bagay ang kumurot sa kanyang puso nang malamang nagbunga ang kanyang pagiging parausan ng isang taong hindi naman siya mahal. Isang gabi pagkatapos pirmahan ang divorce papers, bigla siyang nakatanggap ng tawag ng isang taong lasing, “Don't sign the papers. I didn't sign it.” Itutuloy pa kaya ni Adaghlia ang pag-alis? O hahayaan na naman niya ang sariling maging alipin ulit ng pag-ibig?
Romance
382 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Dirty Games With The Billionaire

Dirty Games With The Billionaire

“Ang katawan ko ang nais na kabayaran ng isang walang pusong Bilyonaryo!” Arazella Fhatima Montes despises arrogant fckboys and entitled rich men who believe money can buy everything-especially women. Sinabi niya sa sarili niya na sisiguruhin niya na ang lalakeng papasukin niya sa mundo niya ay hindi ganitong klase. Then, Lander Jimenez came. A professor in their university. He's the perfect ideal man for her. kind, soft-spoken, and adored by everyone. As they get to know each other, Arazella finds herself developing a crush that deepens into a secret love. Pero biglang nagulo ang isipan at nararamdaman niya dahil sa isang lalake na bigla na lang siyang hinila at hinalikan ng malalim sa loob ng isang madilim na silid sa kanilang university! "That's right, baby girl. Kiss me back-hard and deep." Hindi agad siya binitawan nito. Arazella found herself kissing the stranger back. She felt like she was hynotized by the man's lips! But then, a girl stormed into the room, furious! Nun pala ay ito ang dapat na kikitain ng lalake at makaka-makeout! Hindi makapaniwala si Arazella na nakuha ng isang fckboy ang first kiss niya! Hindi siya tinigilan ng lalake at nagpakita ito ng interes sa kaniya. Na gusto ulit matikman ang mga labi niya. To make everything worse, she found out that the strange man is Leonariz Valeriano Herrene Jimenez, a CEO Billionaire and the brother of her secret love-Lander! Will Arazella's feelings for her ideal man continue to grow, or will she find herself falling for the very type of man she despises the most?
Romance
1082.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Loving For Mr. Billionaire

Loving For Mr. Billionaire

Paano mo ipaglalaban ang pagmamahal na minsan mo nang sinukuan? Lucky swore she’d never look back. Matapos ang isang mapait na hiwalayan, pinili niyang bumuo ng tahimik na buhay kasama ang anak niya—malayo kay Axel, ang lalaking minsan niyang minahal, pero siya ring dahilan ng pinakamalaking sakit niya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, muling nagkrus ang landas nila, at ngayon, hindi na lang puso niya ang nakataya—pati na rin ang buhay nilang mag-ina. Sa kabila ng galit at sakit, napilitan siyang tanggapin ang proteksyon ni Axel. Pero paano kung sa bawat araw na kasama niya ito, unti-unting mabura ang poot at bumalik ang damdaming pilit niyang nilabanan? Lalo na nang matuklasan niyang hindi pala siya kailanman iniwan nito—sa lihim na paraan, Axel had been protecting her all along. Ngunit bago pa niya mas maunawaan ang lahat, isang trahedya ang muling yumanig sa buhay niya—isang pagkakamali, isang maling akala, at isang pagdukot na naglagay sa kanya sa bingit ng kamatayan. At sa gitna ng panganib, nakita niya ang isang Axel na handang isakripisyo ang lahat, kahit ang sariling buhay, para mailigtas siya. Ngayon, hawak niya ang pinakamahalagang tanong—bibitawan ba niya ulit ang lalaking hindi kailanman bumitaw sa kanya? Sa isang mundo ng lihim, galit, at pagsubok, kaya pa ba nilang ipaglaban ang pag-ibig na minsan nang nawala? O masyado nang huli ang lahat?
Romance
364 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE

AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE

Sa ngalan ng pera ay tinanggap ni Alexa ang pagpapakasal kay Noah Montemayor at hindi niya akalain na sa paglipas ng taon ay matututunan niya pala itong mahalin. Noong panahong iyon ay hindi ito makalakad dahil sa kinasangkutan nitong aksidente. Tumagal ang kanilang pagsasama ng tatlong taon nang bigla na lamang siya nitong gulantangin dahil sa sinabi nito. "Maghiwalay na tayo." tatlong salita na nagpaguho sa mundo ni Alexa. Pagkatapos ng tatlong taong pagsasama ay hindi niya akalain na babalik ang babaeng pinakamamahal ni Noah, na pinabayaan siya noong mga panahong kailangang-kailangan siya nito. Kapalit ng malaking pera ay tinanggap niya ito at nagpaka-busy sa daang tinahak niya hanggang sa isang araw ay nakilala siya sa buong bansa at lumabas pa sa telebisyon. Doon niya nakilala ang lalaking magiging dahilan ng pagbangon niya. Ngunit isang araw ay bigla na lamang nakipagkita si Noah sa kaniya. "Pwede bang magsimula tayong muli? Kailangan kita at handa akong gawin ang lahat para bumalik ka lang sa akin." "Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon para mapatunayan ko sayo ang sarili ko." Bibigyan niya nga ba ito ulit ng isa pang pagkakataon na pumasok sa buhay niya gayung kung tutuusin ay nakabangon na siya mula sa pagkabigo pagkatapos nitong makipaghiwalay sa kaniya? Totoo nga kaya ang sinasabi ng iba na love is sweeter the second time around?
Romance
1028.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Mr. Playboy Playmate (SPG)

Mr. Playboy Playmate (SPG)

Hindi type ni Bernard ang mga babaeng masyadong bata sa kanya. Dahil ang pakiramdam niya ay magiging baby sitter lang siya ng mga ito kapag inaatake ng tantrums. Ngunit may isang babaeng gumulo sa kanya, si Marie, secretary ng dati niyang nililigawan na naging asawa ng kaibigan niya. Naiinis siya dito dahil mapang asar ito, hanggang isang gabi, bigla na lang niyang narealize na pwede pala niya itong magustuhan. At kabaliktaran ng pagkakakilala niya sa babaeng mas bata ang ugali nito, matured at maunawain ang dalaga. Kahit siya ang may kasalanan ay nagsosorry ito. Bigpang dumating ang kangyang first love, si Eleanor o mas kulala sa tawag na Ellue, akala niya, masisira ang telasyon nila dahil dito, ngunit si Marie ay siya lang ang pinapaniwalaan. Kaya naging maayos pa rin ang takbo ng relasyon nila, until makilala niya si Domeng, kahit noon lang niya nakilala ang kaibigan nito, sinakmal siya ng matinding selos, lalo pa at may mga ipinakitang pruweba sa kanya si Ellie na niloloko siya ni Marie. Lalo siyang nagalit sa babae. Ng matauhan siya sa mga nangyari, at nalaman niya ang totoo, parang huli na ang lahat. Kulang na lang isumpa siya ni Marie sa sobrang galit. Ayaw na siyang balikan ng babae. May pag asa pa kaya na mahalin siya ulit ng dalaga? Paano niya mapapatunayan ang pagmamahal dito kung pati mga kaibigan niya ayaw ng makialam sa kanila?
Romance
10152.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Castillion Brothers Series 7: Seventh Castillion

Castillion Brothers Series 7: Seventh Castillion

Mariecris Bayubay, isang probinsyanang naging biktima ng karahasan sa syudad. Namuhay sa apat na sulok ng madilim na silid. Walang karamay. Walang masasandalan. Nag-iisa. Walang kamag-anak. Wasak. Bigo. Nabuhay sa takot at pagpapakamatay. Halos mawala siya sa sariling katinuan hanggang sa mapadpad siya sa puder ng isang napakayamang lalaki at magaling na psychiatrist na nagngangalang Seven Castillion, isang binatang bigo sa pag-ibig dahil ang unang babaeng minahal niya ay siya na ngayong asawa ng kanyang nakakatandang kapatid. Nagparaya siya kahit sobrang sakit na pakawalan ito. Hinding hindi na niya nakikita ang sariling magmamahal ulit dahil kahit na may sarili ng pamilya ang babaeng unang minahal ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Ang binata ang nagbihis at nag-alaga kay Mariecris sa mga panahong gusto na niyang sumuko. Dahil sa kabutihan nito ay hindi niya namalayang nahuhulog na siya, pero anong mapapala ng pagmamahal niya para dito kung may ibang tinitibok ang puso nito? Siya nga ba ang unang babaeng babali sa tadhana ng mga Castillion? Siya nga ba ang unang babaeng magsasabing hindi totoo ang paniniwala ng mga ito na kung sino ang unang minahal ay siya ang huli? O dahil sa pag-ibig niya sa binata ay mas lalo siyang mawawasak at muling nanaisin na mamatay nalang?
Romance
1016.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1112131415
...
19
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status