SWEET PUNISHMENT
Sarili niya nalang palagi ang iniisip niya, paano naman ang nararamdaman ko?
"Piliin mong maging masaya sa iba, kahit hindi na ako ang kasama mo," seryosong sabi ko. Agad akong tumingin kay Lloyd, nakita ko ang pagtango niya at bahagyang umiwas ng tingin. "Matagal na kitang kinalimutan. Please, maging masaya nalang tayo pare-parehas," Ito ang unang beses na ibababa ko ang pride ko, dahil ayoko na nang ganitong set-up. Tumalikod ako sa kanila at mabilis na naglakad palabas, ngunit hindi ko inaasahan na susundan ako ng aking step-father. Kinuwelyuhan niya agad ako sa gitna ng lobby at isinandal sa pader. Ramdam ko ang hirap sa pag-hinga dahil bahagya akong nasasakal sa ginagawa niya.