THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF
Si Nikita Valencia ay isang international model at flight stewardess na tumira sa America matapos maghiwalay ang kanyang mga magulang. Doon niya unti-unting binuo ang kanyang buhay.
Ngunit isang tawag mula sa kanyang ama ang muling gugulo sa tahimik niyang mundo. Pinapauwi siya sa Pilipinas dahil muling itong magpapakasal.
Isang simpleng pakiusap… pero alam niyang magdadala sa kanya sa isang kapalarang hindi niya inaasahan.
Sa kanyang pagbabalik, muli niyang makakaharap ang lalaking minsan niyang itinago sa kanyang puso. Ang ultimate love niyang si... Kieran Del Toro.
Si Kieran Del Toro ay hindi lamang isang matagumpay na CEO ng Del Toro Aviation, isa rin itong piloto na sanay kontrolin ang lahat… kasama na doon ang puso niya.
Sa muling pagtatagpo nila, muling mabubuhay ang mga alaala, ang mga tanong na matagal nang naiwan, at ang tensyong hindi kailanman nawala.
Ngunit tila sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil ang babaeng pakakasalan ng kanyang ama… ay siya mismong ina ni Kieran.
Isang bubong… Isang tahanan… Isang bawal na damdamin.
Paano kung ang dating simpleng paghanga ay mauwi sa isang mapanganib na pagnanasa? Paano kung ang puso ay tuluyang mahulog… sa taong hindi na niya dapat mahalin?
At sa ilalim ng iisang bubong… hanggang saan nila kayang pigilan ang sarili?
At kung dumating ang sandaling kailangan nilang pumili... pamilya o pag-ibig... Handa ba silang sirain ang lahat para sa isa’t isa?