Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Secret Heir

The Billionaire's Secret Heir

Spain – isang tahimik na parke. Isang araw na dapat ay tulad ng iba, ngunit isang pamilyar na presensya ang yumanig sa mundo ko. "Mommy!" Napalingon ako sa sigaw ni Selene, mabilis na tumatakbo palapit sa akin. Kasunod niya si Cassian, mahigpit na nakahawak sa kamay ng isang matangkad na lalaki. Isang lalaki na hindi ko kailanman inakalang muli kong makikita. Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi maaari. Dahan-dahan siyang lumuhod, bahagyang tinatapik ang ulo ni Cassian bago bumaling sa akin. "They got lost," malamig ngunit malalim ang tono niya. "I figured their mother would be worried." Napalunok ako, hindi makapagsalita. Alam kong nakita niya. Alam kong ramdam niya. "You…" bulong ko, halos hindi lumalabas ang boses ko. Ngunit bago pa ako makakilos, isang mas mabigat na presensya ang lumunod sa paligid. "Seraphina!" Napapitlag ako nang marinig ang boses ng taong matagal ko nang tinakasan. Si Daddy kasama si Mommy… at si Victor Alaric Vasquez. Malamig ang titig ni Daddy nang mapadako ang tingin niya sa kambal. "Who are these children?" malamig niyang tanong. Bago pa ako makasagot, isang malakas na tinig ang pumuno sa hangin. "They're mine." Napalingon ako sa kanya sa lalaking minsan ko lang nakilala ngunit ngayo'y handang ipaglaban ako.
Romance
10605 viewsOngoing
Read
Add to library
Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire

Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire

Sa isang marangyang hotel sa gitna ng lungsod, natagpuan ni Lily May Salvador ang panandaliang paglimot sa sakit ng pagtataksil ng kanyang asawa—sa bisig ng isang misteryosong estranghero. Isang gabing puno ng kapusukan ang nag-ugnay sa kanila, isang sandaling hindi niya inasahang mag-iiwan ng panghabambuhay na marka. Ngunit bago pa sumikat ang araw, pinili niyang lumayo, dala ang isang lihim na babago sa kanyang buhay. Siya ay buntis. At hindi lang isa—triplets ang kanyang dinadala. Sa paglipas ng mga taon, matagumpay niyang itinaguyod ang kanyang mga anak, malayo sa anino ng kanilang ama. Ngunit isang araw, bumalik ang kanyang dating asawa, desperadong humihingi ng pangalawang pagkakataon. Kasabay nito, isang hindi inaasahang pagtatagpo ang naganap—ang pagbabalik ng lalaking hindi niya kailanman nakalimutan, ang tunay na ama ng kanyang mga anak. Pareho silang may nais. Ngunit sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan, sino ang dapat niyang piliin? Ang lalaking minsang bumasag sa kanyang puso, o ang estrangherong itinakda ng tadhana para sa kanya?
Romance
10492 viewsOngoing
Read
Add to library
THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY

THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY

Walang ibang choice si Fatima kundi tanggapin ang kapalaran na mismong ama niya ang may gawa. Dahil baon na sa utang ang kanilang pamilya ay sapilitan siyang ibinenta sa isang matandang lalaki upang pakasalan ito. Ngunit nang magising siya ay hindi matandang lalaki ang kaniyang nakita sa kaniyang tabi, bagkus isang guwapo at matipunong lalaki! Giovanni Samaniego is a tycoon billionaire. Nang malaman niyang magpapakasal muli ang kaniyang ama ay umuwi siya upang pigilan iyon. Ngunit hindi niya inaasahan na isang babae ang handog nito upang amuhin siya at kunin ang loob niya. Dala ng kalasingan ay tinanggap niya ang babae, ngunit ang hindi niya alam ay maling babae ang nasa kuwarto niya! Ang babaeng nakasama niya nang gabi iyon ay ang babaeng pakakasalan pala ng Daddy niya! ACCIDENTAL BABY, DESTINED LOVE!
Romance
9.957.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Lihim Na Dalaga ng Amo

Ang Lihim Na Dalaga ng Amo

Si Bellerien, isang kasambahay na lihim na umiibig sa kanyang amo, si Damien—isang makisig at makapangyarihang lalaki—ay nakaranas ng gabing tuluyang nagbago ang kanyang buhay. Isang hindi inaasahang sandali, sa gitna ng kanyang manipis na pangtulog, ang nagtulak kay Damien sa tukso. Ang matagal nang nakatagong pagnanasa ay tuluyang sumiklab. Bagama’t una siyang nagpumiglas, hindi maikakaila ni Bellerien ang katotohanan—ang pagkakataong maranasan kung paano maging si Sofia, ang babaeng iniibig ni Damien, ay hindi niya matanggihan. Ngunit sa likod ng matinding pagnanasa, may kirot, pag-aalinlangan, at pagsuko. Para kay Bellerien, ang gabing iyon ay magiging isang matamis ngunit mapait na alaala na hindi niya malilimutan. Para naman kay Damien, isa itong kasalanang mananatiling multo sa kanyang konsensya.
Romance
1071.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Delivery Girl Billionaire's Husband

The Delivery Girl Billionaire's Husband

Pagkatapos makasaksi ni Andres Cavellana, isang bilyonaryong lalaki, ng isang krimen. Sumailalim siya sa witness protection upang hindi malagay sa panganib ang kaniyang buhay ngunit ayaw niyang magkaroon ng security guards, kaya naman nagsinungaling siya sa kaniyang lolo at sinabing may girlfriend siyang former secret service agent. Pumayag ang lolo niya, ngunit may isang kondisyon, kailangan niyang pakasalan ito at tumira sa private villa nila sa Batangas. Samantala, nalagay sa panganib ang trabaho ni Andy De Guzman na isang delivery girl rider ng maling package ang maipadala niya kay Andres. At upang hindi siya isumbong ng lalaki sa manager niya, para hindi mawala ang kaniyang trabaho, pumayag siya sa alok nitong kasal. Ngunit handa nga ba si Andy sa mga kakaharapin niya pagkatapos niyang pumayag sa alok nito? Kaya niya bang pigilan ang kaniyang pusong umibig kay Andres?
Romance
103.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius

Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius

Si Maddox Ghail ay isang magaling at sikat na doktor sa US ngunit mas pinili niyang manatili sa probinsya ng Bicol para alagaan ang kan'yang Lolang may sakit. Nagbago ang buhay niya nang mamatay ang kan'yang pinakamamahal na lola mismo sa kan'yang harapan. Nasa kamay niya na sana ang scalpel upang simulan ang surgery ngunit nalagutan na agad ito ng hininga. Simula no'n nawala ang confidence ni Maddox na magpagaling ng isang pasyente. Hindi rin niya inaasahang dumating ang mga magulang niya roon na halos ilang taon na niyang hindi nakikita. Akala ni Maddox ay ang burol ng lola niya ang pakay ng mga ito ngunit nagkamali siya. Gusto siyang kunin ng mga ito at idala sa Maynila upang ipakasal sa isang lalaking hindi niya naman lubos kilala--- mas worst ay baldado pa.
Romance
9.8872.2K viewsOngoing
Show Reviews (84)
Read
Add to library
Nins Javier
Newbie here!! Sobrang ganda ng story! Gusto ko yung Palaban ang bidang babae kaya good job ka sakin miss A. Kinikilig ako siguro green flag si Kai. Moree update pa po at moree pakilig!! Cant wait masupalpal sila sa career ni Maddox!! All the best Author... Xoxo
Irene
Super exciting pa din magbasa ng story na kahit hindi sunod sunod updates pero sa bawat chapters yung feeling na lalabas na yung puso mo sa sobrang intense ng nangyayare HAHAHAHAHAHAHA super Ganda talaga. More stories pa Ms. A. Loveyouu!🫶🏻 #Happy100kviewsLoveHeals
Read All Reviews
Tied by the Contract with the Cold Billionaire Ceo

Tied by the Contract with the Cold Billionaire Ceo

There will be no romance. No emotional involvement. No claims. No jealousy They re married by contract Isang dalagang hirap upang iahon muli ang kaniyang pamilya, dalagang nais lamang ang magkaroon ng tahimik na Buhay at maabot ang simpleng pangarap ngunit dahil sa maling desisyon ng ama silay naghirap at nalubog sa utang, isang lalaking walang pakialam at ang tanging mahal lamang ay ang kaniyang Lola, lalaking walang kahit anong emosyon ang makikita sa Mukha, Kilala sa pagiging seryoso at ayaw sa kahit anong kamalian silay pinagtagpo ng dahil sa isang kahilingan at sa pagtulong, silay ipinagkasundo sa isang kasal, kasal na ang bawat isa sa kanila ay may kanya kaniyang interest ‎“You are forgetting your place,” malamig niyang sambit. “No,” matatag niyang sagot. “I’m defining it.”
Romance
10126 viewsOngoing
Read
Add to library
Sold to a Mafia Boss

Sold to a Mafia Boss

Lunoxlovesyou
Sabi nga ng iba, ang pag-ibig ay hindi nabibili ng pera ngunit nakakasilaw ito ng ibang tao. Si Semphil ay Isang babaing ubod ng Ganda ngunit sa kabila nito ay hindi niya maikukubli ang kahirapan ng buhay niya. Ang Ina niyang mukhang pers ay pinilit siyang pasalihin sa Isang auction na dadaluhan ng mga mayayaman. Sa kabilang Banda si Vleen Cen Santibañez na Isang Mafia lord ay Mula sa prominenteng pamilya, mataas ang tingin sa sarili at may pagka arogante Ngunit paano kung Ang Isang katulad niya ay umibig sa Isang tulad ni Semphil? Gaano kalaking halaga ang handa niyang igugol para lamang makuha ang dalaga?
Romance
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Fall Inlove With The Billionare

Fall Inlove With The Billionare

Ligaya
BLURB: Sa isang malaki at mamahaling restaurant na pag-aari ni Richmond De Guzman, nagtrabaho ako roon bilang baguhang waitress. Hindi ko inasahan na mapalapit ako sa kaniya—minahal siya nang hindi ko sinasadya. Naramdaman ko rin ang attention niya na tila sumasagot sa nararamdaman ko. Tunay na naging malapit kami sa isa’t isa hangang sa isang araw... para akong pinag-sakluban ng langit at lupa. Nang sabihin niya sa akin na dumalo sa opisina niya sumunod ako, at isang nakakawindang na pangyayari ang aking nakita; si Natch at siya nakita kong nagháhálikan. Sobra akong nagsisi, nagalit sa sarili na umasa ako kahit walang kami. Ang mas masakit pa dahil may nakaraan pala sila. Ang dami kong nalaman na sobrang hirap tanggapin. Siguro ganoon nga talaga kapag assuming ka, sinasampal rin sa ‘yo ang isang bagay na ina-assume mo. Sa sobrang sama ng loob, pinili ko na lang umalis—hindi nagpaalam. Sumama ako sa mga magulang ko papuntang Singapore. Ilang taon ang dumaan, muli kaming pinagtagpo ng tadhana. Talagang hindi na tulad ng dati ang ‘ngayon,’ maliban sa nararamdaman ko. Bakit hindi ito nagbago? Gusto kong maging malaya, pero ang hiyaw ng puso ko ay iba. Dapat ko bang pairalin ang pride ko o sasabihin ko sa kaniya ang totoo?
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
A Naive Bride For The Sophisticated CEO (Filipino version)

A Naive Bride For The Sophisticated CEO (Filipino version)

Authoress Ti Fe
Matapos ang pagkamatay ng kanyang mga magulang, si Amelia ay nabalian at nakulong. Kinuha siya ng kanyang mapagmahal na tiyuhin upang alagaan siya, ngunit hindi pa handa ang kanyang mga pinsan na tanggapin siya bilang pamilya. Ginawa nilang miserable at hindi mabata ang kanyang buhay. Pangarap niyang makatakas sa miserableng buhay na ito at magkaroon ng magmamahal sa kanya balang araw, ngunit tila napakaimposible. Ngunit ang lahat ng ito ay nagbago nang ihagis sa kanya ng kanyang tiyuhin ang isang sorpresang party, at nagkamali siyang nagnakaw ng isang halik mula sa isang mahalaga, kapansin-pansin ngunit mayabang na bilyonaryong CEO. Nagiging may utang na loob siya sa magarbong lalaking ito at kailangan niyang magbayad. Ngunit ano ang maibibigay ng isang mahirap na babae sa isang napakahusay na lalaki? Si James Parker ay isang sikat na bilyonaryong CEO, na pangarap ng bawat babae. Binubugbog niya ang sinumang babae na gusto niya. Ang mga babaeng ito ay kailangang maging maganda at sunod sa moda bago niya maisip na magkaroon ng anumang bagay sa kanila. Kung isasaalang-alang ang kanyang katayuan at kayamanan, hindi niya hahayaang mawala si Amelia, hindi pagkatapos na dumampi ang kaawa-awang labi nito sa mamahaling labi. Pinapanatili niya itong malapit sa kanya at pinahihirapan siya sa iba't ibang paraan para sa kanyang krimen. Ano ang gagawin ni Amelia kapag kailangan niyang maglakad patungo sa bilyunaryo na hindi niya nakitang kinabukasan, para lang mabayaran ang pagkakamaling nagawa niya? Makakamit kaya ni Amelia ang pag-ibig sa kanyang buhay na lagi niyang hinahangad? Ano ang mangyayari kapag nalaman niyang nagsinungaling siya sa buong buhay niya tungkol sa kanyang mga magulang?
Romance
4.8K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
678910
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status