Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Pervert husband is a boss

My Pervert husband is a boss

Para kay Xian Leem, ang salitang patawad ay higit pa sa simpleng pagbibigay-laya at isa itong pangako na hinihintay niyang marinig mula sa babaeng matagal na niyang hinahanap. Ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo ang landas nila ni Katharine Orteza. Isang matapang at pursigidong babae na walang takot humarap sa kahit anong pagsubok sa buhay. Ngunit ang kanilang unang pagkikita ay hindi naging maganda. Isang hindi inaasahang insidente ang naganap. Isang kilos na hindi napigilan, na nagbago ng takbo ng kanilang buhay. Sa gitna ng inis, hiya, at mga lihim na damdamin, sisimulan nila ang isang kwento ng pagkamuhi... na maaaring magtapos sa pag-ibig.
Romance
10288 VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Soldier's Billionaire: A Wife's Sacrifice

Soldier's Billionaire: A Wife's Sacrifice

"Gustuhin ko man ipaubaya sa'yo ang asawa ko, ngunit hindi p'wede.... Hindi p'wede dahil..." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagsalita muli upang pigilan ang pagkamuhi sa babaeng kaharap ko! "Marahil ay hindi mo pa maiintindihan ang salitang hindi p'wede dahil wala ka pang anak. Anak na handa kang magsakripisyo maibigay lang ang nararapat para sakanya! Kaya kong tiisin na marami akong kahati sa asawa ko at isa kana ron! Ngunit wag lang ang anak ko...ibang usapan 'yon! Dahil ilalagay ko kayo sa tamang paglalagyan nyo." -Dina Sedest Sa isang relasyon, may isang haligi at may isang ilaw. Paano kung ang haligi ay bumigay at hindi na nakayanan pang tumayo ng matatag. Hanggang saan kaya kayang ilawan ng ating ilaw ng tahanan ang isang madilim na parte ng buhay nila? Ngunit makakaya kaya n'yang harap harapan na syang ginagago ng kaniyang asawa? Ito na ba ang senyales na hinihingi n'ya mula sa itaas upang sumuko na..
Romance
9.98.0K VuesComplété
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE

BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE

Ipinakasal siya sa lalaking hindi pa niya nakikilala. Hindi dumating si Timothy Richmon sa araw ng kasal nila ni Zennara Reyes ngunit sa papel ay tunay na silang mag-asawa. Ang kasal na walang pagmamahal at ni minsan ay hindi man lang umuwi si Timothy sa bahay nila ng kanyang asawa. Hanggang sa isang araw ay pinaghandaan ni Zennara ang pag-uwi ng kanyang asawa. Nais niya itong makita kaya sasalubungin niya sana ito sa Airport.  Ngunit sa hindi inaasahan na pagkakataon ay may lalaking bigla na lang humila sa kanya at dinala siya sa madilim na lugar. Malakas ang lalaki at hindi niya ito kayang labanan. Pagkatapos ng nangyari ay lumabas ang lalaki at nangako ito na babalik. Ngunit nakatanggap si Zennara ng tawag mula sa secretary ng kanyang asawa na nais nitong makipaghiwalay na sa kanya. Ang kanilang kasal ay nauwi sa diborsyo. Umalis ng bansa si Zennara at sa kanyang pagbabalik ay may kasama na siyang dalawang cute na bata.  Ano ang gagawin ni Zennara kapag nadiskubre niya ang isang malaking lihim? Ang lihim na hindi niya inaasahan.
Romance
1097.9K VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
WAVES BENEATH THE SILENCE

WAVES BENEATH THE SILENCE

Tahimik. Mahiwaga. Perpekto sa paningin ng lahat. Si Celestine “Celle” Alvarado ay lumaki sa mundo ng kapangyarihan at kontrol. Pero isang gabi ang tuluyang gumulo sa kanyang buhay — isang gabi ng takot, pagtakas, at isang aksidenteng hindi niya kailanman malilimutan. Pagkalipas ng ilang taon, sa isang wild na party sa BGC, nakilala niya si Lorenzo “Renzo” Navarro — isang successful at guwapong businessman na may hawak ding mabigat na nakaraan. May galit siya sa dibdib, at isang misyon: hanapin ang taong muntik nang pumatay sa kanyang kapatid. Hindi nila alam, sa pagitan ng mapusok na halik at mainit na gabi, nakatali na pala ang mga puso nila sa isang trahedyang pinagtagpo sila noon pa man. Sa pagitan ng kasalanan at pagnanasa… Sa pagitan ng katotohanan at pag-ibig… Pipiliin ba nilang lumaban o tuluyang lamunin ng mga alon sa katahimikan?
Romance
544 VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
SOLD TO DAMON MORETTI

SOLD TO DAMON MORETTI

Ibenta ni Cressia Montinola ang sarili sa halagang isang milyon sa isang hindi niya kilalang lalaki upang pambayad sa operasyon ng kanyang ama. Ngunit sa kasawiang-palad, hindi niya pa rin ito nailigtas sa kapahamakan. Nagbunga ang gabing iyon, at pinalaki niya ang bata nang mag-isa—walang karamay na ama. Sa muli nilang pagtatagpo, hindi siya nakilala ng lalaki. Nais niyang ilihim ang kanilang anak, ngunit mapagbiro ang tadhana. Ang squatter area kung saan siya naninirahan ay pagmamay-ari mismo ng lalaki. He is Damon Moretti, a Filipino-Italian billionaire, and a successful businessman.
Romance
531 VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Lucian's Obsession

Lucian's Obsession

Binenta niya ang kaniyang katawan kapalit ang malaking pera sa hospital bill ng kaniyang lola ngunit hindi niya inaasahan na ang lalaking makakabili sa kaniya ay walang iba kung hindi ang sekretong multi-billionaire na si Lucian Montana. Pagkatapos nang gabing pagtatalik nila ay sinubukan niyang kalimutan ang pangyayaring iyon ngunit laking gulat niya ng malamang pinaghahanap na siya ngayon ni Lucian at ang masama pa ay nalaman niyang buntis siya.
Romance
1040.1K VuesComplété
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
ZARCHX MONTENEGRO

ZARCHX MONTENEGRO

[𝐏𝐄𝐍𝐃𝐈𝐋𝐓𝐎𝐍 𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 2] Natashira Amary Fuentabella, is a kind, soft-hearted lady who love her parents to the moon and back. She's a good daughter would do everything for her family even to marry the hottest, heartless, CEO of the Montenegro Corporation named; Zarchx Montenegro. Hindi madali para sa kaniya ang kanilang pagsasama dahil palaging ipinaparamdam sa kaniya ni Zarchx kung gaano siya nito ka hindi gusto at sa mata nito isa siyang daga na hinain ang sarili sa isang mabangis na Leon. Suntok sa buwan para kay Amary na ibigin siya ng isang Zarchx Montenegro ngunit sinong mag-aakala na ang pagmamahal niya sa asawa ay kaya nitong suklian ng higit pa. Ngunit paano kung dumating ang isang trahedya na magpapabago sa kanilang buhay? Ang pusong nagmamahal ay hindi madaya. Ngunit paano kung nakalimot ang isipan ay tinatraydor na ng mga alala? Minsan may mga taong pinipilit na maging madaya para sa pagmamahal na hindi na tama. Ngunit paano kung sa tagal na panahon ang lumipas muling magtagpo ang landas niyo ng taong inakala mong patay na at may sarili ng pamilya. Ano ang kayang gawin ng dalawang taong nagmamahal?
Mafia
1016.0K VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
MY BOSS, MY EX-LOVER

MY BOSS, MY EX-LOVER

Edsraelon
Amunet wishes to give her daughter, Auset, a simple life. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang lalaking nanakit at nang-iwan sa kanya sa panahon kung kailan niya ito higit na kailangan ay makakaharap niyang muli bilang kanyang boss. Kinamumuhian ni Amunet ang lalaki higit kanino man, ngunit bakit siya pa ang pinalalabas nitong masama at nangwasak sa noo'y perpekto sana nilang relasyon? Nagbanta pa itong pagbabayarin siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa.
Romance
2.3K VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
A SECOND CHANCE TO LOVE

A SECOND CHANCE TO LOVE

JMC
Dahil sa pangba-blackmail ng tiyuhin ni Lilac ay pinakasalan niya ang binatang mayaman at 25 years old ngunit ang isip naman ay 15 years old teenager na si Fugo Clemente. Inapi-api niya si Fugo para kusang makipaghiwalay ito sa kanya. Nang hindi na makayanan ni Fugo ang ginagawa niya ay lumayas ito sa bahay nila at hindi na nagpakita pang muli sa kanya. Ngunit nang wala na ito ay saka naramdaman ni Lilac na nagkaroon na pala ng puwang sa kanyang puso ang kanyang asawa nang hindi niya namamalayan kaya hinanap niya ito ngunit hindi niya ito natagpuan. After three years, nakilala ni Lilac si Falcon na pinuno ng mafia sa Pilipinas at kamukhang-kamukha ito ng kanyang asawang si Fugo. Ngunit magkamukha man ang dalawa ay magkaiba naman sila ng pag-uugali. Aloof, rude at higit sa lahat ay wala itong pakialam sa kanyang nararamdaman. Malayong-malayo ito sa asawa niya na bagama't batang mag-isip ay sobrang mahal na mahal naman siya. Ngunit malakas ang kutob niya na si Fugo at Falcon ay iisa kaya gagawin niya ang lahat para maalala at ibigin siya nito. Magawa kaya niya itong paibigin kahit na may ibang babae nang nagmamay-ari sa puso nito? O kailangan pa bang malagay sa panganib ang buhay niya bago nito ma-realized na mahal pa rin siya nito?
Romance
1.1K VuesEn cours
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
The Ex-Convict Billionaire

The Ex-Convict Billionaire

Nagboluntaryo sa isang medical mission sa loob ng bilangguan si Mikaella. Nagkaroon ng riot at doon niya nakilala ang gwapong preso na si Liam. Na-love at first sight sa kanya ang binata. Ngunit hindi niya ito type. Isa itong malaking red flag. Natitiyak niyang gulo lamang ang hatid nito sa kanyang buhay. Ngunit tila may magnet ang ngiti at expressive eyes ng lalaki. Bakit biglang parang gusto niyang magwala at lumihis ng landas kasama ng binata. Itataya ba niya ang buhay at kinabukasan para sa lalaking hindi niya lubusang kilala? Ginising ng binata ang lahat ng natutulog na damdamin sa kanyang pagkatao. Nakipagtanan siya dito at sinuway ang mga magulang. Nangako itong aayusin ang buhay para sa kinabukasan nilang dalawa. Ngunit ang mga pangako ay napako. Madami siyang natuklasang lihim nito. Ngunit hindi siya sumuko, ipinaglaban niya ang pag-ibig. Nalagay sa panganib ang kanyang buhay dahil sa lalaki. Nagising siya sa katotohanang siya lamang ang tunay na nagmamahal. Makalipas ang limang taon ay muling nag-krus ang kanilang landas. Ngunit bakit ibang-iba na si Liam. Bilyonaryo na ito at makapangyarihan. Tila hindi siya kilala, para siyang invisible sa paningin nito. Ang nakapagtataka ay ito pa ang matindi ang galit sa kanya. Nabaligtad na ang mundo. Siya na ang bilanggo ngayon. Bilanggo ng nakaraan at ng pag-ibig na walang katiyakan.
Romance
9.952.4K VuesComplété
Read
Ajouter dans ma bibliothèque
Dernier
1
...
45678
...
50
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status