Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
WILD FANTASY (FILIPINO)

WILD FANTASY (FILIPINO)

WARNING: [R18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT CONTENT She considered herself as Andrew's number one fan. Si Andrew Scott, isang sikat na actor at dito lamang umikot ang mundo ni Lana mula pagkabata. Pangarap niya itong makita at mayakap. Pangarap niya itong pakasalan. Pero hindi niya inakala minsan man na ang lahat ng pangarap at pantasya niya tungkol kay Andrew ay maaaring magkaroon ng mas nakakakilig pa palang mga eksena. Mas higit pa sa inakala niya.Hindi lang madali dahil magkaiba sila ng mundo, kaya napilitan siyang lumayo. Pero tunay nga na nagiging maliit ang mundo sa mga taong itinakda ng tadhana para sa isa't-isa. Dahil muli silang nagkita ng binata makalipas ang tatlong taon. At sa pagkakataong ito alam niyang wala na siyang magagawa pa, kundi ang ipakilala ang binata kay Andrea, ang anak nila na naging bunga ng isang gabing para kay Lana ay siyang katuparan ng matagal na niyang pag-ibig para sa hinahangaang artista.
Romance
9.8134.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back

Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back

Tuluyan nang nagising si Mayumi Romero sa katotohanang hindi siya kayang mahalin ng mabagsik at walang pusong business conglomerate na si Miguel Lopez. Ang kasal nilang dalawa ay nasa ilalim lang ng isang marriage contract at walang ibang gusto ang lalaki kung hindi ang serbisyo niya—ang magpanggap na mabuting asawa sa harap ng ina nito at ibigay ang pisikal na pangangailangan nito kapalit ng salapi. Ang pantasya niyang mamahalin din siya ng lalaki ay nawasak nang makulong siya sa malas na relasyon. Sa una’y kayang-kaya niya pang tiisin ang panlalamig at trato sa kaniya ng lalaki. Subalit nang pinilit siya nitong ipalaglag ang kanilang anak, kinain na ng poot at pagkamuhi ang pagmamahal niya. Nilisan niya ang Pilipinas at hinayaang pagalingin ang sarili matapos ang matinding sakit. Sa pagbabalik niya, napag-alaman niyang kay tagal siyang hinintay ni Miguel. Umaasang mapapatawad at babalikan niya ito ngunit huli na ang lahat para sa kanilang dalawa simula nang pinapatay nito ang kanilang anak.
Romance
1018.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The VonTobel's Heir

The VonTobel's Heir

Si Gianna Marie Falcon ay galing sa isang mahirap na pamilya, kaya naman ay matindi ang pagpupursigi niya upang makaahon sila sa kahirapan. Kaya no’ng niyaya siya ng kaniyang Tiya Sabel na maging isang stripper sa isang prestihiyosong club ay kaagad niya itong tinanggap kahit labag ito sa kalooban niya. Doon ay nakilala niya ang isang mala-adonis na pangangatawan at pantasya ng mga kababaihan,siya ay si Ivo Stephan VonTobel isang bilyonaryo at may-ari ng respetado at sikat na kompaniya sa buong Pilipinas. Si Ivo ang naging una’t huling costumer ni Gianna, una palang niyang nakita ang lalaki ay hindi niya alam kung bakit may anong kiliti sa kaniyang puso kapag nakikita at nakadikit ito sa kaniya. Isang mainit na gabi ang pinagsaluhan nila, gabing hinding-hindi niya malilimutan kailanman. Ngunit paano kaya kung bumunga ang gabing pinagsaluhan nila? Dalawang cute na tsikiting at kamukha pa ito ng ama nila. Sila ba ang magsisilbing paraan upang sila ay magkasamang muli, o hahayaan lang ni Ivo ang mag-iina niya dahil may asawa na siya?
Romance
1014.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Moonlight Serenade

Moonlight Serenade

aranew
Palagi siyang nagigising sa sahig, basang-basa sa pawis, hingal, at hubo't hubad. Sa nakalipas na buwan, ganito ang nangyayari. Ang hindi niya inaasahang malaman ay ang literal na lalaki sa panaginip niya ang siyang nagbibigay sa kanya ng pulang marka sa buong katawan. Ang problema ay ang lalaking ito ay misteryoso, at mas gugustuhin niyang magkaroon ng isang tunay na lalaki sa totoong buhay kaysa magpantasya sa isang lalaking walang mukha na laman ng kaniyang mga panaginip. ~~~ Si Jewel ay inaasahang maging isang mahinhin na tagapagmana ng Hasyenda Mangubat, ngunit siya ay nalulong sa mga erotikong nobela. Palihim niyang bibilhin ang mga librong iyon at itatago sa kanyang silid upang maitago ang kanyang bisyo sa kanyang mga magulang. Nag-aatubili siyang pumayag na pakasalan ang anak ng Alkalde, si Gideon Manasseh, sa pag-asang matitiis ni Gideon ang kanyang mga bisyo. Ngunit, sa kanyang pagtataka, ang kanyang bagong asawa ay mukhang mas mahigpit pa kaysa sa kanyang mga magulang. Hindi lamang ang kanyang mga bisyo ang kailangang itago sa bagong asawa, kundi pati na rin ang kanyang mga sekswal na bangungot. Dahil ang mga malaswang panaginip na iyon ay tila gumagapang palabas sa kanyang pantasya tungo sa totoong mundo... at ito ay mas nakakatakot pa kaysa sa inisyal niyang hinuha ukol dito.
Romance
1024.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Manang at Pikon ( Filipino )

Manang at Pikon ( Filipino )

Si Allysa Enrile ay isang manang, ngunit walang kinakatakutan. Para sa kanya 'manang is the new fashion' at siya ang magpapatunay na hindi lahat ng manang ay inaapi. Dahil kahit manang siya ay hinahangaan siya dahil sa tapang niyang harapin ang mga bully. Tahimik ang buhay studyante niya kasama ang dalawa niyang pinsan, at syempre ang maganda niyang ate na pantasya ng mga kalalakihan sa Villafrancia Universal School. Nang bigla niyang makilala si Adrian Villafrancia, ang pikon na anak ng may-ari ng Eskwlehan na pinapasukan niya. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa una nilang pagtatagpo. Hanggang sa lumala ang bangayan nila, at lagi silang nagkakaharap. Madalas siya nitong kontrahin, supalpalin, at awayin. Ngunit ang madalas na bangayan ay nauwi sa pagkakamabutihan at pagmamahalan. Pero hindi nagtagal, habang napapadalas ang kanilang pagsasama. Habang lumalalim ang kanyang pagmamahal kay Adrian ay siya naman pagkagising ng poot sa puso niya. Poot para sa magulang nito na siyang sumira sa Pamilya niya. Habang nakikita niya ang Pamilya nito na masaya ay nasasaktan naman ang kalooban niya. Dahil ang mga ito ay masaya samantalang silang magkapatid ay nagdusa at nawalan ng magulang. Kaya ba'ng pawiin ng pagmamahal ang sakit ng nakaraan o magiging daan lang ito nang panibagong sakit para sa dalawa? Mapapatawad ba ni Allysa ang pamilya ni Adrian o sasaktan niya ang binata para makaganti sa pamilya nito? Magkakaroon ba ng happy ending o magiging tragic ang patutunguhan ng relasyon nila?
YA/TEEN
109.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Single Dad

The Single Dad

Salome
Ito ay isang perpektong plano. Hanggang sa ang pekeng narararamdaman niya ay nagsisimula ng maging totoo... The last thing on Tyler's mind is romance. Sa pagitan ng pagiging isang solong ama at pamamahala sa kanyang matagumpay na karera sa pagsusulat, mayroon siyang higit sa sapat sa kanyang plano. Ngunit nang magpasya ang kanyang ex na labanan siya para sa kustodiya ng kanilang anak, alam niyang kailangan niyang ipakita sa hukom na siya ay isang solidong tao sa pamilya. Ang kakailanganin niya ay isang pekeng kasintahan, Ngunit hindi niya alam kung saan siya makakahanap ng isang babaeng handang magpanggap bilang kanyang asawa sa lalong madaling panahon. Ang pagkumbinsi sa kanya na tumulong ay hindi isang problema. Hindi na niya pinapansin kung paano niya papakinggang ang napakabilis na tibok ng puso niya para rito. Ngayon ito na ay isang problema. Ang gusto lang ni Ellie Diaz ay isang trabaho sa pagtuturo sa prestihiyosong paaralan ng Lincoln Academy, ngunit ang pagkuha sa kanila na isaalang-alang ang kanyang aplikasyon ay isang hamon. Ang magtrabaho dito bilang isang guro ay matagal niya ng minimithi. Pagkatapos ay nalaman niyang may mga koneksyon si Tyler doon—at handa siyang gamitin ang mga ito kapalit ng isang maliit na maliit na pabor. Ang kailangan lang niyang gawin ay mula sa pagiging yaya ng kanyang anak hanggang sa pekeng kasintahan ni Tyler ...at kahit papaano ay magpanggap na hindi siya naaakit sa kanya. Kung magiging maayos ang lahat, mapapatunayan ni Tyler sa hukom na magdedesisyon sa kaso ng kustodiya ng kanyang anak na siya ay isang solidong tao sa isang pamilya, at makukuha naman ni Ellie ang kaniyang tiket sa pangarap niyang trabaho. Ano ang posibleng maging mali? Ano ang gagawin mo kapag ang linya sa pagitan ng reyalidad at pantasya ay lumabo?
Romance
2.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
12
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status