Thou Shall Not Covet Thy Neighbor's Wife
Aniya sa ina, “Ang daming naggagandahang babae pero ako iyong binigyan niya ng atensyon. Hindi ba nakakaproud iyon, ha Nay?”
“Anong nakakaproud ang pinagsasabi mo dyan!” Sita nito sa kanya, “Lahi ng mga babaero ang angkang yun! Palagay mo seseryusuhin nila ang isang gaya mo? Gumising ka nga sa katotohanan, Mariz! Ngayon pa lang, sinasabi ko na saiyo, iwasan mo ang lalaking yun kung ayaw mong magulo ang buhay mo!”