Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire and his Maid

The Billionaire and his Maid

ladyaugust
Si Alexis ay isang dalagang puno ng pangarap sa buhay. Pero paano niya matutupad ang pangarap kung puro naman kamalasan ang nangyayari sa kanya? Nawalan na ng magulang, at ngayon namang binubuhay ng mag-isa ang sarili ay natanggal pa siya sa trabaho? Hanggang panaginip nalang ba ang kanyang mga pangarap? Paano kung isang araw ay makatagpo at makilala niya si Colt isa sa mga top billionaires sa bansa.Subalit sa kabila ng pagiging bilyonaryo nito ay marami ang naghahangad sa kanyang kayamanan at kapangyarihan na naging mitsa ng buhay nito. Ang binata na kaya ang makakapagpabago ng kanyang kapalaran o isa rin ito sa magdadala ng kamalasan sa kanyang buhay?
103.5K viewsOngoingAdded to Library 117 Times as puno ng balete
Read
+Library
Consultant Turned Contracted Wife

Consultant Turned Contracted Wife

Matapos madiskubre ang pagtataksil ng nobyo, si Selena Payne ay nagpakalunod sa alak, isang gabing puno ng pait, galit, at isang hindi inaasahang pagkakamali. Sa ilalim ng impluwensiya ng alak, hindi niya naisip na mauuwi ito sa isang isang-gabing pagnanasa kasama ang isang estranghero. Nagising siyang walang saplot, puno ng marka ng gabing hindi niya matandaan, at may isang pangyayaring hinding-hindi na mababawi. Ang akala niya, madali na lang kalimutan ang lahat at magpatuloy sa buhay. Pero hindi ganoon kadali ang tadhana. Dahil sa isang napakapait na biro ng pagkakataon, ang bagong kliyente niya ay walang iba kundi ang lalaking nakasama niya noong gabing iyon, Axelius Strathmore, ang tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa bansa. Bilang isang dating consultant, tungkulin ni Selena na tulungan si Axel makahanap ng babaeng pakakasalan. Pero sa isang hindi inaasahang twist, siya mismo ang inalok nito ng kasal. Isang taong kontrata. Isang kasal na walang emosyon, walang pag-ibig, isang pormalidad para sa parehong interes nila. Pagkatapos ng isang taon, pwede na silang maghiwalay, bumalik sa kani-kaniyang buhay na parang walang nangyari. Pero isang lihim ang hindi alam ni Selena. Binago ni Axel ang kontrata. Dahil natuklasan nitong nagdadalang-tao siya. Buo na ang desisyon ni Axel na sa kabila ng walang pag-ibig sa pagitan nila, gagawin niya ang kanyang responsibilidad at aakuin ito. Ang kasinungalingan na sinabi ni Axel ay unti-unting nabago nang mas makilala nila ang isa't isa. May namumuo sa pagitan nila sa paglipas ng araw.
1034.1K viewsCompletedAdded to Library 1.3K Times as puno ng balete
Read
+Library
When Her Eyes Blazed, He Held Her Close

When Her Eyes Blazed, He Held Her Close

Kapag ang isang tahimik at mahinhing babae ay hindi inaasahang mapadpad sa mundo ng isang propesor na reserbado at malamig sa damdamin, sisiklab ang apoy na hindi nila inakala. Mula sa mga ilang at alanganing pagtatagpo at mga lihim na unti-unting nabubunyag, mamumulat ang isang ugnayang puno ng lambing at tukso. Sa gitna ng mga hindi pagkakaunawaan, halakhak, at mga sulyapang palihim, matutunaw kaya ang kanilang mga puso at mahahanap ang pag-ibig na mas higit kaysa sa kanilang inaakala?
485 viewsOngoingAdded to Library 18 Times as puno ng balete
Read
+Library
Married to the Ruthless Billionaire

Married to the Ruthless Billionaire

Sa gabi na balak niyang sabihin ang kanyang pagbubuntis, gumuho ang mundo ni Alina Reyes nang matuklasan niyang niloloko siya ng kanyang boyfriend kasama ang isang mayamang heiress. Sa loob lamang ng isang araw, nawala sa kanya ang lahat—ang lalaking mahal niya, ang kanyang trabaho, at ang buhay na matagal niyang pinangarap. Buntis at nag-iisa, akala ni Alina ay wala nang mas sasakit pa sa kanyang pinagdaanan. Hanggang sa isang maulan na gabi, muntik na siyang mabangga ng isang luxury car na pagmamay-ari ni Alexander Vale, ang malamig at ruthless na billionaire CEO na kinatatakutan sa buong business world. Nakikita ang kanyang desperasyon, inalok siya ni Alexander ng isang deal na kayang baguhin ang kanilang kapalaran. Pakakasalan siya nito. Isang contract marriage—walang pag-ibig, walang emosyon, at pansamantala lamang. Ngunit nang maging Mrs. Vale si Alina, napasok siya sa isang mundong puno ng kayamanan, kapangyarihan, at mga taong gustong makita siyang bumagsak. Habang unti-unting nababasag ang malamig na pader sa pagitan nila, isang mapanganib na lihim ang maaaring sumira sa lahat. Dahil ang batang dinadala ni Alina… ay maaaring hindi pala anak ng lalaking iniisip ng lahat. Sa mundong puno ng pagtataksil at paghihiganti, ang tanong ay— ang contract marriage ba na ito ay magwawakas sa pagkawasak… o magiging pag-ibig na hindi nila inaasahan?
472 viewsOngoingAdded to Library 16 Times as puno ng balete
Read
+Library
Divorced My Cheating Husband, Married His Uncle

Divorced My Cheating Husband, Married His Uncle

Walang idinulot na maganda ang pagsasama nina Mallory at Simon. Puro pasakit at paghihirap lang ang lahat. Mallory lost everything... Her marriage, her baby, and a home to stay in. Sa kabila ng mga ginawa at sinakripsiyo ni Mallory para kay Simon ay itinapon lang iyon ng parang basura ni Simon at pinili ang kabit nito. Puno ng galit at hinanakit ang puso, umalis Mallory ng mansyon na hindi alam kung saan pupunta. Ang magulong buhay niya ay mas lalo pang gumulo nang pumara sa harapan niya ang itim na van at lumabas si Thomas Lopez, ang Uncle ng asawa niya, para alukin siya nito ng kasal.
101.5K viewsOngoingAdded to Library 33 Times as puno ng balete
Read
+Library
Taming the Ruthless CEO

Taming the Ruthless CEO

Si Keira Amara Lacson ay napilitang pumasok sa isang kasunduang kasal. Ang kanyang mapapangasawa ay walang iba kundi si Xavier Cross Dela Vega, ang kinatatakutang CEO na kilala sa pagiging malupit at walang awa. Ginawa niya ito upang iligtas ang negosyo ng kanyang ama, ngunit hindi niya inaakalang hahakbang siya sa isang mundong puno ng lihim at panganib. Akala niya ay simpleng pagpapanggap lamang ang lahat, ngunit habang tumatagal ay may mga bagay siyang natutuklasan tungkol kay Xavier. May mga pagkakataong ipinapakita nito ang lambing at pag-aalaga, ngunit may mga sandaling tila ibang tao ang kanyang kasama. Magulo ang kanyang nararamdaman, lalo na at tila may mga lihim na itinatago ang buong pamilya Dela Vega at ang mga taong nakapaligid sa kanila. Habang lumalalim ang kanilang ugnayan, sunod-sunod na lumalabas ang mga katotohanang yumayanig sa kanyang paniniwala. Ang kanyang pagkikita at kasal ay tila hindi sadyang tadhana lamang at may mas malalim na dahilan ang lahat ng ito. Sa gitna ng mga nakatagong plano at nakaraang puno ng galit ay may isang nakakagulat na rebelasyong naghihintay na mabunyag ang isang katotohanang magbabago ng lahat at magtutulak sa kanila sa isang sitwasyong hindi nila inaasahan.
54 viewsOngoingAdded to Library 1 Times as puno ng balete
Read
+Library
Collateral To The Ruthless Billionaire

Collateral To The Ruthless Billionaire

Ang kanyang pamilya ang gusto niyang makuha. Ang kanyang kalayaan ang hiniling niyang kapalit. Itinayo ni Irish Wei ang kanyang pangalan bilang ang pinakakinikilalang art curator sa lungsod—isang babaeng may dangal sa mundong pinaghaharian ng yaman at kapangyarihan ng mga dinastiyang negosyante. Ngunit nang gumuho ang imperyo ng kanyang pamilya dahil sa utang at pagkakanulo, siya ang naging huling collateral na gustong angkinin ng isang walang awang bilyonaryo. Hindi naghari si Kendrick Reyes sa pamamagitan ng pagiging mabait. Matagal nang hinintay ng negosyanteng ito ang pagbagsak ng pamilya Wei. Subalit nang makaharap niya si Irish—mayabang, matapang, handang ipagpalit ang sarili para sa kaligtasan ng kanyang pamilya—binago niya ang kasunduan. Isang taon. Ang kanyang buhay, kanyang pagsunod, ang kanyang lubos na pagpapasakop. Kapalit nito, ang kanyang ama ay makalalaya at mananatiling buo ang kanilang pangalan. Maninirahan siya sa mundo ng mga nakakulong na penthouse sa Gangnam, dadalo sa mga eksklusibong gala, at magiging tropeo sa harap ng mga piling tao ng lungsod. Nakakulong sa isang ginintuang hawla, inaasahan ni Irish ang kalupitan. Ang hindi niya inaasahan ay ang lalaking puno ng kontradiksyon—isa na magbabantay sa kanya nang may bangis na magpapalabo sa linya ng kanyang pagkabihag at pagiging protektado. Ngunit ang imperyo ni Kendrick ay itinayo sa mga lihim, at ang katotohanang taglay ni Irish ay maaaring siyang tanging bagay na hindi kayang kontrolin ng kanyang kapangyarihan. Sa larong puno ng yaman at pagnanasa, ang pinakamapanganib na pusta ay hindi ang pagkawala ng kanyang kalayaan. Ito ay ang pagkawala ng kanyang puso sa lalaking nagnakaw nito.
202 viewsCompletedAdded to Library 6 Times as puno ng balete
Read
+Library
The Principal's Affair

The Principal's Affair

"Isang gabing puno ng kapusukan ang nag-ugnay kay Isabella Zamora at Rafael Luis D. Grafton isang estranghero na hindi niya inakalang muling makakatagpo. Dapat ay isang lihim lang iyon, isang pagkakamaling dapat kalimutan. Ngunit sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas—hindi bilang magkaibigan, kundi bilang guro at prinsipal—mabubunyag ang isang lihim na matagal nang itinago. Sa gitna ng pag-iwas at pagkakaila, magagawa ba nilang talikuran ang nakaraan? O ang tadhana mismo ang pipilit sa kanilang harapin ito?"
1010.1K viewsCompletedAdded to Library 302 Times as puno ng balete
Read
+Library
THE TEMPTING WOMAN

THE TEMPTING WOMAN

Puno ako ng paghihiganti sa aking sarili! Hindi ko lubos akalain na mangyayari din sa akin ang nangyari sa aking ina!'' Sana Hindi ako nagpadala sa aking emosyon. Sana nanatili akong matapang at hindi iniisip ang salitang paghihiganti! Naging maayos sana ang buhay namin ng aking anak. Kakayanin ko ba o nang aking anak na makita ang kanyang ama na may anak na rin? Sana ''Hindi pa huli ang lahat!''
105.9K viewsCompletedAdded to Library 140 Times as puno ng balete
Read
+Library
Whispers of Forbidden Desire

Whispers of Forbidden Desire

Anak sa pagkadalaga. Iniwan ng ina at lumaki sa poder ng kanyang lola. Iyan ang buhay ni Isabela Siason. Lumaking konserbatibo at puno ng mga pangaral, si Isabela ay sanay mamuhay nang simple at may takot sa Diyos. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang magpapabago sa lahat. Napilitan siyang tumira kasama ang kanyang ina, ang babaeng matagal na niyang hindi nakita at halos hindi na niya kilala. Akala ni Isabela, magiging madali lang ito. Ngunit nagkamali siya. Dahil sa loob ng marangyang mansion na tinitirhan ng kanyang ina, naroon din ang lalaking magpapayanig sa tahimik niyang mundo, ang asawa ng kanyang ina. Si Liam o mas kilalang si William Laurell. Isang batang billionaryo, kabaligtaran ng inaakala niyang isa itong matandang mayaman ,malapit nang mamatay. Ang titig niya’y parang apoy, mainit, mapangahas, at handang tumupok sa kanila pareho. Sa bawat paglapit nito, dama ni Isabela ang init na gumagapang sa kanyang balat, ang panginginig ng damdaming matagal nang nakatago. May kung anong puwersang humihila sa kanya palapit, kahit alam niyang mali. Paano niya lalabanan ang tukso at ang apoy ng pagnanasa na unti-unting nilalamon ang kanyang puso’t isipan? Pag-ibig nga ba ito… o isang ipinagbabawal na pagnanasa? At kung totoo man na “kung ano ang puno, siya rin ang bunga,” handa ba siyang tanggapin na baka hindi nga siya naiiba sa kinamumuhian niyang ina, ang babaeng minsang tinalikuran ang tama para sa bawal na pag-ibig?
1030.3K viewsCompletedAdded to Library 1.1K Times as puno ng balete
Read
+Library
PREV
1
...
1213141516
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status