Hunter's Temptation
vampiremimscrush hugot pick up lines tagalogsecret admirer in tagalogone night stand pregnant by billionaire wattpad tagalog completedhugot na masakit para kay crush
Napasimangot si Zyline.
Natural na madali sa posisyon nito na sabihin iyon. Pero hindi sa posisyon niya. Napakahirap magtanong ng bagay na may posibilidad na masaktan lang naman siya. Mahirap magtanong kung mahal ba siya, kung may posibilidad na sasabihing hindi naman. Mahirap magtanong kung dahil sa tanong niya, maaring magbago ang lahat. At kung minsan, mas pinipili na lang ng mga tao na huwag magtanong dahil natatakot sila sa magiging sagot. Natatakot silang masaktan sa magiging sagot.