Blue Sea of Hearts
Buong gabi, hanggang sa inabot na kami ng madaling araw, ang ginawa lang namin ay magkwentuhan tungkol sa masasayang memorya namin magkakasama, at syempre hindi rin mawawala ang malulungkot at mga iyakan na alaala na ngayon ay halos tawanan na lang namin nang mapagtanto namin na para pala kaming mga tanga.
Nagkwentuhan din kami tungkol sa mga hinaing namin sa buhay na ang lahat ay nauuwi sa pagbibigay ng payo. Sobrang intimate ng pagsasama namin kagabi. The kind of intimacy of being understood, being listened, being with friends. May mga oras na nag-iiyakan din kami, pero normal lamang iyon. Mas masayang kasama ang mga kaibigan na nakakasama mo sa kalungkutan.
ตอนยอดนิยม