Love Revenge Game
Kumawala ako ng hininga bago ilantad ang aking sarili kay Raze.
Hindi ko kayang ipagmalaki ang aking sarili kayaʼt napayuko ako, sapagkat pinag-uusapan at pinagbubulangan pa rin ako rito. “Huwag kang mag-alala, beshie. Kahit ano ang mangyari, hinding-hindi kita iiwan. Bagamaʼt unti-unti kong natutuklasan ang iyong pagkatao, walang magbabago sa ating pagkakaibigan. Ikaw pa rin ang ipinagmamalaki kong kaibigan.” Niyakap ako ni Nica, saka itinuwid ang aking ulo at katawan. “It was out of the blue. It may burn your bridges. Donʼt be a wimp because it will make you a dipstick. Be strong as an ox.” Bilang tugon, napangiti na lamang ako, saka isinawalang bahala ang mga bulungan ng mga nilalang na n