Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Heartbroken Woman Meets The Billionaire Man in Disguise

Heartbroken Woman Meets The Billionaire Man in Disguise

red_berries
Sa loob ng sampung taon na magkasintahan si Elle at Franz, nauwi ang lahat sa hiwalayan, dahil sa isang babae na isang kaibigan lang daw. Alam ni Elle na mabait at maunawain ang kanyang nobyo, pero masyadong lumagpas ang pagiging mabait nito na naka-apekto sa kanilang relasyon, siya na naturingan na nobya, pero parang siya pa ang walang karapatan kay Franz. Masakit kay Elle na bitawan si Franz, pero hindi niya hahayaan na masira pa lalo ang buhay niya kung laging pagdadahilan ang maririnig niya mula sa bibig ni Franz. Nagpakalayo at napadpad sa isang tahimik na lugar si Elle para lubos na makalimutan si Franz, at para na rin doon ibuhos ang lahat ng sakit, pero hindi rin pala niya magagawa dahil sa isang mala-yelong pagkatao ng isang lalaki na makakasama niya sa isang bahay, hindi naman siya pinanganak na mayaman kaya kailangan niyang mangupahan. Ang akalang kalmado at walang sakit sa ulo na tahanan ay magiging mahirap para kay Elle, dahil sa ugali ni Jack, ang kasama niya sa bahay. Kung si Elle ay mayroong liwanag kahit pa nasaktan ito, si Jack ang nagpapawala no'n dahil sa hindi sila magkasundong dalawa sa lahat ng bagay sa iisang bubong. Away dito, away doon ang ginagawa nila araw-araw. Tuluyan kayang maghilom ang sugatan na puso ni Elle, o mas lalong hindi, dahil kay Jack? Paano na lang kung isang araw sa kagustuhan na mag-move-on ni Elle kay Jack na tumitibok ang kanyang puso? Ang isa pang malaking rebelasyon, paano kung malaman ni Elle na isang bilyonaryo pala si Jack na nagpapanggap na mahirap para sa isang misyon?
Romance
858 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
BE MY WIFE

BE MY WIFE

Para kay Dhalia Augustine Madrigal, ang buhay ay isang serye ng pagsubok—lalo na nang tanggapin niya ang trabahong maging sekretarya ng malupit at istriktong bilyonaryo, si Henri Yanno Garciaz. Habang lahat ng naunang sekretarya ay hindi nagtagal, siya lang ang nagtiis at nakasabay sa ugali nito. Ngunit hindi niya inasahan na ang trabahong ito ang magdadala sa kanya sa isang alok na magpapabago sa kanyang buhay. Isang kasal kapalit ng sampung milyong piso. Para kay Henri, si Dhalia ang perpektong sagot upang makaiwas sa isang sapilitang kasal sa kanyang unang pag-ibig. Ngunit sa kabila ng kasunduang iyon, hindi niya maitanggi ang lumalalim niyang damdamin para sa babaeng laging naroon para sa kanya. Unti-unting nagbago ang kanilang relasyon, at sa kabila ng mga pagsubok, natagpuan nila ang tunay na kaligayahan sa isa’t isa. Ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat. Isang rebelasyong nag-ugat sa nakaraan ang gumulo sa buhay ni Dhalia—isa pala siyang Lim, kapatid ng dating minahal ni Henri. At ang mas matinding dagok, isang larawan ang sumira sa kanilang tiwala—isang larawan na nagpatunay na may ibang babae si Henri. Sa gitna ng sakit at kahihiyan, pinili niyang lumayo, dala ang lihim na siya rin ay nagdadalang-tao. Limang taon ang lumipas, at sa kabila ng pagtatago ni Dhalia, hindi siya tinantanan ng lalaking minsan niyang minahal. Ngayon, muling bumalik si Henri sa buhay niya, handang patunayan ang isang bagay—na sa kabila ng lahat, si Dhalia lang ang babaeng nais niyang makasama habambuhay. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang paghilumin ang sugat ng nakaraan?
Romance
101.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
His Sweet Lies

His Sweet Lies

“They are obviously my children” usal ni Juancho kay Orelia. Natigilin ang babae at naibagsak ang inaayos na mga bulaklak. ”Ano ang ibig mong sabihin?Ni hindi nga kita kilala!” iwas tinging depensa ni Orelia sa lalaki at agad niyang itinago ang dalawang bata sa kanyang likuran. “Hmm, hindi nga ba ikaw yon? But why do these children have my face then?” paninindigan ni Juancho. Pilit na nagpapakita ng matapang na mukha si Orelia, desidido na siyang hindi masangkot sa lalaki matapos ang isang gabi ng pagkakamaling iyon. Mamamatay muna siya bago niya hayaang mapasakamay ng lalaki ang kanyang mga anak. “Or would you rather have me let you remember what transpired that night,” usal ng ni Juancho sabay ng pag haplos sa mga labi ni Orelia gamit ang kanyang daliri. “Don’t touch our mom you bad guy!” biglang pumigitna ang batang babae at pilit na itinulak si Juancho. Nakasunod rito ang takot na batang lalaki. Laking gulat ni Orelia sa biglaang kilos ng mga bata kaya hindi niya napigilan ang agarang paghawak ni Juancho sa mga ito. Handa na siyang itulak ang lalaki at bawiin ang bata nang nakita niya ang mga mata ni Juancho na nakatitig sa kambal, ang malamig at walang emosyon nitong mga mata ay napalitan ng lambot. Ito ay mga matang matagal niya ng hindi nakikita, ang mga matang minsan ng nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso. Saksihan ang mainit, matamis at masakit na relasyon ng dalawang mag kaibang indibidwal mula sa magkasalungat na estado ng buhay. Ang kanilang katapusan ba ay magsisimula sa ligaya o patuloy na magbabadya ang paghihirap sa kanilang mga buhay?
Romance
69.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Becoming The CEO's Contract Lover

Becoming The CEO's Contract Lover

Itinaya ni Jean Antoinette Marcelo para sa kaniyang pag-ibig: from her career opportunities to her own bright future. Isinantabi niya ang bawat oportunidad na dumating sa kaniya dahil lang sa pagmamahal niya sa isang lalaki na inakalang mahal din siya. Her dreams shattered nang bigla na lang naglaho ang lalaki at tinangay pa nito ang kaniyang pinaghirapan bilang isang mananahi sa isang maliit na boutique. To make matters worse for her, nalaman pa niya na ipinagpalit siya ng kaniyang fiance sa kaniyang ate. Her parents disowned her na para bang siya pa ang gumawa ng pagkakamali sa kanila. She’s so broken na inakala niyang katapusan na niya. She was on the verge of giving up her own life nang may kumuha sa kaniya on the spot bilang secretary ng isang kilalang CEO. Inaasahan na niyang mahirap ang kaniyang trabaho. But then, hindi niya inaasahang mas mahihirapan siya sa pakikisama sa kaniyang boss. Kyle Zander Villaester was known for his perfectionist nature. Bawat gawa niya nahahanapan nito ng butas. He could easily tear her down with every rejection sa kaniyang trabaho. Sa kabila ng bawat pagkakamali niya ay hindi siya nito tinatanggal sa trabaho. Instead, he let her repeat everything hanggang sa makuha na niya ang gusto nito. Bumalik ang kaniyang ex-boyfriend na para bang wala itong ginawang kasalanan sa kaniya. Out of desperation, binanggit niya ang pangalan ng kaniyang boss bilang bagong boyfriend, even if alam niyang mali iyon. Kyle Zander knew that he had nothing to do with her affairs, but his ego told him to claim Jean Antoinette as his. “Ano ngayon kung nagkaroon kayo ng relasyon? You were her past, she is mine now. Gusto mo siyang bawiin? You have to pay the heavy price.”
Romance
1.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Loving  My Uncle Was A Sin

Loving My Uncle Was A Sin

Lumaki si Sue na si Benedict ang laging nasa paligid ang kaibigan ng kanyang ama na marunong umayos ng sirang pinto, tahimik sa mga handaan, at palaging handang umalalay. Para sa kanya, si Benedict ay “Uncle Ben,” isang pamilyar na presensya sa bawat yugto ng kanyang pagkabata. Ngunit nagbago ang lahat nang bumalik si Sue mula sa kolehiyo. Hindi na siya ang batang naaalala ni Benedict. Isa na siyang babaeng may sariling paninindigan, may dalang sugat mula sa nakaraang pag-ibig, at may paghahanap sa isang koneksyong tunay. Samantala, si Benedict ay nabubuhay sa tahimik na mga araw—may mga panghihinayang, mga salitang hindi nasabi, at mga relasyong hindi nagtagal. Sa kanilang muling pagkakasalubong, unti-unting nabubuo ang mga sandaling hindi nila inaasahan mga late-night na usapan sa kusina, tahimik na kape, at mga katahimikang masyadong mabigat para balewalain. Dito nagsisimulang mabuo ang damdaming pareho nilang tinatakasan. Nakikita ni Benedict ang mga bagay na hindi niya dapat makita. Si Sue naman ay natutong tingnan si Benedict hindi na bilang “uncle,” kundi bilang isang lalaking maaasahan at kakaiba sa lahat ng kanyang nakilala. Ngunit ang pagitan nila ay hindi lamang edad kundi ang tiwala ng ama ni Sue, ang dangal ng pamilya, at ang bigat ng mata ng lipunan. Habang may nanliligaw kay Sue na aprubado ng lahat at hinihikayat si Benedict sa isang “tamang” relasyon, lalo silang naipit sa linya na ni isa ay hindi kayang tawirin. Hanggang isang gabi, sumabog ang lahat ng pinipigil. Ipaglalaban ba nila ang nararamdaman o susundin ang sinasabi ng lipunan bawal ang kanilang pagmamahalan.
Romance
269 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Not a One-Night Stand

Not a One-Night Stand

Matapos malaman ni Mallory Natividad na ang kapatid at boyfriend niya ay may relasyon at suportado pa ito ng mga magulang niya ay naisipan niyang pumunta sa isang bar sa pag-asang makakalimutan niya ang nakita at ilabas lahat ng sakit na nararamdaman niya. Pero nagkakamali siya dahil kahit ilang baso na ang nainom niya ay hindi pa rin siya nakakalimot. Naglasing siya nang naglasing hanggang sa may lumapit sa kaniya na lalaki. Sa sobrang kalasingan niya ay hindi na siya umangal nang inaya siya nito papunta sa kung saan. May ideya na siya sa kung anong mangyayari sa kanilang dalawa pero sa halip na matakot siya ay para bang gusto niya rin ito. Ang gabi nila ay parehong nagtapos sa isang mainit at masarap nang magkasama sa iisang kama. Kinabukasan, nang makita niya ang lalaking nakasiping niya ay hindi siya makapaniwala nang nakilala niya ito. Ito ay si Cargorios Mertimor, kilala bilang isa sa pinakabata at pinakamayaman sa buong mundo— at higit sa lahat ay kilala bilang isang womanizer. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kaya dali-dali na lang siyang umalis nang hindi nagigising ang lalaki. Ilang linggo lang ang nakalipas ay hindi niya inaasahan na magbubunga pala ang nangyari sa kanila at mas lalong hindi niya aakalain na magtatapong muli ang landas nila. Inaakala niyang magiging maayos lang ang lahat nang sumama siya kay Cargorios, pero hindi niya aakalain na ito na pala ang simula ng pagkagulo ng buhay niya. Hindi niya inaasahan ang natuklasan niyang plano ni Cargorios na nagpawasak sa kaniyang puso. Dahil doon ay kailangan niyang mamili. Pipiliin niya ba ang sarili niyang kasiyahan, o ang kapakanan ng kaniyang anak na nasa kaniyang sinapupunan?
Romance
102.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Fiance is my Ex

My Fiance is my Ex

Reading_letters
"Mahal ko siya, pero hindi pa ako handa" "My instinct was wrong about him and my best friend, now that I can say I'm ready..." "Doon palang naging huli na ang lahat" ---Athena Delight Teneza "I like you... No- that's not the right word..." "I love you..." "Turns out, you love someone else..." "I want to forget you, and look for someone who will love me back... Until I realized, I'm not loving her back... Ikaw parin talaga kahit ituon ko Ang pansin ko sa iba" --- Justin Meyer Cruz Minahal nila ang isa't isa sa hindi naaayon na panahon, dahil sa mapaglarong tadhana... Nauwi sa 'huli na ang lahat' ang 'handa na ako'. Ngunit paano kung sa pagdating ng panahon na masasabi mong 'magmumove forward na ako' ay mauuwi nalang sa 'fiance ko ang Ex ko'?? Magkasintahan sina Athena at Justin mula kolehiyo. Naghiwalay dahil sa isang serye ng mga maling akala at nasirang tiwala. Ngayon, sa hindi inaasahang pagkakataon, sila'y pinilit magpakasal sa papapamitan ng arrange marriage na napagkasunduan ng kanilang mga pamilya. Mas pinili nilang maging estranghero at wala sa kanila ang nagpaalala tungkol sa kanilang nakaraan. Sa kanilang pagsasama ay unti-unti nilang narirealize ang tunay nilang nararamdaman sa isa't isa. Lihim silang may malalim na pagmamahal sa isa't isa. Sa panahong napagdesisyonan nilang aminin at ituon ang pagmamahalan nila sa isa't isa ay muling magbabalik ang dahilan ng naging hiwalayan nila sa nakaraan? Paano kung dumating ang pagkakataong pagdedeaisyonan ni Justin ang pagpayag sa debusyong kagustuhan ni Athena? Ano nga ba ang dahilan ni Athena sa divorce na hihilingin kay Justin? Katapusan na nga ba ng kanilang kwento o simula pa lamang ito ng masalimuot na kabanata ng kanilang relasyon?
Romance
2.1K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Pregnant After One Night With Mr. CEO

Pregnant After One Night With Mr. CEO

Matapos mahuli ni Isabella Reyes ang boyfriend niyang niloloko siya, tuluyan na niyang tinapos ang tatlong taong relasyon nila. Sa gabing iyon, para makalimot kahit sandali, napadpad siya sa isang bar. Doon, sa gitna ng ingay at kagustuhan niyang makalimot, nakilala niya ang isang estranghero. Estrangherong pinaniwalaan niya agad ng buong-buo. Driven by heartbreak and impulsive emotions, Isabella spends one reckless night with him. No names. No expectations. No tomorrow. Kinabukasan, iniwan niya ang lalaki nang walang paalam, dahil para sa kanya ay isa lang itong pagkakamali na dapat niyang kalimutan. Pero hindi nakiayon ang tadhana. Sa paghahanap ng bagong simula, nag-apply siya bilang secretary sa isang malaking kumpanya. Ngunit sa unang araw pa lang niya,nagulantang ang mundo niya nang makilala niya ang CEO. Si Justin Sarmiento. Ang lalaking nakasama niya noong gabing iyon. Pinili nilang pareho na kalimutan ang lahat at magpatuloy sa kung ano ang magiging role nila sa kanilang trabaho. Pero sa kabila ng malamig na pakikitungo, hindi maitatanggi ang tension sa pagitan nila. Ang mga tingin, ang mga alaala, at ang hindi maipaliwanag na koneksyon na nagsimula sa isang gabing dapat ay nakalimutan na. Habang sinusubukan ni Isabella na mag-move on at magsimula ulit, unti-unti siyang hinahabol ng mga alaala ng gabing iyon. Ang mga haplos, ang halik, at ang paraan ng pagtingin ni Justin sa kanya. At sa bawat araw na magkasama sila sa trabaho, mas nagiging mahirap na panindigan ang kasunduang “nothing happened.” What started as a mistake slowly turns into something complicated. Something real. Something dangerous. Habang pinipilit nilang kontrolin ang sitwasyon, unti-unting nabubura ang linya sa pagitan ng trabaho at personal na damdamin. At ang isang gabing dapat ay walang kahulugan ay nagiging simula ng isang koneksyon na hindi nila kayang takasan.
Romance
24 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
To Serve And To Protect Your Heart

To Serve And To Protect Your Heart

“Tila ginto ang bawat araw na kasama ka. At ang magagandang alaala nating dalawa, kailanman ay hindi mabubura sa puso ko. Patawad, masakit man, ngunit kailangan kong gawin ang bagay na ito. Sana, sa paghihiwalay nating ito’y matagpuan mo ang kasiyahan sa piling ng iba. Marahil, sadyang hindi ako ang babaeng nakalaan para sayo. Ang pagmamahal kong ito sayo ay babaunin hanggang sa huling hininga ko. Walang sinuman ang makakapalit ng lugar mo, dito sa puso ko…” Buong pagsuyo na pinagmasdan ang lalaking nakatayo sa bungad ng simbahan. Napakagwapo nito sa suot na mamahaling americana habang hinihintay ang pagdating ng kanyang bride. Hindi lingid sa kaalaman ni Vincent Anderson na tuluyan na siyang tinalikuran ng kanyang bride na si Tara Miles Parker. Tinahak nito ang landas tungo sa pagtupad ng mga pangarap ng kanyang ama. Para lang mapasaya ang natitirang sandali ng buhay nito sa mundo. Kinasuklaman ni Vincent ang kanyang nobya at tuluyan na niya itong binura sa kanyang buhay dahil sa matinding sakit na idinulot nito. Nagtagumpay si Tara, pero sa huli naiwan siyang malungkot at nag-iisa. Meanwhile, her ex-boyfriend Vincent has his own family now, happily raising his children.” Paano kung muling mag krus ang kanilang mga landas at mabigyan ng pagkakataon ang naudlot nilang relasyon? Kaya pa bang buhayin ni Tara ang puso ng ninong Vincent n’ya para sa kanya? Magawa pa kayang sumugal at magtiwala ni Vincent sa babaeng minsan na niyang minahal ngunit nang iwan sa kanya? O tuluyan ng matatapos ang libro ng kwentong pag-ibig ng isang Ninong sa kanyang inaanak? “A soldier willing to sacrifice her dignity just to restore and mend the heart of the one she loves.” “TO SERVE AND TO PROTECT YOUR HEART…”
Romance
9.43.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Crown Prince Proposal

Crown Prince Proposal

“Don’t expect me to love you, Lian. I only married you because I knew I could control you. You’re just a plaything, easy to use, easy to manipulate.” – Prince Yul Maagang namulat sa realidad si Lian, isang babaeng kayod-kalabaw para sa pamilyang puro luho ang inaatupag at walang ginawa kundi lustayin ang perang pinaghirapan niya. May tatay siyang lasinggero, kapatid na lulong sa bisyo, at inang comatose sa ospital. Kahit anong trabaho, pinasok niya makaraos lang hanggang sa nakuha siyang bodyguard ng isang miyembro ng royal family. Akala niya, doon na magsisimula ang pagbabago. Pero mas naging demanding pa ang pamilya niya pagdating sa pera. Sa trabaho, hindi rin maganda ang trato sa kanya pero tiniis niya dahil sa laki ng sahod. Pakiramdam niya, palagi siyang pinagkakaitan ng tadhana. Hanggang sa isang araw, dumating ang prinsipe sa bansa upang maghanap ng mapapangasawa. Sa gitna ng isang engrandeng event sa palasyo, aksidente siyang nakita ng prinsipe. At sa harap ng maraming tao, bigla siya nitong inalok ng kasal, isang eksenang ikinagulat ng lahat. Ang akala ng prinsipe, madali lang kontrolin si Lian. Bodyguard lang naman niya ito dati. Pero ang totoo, inalok niya ito ng kasal para pagtakpan ang matagal na niyang relasyon sa isang babae, isang sikretong ayaw niyang mabunyag sa kanyang maharlikang pamilya. Pero nagkamali siya. Habang patagal nang patagal ang pagsasama nila, unti-unting nahuhulog ang loob ng prinsipe kay Lian. Sa araw-araw na bangayan, asaran, at hindi inaasahang mga lambingan. Napalapit sila sa isa’t isa. Pero paano kung mabunyag ang sikreto ng prinsipe? Tatanggapin pa rin ba siya ni Lian lalo't dinadala na nito ang anak niya? O mas pipiliin nitong tumakbo palayo at bumalik sa dating buhay?
Romance
564 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
222324252627
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status