Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Instant Billionaire (tagalog) Part 2

Instant Billionaire (tagalog) Part 2

Alex ang mayamang pangalawang henerasyong tagapagmana ng prestihiyosong pamilyang Ambrose, sa wakas ay natapos na ang kanyang pitong taong mahabang programa sa pagsasanay sa kahirapan. Minsan ay isang milyonaryo ay hinubaran siya ng kanyang kayamanan upang malaman ang halaga ng pera at pagsusumikap. Ngayon, nabawi na niya ang kanyang pagiging milyonaryo. Ngunit sa wakas ay makakatagpo na ba ng kaligayahan at pag-ibig si Alex ngayong mayaman na ulit siya? Tunay bang ginto ang lahat ng kumikinang? Sa muling pagpasok ni Alex sa mundo ng kayamanan at pribilehiyo, dapat niyang i-navigate ang mga hamon ng pagkakasundo ng kanyang mga nakaraang karanasan sa kanyang kasalukuyang katotohanan. Nagbago ang mga tao sa paligid niya, at ganoon din siya. Ang mga dating kaibigan at bagong kakilala ay susubok sa kanyang integridad, habang ang mga potensyal na pag-iibigan ay magtatanong sa kanya ng tunay na kahulugan ng pag-ibig at kaligayahan. Samahan si Alex sa kanyang paglalakbay nang matuklasan niya na ang kayamanan lamang ay hindi makakabili ng pinakamahalagang bagay sa buhay. Makakahanap ba siya ng tunay na kaligayahan at pag-ibig, o ang mga bitag ng kayamanan ay magdadala sa kanya sa landas ng kawalan ng laman at kababawan? Tuklasin ang mga kumplikado ng kanyang buhay sa isang kuwento ng pagbabago, pagtuklas sa sarili, at paghahanap ng tunay na katuparan.
Urban
811 viewsOngoing
Read
Add to library
Tayo Na Lang (Habibi Boyz Series)

Tayo Na Lang (Habibi Boyz Series)

Rain Sevilla
Lihim sa mga kabanda ni Jhonel Hosoda ang relasyon niya sa co-singer sa dating pinagtatrabahuan niya sa Japan, not until he proposed to Akime, upang matanggap lamang ang rejection mula rito. Ang matagal niyang pinaghandaan at inasam ay nasira sa isang sandali lang. Ngunit kung bakit sa gitna ng pag-iwan ni Akime sa kanya ay biglang may isang babaeng nais pumalit sa ex-girlfriend niya para maging asawa. Sa labis na awa at concern ay inalok ni Laceyleigh ang kamay niya kay Jhonel para siya na lang ang pakasalan nito, pero sa halip ay pinagtawanan siya. But her guts reached to its next level. She kissed him, and then... he kissed her back! Mula niyon ay umiwas na siya rito. Sadyang mapagbiro lang ang tadhana dahil sa kagagawan ni Jhonel ay nag-viral sa social media ang pictures niya, hindi dahil sa gusto siya nitong makita kundi para mabawi ang engagement ring na ninakaw niya. Mahanap pa kaya muli nila ang isa’t isa?
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Husband's Hidden Identity

My Billionaire Husband's Hidden Identity

Para matakasan ang toxic na tiyahin ni Felicity Chavez, kaagad siyang pumayag na magpakasal kay Thorin Sebastian—ang lalaking ka-blind date niya na inireto mismo sa kan'ya ng tiyahin. Nagdesisyon si Felicity na pakasalan ito dahil sa dinami-dami ng mga inireto sa kan'ya ng kanyang Tita Lucille, si Thorin lang ang pinakadisente sa lahat. Nagsama si Thorin Sebastian at Felicity Chavez sa iisang bubong, at kahit estrangherong sila sa isa't-isa ay naging maayos naman ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Iyon nga lang, walang kaalam-alam si Felicity na mayroong lihim na identity ang kanyang asawa—ito lang naman ay isang bilyonaryo na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa! Ano ang gagawin ni Felicity sa oras na matuklasan niya ang sikreto ng asawa? At paano papanindigan ni Thorin ang pagpapanggap gayong hindi naman siya sa sanay sa ordinaryong buhay? May sumibol kayang pagmamahalan sa dalawang tao na pinagbuklod ng kasinungalingan?
Romance
9.719.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Rejected Wife of A Heartless CEO

Rejected Wife of A Heartless CEO

Sabi nila, isa raw sa magagandang araw sa buhay ng isang babae ay ang maikasal sa lalakeng mahal niya. Pero hindi ako. Dahil iniwan ako ng lalakeng nangako sa akin na sasamahan ako habang buhay sa mismong seremonya ng aming kasal. Iniwan niya akong nag-iisa sa altar at mas pinili ang nakababata kong kapatid. Hindi lahat ng kasal ay masaya. Isinumpa ko ang araw  na iyon at nangako sa sariling maghihiganti. Pero paano pa ako makapaghihiganti kung namatay ako mismo sa araw na iyon?
Romance
8.533.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang

Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang

Si Alexandria Saavedra— Maangas. Basagulera. Walang trabaho. May bisyo. Matigas pa sa adobe ang puso. Higit sa lahat, galit sa mundo. Lalo na sa sariling amang ginamit lamang siya para sa pansariling pangangailangan... Hanggang ang magulo niyang mundo ay binulabog ni Heiz Mikael. Isang binatang basta na lamang sumusulpot sa t'wing nasa panganib ang kanyang buhay. Sa pagdating ni Heinz sa kanyang buhay, 'di inaasahan ni Alexandria na pati na ang nananahimik niyang puso ay ginulo ng binatang ito. . . Sa unang pagkakataon, ang pusong niyang kasintigas ng adobe ay napalambot nito. Subalit isang araw, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya ang totoong dahilan nang biglang pagsulpot nito sa kaniyang buhay...
Romance
1025.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Melancholic Wife

Melancholic Wife

Puno ng pagdadalamhati si Jenissa Reillen Sarosa-Bennett matapos siyang tangkaing patayin ng mismong asawa niya at ng kaniyang matalik na kaibigan. Nawala sa kaniya ang kaniyang supling kaya ay puno ng galit ang puso niya at ang hangad nito ay ang makapaghiganti sa mga tumaksil sa kaniya. Sa kaniyang muling pag-bangon ay layunin niyang iparanas sa asawa niya at sa kalaguyo nito ang impiyernong minsan niyang naranasan sa mga kamay nila. Wala siyang ibang hangad kun'di makamtan ang hustisya na nararapat lamang para sa kaniya at sa anak niyang nawala. Matutupad kaya ang nais niyang makapag-higanti? Paano kung ang paghihiganting ito ang maging tulay upang matuklasan niya ang katotohanang gugulantang sa kaniyang natutulog na isipan?
Romance
1014.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Call Me, Kuya!

Call Me, Kuya!

Nag-iisa niyang tinaguyod ni Unique ang kanyang pamilya kaya bukod sa pagtitinda ng balut sa gabi ay naisip niya na magtrabaho bilang secretary sa malaking building na naghahanap ng secretary, dahil confidence siya na matatanggap siya sa trabaho dahil nakapagtapos naman siya ng highschool. Pero sa pag-apply niya ng trabaho at sa pag-aakala ni Unique na natanggap ito bilang sekretarya ang maging trabaho niya pero iyon pala ay magpanggap si Unique na anak sa nagmamay-ari ng building na tinatrabahuan nito. Kaya niya bang tanggapin ang alok nito kapalit ng malaking halaga para sa kanyang pamilya? Hanggang kailan ang kaya niyang magpanggap kung sa kabila ng lahat may nararamdaman na siya na pag-ibig sa anak ng kanyang tinuturing na magulang?
Romance
8.826.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Vengeance of the Heiress

Vengeance of the Heiress

Pinagkatiwalaan. Minahal. Pero tinraydor. Gumuho ang mundo ni Dari nang mahuli niyang magkasama sa kama ang kanyang asawa at kakambal. Sa sakit at galit, tumakas siya sa gabing puno ng dalamhati—at natagpuan ang sarili sa bisig ng isang estranghero. Si David Kranleigh, isang bilyonaryong CEO. Isang gabing dapat ay malimutan. Pero hindi iyon basta nawala. Sa pagtatangkang magsimulang muli, isang trahedya ang tuluyang sumira sa kanya—isang aksidenteng nagdulot ng kanyang pagkabulag. Wala nang saysay ang lahat. Hanggang sa muntik na siyang sumuko… at isang pamilyar na tinig ang pumigil sa kanya. Si David. Hindi siya nito nakalimutan. At sa pagkakataong ito, hindi na siya nito hahayaang mawala. Upang iligtas siya mula sa mga traydor, pineke ni David ang kanyang pagkamatay at dinala siya sa Australia para magpagamot. Limang taon ang lumipas. Ngayon, hindi na siya ang dating Dari Wilson. Bumalik siya sa mismong anibersaryo ng kanyang pekeng pagkamatay—hindi bilang biktima, kundi bilang isang babaeng uhaw sa hustisya. Sisirain niya ang mga taong sumira sa kanya. Babawiin niya ang lahat ng ninakaw sa kanya. Ngunit isang sagabal ang hindi niya inaasahan—si David. Ang lalaking hindi sumuko sa kanya. Ang lalaking handang ipaglaban siya. Pero kaya ba niyang pigilan ang galit ni Dari? Sa laban ng pag-ibig at paghihiganti, sino ang mananalo?
Romance
10914 viewsOngoing
Read
Add to library
Marry Me, Mr. Professor

Marry Me, Mr. Professor

Sina Alexis at Manuel ay malapit ng ikasal. Gayunpaman, habang papalapit ang petsa ng kasal, nagsimulang magpakita ang mga bitak. Muling lumitaw ang damdamin ni Manuel para sa kanyang dating kasintahan nang mabasag ni Alexis ang vase na regalo nito. Dahil hindi niya nabalewala ang kanyang hindi mapigil na mga emosyon, hindi namalayan ni Manuel ang kanyang sarili at nasampal si Alexis. Nadurog ang puso at dismayado, ginawa ni Alexis ang mahirap na desisyon na itigil ang kasal, napagtanto na ang kanilang relasyon ay hindi buo. Sa paghahanap ng pang-unawa, nakahanap siya ng hindi inaasahang mapagkukunan ng sandalan kay Alvin, isang matalino at mahabagin na CEO at tagapagturo sa isang sikat na unibersidad. Sa pagpapatuloy ni Alexis sa buhay ay natuklasan niya ang isang mas malalim na pag-unawa sa kanyang sarili at kung ano ang tunay niyang ninanais sa isang asawa. Sa pamamagitan ng kanilang ibinahaging pag-uusap at paggalang sa isa't isa, natagpuan ni Alexis ang paggaling at panibagong pakiramdam ng pag-asa para sa hinaharap. Sa gitna ng kaguluhan ng nawalang pag-ibig at mga bagong simula, ang paglalakbay ni Alexis sa pagtuklas sa sarili ay nagbukas, na humantong sa kanya sa mga hindi inaasahang lugar at nagturo sa kanya ng mahahalagang aral tungkol sa pag-ibig, katatagan, at kapangyarihan ng pagmamahal.
Romance
1012.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Rise of the Fallen Ex-Wife

The Rise of the Fallen Ex-Wife

Harper Mercader, isang babae na ginupo ng pagkakataon. Isang asawa na labis na nagmamahal ngunit naiwan na umaasa at nasasaktan. Muli na babangon at bubuuin ang sarili upang maipaghiganti ang kan'yang puso na nasugatan. Evan Ruiz, isang lalaki na namumuhay sa galit at poot. Walang iba na hinangad kung hindi ang makaganti sa mga tao na nanakit sa kan'ya at sa kan'yang pamilya. Walang pipiliin ang kan'yang puso sa paghihiganti, lalo na sa babae na tinalikuran siya sa kanilang kasal. Sa mundo ng pagkabigo at pag-aalinlangan; Sa mundo na puno ng galit at paghihiganti; Sa mundo ng lokohan at pagtatraydor; May tunay na pag-ibig pa kaya na sisibol?
Romance
1058.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3536373839
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status