Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Moon Star "The Lucky Stripper"

Moon Star "The Lucky Stripper"

LichtAyuzawa
They said what happened in the past stays in the past! Yun sana ang gustong mangyari ni Angelina. A 28 years old girl who came from a poor family na tubong Cagayan De Oro City na napilitang manirahan sa maynila. Angelina is always optimistic in life, mayroon siyang mga katangian na hindi mo makikita sa iba kagaya ng kagandahan, kabaitan at kasipagan pero sa kabila ng mga magagandang katangian niya ay nagkukubli ang masalimuot na nakaraan na pilit niyang tinatakasan at itinatago sa lahat. Pero may kasabihan nga na kung wala kang natutunan sa iyong nakaraan ay patuloy ka nitong hahabulin at babalikan. At yun ang nangyari kay Angelina nung makilala niya sa bar ang isang estranghero sa katauhan ni Carson Constantine 29 years old at isang mayamang binata at palaging seryoso na may-ari ng 3C's Industry ang nanakaw sa puso ni Angelina na puno ng pait at sakit pero sadyang mapaglaro ang tadhana ng makilala niya ang kapatid nitong si Cray Constantine 28 years old a jolly person and a co-owner of 3C's Industry na hindi sukat-akalain ni Angelina na mamahalin niya ng tunay kagaya ng pagmamahal niya sa kapatid nito, kaya naman ang couple love story lang sana ni Angelina at Carson ay naging two in one dahil kay Cray.   Pero bawat kasiyahan ay may kaakibat na kalungkutan at ang nakaraan na pilit niyang tinatakasan ay muli siyang binalikan ng dahil sa isang pangyayari. Pangyayaring susukat sa tatag ng pagmamahal niya sa magkapatid.      
Romance
103.3K viewsCompleted
Read
Add to library
His Bodyguard Wife

His Bodyguard Wife

BOOK 1: HIS BODYGUARD WIFE Maayos na ginagampanan ni West ang mga normal na gawain niya bilang isang mafia queen subalit nagkaroon ng malaking pagbabago sa takbo ng kan'yang buhay matapos sabihin ng ama na siya ay kasal na. *** Nang ibigay kay West ng ama ang misyon na protektahan ang kan'yang asawa na walang kaide-ideya na sila ay kasal na at mula sa pamilya ng mga mafia ay nagpas'ya siyang maging bodyguard nito subalit habang nakakasama niya ito ay unti-unti niyang nararamdaman ang mga emosyon na matagal niya ng kinalimutan lalo na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Paano pro-protektahan ng isang mafia queen ang kan'yang hot tempered na asawa kung maraming pangyayari ang magaganap na malayo sa inaasahan niya?
Romance
1011.3K viewsCompleted
Read
Add to library
BE MY WIFE

BE MY WIFE

Para kay Dhalia Augustine Madrigal, ang buhay ay isang serye ng pagsubok—lalo na nang tanggapin niya ang trabahong maging sekretarya ng malupit at istriktong bilyonaryo, si Henri Yanno Garciaz. Habang lahat ng naunang sekretarya ay hindi nagtagal, siya lang ang nagtiis at nakasabay sa ugali nito. Ngunit hindi niya inasahan na ang trabahong ito ang magdadala sa kanya sa isang alok na magpapabago sa kanyang buhay. Isang kasal kapalit ng sampung milyong piso. Para kay Henri, si Dhalia ang perpektong sagot upang makaiwas sa isang sapilitang kasal sa kanyang unang pag-ibig. Ngunit sa kabila ng kasunduang iyon, hindi niya maitanggi ang lumalalim niyang damdamin para sa babaeng laging naroon para sa kanya. Unti-unting nagbago ang kanilang relasyon, at sa kabila ng mga pagsubok, natagpuan nila ang tunay na kaligayahan sa isa’t isa. Ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat. Isang rebelasyong nag-ugat sa nakaraan ang gumulo sa buhay ni Dhalia—isa pala siyang Lim, kapatid ng dating minahal ni Henri. At ang mas matinding dagok, isang larawan ang sumira sa kanilang tiwala—isang larawan na nagpatunay na may ibang babae si Henri. Sa gitna ng sakit at kahihiyan, pinili niyang lumayo, dala ang lihim na siya rin ay nagdadalang-tao. Limang taon ang lumipas, at sa kabila ng pagtatago ni Dhalia, hindi siya tinantanan ng lalaking minsan niyang minahal. Ngayon, muling bumalik si Henri sa buhay niya, handang patunayan ang isang bagay—na sa kabila ng lahat, si Dhalia lang ang babaeng nais niyang makasama habambuhay. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang paghilumin ang sugat ng nakaraan?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Love or Lust

Love or Lust

Mysterious Novelist
Hinulma ng galit, hirap at sakit ang puso at buong pagkatao ni Safira Morgen mula nang nagbago ang kanyang naging tadhana nang mahiwalay siya sa kanyang totoong pamilya. Napunta siya sa pamilyang hinulma sa karahasan at kasalanan. Nang umabot sa 16 anyos na edad si Safira ay inakala niya na pinatay ng malaking sindikato ang mga taong nag aruga at nagpalaki sa kanya, kung kaya't nagawa niyang mailagay ang hustisya sa kanyang mga palad. Hinanting niya lahat ng mga malalaking taong may posibilidad na koneksyon sa taong pumatay sa kanila habang ginagamit niya ang kanyang makamandag na umaapoy na alindog. Saka niya makikilala si Grievo na kalaunan ay ang taong magtuturo sa kanya ng totoong pag-ibig.. .Magagawa pa ba niyang mahalin si Grievo kung malalaman niya na siya pala ang pumalit sa buhay na dapat para sa kanya dahil siya ay ampon ng pamilyang MORGEN na kanyang totoong pamilya? Nasa huli ay matutuklasan din niyang siya rin pala ang totoong anak ng mga SENDON, mga taong nag aruga sa kanya na kalaunan ay malalaman niya na siya ay tunay na binenta nila bilang kalakal sa mga sindikato? Na naging dahilan ng kanyang paghihikahos at pagkalugmok sa mundo ng PROSTITUSYON? Mamahalin din ba ni Grievo si Safira kung malalaman niya sa huli na isa pala siyang BETERANANG ESCORT GIRL na inakala niyang isang simple, isang Manang na wierd at balot na balot kung panamit ay lihim din palang pumapatay para lang makamit ang inaakala niyang hustisya.
Romance
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Baby Maker

The Billionaire's Baby Maker

Lumaki sa hirap si Lyana Dela Merced kaya't maaga siyang namulat sa realidad. Hindi siya pinanagutan ng dating karelasyon at kapagkuwan ay namatay din ang anak niya dahil sa sakit. Mahirap mang tanggapin ang pagkamatay ng anak, pinilit pa rin ni Lyana na bumangon at huwag malugmok sa lungkot dahil sa kaniya umaasa ang kapatid na may sakit sa pag-iisip. Raket dito, raket doon-- lahat na ng trabahong maaari niyang mapagkuhanan ng pera sa legal na paraan ay natanggap na niya. Kaya naman nang isang gabi ay alukin siya ng kaibigang doktor ng trabaho para sa pamilya ng mga Tejada, agad niya itong tinanggap. Subalit mukhang nabahag ang buntot ni Lyana nang malamang hindi lamang simpleng trabaho ang inio-offer ng mga ito sa kaniya. Instead of being just a normal housekeeper, they want her to be a surrogate mother. Ayon sa kaibigang doktor, hindi magkaanak ang mag-asawa kaya't gusto siya ng mga itong kuhanin bilang surrogate. Would she accept the offer and be the billionaire's baby maker or just let the opportunity slip away because she's still longing for her child? Paano kung makalipas ang ilang taon ay muling pagtagpuin ng tadhana ang biyudong si Preston Tejada at ang naging surrogate ng anak nito na si Lyana Dela Merced? Maitatama kaya ni Lyana ang maling ginawa niya noon sa pamilya ng mga Tejada o unti-unti lamang mahuhulog ang loob niya sa binata?
Romance
1017.9K viewsOngoing
Read
Add to library
THE SEX CONTRACT 3:  MAXI and MARCO

THE SEX CONTRACT 3: MAXI and MARCO

WARNING: Erotica, steamy, explicit contents and adult languages. ********** Masakit ang kontratang pinasok ni Maxi, magpapanggap siyang ibang babae habang nasa kama ni Marco De Guia. Isang babae na kahit mabuhay siya uli hinding-hindi niya magagawang tapatan sa puso ng bilyonaryong ranchero, si Anna Medrano. Ang kapalit, impormasyon na halos dekada niyang hinahanap na parang maliliit na puzzle lang nitong ibinibigay. Parang masarap na lason na unti-unting sumisira sa kanyang katinuan. May hangganan nga ba ang kanyang pagtitiis sa kamay ng lalaking walang pagtingin sa kanya? ****** Malupit na parusa.  Iyon si Anna para kay Marco dahil tuluyan siyang nabaliw sa babaing ito sa puntong isusugal niya ang lahat ng yaman niya at sarili niyang buhay makuha lang niya ang puso nito na may iba nang nagmamay-ari at matalik pa niyang kaibigan, si Jared Mendez. At para matakasan ang sobrang sakit na pinagdadaanan niya, kinailangan niya si Maxi. Ang tanging babae na sa kabila ng matinding galit sa kanya ay may kakayahang buhayin ang lahat ng emosyon at pagnanasa ng kanyang katawan sa hindi niya malamang dahilan. May lugar ba ito sa miserable niyang buhay kung pag aari na ng ibang babae ang puso at kaluluwa  niya? At mapapatawad ba siya nito sa dami ng kalupitang ipinaranas niya dito? Karapat-dapat ba siya sa puso nito kung may ibang lalaki nang naghihintay dito oras na matapos ang kanilang kontrata?
Romance
6.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Venomous Cure

Venomous Cure

Pain is unpleasant but it can save our lives. It alerts our body to potential damage. Pain tells you when you've pushed too far, when your are in a situation you need go get out of and and when something is terribly wrong, it also tell us if our body needs extra care. It tells us what's happening in the world around our own body. When you cut yourself deep, when you touch a hot stove, when you bang your head in something hard, or when you got puched or even when your tooth ache. Normally, people will feel the pain when any of these happens but what if you never felt it? No stinging sunburns, no aching joints. Paano kung hindi mo maramdaman ang sakit?Paano kung kahit mabalian ka ng buto o unti-unti ng masira ang buong katawan mo ay hindi mo pa rin alam dahil wala kang maramdamang sakit? How will you deal with it? If you think that being unable to feel pain sounds great, think again. She is Maven Cianna Aslanor, 23 years old, the heiress of Aslanor Household. Isang purong Italiana na nagmula sa pinakamaimpluwensya at pinakamakapangyarihang pamilya sa mundo. The woman behind Sygros Imperium. Ngunit sa kabila ng karangyaan at kapangyarihang tinatamasa ay may isang bagay siyang kailan man ay hindi niya makukuha, isang bagay na ipinagkait sa kanya habang buhay,ang makaramdam ng sakit. She is like a time bomb, a bomb that could blow up in any minute, a woman who don't have any slightest idea about how it feels to be in Pain. She is Maven Cianna Aslanor,a CIPA patient. A lady who can't feel pain. Will she able to fight her condition or everything ends tragically for her. Will she find her Venomous Cure?
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
His Perfect Servant

His Perfect Servant

Prologue Hawak ang maliit na bag, nakatayo si Althea Santos, 20, sa harap ng marangyang tahanan ng pamilya Velasco. Para bang ibang mundo ang kaharap niya—malayo sa simpleng buhay sa probinsya. Kailangan niya ang trabahong ito, at ang pagiging kasambahay ng isang kilalang doktor ang tanging daan upang makatulong sa pamilya. Pagpasok niya sa sala, sinalubong siya ng bango ng mamahaling pabango at kinang ng chandelier. Ang bawat sulok ay parang larawan mula sa magasin, at halos hindi siya makapaniwala na dito siya maninirahan. “Ah, ikaw pala si Althea,” isang malalim na tinig ang umalingawngaw. Lumingon siya at napatigil. Isang matangkad, gwapo, at matipunong lalaki ang naroon—may malamig na tingin ngunit hindi maitatangging kaakit-akit. Si Dr. Adrian Velasco, 25, amo niya at isang respetadong doktor. “Y-yes, Sir,” sagot niya, pilit pinapakalma ang nanginginig na tinig. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso, hindi lamang dahil sa kaba kundi sa paraan ng pagtitig ni Adrian—parang binabasa ang kanyang buong pagkatao. Lumapit ito, mabagal at tiyak ang bawat hakbang. “Welcome sa Velasco residence. Sana makapag-adjust ka nang mabuti.” Kasabay ng banayad na babala ang isang maliit na ngiti na nag-iwan ng init sa dibdib ni Althea. Sa sandaling iyon, naramdaman niya ang tensyon—isang halong respeto, kaba, at hindi maikakailang kilig. Alam niyang hindi magiging ordinaryo ang mga susunod na araw. Sa ilalim ng bubong na ito, magsisimula ang kwento ng damdamin na susubok sa kanya—mga lihim, selos, kilig, at sakit na magbabago sa kanyang puso magpakailanman. ---
Romance
863 viewsOngoing
Read
Add to library
Left Behind

Left Behind

Rhye Ballesteros
Gustong bumawi ni EJ kay Jaria sa kanyang mga nagawa noon ngunit nagmamatigas si Jaria. Isang araw ay susubukin ng tadhana si Jaria na kung saan ay kakailanganin niya ng karamay. Kailangan niyang magpakalayo at magpahilom ng sakit dulot ng kanyang kahapon. Samantala, si Mica ay uusigin siya ng kanyang konsensiya at babaguhin siya ng totoong pagmamahal. Sabik ito sa pagmamahal kaya gagawin niya ang lahat para sa ikakasaya ng kanyang mga minamahal. Ngunit paano niya aamin na mahal niya si EJ kung hindi naman siya ang gusto? Magkaiba ng landas ang tinahak ni Jaria at Mica pero paglalapitin sila ng tadhana na siyang magiging mitsa ng bagong kabanata ng kanilang buhay. Sa pagbabalik ni Jaria, may mababalikan pa kaya siya o tuluyan na siyang tatalikuran ng nakagisnan niyang mundo? Hangang saan ang kayang gawin ni Mica sa ngalan ng pagmamahal? Mas mananaig ba ang poot o wawakasan ito ng panibagong problema ng kanilang buhay? Handa ba niyang kalimutan ang sarili niya para mahalin siya ng iba? Handa ba niyang iwanan at talikuran ang responsibilidad niya para sa hinanahangad niyang pagmamahal?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )

The Possisive Mafia King ( TAG-LISH )

**MATURE CONTENT** Territorial Mafia Series 1: DEMETRI SYLVESTRE Si Demetri Sylvestre ay isang makapangyarihan at walang-awang Mafia Boss. Sanay siyang palaging nakakakuha ng gusto niya. Ngunit nagbago ang takbo ng kanyang mundo nang makilala niya si Snow Hidalgo, isang maganda at mabait na aktres na nakatakdang ikasal sa half-brother niyang si Marcus. Lingid sa kaalaman ng dalawa, may mas madilim pala silang koneksyon sa nakaraan. Isang lihim na matagal nang ibinaon sa limot at siyang ugat ng trauma ni Snow. Nang matuklasan ni Demetri na si Snow ay kasintahan ni Marcus, ginamit niya ang kanyang kapangyarihan at talino sa manipulasyon upang sirain ang relasyon ng dalawa. Sa gitna ng sakit at kalituhan, nauwi sa kasalan si Snow at Demetri. Naging mag-asawa nga sila, ngunit nananatiling hindi niya hawak ang puso ni Snow dahil ito’y naiwan pa rin sa nakaraan. Habang lumalalim ang kasinungalingan, galit, at pagnanasa, mas tumitindi ang labanan hindi lang para sa pag-ibig ni Snow kundi para sa kontrol sa kanyang buhay. Hanggang sa isang panahong puno ng pagkawala at muling pagbabalik, kinailangan niyang pumili; hindi lang sa pagitan ng dalawang lalaki, kundi sa kapayapaan ng kanyang puso. Tatlong taon ang lumipas. Muling bumangon si Snow. Umangat ang kanyang karera, at sa wakas, natuklasan niya kung sino talaga ang tunay na mahal niya. At gaya ng isang dasal na sinagot ng tadhana, bumalik ang lalaking pinili ng kanyang puso… pero hindi siya nag-iisa. Sa muling pagkikita, kinailangan ni Snow harapin ang nakaraan at ang kasalukuyan. Sa huli, pinili niya ang pagmamahal, hindi bilang isang tanikala, kundi bilang isang desisyong malaya at totoo.
Romance
1025.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status