Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)

Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)

"You need financial freedom. I need a bride. One signature—and your debt’s gone." *** Kira Navarro thought she had everything under control. Maayos ang trabaho, may konting ipon, at kahit papaano'y nakakaraos sa buhay. Dahil sa sobrang pagod at stress, napa-oo siya sa mga kaibigan na mag-unwind sa bar. Hindi niya inakalang ang simpleng gabing ‘yon ay mauuwi sa isang mainit na encounter kasama ang isang estranghero—na hindi niya alam, ay ang bagong CEO ng Salvatore Holdings, kung saan siya nagtatrabaho bilang architect. Kinabukasan, halos himatayin siya sa gulat nang makaharap ang lalaki sa opisina—ang cold and ruthless CEO na ngayon ay boss niya. Pero hindi siya pinansin. Parang hindi siya kilala. Parang walang nangyari. Pagbalik niya sa ospital kung saan naka-confine ang ina niyang may sakit sa puso, dumating ang mas masakit na balita—wala na ito. Cardiac arrest. Gumuho ang mundo ni Kira. Wala na ang ina niya. Nabaon siya sa utang. At nanganganib pa silang mapalayas sa inuupahan nila ng kapatid niya. Desperada siyang humingi ng cash advance sa HR, pero tinanggihan. Wala na siyang ibang malapitan kundi ang taong ayaw na ayaw sana niyang lapitan—si Anthony Salvatore. Pero sa halip na tulong o sermon, isang kontrata ang inabot nito. Pakakasalan daw niya si Anthony kapalit ng limang milyong piso at pagbabayad ng lahat ng utang nila. Sa harap ng mundo, asawa siya ng CEO. Pero sa loob ng mansion, parang boarder lang siya. Hanggang kailan niya kailangang tanggapin na papel lang ang ginagampanan niya sa buhay ng lalaking unti-unti niyang minamahal?
Romance
1053.4K DibacaOngoing
Tampilkan Ulasan (22)
Baca
Tambahkan
You and me 💐
Highly recommended. Sobrang ganda ng book one. From walang-wala at pinagkaitan ng mundo to yumaman, nagkaroon ng sariling kompanya. Salute sa iyon, Miss A! Para ito sa mga breadwinners talaga. Tagos sa puso ang linyahan lalo na sa Navarro sister.
Donna H. Dimayuga
Grabee ang kwentung ito. Dalang dala ako ng bawat chapter. Yung walang wala sila magkapatid hangang umangat at maging successful. Kwentung maraming aral tungkol sa pamilya at magmamahal. Thankyou po Ms. D sa napakagandang Kwentu ni Anthony at kira. Loveyou po. Excited much ky ella at Neil. Ayieee
Baca Semua Ulasan
Me and the Big Boss

Me and the Big Boss

Kulang pa ba? Kung mayroon pa ibuhos na lahat at isang bagsakan na. Daig pa niya ang nasa giyera na sunud - sunod ang mga bombang pasabog. Baka gutay gutay na sa oras na ito ang kanyang buong katawan. Iyong pakiramdam mong masakit pero may mas sasakit pa pala? Ang mga pusong pinanday ng sakit ng nakaraan ngunit handang magpatawad. Anak, kapatid, kaibigan, Magulang. Mga bahagi at pundasyon sa pagkatao ng bawat isa. This is a story of two elite people who came across each other's lives without knowing their past and future together. Both broken-hearted and devastated, one chose to walk away to mend her broken heart while one just wanted to have fun. Ngunit sa natuklasang lihim ng fiancee, will he use Kristel in his vengeance? One mistake leads to another. Where will it lead them? Handa ba si Kristel magpatawad after what she'd been through?
YA/TEEN
104.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE

The Billionaire's Affair BK.8 LIGHT MY FIRE

Helious Shawn Saavedra was given the surprise of his life nung malaman niya na may anak na pala siya. Si Hunter, ang batang iniwan ng naka one night stand niya sa isang ampunan. And the worse thing, may sakit ang bata kaya naman lalo siyang nakaramdam ng pagkamuhi sa babaeng iyon. Carrine Esguerra, isang simpleng babae na nagkataong kamukha ng nanay ni Hunter. Nagpanggap siya bilang si Simonne Legazpi at hindi niya napigilang ma-inlove kay Helious. Paano na ang pagmamahal niya gayung biglang bumalik si Simonne para bawiin, hindi lang si Hunter pero pati na din si Helious? Makakaya ba niyang magparaya para mabuo ang pangarap ni Hunter na isang masaya at buong pamilya?
Romance
1021.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Contracted To My Boss

Contracted To My Boss

Si Diana ay lumaki sa hirap, ngunit lalong naging mabigat ang buhay nang magkasakit nang malubha ang kanyang kapatid na si Lyka. Sa desperasyon, lumapit siya sa nobyo niya para humingi ng tulong, ngunit imbes na damayan siya, inakusahan siya nitong pabigat at inamin na may iba na ito. Durog ang puso, tumakbo siya palayo at sa gitna ng kanyang pag-iyak, aksidente siyang nabangga ng isang matangkad at gwapong lalaki—si Adrian, ang misteryosong CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Narinig pala ni Adrian ang buong usapan, at sa isang hindi inaasahang alok ay sinabi niyang, “Kailangan ko ng kontratang asawa, at kailangan mo ng pera. Pwede tayong magtulungan.” Sa kawalan ng ibang mapagpipilian, pumayag si Diana. Isang simpleng kasunduan lamang daw: walang emosyon, walang komplikasyon—pawang negosyo lang. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, napapansin nilang hindi ganoon kadaling iwasan ang damdamin. Ang mga halik na dapat ay peke, tila tunay. Ang mga haplos na dapat ay scripted, nagiging totoo. Unti-unti, naguguluhan sila sa kung ano ang totoo at ano ang bahagi lang ng kontrata. At nang magsimulang pumasok ang pamilya ni Adrian sa eksena, naramdaman ni Diana na baka hindi talaga siya nababagay sa mundo nito. Kaya iminungkahi niyang lumayo na lang. Pero bakit gano’n na lang ang sakit sa dibdib ni Adrian? Kung peke ang lahat, bakit parang ayaw na niyang lumayo na lang.
Romance
10494 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's

The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's

"Ma, ano ba? Pagod na pagod na akong maging sunud-sunuran sa inyo! Sa buong buhay ko, wala akong ibang ginawa kundi sundin ang lahat ng utos at nais ninyo. Bakit ngayon, isang hiling ko lang, bakit ayaw niyo akong pagbigyan?" Hindi ko na mapigilang umiyak, ang sakit sobra. Anak niya ako, bakit kailangan niyang magdesisyon na ako dapat? Isang malakas na sampal na naman ang natanggap ko galing sa kanya, na hindi ko na ikinagulat pa. Sanay na ako sa pananakit niya simula noong bata pa ako hanggang ngayon, na 23 years old na ako, lalong lalo na pag hindi ko sundin ang gusto niyang mangyari. "How dare you na sagutin ako ng ganyan? Ako ang bumuhay sa'yo kaya ako ang magdedesisyon. Kaya wala kang karapatan na kalabanin ang nais ko!" Inis na sigaw niya sa akin, kulang na lang sabunutan niya ako. "Ma, mali naman kasi kayo, ayaw ko pa pong magpakasal. Ipakasal niyo ako nang hindi niyo man lang ako tinatanong? Ma, please babalik na lang ako ng Paris," pagmamakaawa ko, ngunit tanging titig lamang ang pinupukol niya sa akin at walang bakas na naawa ito sa akin. Bakit, Ma? "Enough!" Isang malakas na sampal ulit ang natamo ko sa kabilang pisngi ko na ikinabagsak ko sa sahig. "Belphoebe Sinclair, sa gusto mo o hindi, magpapakasal ka sa lalaking 'yun." Parang echo ang boses niya na paulit-ulit sa tenga ko. Bakit ganun? Pakiramdam ko, parang ginawa akong bayad sa hindi ko alam na utang. Ano ba ang kasalanan ko? Bakit kailangan ipakasal ako sa taong hindi ko kilala at hindi ko naman mahal.
Romance
206 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
His Nobody Daddy is a Billionaire (Tagalog)

His Nobody Daddy is a Billionaire (Tagalog)

Magic Heart
Sa araw ng kaniyang kasal, biglang nawala si Carie at kinalaunan ay idineklarang patay. Subalit paglipas ng dalawang taon, muli siyang magbabalik na mas mayaman, mas malakas, at mas matapang dahil asawa na siya ng bilyonaryo na kinatatakutan ng lahat. Buo ang isip niyang pagbayarin ang mga taong umapi sa kaniya at bawiin ang lalaking dapat sana ay pinakasalan niya, subalit hindi madali iyon dahil sarili niyang pamilya ang kaniyang kalaban. Kahit binabalot ng galit at paghihiganti ang puso ni Carie, isang lalaki ang mananatili sa kaniyang tabi- si Leon. Leon Marquez- ang lalaking pinagkakatiwalaan ng pinakamayamang pamilya sa buong Asya. Isusugal niya ang buong buhay at trabaho alang-alang sa babaeng humihingi ng kaniyang tulong. Magpapanggap siyang mister ng asawa ng kaniyang amo habang nagtatago ito, ngunit hindi sinasadyang iibig siya kay Carrie. Gamit ang taglay na karisma, gwapong mukha, at mala-adonis na katawan; aakitin niya ang misis ng kaniyang boss. Ngunit hindi sapat ang pagmamahal niya sa mapanlinlang na tadhana. Baon ang sakit sa inaakalang kataksilan, lalayo si Carie at kamumuhian din siya nito. Hanggang sa magtagpo ang landas ni Leon at ng isang batang lalaki. Tatawagin siya nitong daddy. Matanggap kaya ni Leon ang anak na hindi niya nakikilala? Magawa kaya niyang ipaglalaban ang kaniyang mag-ina kung ang tingin ng iba ay isa lamang siyang NOBODY?
Romance
105.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Mapanirang Pag-ibig

Mapanirang Pag-ibig

Yung bata na iniligtas ko noong maliliit pa kami ay lumaking isang possessive at obsessive na CEO. Sampung taon niya akong kinontrol, gamit ang sakit ng lola ko bilang pang-blackmail para pilitin akong magpakasal sa kanya. Sinubukan niyang gawin ang lahat para makuha ang loob ko—kahit anong paraan, ginawa niya,pero hindi ko siya kailanman minahal. Dahil sa sobrang galit, nakahanap siya ng babaeng halos kamukha ko para pumalit sa akin. Ipinagmalaki nila ang relasyon nila sa harap ng lahat, at may mga bulung-bulungan na natagpuan na raw ng CEO ang tunay niyang pag-ibig. Pero isang araw, dumating ang babaeng iyon sa villa kasama ang mga alipores niya, gamit ang atensyon at pagmamahal ng CEO bilang lakas ng loob. Isa-isa niyang binali ang mga daliri ko, sinugatan ang mukha ko gamit ang utility knife, at inalis ang damit ko para ipahiya ako. “Kahit nagparetoke ka pa para magmukhang ako, palalagpasin ko na ‘yun. Pero natuto ka pang magpinta nang kagaya ko? Grabe kang mag-aral! Tignan natin kung paano ka makakaakit ng mga lalaki ngayon!” Habang duguan na ako at halos mawalan ng malay, sa wakas dumating ‘yung obsessive na CEO. Hinila ako ng babae sa harapan niya at mayabang na nagsumbong, “Honey, itong babaeng ‘to ay nagtatago rito sa villa, tinatangkang akitin ka. Siniguro kong hindi siya magtatagumpay!”
Baca
Tambahkan
Coming Back to You, My Billionaire

Coming Back to You, My Billionaire

Hindi inaasahan ni Ailey na makikita niyang muli ang dating bilyonaryong nobyo sa bar pagkatapos ng halos tatlong taon. Pinilit niya itong iwasan dahil ayaw nitong bumalik pa ang sakit ng nakaraan at ayaw niyang malaman nito ang totoo . Umalis siya ng bansa para doon na manirahan pero tila sinusubukan siya ng tadhana. Nasa bingit ng pagkakalugi ang kanilang kompanya at isa lang ang paraan upang maisalba ito, iyon ay ang kuning investor ang kompanya ng dati niyang bilyonaryong nobyo. Pero hindi ganoon kadali ito para sa kanya dahil mukhang siya naman ang iniiwasan at pinapahirapan nito. Gusto na sana niyang sumuko subalit may trahedyang kinasangkutan ang kanyang anak at ang tanging magsasalba rito ay ang dating kasintahan. Ito na kaya ang paraan upang mapansin siya nito? o titiisin niya alang-alang sa pinakaiingatang sikreto?
Romance
469 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Ninong Senator's Contract Marriage

Ninong Senator's Contract Marriage

Nang puntahan ni Francesca ang social event para sana sa presensya ng kaniyang may sakit na lolo at ama niyang nasa States ay nakita niya ang fiancé niyang may kasamang iba. Nang sugurin niya ang mga ito ay ipinahiya siya na isa lamang siyang panget na matabang babae. Biglang lumapit ang kilalang heartthrob ng senado na si Sen. Javier at tinulungan siya. Ipinakilala siya nitong fiancée sa harap ng lahat. Natakpan ang tsismis na isa itong bakla matapos nilang maikasal. Nang magpa-sexy siya ay hindi inaasahang masira ng senador ang nasa kontratang kanilang napag-usapan. Paano kung lumalim na ang nararamdaman nila sa isa't isa? May pag-asa pa kaya lalo pa't aksidente niyang nalaman na ninong niya ito at ang taong naging dahilan ng pagkasawi ng kaniyang ina at kapatid?
Romance
1044.9K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
The CEO's Revenge

The CEO's Revenge

Si Xaiqa Qealil Dhal'Pzion na mas kilala sa tawag na Xai ay nakaranas ng labis na kalupitan sa kamay mismo ng sarili niyang ama, hindi pag mamalupit sa mismong katawan niya ngunit sa mga taong mahal at labis na malapit sa kaniya, sa edad na siyam ay iniwan sila ng kaniyang pulis na ama, at walang hiya nitong ipinahiya ang kaniyang ina, sa murang edad ay walang nagawa ang kawawang bata, lalo na't sila ay nagmula lamang sa mahirap na pamilya. Ngunit simula ng iwanan sila ng kaniyang ama, si Xaiqa at ang nakababata niyang kapatid na si Ziekye ay binuhay ng kanilang ina, halos araw araw at madalas gabi na kung maka uwe ang kanilang ina dahil sa labis na pagtatrabho upang mabigyan sila ng magandang kinabukasan, mas naging maayos din ang buhay nila, simula noong hindi na nila nakakasama ang kanilang ama, wala ng nananakit sa kanilang ina. Ngunit sa edad niyang dose ay muling nag pakita ang masamang mukha ng kanilang ama, at sa gabing iyon, tuluyang nawasak ang puso ni Xaiqa, dahil pinahirapan ng labis ang kanilang ina habang nasa harap nila, walang awang pinag hahampas ng latigo, at sa huli ay kinitil ng sarili nilang ama ang buhay nito, sa oras din nayon ay ibenenta ang kaniyang kapatid sa malaking sindikato, walang nagawa si Xaiqa kundi ang umiyak, mag luksa at sumigaw, hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay. 13 years ang nakalipas, ang batang dumaan sa labis na hirap at sakit ay muling magbabalik para sa hustisya, nais niyang tuparin ang sumpang binitawan sa labi ng kaniyang ina, at ang pangako na hahanapin ang kaniyang kapatid, si Xaiqa ngayun na anak na ng mga asawang bilyonaryo sa ibat ibang bansa at isa ng ganap na CEO. makakamit niya kaya ang hustisya? para sa mahal.
Romance
177 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
454647484950
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status