Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG

UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG

Dahil sa pagkabigo sa unang pag-ibig, nakipagkasundo si Leina Valencia sa kanyang sariling ninong. Si Emil Vergara, isang lalaking seryoso, nasa kwarenta na ang edad, at hindi niya kailanman inakalang magiging parte ng puso niya. Isang peke lang sana ang kasunduan nilang kasal at walang halong damdamin. Pino-protektahan siya ng kanyang Ninong Emil mula sa taong gumawa ng masama sa kanyang buong pamilya. Ngunit habang tumatagal, unti-unti niyang naramdaman ang kakaibang damdamin sa puso niya. Hanggang sa isang araw, may natuklasan si Leina ang isang madilim na lihim na matagal nang tinatago ni Emil. Isang katotohanang babago sa lahat ng akala niyang totoo. Paano kung ang lalaking minahal na niya ay siya ring magwawasak sa kanya? At, paano niya matatanggap ang isang relasyon na kasuklam-suklam?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
LOVING A HIDDEN MAFIA

LOVING A HIDDEN MAFIA

Franz Valley
Tinanggap ni Maribel Lopez ang maging other woman ni Calixto Condor dahil mahal niya ito. Hindi naman niya pinagsisihan ang naging desisyon dahil naging masaya siya sa piling ng lalaki, na hindi naglihim sa pagiging pinuno ng mafia. Kaya naman tumagal ang kanilang pagsasama hanggang sa magkaroon sila ng anak, na binuhay nilang limitado ang pakikisalamuha sa kapwa. Si Alexa, na lumaki at nagkaisip na may pribadong buhay. Pero dahil din sa pag-ibig ay binuksan ang sariling mundo para papasukin ang isang guwapong estangherong binata. Si Kaizer John Avila, na natagpuan niya sa gitna ng kalsada habang malakas ang buhos ng ulan. Walang malay-tao ang lalaki, na isa palang pinuno ng mafia. Bagay na nalihim sa kanyang kaalaman dahil malayo ito sa hitsura nito. Kahit may pasa ito sa pisngi at may sugat sa noo ay napaka-amo ng mukha. Kaya iniligtas niya ito sa naka-ambang sakuna at inalagaan hanggang sa gumaling. Inilihim sa kanya ni Kaizer John na ipinakidnap ito ng kalaban, na gustong makuha ang pagiging pinuno ng mafia. Kaya nanatili ito sa kanyang bahay hanggang sa gumaling. At lumakas. Bagay na naging dahilan kaya lihim na nakilala nito ang kanyang Ama na si Calixto Condor. Nagkaroon din ito ng pagkakataon na matuklasang si Alexa ang itinatagong anak sa labas ni Calixto, na batid na nagpakidnap dito. Kaya gumawa ito ng paraan para manatili pa ito sa kanyang bahay, na ang pakay ay gamitin siya sa paghihiganti sa sariling Ama. Mawawalan kaya ng saysay ang pagmamahal na iniukol ni Alexa para kay Kaizer John? Paano niya matutuklasang pinuno pala ng mafia ang iniibig na lalaki, na nais patayin ng kanyang Ama para mabawi dito ang kapangyarihan sa hinahawakang grupo? Wala nga kaya itong nararamdamang pag-ibig sa kanya at ang tanging mananaig ay ang paghihiganti?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Dalawang Mukha [Tagalog]

Ang Dalawang Mukha [Tagalog]

S.B.S
Nang magising si Amella mula sa matagal na pagkahimlay, natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na walang alaala sa kanyang nakaraan. Ni-mukha niya ay bago sa kanyang mga mata. Maging ang sariling pangalan ay hindi siya pamilyar. Maging ang sarili niya hindi niya kilala. Hindi niya alam kung saan siya magsisimulang hanapin ang sarili, lalo na nang malaman niyang ikinasal na siya sa isang lalaking nagngangalang Christian. At lalong gumulo ang mundo niya nang lumitaw si Hade sa buhay niya. Ang kanyang buhay ay naging magulo at puno ng mga katanungan. Sino si Hade? Bahagi nga ba siya ng nakaraan niya? Ginugulo ng lalaki ang kanyang diwa pati na rin ang kanyang puso. "Ang Dalawang Mukha sa loob ng iisang katauhan"
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Lothario Series 1: Blank Oath

Lothario Series 1: Blank Oath

itssausagetome
Sephora is a free spirit and stubborn. She know and gets what she wants even spending and wasting money to nonsensical things. Kaya hindi niya lubos maisip nang bigla na lamang siyang ipadala ng kaniyang ama sa isang probinsyang hindi niya alam kung nag-eexist ba talaga. Napa-oo siya ng bigla siyang alukin ng isang proposisyon nito na alam niyang hindi niya kayang tugunan. Natagpuan na lamang niya ang kaniyang sarili sa isang isla kasama ang isang lalaking hindi niya kilala. Ngunit ano ang kaniyang gagawin kung matatagpuan na lamang niya ang kaniyang sariling na nasa bisig ng lalaking nagpakilala sa kaniya na kaniyang asawa? Matatanggap niya kaya ang dahilan kung bakit nauwing hindi niya alam na kasal siya rito? Mag-aaklas kaya siya o ipaglalaban ang pag-iibigan nila taliwas sa totoong rason?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Heartless Detective (Series 2)

The Heartless Detective (Series 2)

Itinakwil at inalisan ng karapatan ng sariling pamilya dahil kasalanan na kaniyang nagawa. Sa paglipas ng panahon ay sinubukan niyang mamuhay sa isang lugar na malayo sa kaniyang ginagalawan pero sinugrado pa rin ng pamilya niya na walang makakatulong sa kaniya. Hanggang sa nakilala at minahal niya si Cris- ang amo niya na ubod ng sama ng ugali.  Matututunan kaya siyang mahalin ni Cris sa kabila ng estado nila at pagkakaiba.  Paano kung isang araw bumalik ang pamilya niya na tumakwil sa kaniya at dala ng mga ito ang balitang gigimbal at susubok sa pagmamahal niya, makikinig ba siya sa pamilya niya at iiwan ang lalaking nagsilbi niyang katuwang noong tinalikuran siya ng lahat or mananatili siya sa tabi nito hanggang sa ito na ang sumuko dahil sa nakaraan na hindi nito makalimutan?
Other
104.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Her Boss Twin Babies

Her Boss Twin Babies

Si Laura ay isang babae na namulat sa madumi at magulong buhay sa lansangan. Maagang naulila sa magulang kaya mag-isang nilalabanan ang hirap ng buhay, ngunit hindi nagpatalo ang musmos niyang katawan at pag-iisip. Gamit ang sariling pagsisikap at diskarte sa buhay, iniahon niya ang sarili mula sa lugmok na kapalaran. Ngunit sa kasabay ng pag-angat ni Lara ay ang pag-pasok ni Eugene sa kaniyang buhay, na hindi nagtagal ay inibig narin niya. Ang nararamdaman niyang ito ay maghahatid sakaniya ng isang malaking responsibilidad. Isang responsibilidad na babaliktad sa mundo niya at labis na dudurog sa pagkatao niya. Nakahanda ba siyang ipag-patuloy ang pag-ibig sa taong may may mahal pang iba? Handa ba siyang tumayong Ina para sa anak na nagmula sa babaeng kaagaw niya?
Romance
1055.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Kiss of Ruin

Kiss of Ruin

Akala ni Elara Cruz, nakatakas na siya sa madilim na nakaraan ng pamilya niya. Tahimik na buhay na lang ang gusto niya—malayo sa gulo, malayo sa sakit. Pero lahat nagbago nang makilala niya si Damian Blackthorn—ang cold, ruthless, at sobrang dangerous na heir ng isang crime empire. He’s everything she should avoid. Pero isang halik lang mula sa kanya, at malinaw na: “Akin ka.” Mahalaga ba ang puso kung kapalit nito ay buhay? Hanggang saan kaya ang kaya niyang isugal para sa isang pag-ibig na bawal, mapanganib, at nakakatukso? Sa mundong ginagalawan ni Damian, ang loyalty sinusukat sa dugo… at ang betrayal binabayaran ng kamatayan. At sa huli, kailangang pumili ni Elara: lalaban ba siya—o magpapalunod sa halik ng sariling pagkawasak?
Mafia
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
GARETT: The Lost Alpha

GARETT: The Lost Alpha

Hiraya Neith
Nang mawala ang lahat kay Garett Godfrey ay nawalan din siya ng deriksiyon sa buhay. Napasok sa madilim at magulong mundo ng underground arena kung saan buhay ang kapalit sa bawat laban. Ilang taon niyang niyakap ang kadiliman bago siya tuluyang natauhan. Muli niyang sinubukang ayusin ang sariling buhay kasabay ng pangakong hahanapin ang nawawalang kakambal. Ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya si Iris Archer. Ang kauna-unahang babae na hinayaan ni Garett na mapalapit sa kanya. Kung kailan natutunan na niyang mahalin ang babae ay saka naman niya natuklasan kung sino talaga ito. Ano ang pipiliin niya? Ang pagmamahal na gumamot sa sugat na gawa ng nakaraan o ang paghihiganti na maaaring maging dahilan para mawala sa kanya si Iris?
Other
3.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Never Fall Again to the Heartless Billionaire

Never Fall Again to the Heartless Billionaire

Binayaran si Emerald upang paibigin at sirain ang engagement ni Lucian Monteverde sa kasintahan. Dala ng pangangailangan at lihim na pag-ibig sa binata ay pumayag siya. Matagumpay ang misyon ngunit naging kapalit ang buhay ng babaeng pinakamamahal nito. Hindi siya nakahanda sa matinding galit at ganti ng bilyonaryong CEO. Pinakasalan siya nito at pinagmalupitan. Pinagbayaran niya ang lahat ng kasalanan hangang sa puntong tapusin niya ang sariling buhay. Makalipas ang dalawang taon ay muling nag-krus ang kanilang landas. Iba naman ang pagpaparusang ginawa ng asawa, naging possessive at obsessed ito sa kanya! Ayaw siya nitong pakawalan ngunit hindi siya babalik kailanman. Wala sa plano niyang ulitin ang katangahan. Gusto niyang mabuhay ng malaya at may kapayapaan ng isip. Ngunit bakit ayaw mapatid ang gahiblang tila sinulid na nag-uugnay sa kanilang dalawa?
Romance
9.7104.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me

Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me

In a marriage built on convenience, will she finally find the love she’s been denied all her life? *** Si Chloe Lazaro ay isang babaeng walang boses sa sariling pamilya, tinatawag na malas, tinataboy, at walang halaga. Sa bawat araw na kasama ang mga magulang at kapatid, unti-unti niyang nakalimutang karapat-dapat din siyang mahalin. Hanggang sa dumating si Jiro Ramirez . Isang makapangyarihan at mayamang lalaki na kilala sa malamig na ugali at imposibleng lapitan. Ngunit sa likod ng kanyang malamig na anyo, si Jiro lamang ang unang kumupkop kay Chloe, ang unang humawak ng kanyang kamay, at ang unang nagsabi ng mga salitang hindi niya narinig kailanman: “Don’t be nervous… you’re my wife now.” At sa piling ng isang lalaki na estranghero, matutuklasan ni Chloe na may mga kasal na hindi lang papel ang nagbubuklod… kundi puso.
Romance
105.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1011121314
...
30
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status