Mr. CEO Begs for a Second Chance from His Runaway Wife
Bingi na si Wella Allyson Halili mula pagkabata, kaya sanay na siya sa mapanghusgang tingin at masasakit na salita ng mga tao sa paligid niya.
Pagdating niya ng 20 years old, ginamit ng sarili niyang ina ang isang pregnancy test para pilitin siyang pakasalan ang tagapagmana ng Fuentes Family, kay Shawn Slade Fuentes.
Ayaw ni Shawn kay Wella. Galit siya rito. Pero wala siyang nagawa kundi pakasalan ang babaeng hindi niya mahal.
Pagkatapos ng kasal, tuloy pa rin ang pambababae ni Shawn. Halos hindi niya pinapansin ang sarili niyang asawa. Para lang mapanatili ang imahe ng isang “maayos na pamilya” at para sa kapakanan ng anak nila, tiniis ni Wella ang lahat. Paulit-ulit siyang nagparaya, paulit-ulit siyang nagpanggap na okay lang.
Hanggang sa isang araw, dumating sa buhay nila ang babaeng tunay na mahal ni Shawn.
Mas masakit pa, ang anak na muntik nang ikamatay ni Wella sa panganganak, mas sweet at mas gusto ang babaeng iyon, tinatawag pa itong “Ninang.”
Doon niya napagtanto ang katotohanan. Hindi pala manhid si Shawn. Marunong pala itong magmahal, hindi lang sa kanya, kundi sa unang babaeng minahal nito.
Basag ang puso, iniwan ni Wella ang divorce agreement at nagdesisyong umalis para magsimula ulit. Pero hindi niya inakalang hahabulin siya ni Shawn. Hinarangan siya nito, galit ang mga mata.
“Wella, do you think marriage is just a game?” malamig na tanong ni Shawn. “You want a divorce? Let’s talk about that after our second child is born.”