Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
HIS OBSESSION: The Taste of True Love

HIS OBSESSION: The Taste of True Love

"You're mine at mananatili ka sa piling ko hanga't gusto ko!" madiin at may halong pagbabanta na bigkas ng lalaking kaharap ni Precious Amber Rodriguez. HIndi niya akalain na sa simpleng pagtakas niya sa kasal sa lalaking itinalaga ng sarili niyang ama ay mapupunta siya sa kamay ni Lucian Montefalco Ferrero. Ang lalaking pinagbentahan niya ng kanyang virginity. Ang lalaking kailan niya lang nalaman na tiyuhin pala ng kanyang ex-boyfriend. Kakayanin niya kayang makisama sa isang lalaking umpisa pa lang, alam niyang katawan lang ang habol sa kanya or pikit mata siyang mananatili sa tabi nito alang-alang sa may sakit niyang Ina?
Romance
1087.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Wala Kasing KATULAD

Wala Kasing KATULAD

Si James Alvarez ay galit na galit dahil may nagtangkang manligaw sa kanyang kasintahan. Sa huli, siya ay napadpad sa likod ng mga rehas matapos ang kanyang pagtatangkang protektahan siya. Tatlong taon ang lumipas, siya ay isang malayang tao ngunit nalaman niyang ikinasal ang kanyang kasintahan sa lalaking nanligaw sa kanya noon. Hindi papayag si James na basta na lang mawala ito. Sa kabutihang palad, natutunan niya ang Focus Technique habang siya ay nasa bilangguan. Sa puntong iyon, siya ay nagsimula sa paglalakbay ng pagsasanay at sinamahan ng isang napakagandang si Jasmine. Sino ang mag-aakalang ito ay magpapagalit sa kanyang ex-girlfriend?
Urban
1016.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Hot Professor Arthur

Hot Professor Arthur

Magdalena Perez, isang mask dancer at college student, ay napilitang pumasok sa ganoong trabaho matapos silang iwan ng kanyang ama at para matustusan ang gamot ng inang may sakit sa puso. Isang gabi, natagpuan niya ang sarili sa harap ni Professor Arthur, ang guro niyang lihim na may paghanga sa kanya. Sa kabila ng takot na mabunyag ang kanyang trabaho at mawala ang scholarship, pumayag siya sa isang alok ng club owner kapalit ng malaking halaga para sa operasyon ng kanyang ina. Hindi niya inakala na si Professor Arthur pala ang lalaki sa gabing iyon.
Romance
370 viewsOngoing
Read
Add to library
Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)

Sold To A Ruthless Billionaire (TAGALOG)

Rouzan Mei
Hindi inaasahan ni Yorzuana Ghitt na ibebenta siya ng kaniyang mga magulang sa isang lalaki kapalit ng bilyon-bilyong halaga. Naisipan lang na bilhin siya ni Roger Mizores dahil sa pagnanasa niya rito at walang halong pagmamahal sa dalaga. Ngunit sa kabila ng pagiging matigas na puso ni Roger, paninilbihan ang isinukli ni Yorzuana sa kaniya hanggang sa magsawa ito dahil sa pag-amin ng binata na binili lamang niya ito. Nasaktan, nagpakamatay ngunit muling babangon. 'Yan ang nangyari kay Yorzuana nang hindi niya inaasahan. May magagawa ba si Roger para sa dalaga?
Romance
4.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Play-Off

The Billionaire's Play-Off

Rhenkakoi
Si Joanna Rissa Lico, nawala sa kaniya ang lahat dahil sa panloloko ng kaniyang boyfriend. Kinuha na nito lahat ng yaman niya, pati mukha niya ay sinunog nito. Dahil sa pinagdaanan ni Joanna na dumurog sa puso niya ay binalak niyang magpakamatay pero hindi 'yun natuloy dahil kay Marvin Guevarra, isang gwapong bilyonaryo na masungit at walang modo para kay Joanna. Inalok siya ni Marvin na tutulungan siya nito sa paghihiganti sa dating nobyo ni Joanna sa pamamagitan ng isang kasal, wala man naibigay na dahilan ng pagtulong ay kinuha ni Joanna ang pagkakataon na 'yun upang makapaghiganti sa dati niyang nobyo. Pero paano kung sa paglipas ng mga araw ay biglang makipaglaro si Marvin kay Joanna na mahuhulog ito sa kaniya, mapigilan kaya ni Joanna ang kaninyang nararamdaman upang manalo sa larong inumpisahan ni Marvin? Maging totoo kaya ang larong ginawa nila?
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
His Pretentious Love

His Pretentious Love

Nag-propose na rin sa wakas ang limang taon na nobyo ni Mia sa kanya sa araw ng kanilang anniversary. Masaya siya dahil nagbunga na rin ang kanyang paghihintay ng ilang taon. Sa gabi ding iyon walang pag-aalingan na ibinigay ni Mia ang kanyang pagkababae sa kanyang nobyo sa unang pagkakataon. Naging mapusok at mainit ang pinagsaluhan nilang pagkakaisa kaya naman sa labis na pagod ay nakatulog si Mia. Pero nagising siya makalipas ang ilang oras nang may tumawag sa kanyang cellphone. Ilang ulit na humingi ng tawad ang kausap niya sa kabilang linya dahil hindi raw ito nakarating sa kanilang anniversary dahil may importanteng inasikaso. Nagulat si Mia nang malaman niya na ang kausap niya ay ang nobyo niya. Hindi siya pwedeng magkamali dahil alam niya ang boses nito. Napatingin si Mia sa higaan at nagtaka siya. Kung ang kausap niya sa cellphone ay ang totoong nobyo niya, sino pala ang lalaking ito na kamukhang-kamukha ng nobyo niya na natutulog sa kama? Sino pala ang lalaking ito na nagpropose sa kanya at nagkunwaring boyfriend niya?  At ang nagpakaba kay Mia ng husto ay ang katotohanan na naipagkaloob niya ang sarili sa lalaking hindi naman pala talaga niya kilala.
Romance
10747 viewsCompleted
Read
Add to library
Contracted Mistress of My Boyfriend’s Father

Contracted Mistress of My Boyfriend’s Father

Si Althea Cruz ay isang dancer sa sikat na club na Elysium, kung saan siya ay laging naka-mask para itago ang kanyang pagkakakilanlan. Isang gabi, nakilala niya ang misteryosong may-ari ng club, si Damian Villanueva… isang mayaman, dominante, at mapanuksong lalaki. Nagkaroon sila ng kakaibang koneksyon hanggang sa inalok siya ni Damian ng isang kasunduan: maging mistress niya sa loob ng dalawang taon, kapalit ng malaking halaga na pera at iba pa. Dahil sa pagkakaospital ng kanyang ina at sa kakulangan ng pera para sa gamutan, napilitan si Althea na pumirma sa kontrata, kahit alam niyang maaaring magbago ang buhay niya mula noon. Ang hindi niya alam, si Damian ay ama ng boyfriend niyang si Ethan… ang lalaking tunay niyang minamahal. Habang lumilipas ang mga buwan sa piling ni Damian, unti-unti niyang natutuklasan ang mga lihim sa likod ng pamilya Villanueva… at ang mas nakakatakot pa, nahuhulog na rin siya sa lalaking dapat ay kinamumuhian niya. Ngayon, nahati ang puso ni Althea sa pagitan ng lalaking una niyang minahal at ng lalaking hindi niya kayang iwan, kahit alam niyang mali. Hanggang saan ang kaya niyang tiisin alang-alang sa kontrata, sa pamilya, at sa pusong unti-unting nabubuwag sa bawal na pag-ibig?
Romance
10334 viewsOngoing
Read
Add to library
Palitan ang Tadhana, Bagong Simula

Palitan ang Tadhana, Bagong Simula

Sa mismong araw ng aming kasal, ang childhood sweetheart ni Hansel Lennox na si Nara Sullivan, ay nagbantang tatalon mula sa isang gusali. Hindi niya ito pinansin at itinuloy ang kasal. Ngunit nang talagang tumalon si Nara, saka siya nag-panic. Simula noon, palagi na siyang pumupunta sa simbahan, unti-unting naging isang deboto. Pinipilit pa niya akong bigkasin ang mga banal na kasulatan at lumuhod habang nagdarasal—lahat sa ngalan ng pagsisisi sa aking mga kasalanan. Dahil sa kanya, nawala ang aking anak. Sa araw na nakunan ako, gusto ko nang makipag-divorce. Ngunit sinabi niyang pareho naming pinagkakautangan si Nara, kaya dapat kaming magsisi nang magkasama. Ginamit niya ang aking pamilya upang takutin ako at panatilihin sa kanyang piling. Inaksaya ko ang buong buhay ko para sa kanya. Ngunit pagmulat ko ng aking mga mata, bumalik ako sa mismong araw ng aming kasal. Sa pagkakataong ito, ako mismo ang magtutulak kay Hansel kay Nara. Ako naman ang magpapahirap sa kaniya.
Short Story · Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing Justice

Chasing Justice

Dalawang puso ang tumitibok at naglalayong magpaalab ng sumibol na pag-ibig sa hindi inaasahang pagkakataon at panahon. Ang pag-ibig na hindi mapapantayan ang inaalay ni Brael Montegarde at Hasumi Mitsunabi sa isa't isa. Ilang beses na pinaghiwalay ng tadhana subalit muling natatagpuan ang mga sariling tapat na sumisinta sa isa't isa at pinipiling iraos ang pag-ibig na pilit hinahadlangan ng mga taong nakapaligid sa kanila. Isang trahedya sa nakaraan ang muling binabalikan ng kasalukuyan. Ang madugong pagpatay sa mga magulang ni Brael at ang bangungot na patuloy na gumugulo kay Hasumi ay tila ba konektado.  Sa pagsiwalat ng katotohanan ay magugulantang ang mga pusong nagiibigan. Ang pumatay sa mga magulang ni Brael ay ang babaeng minamahal niyang si Hasumi.  Layunin ni Brael Montegarde ang maghiganti sa taong pumaslang sa mga magulang niya. Subalit guguluhin ng pagmamahal niya ang paghangad niya ng hustisya.  Kaya niya bang paslangin ang babaeng mahal niya? O mananaig ang pag-ibig na napunla sa mga puso nilang lubos na nagmamahal sa isa't isa?
Romance
104.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Dela Cerna's Other Woman.

Dela Cerna's Other Woman.

BLURB, Napilitan si Nica Mae Romero na mamasukang katulong/ driver sa mansyon ng mga dela Cerna, kung saan namamasukan bilang family driver ang kanyang ama. Ngunit nagkasakit naman ang kanyang ama kaya kailangan nitong tumigil sa pagtatrabaho. Dahil sa marunong naman din siya at maalam sa mga sasakyan ay siya na ang kinuhang kapalit na driver, dahil na rin sa pakiusap ng kanyang ama at ng tiyahin niya na mayordoma sa mansyon. Sa pagpasok niya bilang katulong at driver sa mga dela Cerna, ay hindi niya inaasahan na mahuhulog ang loob niya sa kanyang among lalaki. Alam niyang hindi pwede ang kanyang nararamdaman, dahil nakatali na ang puso ng lalaking kanya ng minamahal. Paano niya mapipigilan ang kanyang damdamin kung sa araw-araw ay nakakasama n'ya ang lalaki? Papaano niya pa susupilin ang nararamdaman, kung alam niyang nahuhumaling na rin sa kanya ang amo niya? Magkaroon kaya ng happy ending ang nararamdaman nila para sa isa't isa, gayung kasal si Arnel kay Romary?
Romance
1020.0K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status