Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Z-Virus: Seeking for Cure

The Z-Virus: Seeking for Cure

PerfectionInRedzMystery
Isang virus ang unti-unting kumakalat sa buong panig ng Pilipinas. Ito ay unti-unti rin na umuubos sa papulasyon ng Pilipinas. Ang simpleng bakasyon ni Agent Xanthea ay nauwi sa pagharap, pakikipaglaban, at pagkikipagsapalaran sa mga infected ng virus na kumakain ng kapwa tao. Isang kagat lang ay maaari na rin itong maipasa sa iba. Kasama ang mga kaibigan at team ni Xanthea—poprotektahan nila ang cure na hawak mismo ni Xanthea. Pangangalagaan niya—nila ang cure laban sa mga taong gustong kunin at wasakin ito para tuluyang kumalat ang virus sa buong mundo. Dadanak ang dugo, marami ang lalaban, marami ang madadamay, at malaki ang mawawasak. Sa huli, katarungan at kapayapaan pa rin ang mananaig. Ngunit tapos na nga ba talaga?
Paranormal
107.9K viewsCompleted
Read
Add to library
My Fiance is my Ex

My Fiance is my Ex

Reading_letters
"Mahal ko siya, pero hindi pa ako handa" "My instinct was wrong about him and my best friend, now that I can say I'm ready..." "Doon palang naging huli na ang lahat" ---Athena Delight Teneza "I like you... No- that's not the right word..." "I love you..." "Turns out, you love someone else..." "I want to forget you, and look for someone who will love me back... Until I realized, I'm not loving her back... Ikaw parin talaga kahit ituon ko Ang pansin ko sa iba" --- Justin Meyer Cruz Minahal nila ang isa't isa sa hindi naaayon na panahon, dahil sa mapaglarong tadhana... Nauwi sa 'huli na ang lahat' ang 'handa na ako'. Ngunit paano kung sa pagdating ng panahon na masasabi mong 'magmumove forward na ako' ay mauuwi nalang sa 'fiance ko ang Ex ko'?? Magkasintahan sina Athena at Justin mula kolehiyo. Naghiwalay dahil sa isang serye ng mga maling akala at nasirang tiwala. Ngayon, sa hindi inaasahang pagkakataon, sila'y pinilit magpakasal sa papapamitan ng arrange marriage na napagkasunduan ng kanilang mga pamilya. Mas pinili nilang maging estranghero at wala sa kanila ang nagpaalala tungkol sa kanilang nakaraan. Sa kanilang pagsasama ay unti-unti nilang narirealize ang tunay nilang nararamdaman sa isa't isa. Lihim silang may malalim na pagmamahal sa isa't isa. Sa panahong napagdesisyonan nilang aminin at ituon ang pagmamahalan nila sa isa't isa ay muling magbabalik ang dahilan ng naging hiwalayan nila sa nakaraan? Paano kung dumating ang pagkakataong pagdedeaisyonan ni Justin ang pagpayag sa debusyong kagustuhan ni Athena? Ano nga ba ang dahilan ni Athena sa divorce na hihilingin kay Justin? Katapusan na nga ba ng kanilang kwento o simula pa lamang ito ng masalimuot na kabanata ng kanilang relasyon?
Romance
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
My Best Friend's Baby

My Best Friend's Baby

Hindi akalain ni Gwin na ang pagdamay sa matalik na kaibigang bigo sa pag-ibig ay mauuwi sa isang gabing pagkakamali. Nagkunwari siyang walang nangyari no'ng gabing nalasing sila, sa kagustuhang ayaw masira ang pagkakaibigan nila. Pero hindi niya pala kayang magkunwari ng matagal. Sa araw na handa na siyang sabihin ang totoo ay siya namang pagbalik ng girlfriend nito. Ramdam at kita niya kung gaano kasaya ang matalik na kaibigan sa pagbalik ng babaeng mahal. Kaya sa huli ay pinili na lamang niya na lumayo at nangako sa sarili na habangbuhay na ilihim ang nangyari sa kanila. Pero paano kung muling mag-cross ang landas nila? Magagawa niya pa bang ilihim ang nangyari gayong nagbunga pala ang pagkakamaling nagawa nila?
Romance
1081.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Lorenzo Montemayor"The CEO’s Twins & Young Beautiful Nanny"

Lorenzo Montemayor"The CEO’s Twins & Young Beautiful Nanny"

Mhiya Anne, 17 years old, is a hardworking high school student juggling studies and work in the public market just to survive. Wala na siyang pamilya — mag-isa na lang siya sa buhay. Pero isang gabi, sa hindi inaasahang pangyayari, nabuntis siya ng kaklase niya matapos ang isang gabing di niya maalala—isang gabing lasing siya at walang matandaan. Pinatira siya ng pamilya ng lalaking nakabuntis sa kanya. Sa una, mabait. Pero nang mailabas ang anak niya, nagsimula ang totoong hirap. Pinilit siyang magtrabaho muli dalawang buwan pa lang ang nakakalipas mula sa panganganak, para raw “makabawi.” Ang mas masakit, ang ama ng kanyang anak may iba na — at never siyang pinanindigan. Hanggang sa isang araw, tumanggap siya ng text na bumasag sa puso niya: *“Dinala na namin sa ospital ang anak mo. Mataas ang lagnat. Maghanda ka ng malaking pera. Hindi kami magbabayad pang hospital ng anak mo. Kulang pa ang binibigay mo kada linggo.”* Luhaan siyang tumakbo sa ospital kahit walang-wala. Pero huli na ang lahat. Hindi na niya inabutan ang anak niya nang buhay. Doon gumuho ang buong pagkatao niya. Ang nag-iisa niyang dahilan para mabuhay… nawala. At sa araw ding ‘yon, wala na rin siyang dahilan para lumaban — hanggang sa isang hindi inaasahang babae ang lumapit sa kanya. Si Lorainne Montemayor. At isang alok ang magbabago sa buhay niya **Lorenzo Montemayor**, 30 years old. Gwapo. Matalino. Mayaman. Kilala sa mundo ng negosyo. Pero sa likod ng tagumpay ay isang pusong sugatan — iniwan ng kanyang long-time childhood fiancée, na nag loko pa at hindi kayang panindigan ang kanilang anak. Ayaw ng babae sa responsibilidad, iniwan ang lahat kay Lorenzo. Dalawang magkaibang mundo. Dalawang magkaibang sugat. Pero iisang dahilan kung bakit sila natutong lumaban — **ang kanilang anak.**
Romance
819 viewsOngoing
Read
Add to library
Falling For The Billionaire

Falling For The Billionaire

“A marriage of convenience… turned into a love worth fighting for.” Isang kasal na hindi pinili, kundi ipinilit ng kapalaran. Para kay Vernice, ang kasal ay isang bagay na dapat nagmumula sa pagmamahal at hindi sa kasunduan. Ngunit biglang nagbago ang lahat nang mapilitan siyang pumayag sa isang arranged marriage—at ang lalaking nakatakda niyang pakasalan ay walang iba kundi si Caius, isang makapangyarihang negosyante na kilala sa kanyang malamig na ugali at walang interes sa pag-ibig. Sa simula, parang isang bangungot ang pagsasama nila. Ang buhay ng isang simpleng babae ay biglang naipit sa mundo ng karangyaan, intriga, at matinding pressure na dala ng pagiging asawa ng isang kilalang billionaire. Sa kanilang pagsasama, tila dalawang magkaibang mundo ang pinilit na pinagtatagpo—isang pusong naghahanap ng pagmamahal at isang pusong sanay nang magtago sa likod ng yaman at kapangyarihan. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may mga simpleng bagay na unti-unting nagbabago. Ang mga tingin na dati ay malamig, naging mainit. Ang mga usapan na dati ay pormal at walang saysay, nagiging puno ng lambing at tawa. At ang kasal na dati’y walang emosyon, nagiging isang tahanan ng pag-ibig na hindi nila inasahan. Subalit hindi mawawala ang mga pagsubok—mga taong tututol, intriga ng lipunan, at takot na baka ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Ngunit sa kabila ng lahat, matutuklasan nilang hindi ang kasunduan ang magtatali sa kanila, kundi ang pusong natutong magmahal ng totoo. Isang kwento ng dalawang taong hindi pinili ang isa’t isa, pero pinili ng tadhana. Sa huli, mapapatunayan nilang minsan, ang pagmamahal ay dumarating sa pinaka–hindi inaasahang paraan.
Romance
10292 viewsOngoing
Read
Add to library
Nalunod Ako Dahil Nabulunan ng Tubig sa Pool ang Hipag Ko

Nalunod Ako Dahil Nabulunan ng Tubig sa Pool ang Hipag Ko

Halos muntik lang naman malunod habang lumalangoy ang kapatid ni Hadden, at para diyan, itinulak niya ako sa pool pagkatapos itali. Iniwan niya lang ako ng maliit na butas para sa hangin na may sukat na isang pulgada. Sinabi niya na pagbabayaran ko ang lahat ng doble para sa bawat pagdurusang dinanas ni Julia. Hindi ako marunong lumangoy. Wala akong magawa kundi subukan ang aking buong makakaya habang umiyak ako at pinakiusapan siya na pakawalan ako. Pero ang natanggap ko lang ay leksyon. “Hindi ka matututo kung hindi kita tuturuan ng leksyon ngayon.” Nagpumiglas ako para manatiling nakalutang, pero… Inabot ng limang araw bago naglaho ang galit ni Hadden at itinigil niya na ang pagdurusa ko, pero huli na ang lahat. “Pakakawalan kita sa pagkakataong ito, pero huwag mo nang uulitin ang parehong pagkakamali!” Namatay na ako sa pagkalunod.
Short Story · Romance
1.1K viewsCompleted
Read
Add to library
The Wife's Comeback

The Wife's Comeback

Hindi na mabilang pa ni Rigella kung ilang beses na siyang sinaktan ng kanyang asawa. Dahil ang kasal nila ay ipinilit lamang. Siya lamang ang may kagustuhan na maganap iyon. She got pregnant with Ivan's child because of a mere one night stand. Kaya nang malaman ito ng kanyang parents ay kaagad sila nitong ipinakasal. Wala man lang tanong-tanong kung parehas nila itong gusto. While Ivan on the side, has his long time girlfriend whom he truly love. Harap-harapan niyang ipinapamukha kay Rigella na hindi niya ito mahal at talagang mag-asawa lang sila sa papel. Mind-blowing situations, jaw-dropping revelations, rip-roaring lies and forbidden secrets. How can love take its place? Lalo pa kung natupok na ng nag-aapoy na galit at poot ang dapat sana'y wagas nang pagmamahal? Paano muling magbabaga ang apoy nito? O ang apoy ba ng paghihiganti ang mananaig hanggang sa huli?
Romance
1014.8K viewsOngoing
Read
Add to library
An Exquisite Love

An Exquisite Love

Exquisite refers to something that is exceptionally lovely or delightful, especially in a delicate way. On the other hand, intimacy, passion, and commitment characterize love as a set of emotions and behaviors. Care, intimacy, protectiveness, attraction, affection, and trust are all involved. Love can be intense at times and alter over time. It is linked to a variety of pleasant feelings such as happiness, enthusiasm, life satisfaction, and pleasure, but it can also trigger negative emotions such as anxiety and jealousy. May iba't ibang uri ang pagmamahal ngunit ang pagmamahal na ito ay maraming naidudulot sa karamihan. At may kasabihan din tayo na kahit na anumang sobra ay mali o kaya naman ay may kapalit na sakit. But is it applied in terms of love? Reign Maureen, a girl who never intended to be in love with her classmate who's known to be her childhood bestfriend but she doesn't know it. She really fell in love with Shawn deeply that let her break herself because of love. Ang pagmamahalan bang ito ay may magtatagal hanggang sa huli o tatapusin na lang dahil sobra nang sakit?
YA/TEEN
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaires Son

The Billionaires Son

“Lord pahiram ng anak ko! Please lang huwag mo muna siyang kuhain sa akin, hindi ko kakayanin. Sobrang bata pa ng aking anak! Huhuhu!” napasandal na lang ako sa wall ng hospital at humahagulgol na nananalangin. Bago pa ako makapagsalita ulit ay nakita ko ang Arnaldong iyun na nakatingin saming dalawa ni Regan, nakatayo lang din ito sa isang sulok malapit samin, yumuko siya ng makita niya akong nakatingin sa kanya. Bumitiw ako sa pagkakakapit ko kay Regan at lumapit ako papunta sa lugar kung nasan si Arnaldo, hinabol lang ako ng tingin ni Regan at hindi ko na napigilan ang aking sarili, isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa pisngi ni Arnaldo. Nagsusumigaw ang galit sa aking puso't isipan Nakita kong napakapit siya sa kanyang pisngi at nagatataka siyang napatingin sakin"Hay*p ka! nakapawalang hiya mo talaga. Nagpakalayo-layo na kami ni Anthony nasundan mo pa rin kami. Wala ka ng dinala sa buhay naming mag-ina kundi puro sakuna.(pinaghahampas ko ang kanyang dibdib habang patuloy ang aking pag iyak, Sobrang galit ang aking nararamdaman, hinahayaan lang naman niya ako sa kanyang ginagawa, maya-maya ay naramdaman kong niyakap na niya ako para huminahon, ) Hindi na ako nanggulo sa buhay niyong mag-asawa kagaya ng gusto mong mangyari! kaya please lang lubayan mo na kaming mag-ina. HUHUHU" bigla naman akong nanghina at tila nawalan ng lakas ng yakapin na niya ako, pakiramdam ko ay nasa maayos akong mga kamay sa piling ng bisig nito. "Naguguluhan ako! anong ibig mong sabihin?! Hindi kita maintindihan, Una kitang nakita sa bahay namin, kasama ko sa kwarto , yun na ang una at huli nating pagkikita!" sagot sakin ni Arnaldo
Romance
1032.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Running Away From My Billionaire Baby Daddy

Running Away From My Billionaire Baby Daddy

Isa sa dahilan kung bakit nais ni Yamila na maging doktor ay para iligtas ang buhay ng mga taong nasa binggit na ng kamatayan o kaya'y may malubhang sakit. Ngunit hindi niya inaasahan na isa pala sa kaniyang magiging pasyente ay ang dati niyang hipag. Dinudugo ito at nanganganib na makunan. Matagal na silang hindi magkasundo ni Mia, akala niya'y hindi na sila muling magkikita pa. Lalo pa't sa loob ng apat na taon ay naging tahimik naman ang buhay niya— malayo sa mga Esquivel. May pagdadalawang-isip siya, ayaw niyang magkaroon muli ng interaksyon sa mga Esquivel, lalo pa sa kapatid ni Magnus. Ngunit sa huli, mas nangibabaw ang kaniyang pagiging responsable. Kailangan niyang tulungan si Mia kahit na ang kapalit nito ay muling magkrus ang kanilang landas ni Magnus... nang dating asawa. Hindi nga siya nagkamali, dahil sa nangyari ay nagkita silang muli ng lalaki. Kung kailan hindi siya handa— kung kailan nasa gitna sila ng panganib at matinding kaba. Apat na taon na ang lumipas nang umalis siya ng Pilipinas. Tanging ang divorce paper lamang ang iniwan niya kay Magnus bago siya umalis. Walang paalam. Wala nang seremunya. Umalis siya na buo ang loob. Ngunit ang hindi alam ni Magnus, sa kaniyang pag-alis ay mayroon siyang ibang dala. Ang dugo't laman nito... isang Esquivel. Buntis na pala siya kay Magnus. Ngunit pagkatapos ng nangyari sa kanila, paano niya masasabi ang tungkol sa supling na kaniyang isinilang? Hindi niya magawang sabihin kay Magnus ang tungkol kay Thadeus... ang anak nito. Natatakot siya. Gayunpaman, muli silang pinagtagpo ng tadhana. Tila ang kapalaran na ang nagtakda na muli silang magkita. Makakatakas pa ba siya sa dating asawa? Maitatago niya pa ba ang tungkol sa kanilang anak? O mabubunyag ang kaniyang lihim? Handa na ba siyang magpatawad? O matatakot siyang sumugal muli?
Romance
1011.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3536373839
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status