Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
All About Her

All About Her

Si Elaisa ay nagmula sa hindi kilalang pamilya na nagpakasal sa mayamang negosyante. Kung iisipin ay napaka swerte nya dahil hindi nya mararanasan ang hirap ng buhay. Hindi nga ba? Maraming pagsubok ang dinaanan ni Elaisa. Minsan nang nakaranas ng pang-aabuso at may takot sa dugo. Kung iisipin ay nakapahinang babae nya pero hindi 'yun naging balakid para magmahal sya kahit na hindi sya kailan man kinilala ng asawa. Nang sa wakas ay natutunan na ng asawa nya ang mahalin sya ay saka naman dumating ang hindi inaasahan at nakapalaking problema sa buhay nila. Dapat bang sumuko kapag bumitaw na ang isa? Dapat bang iwan sya para lumiga habang wala ka? Istorya ng babae kung paano tinanggap at sinugal ang lahat para sa pag-ibig.
Romance
108.9K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Marrying My Ex's Billionaire Uncle

Marrying My Ex's Billionaire Uncle

Isang kasal na nagsimula sa isang kasunduan… pero paano kung ang puso ay hindi marunong sumunod sa kontrata? *** Nang matuklasan ni Belle ang pagtataksil ng kanyang kasintahan, hindi niya inasahang ang lalaking mag-aalok ng kasal sa kanya ay walang iba kung 'di ang misteryosong billionaire na tiyuhin nito—Damian Villareal. Isang pormal na kasunduan, isang papel na kasal—iyon lang dapat ang namamagitan sa kanila. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nagkakaroon ng kahulugan ang kanilang pagsasama. Sa likod ng malamig na maskara ni Damian, natuklasan ni Belle ang lalaking may malalim na sugat sa puso. Sa kabila ng kanyang sariling pangamba, hindi niya napigilang mahulog sa isang lalaking hindi naman dapat mahalin. Ngunit paano kung ang nararamdaman nila ay hindi na kayang itago ng kahit anong pirma sa papel? Sa larong ito ng kapalaran, sino ang tunay na panalo—ang puso o ang kontrata?
Romance
109.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire

Forced to Marry the Cold, Blind Billionaire

Hindi ko kailanman inakala na ang isang desperadong desisyon ay tuluyang magbabago sa buhay ko. Nang lumobo ang bayarin sa ospital ng aking lola, wala akong ibang pagpipilian kundi tanggapin ang isang hindi pangkaraniwang alok—ang magpakasal kay Conrad, ang bulag ngunit malupit na tagapagmana ng makapangyarihang pamilya Laurier. Sinasabi nilang ipinanganak siyang nagdadala ng kamalasan dahil namamatay ang mga mahal niya sa buhay. Ngunit kailangan nila ng asawa para sa kanya, at kailangan ko ng pera. Dapat sana, isang simpleng kasunduan lang ito. Ngunit mula nang pumasok ako sa kanyang mundo, napagtanto kong may higit pa kay Conrad kaysa sa mga bulung-bulungan. Ang kanyang pagkabulag ay hindi kahinaan—bagkus, ginawa siyang mas matalas, mas mapanganib. Bawat salitang binibigkas niya ay may bigat, at bawat dampi ng kanyang kamay ay nagpapadala ng kilabot sa aking balat. Hindi niya ako pinagkakatiwalaan. Iniisip niyang isa lang ako sa mga babaeng nais samantalahin siya. Pero paano kung unti-unti kong makita ang totoong lalaking nasa likod ng malamig niyang maskara? At mas masama pa—paano kung mahulog ako sa kanya?
Romance
9.810.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
DOCTOR'S SEDUCTION

DOCTOR'S SEDUCTION

CONTENT WARNING: Please note that this book contains sensitive themes and includes explicit scenes, making up approximately 20% of its content. It is intended for mature readers only. ✧✧✧ "Why is it hard for you to give up that office, Dr. Abernathy?" inis na tanong sa kaniya ni Dr. Carterson na anak ng Chairman—ex boyfriend niya 12 years ago. "Mahalaga sa akin, of course! At bakit ba gusto mo iyon?" tanong naman niya. "Ako lang dapat magtatanong," angal naman nito. "Bakit nga mahalaga?" "Regalo sa akin ng kuya mo iyon noong intern pa lang ako at ikaw na ang nagsabi na kapag regalo dapat iniingatan. Kaya ibalik mo sa akin ang opisina ko!" "Paano ba iyan? I hate to think that it's a gift from Jaxon, you're not going to like what I'm going to ask for." Nainis siya pero pinili niyang kumalma. "Then tell me, gagawin ko." "You sure?" "Why not? As long as hindi naman nakakamatay yan. Hindi mo naman ako uutusan na uminom ng lason o púmàtày ng pasyente di ba?" Tumaas ang sulok ng labi nito. "Okay...then take off your panty and give it to me." Napanganga siya. "W-What?"
Romance
109.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
RARE LOVE

RARE LOVE

Sa pag-aaral nakatuon ang buong atensiyon ni Mikaella. Ginagawa ang lahat ng makakaya mapanatili lamang ang matataas na marka. Ngunit, sa isang iglap magbabago ang lahat. Nakilala niya ang anak ng may ari ng university na kanyang pinapasukan. Hindi ito ang lalaking dapat na ginugusto, subalit sa tuwing sila'y magkakatagpo ay hindi niya mapigilan ang pagdagundong ng puso!
YA/TEEN
8.9K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Principal's Affair

The Principal's Affair

"Isang gabing puno ng kapusukan ang nag-ugnay kay Isabella Zamora at Rafael Luis D. Grafton isang estranghero na hindi niya inakalang muling makakatagpo. Dapat ay isang lihim lang iyon, isang pagkakamaling dapat kalimutan. Ngunit sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas—hindi bilang magkaibigan, kundi bilang guro at prinsipal—mabubunyag ang isang lihim na matagal nang itinago. Sa gitna ng pag-iwas at pagkakaila, magagawa ba nilang talikuran ang nakaraan? O ang tadhana mismo ang pipilit sa kanilang harapin ito?"
Romance
108.1K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Unwanted Heiress

The Unwanted Heiress

Si Felicia ay isang batang ulila na may pambihirang talino at diskarte. At isang utak kriminal kung tutuusin, pero hindi kailanman ginamit sa kasamaan.  Sa murang edad, naging banta na siya sa kapulisan at naging pakay ng mga pinuno ng kriminal na sindikato. Hangad nilang gamitin ang galing ni Felicia para sa pansariling kapangyarihan. Ngunit isang gabing puno ng panganib ang tuluyang nagbago sa kanyang kapalaran. Iniligtas ni Felicia ang mga anak ng mayaman na biktima ng kidnapping, at hindi niya alam na doon na magbabago ang tadhana ng buhay niya. Tinulungan siya ng isang binatilyo at pinapanggap na apo ng pinakamaimpluwensyang businessman sa boung mundo at nakuha niya ang pansin nang matandang businessman na iyon na matagal nang naghihinagpis sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na apo. Inampon siya ng matanda at ginawa bilang huwad na tagapagmana. Kahit batid ng matanda ang buong katotohanan, buong puso niya itong tinanggap bilang apo, sa hangaring makaramdam muli ng init ng pamilya bago siya tuluyang mamaalam. Pero hindi ganoon kadali ang buhay sa loob ng mansyon. Ang mga magulang ng nawawalang bata ay malamig at mapanakit. Ang kanyang stepsister, parang ahas na laging handang manira.  Hindi niya ginusto ang lugar na ito, pero pinili niyang manatili, para tuparin ang hiling ng tanging taong naniwala sa kanya. Hangad lang ni Felicia na maging mabuting apo. Pero kailanman ay hindi naging sapat ang kabutihan sa mundong puno ng kasinungalingan at inggit. At sa likod ng bawat ngiti sa mansyon, may mas malalim palang lihim… Isa siyang pamalit.... Pero baka siya rin ang susi sa pagkawasak o pagsalba ng pamilyang ito. At kung aapakan siya ng mga taong dapat ay pamilya niya... Pasensya na lang sila. Hindi siya ang tipo'ng basta na lang magpapatalo. Dahil siya ay si Felicia o nagtatago sa pangalan ni Lucia Moretti. *****
Mafia
1011.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Falling For My Runaway Bride

Falling For My Runaway Bride

Warning R-SPG ⚠️ Si Amara ay isang mabait at konserbatibong babae na iniwan ng kasintahan matapos siyang gamitin at lokohin. Sa gabi ng kanyang pinakamasakit na kabiguan, nakilala niya si Leo, isang misteryosong estranghero na nagligtas sa kanya at naging asawa niya sa isang di-inaasahang kasunduan. Ngunit ang kasal na dapat ay pansamantala lamang ay nagdala ng mas malaking gulo sa kanilang buhay. Nang maghiwalay sila, iniwan ni Amara ang isang lihim na magbabago sa lahat—ang kambal nilang anak. Limang taon ang lumipas, muli silang nagtagpo sa gitna ng mga lihim, selos, at banta mula sa mundo ng mafia na kinasasangkutan ni Leo. Sa pagitan ng pag-ibig at panganib, magagawa kaya nilang paghilumin ang mga sugat ng nakaraan? O tuluyan na silang lalayo sa isa’t isa? Isang kwento ng sakripisyo, pamilya, at pagmamahal ang magpapatunay na minsan, ang mga pusong nasaktan ay maaaring magmahal muli.
Romance
109.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Fabricated Flame

Fabricated Flame

Chloe Lorin Navrus is known as the 'snow queen' because she's manipulative, ruthless, cold, proud, and merciless when it comes to handling business. She's living to make her parents proud and to make their family business even more successful. On the other hand, Zale Villanueva is a hardworking man under Chloe's company who's planning to get married with his long time girlfriend. Paglalapitin sila ng tadhana sa parehong hindi magandang dahilan na kapwa silang may makukuha. Dahil nang malaman ni Chloe na ipapakasal siya ng mga magulang niya sa lalaking hindi niya kilala ay natuto siyang tumanggi sa kauna-unahang pagkakataon. At para mapaniwala ang mga magulang niya na hindi siya pakakasal sa iba dahil may karelasyon siya ay binayaran niya si Zale na magpanggap bilang boyfriend niya sa harap ng lahat kapalit ng tatlong milyon na kinakailangan nito para mapaopera ang tatay ng girlfriend niyang may sakit. Pero ang pagpapanggap na akala niyang magiging madali lang ay hindi pala. Hindi madali dahil sa pagpapanggap na ginagawa nila ay unti-unti niyang napapakita kung sino siya sa likod ng matapang na mukha na iyon. Unti-unti nilang nabubuksan ang mga bagay na hindi dapat buksan dahil sa pagpapanggap na ginagawa. At unti-unti nilang nakakalimutan na nagpapanggap lang sila. As pain, tears, and heartaches slowly arises, will they choose to embrace each other or not? Will they face the consequences of their actions or they will just continue living in their own lives like nothing happened?
Romance
1010.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Monster Inside My Mind (Tagalog)

The Monster Inside My Mind (Tagalog)

HeartShamia
Paano kung malaman ni Ralfh na ang taong mahal niya ay ang matagal na niyang hinahanap? Matatanggap pa kaya niya si shannie? Ipapakulong ba niya ito?or hahayaan niya na lamang ito? Ngunit ang nais niya mabigyan ng hustisya ang kanyang ina na matagal na niyang hinahangad. Anu ang dapat gawin ni Shannie upang maiwasan ang paggawa ng mga bagay na ayaw niyang gawin?
Mystery/Thriller
108.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
89101112
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status