Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Shattered Pieces (Tagalog)

Shattered Pieces (Tagalog)

Queenie Morales
While some endings are painful, there are some endings that's worth it. -Jufiel Kenn Tinio Sa gitna ng pagiging hindi normal ay nakayanan kong manatili sa tabi niya. Ngunit hanggang kailan ko kayang manatili kung nasa punto na kami ng walang kasiguraduhan? Would it be a happy ending for us?
98.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Pretending To Be His Wife

Pretending To Be His Wife

Nang tumawag sa kanya ang kakambal na si Avery at nagsumbong na bugbog sarado na naman ito sa asawa ay doon naantala ang binalak sana ni Aviona na umalis ng bansa. Her twin sister was married to the most anticipated Billionaire around Asia. Kilala lamang niya ang lalaki sa pangalang Creed Morgan at bukod doon, wala na. "I was humiliated. I was in a deep cut slice of pain if I continued to be with him. Can you do me a favor, Ava. Pretend that you are me. Save me in the brink of my death." Avery Rodriguez was her twin, her friend and her companion noon pa man. Bagaman siya ang mas bata, Aviona Rodriguez inherited this personality as strong and untamable. Ngunit nang tinanggap niya ang alok ng kakambal ay naroon na sa kanyang utak na ipaghiganti ito, subalit nang lubusang nakilala niya na si Creed Morgan ay doon pa nagbago ang pananaw niya sa lalaki sa gitna ng binalak niyang basagin din sana ito. Aviona Rodriguez was tempted. Ngayon ay hirap na siyang makalabas dahil nakakulong na siya sa mapangahas at makamandag na mga bisig ng isang Creed Morgan.
Romance
1010.6K viewsCompleted
Read
Add to library
PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC

PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC

RISE ABOVE THE ZODIACS SERIES | Dos - PISCES Free Phillian Zodiac is a frustrated painter and a full-time fisherman. Mula gabi hanggang madaling araw ay nasa gitna ito ng karagatan kasama ang mga tauhan para mangisda, at sa umaga naman ay tulog at nagtatago sa araw. In the afternoon, when the sky is red, he would go out of his room and sit on his veranda overlooking the mountains and the sea, and from there, he would start painting. He paints everything his eyes could see, and not a lot of people know this. Isang hapon, habang nasa veranda siya ng kaniyang silid at ipinipinta ang karagatan ay may nakita siyang palutang-lutang na kahoy sa dalampasigan. Using his binoculars, he learns that it isn't just a piece of wood but a raft with a person on it. An unconscious--probably almost dead person who might need some help. Naisip niyang baka isa iyon sa mga mangingisdang nagkaroon ng aksidente sa gitna ng karagatan. At dahil siya ang nakakita ay responsibilidad niyang tulungan ang taong iyon, lalo at nasa bahagi ito ng beach na pag-aari na ng pamilya niya. Nang marating niya ang baybayin ay saka niya napagtantong hindi mangingisda ang naroon, but a woman wearing a bridal gown. Nakadapa ito at nanginginig sa lamig. He saved her and brought her to his place. His female assistant nursed her, and when she woke up the next morning, she claimed to have no memory of the night before. Naisip niya na maaaring nagka-trauma ito kaya nalimot ang nangyari, pero anong gulat niya nang magkaharap sila sa unang pagkakataon ay bigla siya nitong pinagmumumura at binato ng kung anu-anong madampot nito. Odd, but she knows him, and she is furious at him. Bakit daw hindi siya sumipot sa kasal nila? Like, what the f*ck?
Romance
109.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Lovin' My Enemy's Daughter

Lovin' My Enemy's Daughter

'Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang. At hindi lahat ng kasalanan ng magulang ay kailangan akuin ng isang anak.' Mula pagkabata, namulat na si Carl Angelo sa dinanas na hirap ng kapatid niyang si Caren dahil sa kagagawan ng isang baliw na lalaki. Nasaksihan niya ang paghihirap ng kapatid dulot ng hindi karaniwang sakit nito. Masakit at mahirap makitang nasa ganoong kalagayan ang kanyang kapatid at habang lumalaki siya ay may namumuong galit at paghihiganti sa puso niya sa taong gumawa noon sa kanyang Ate Caren. Hanggang sa lumipas ang mga taon at dumating sa buhay niya ang isang babaeng kayang palabasin ang lahat ng nakatagong emosyon sa loob niya. Sa unang beses na masulyapan pa lang niya ang magandang mukha ng dalaga ay nagawa nitong buhayin ang lahat-lahat sa kanya kasama na doon ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. At doon pa lang ay itinatak na niya sa kanyang puso't isipan na pagmamay-ari niya ang babaeng nagngangalang Vanessa Joy Gayla. Pero paano kung dumating ang panahon na malaman niyang ang babaeng kinahuhumalingan niya ay anak pala ng taong kanyang kinasusuklaman? Paano niya maisasakatuparan ang paghihiganting nabuo sa kanyang isipan? Isang magandang pagkakataon na para maging sandata niya ang dalaga laban sa ama nito. Pero kaya nga ba niyang gamitin ang dalaga na sa simula pa lang ay walang ng ibang ginawa kun'di ang mahalin at pagsilbihan siya? Kaya ba niyang saktan ang babaeng nagmamay-ari na ng puso, isipan at katawan niya? Matuto pa rin kaya siyang magpatawad kung alam niyang habambuhay na nagdudusa ang kapatid niya dahil sa kagagawan ng ama nito? Alin ang pipiliin niya? Pagmamahal o paghihiganti?
Romance
1012.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Tears of the Wife

Tears of the Wife

Ang masayang buhay ni Janess kasama ang kanyang asawang si Nathan ay nawasak simula nang maglagay ng bomba ang kanyang kakambal at pinasabog ang mall kung saan naroon ang kanilang anak. Araw-araw, si Janess ay nagdurusa sa pagkamatay ng kanilang anak at mas lalo pang lumala nang bumalik ang kanyang kambal na si Janelle makalipas ang dalawang taon at sinabing mayroon silang anak ni Nathan. Ang luha ni Janess ay tulad ng tubig sa ilog na walang katapusan sa agos at mas lalo pang bumuhos ang luha nito nang malaman ni Nathan at sinabi niya sa kanyang asawa na ang sinasabing anak ni Janelle ay ang kanilang Anak. Luha ng saya ika nga nila. Ngunit ang kasamaan ni Janelle, ang kakambal ni Janess ay kagagawan lamang pala ng sariling anak ng mga taong umampon sa kanila, ang taong itinuring nilang tunay na kapatid ngunit kinamumuhian sila dahil sa matinding inggit at kawalan ng pansin mula sa kanyang sariling mga Magulang . Ngunit ang lahat ng kasamaan ay may katapusan at ang lahat ay maibabalik sa tamang lugar. Nabilanggo si Justin ngunit nagawa niyang magbago sa loob ng kulungan, siya ay naging mas mabuting tao at mabuting kapatid sa kanilang magkambal ngunit hindi nagtagal ay nagkasakit ito at agad na namatay. Ang kambal ni Janess na si Janelle sy dinala sa mental hospital. Tumagal ng maraming taon bago siya gumaling at nakalabas. Sa kanyang bagong buhay ay nahanap niya ang totoong pagmamahal mula sa lalaking minsan ng minahal ang kanyang kakambal. Sina Janess at Nathan ay namuhay nang masaya kasama ang kanilang dalawang anak pagkatapos ng maraming taon na pakikibaka sa kanilang buhay pag-aasawa.
Romance
12.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Scandal

The Billionaire's Scandal

Inara Syndrome
Ginawa ni Mallory ang lahat para matanggap siya ng kanyang pamilya. Simula't sapul ay sinunod niya lahat ng gustuhin ng mga ito ngunit dahil lang sa isang pagkakamali ay lalo siyang kinamuhian ng lahat. Upang makaligtas sa matinding kahihiyan ay ipinagkasundo siya sa lalaking hindi niya mahal. Ngunit anong gagawin niya kung ang lalaking ipakakasal pala sa kanya ay ang taong nang-insulto sa pagkatao n'ya? Ang masaklap pa ay fiancee pa pala ito ng kanyang kapatid. Paano niya ngayon haharapin ang gulong napasok n'ya?
Romance
109.6K viewsOngoing
Read
Add to library
All About Her

All About Her

Si Elaisa ay nagmula sa hindi kilalang pamilya na nagpakasal sa mayamang negosyante. Kung iisipin ay napaka swerte nya dahil hindi nya mararanasan ang hirap ng buhay. Hindi nga ba? Maraming pagsubok ang dinaanan ni Elaisa. Minsan nang nakaranas ng pang-aabuso at may takot sa dugo. Kung iisipin ay nakapahinang babae nya pero hindi 'yun naging balakid para magmahal sya kahit na hindi sya kailan man kinilala ng asawa. Nang sa wakas ay natutunan na ng asawa nya ang mahalin sya ay saka naman dumating ang hindi inaasahan at nakapalaking problema sa buhay nila. Dapat bang sumuko kapag bumitaw na ang isa? Dapat bang iwan sya para lumiga habang wala ka? Istorya ng babae kung paano tinanggap at sinugal ang lahat para sa pag-ibig.
Romance
108.8K viewsCompleted
Read
Add to library
He Loves Me, He Loves Me Not

He Loves Me, He Loves Me Not

Matagal nang may gusto si Zyline kay Nick. Anim silang magkakabarkada kasali si Nick. Alam na ng lahat ang pagtatangi niya sa kaibigan maliban na lang yata rito. Hindi niya alam kung manhid lang ito or talagang wala lang gusto sa kanya. Si Brent ang pinaka-bestfriend niya sa lahat ng mga kaibigan niya. Kahit hindi niya sinasabi rito ang nararamdaman kay Nick dahil sa hiya ay alam din ni Brent iyon. Paano kung nagbago ang lahat nang halikan siya ni Brent? Hindi nya maikakaila ang kuryenteng naramdaman no'ng gabing hinalikan siya nito. Pinagbigyan niya ang lalaki sa gusto nitong mangyari. Susubukan nilang maging sila pero palihim. Ngayon ay litong-lito na siya. Sa pag-aakala ni Brent na si Nick pa rin ang gusto niya ay bigla itong umalis at hindi na nagpakita. Saka naman siya niligawan na nang tuluyan ni Nick. Pero bakit sa halip na maging masaya at sa wakas ay napansin na rin siya ni Nick bilang babae ay si Brent na ang hinahanap ng puso niya? Si Brent na hindi na nagparamdam sa kanya mula no'ng gabing muntik nang may mangyari sa kanila.
Romance
109.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Falling For My Runaway Bride

Falling For My Runaway Bride

Warning R-SPG ⚠️ Si Amara ay isang mabait at konserbatibong babae na iniwan ng kasintahan matapos siyang gamitin at lokohin. Sa gabi ng kanyang pinakamasakit na kabiguan, nakilala niya si Leo, isang misteryosong estranghero na nagligtas sa kanya at naging asawa niya sa isang di-inaasahang kasunduan. Ngunit ang kasal na dapat ay pansamantala lamang ay nagdala ng mas malaking gulo sa kanilang buhay. Nang maghiwalay sila, iniwan ni Amara ang isang lihim na magbabago sa lahat—ang kambal nilang anak. Limang taon ang lumipas, muli silang nagtagpo sa gitna ng mga lihim, selos, at banta mula sa mundo ng mafia na kinasasangkutan ni Leo. Sa pagitan ng pag-ibig at panganib, magagawa kaya nilang paghilumin ang mga sugat ng nakaraan? O tuluyan na silang lalayo sa isa’t isa? Isang kwento ng sakripisyo, pamilya, at pagmamahal ang magpapatunay na minsan, ang mga pusong nasaktan ay maaaring magmahal muli.
Romance
109.7K viewsOngoing
Read
Add to library
When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband

When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband

"Love can be learned." Iyan ang paniniwala ni Seraphina. Kaya nang ipahayag ng kanyang mga magulang na ikakasal siya kay Sebastian Aldridge Singson—isang lalaking may yaman, kapangyarihan, ngunit walang emosyon—hindi siya tumutol. Sa isip niya, matutunan din nitong mahalin siya… balang araw. Ngunit ang kasal niya ay naging isang bilangguan. Kahit anong pagsisikap niyang makuha ang atensyon at pagmamahal ng kanyang asawa, nananatili itong malamig at walang pakialam. Isinilang ang kanilang anak, ngunit sa halip na maging daan upang mapalapit ang kanyang pamilya, mas lalong lumalim ang kanyang pagdurusa. Hindi lang siya itinuturing na estranghero ni Sebastian—pati ang sarili niyang anak ay may hinanakit sa kanya. Sa wakas, napagod si Seraphina sa laban na siya lang ang lumalaban. Sa unang pagkakataon, pinili niyang mahalin ang kanyang sarili. Iniwan niya ang buhay na puno ng sakit at hinanap ang kalayaang matagal niyang inasam. Ngunit sa kanyang muling pagsisimula, hindi niya inaasahan na ang lalaking minsang nagpaikot sa kanyang mundo ay siya ring maghahabol upang maibalik siya sa kanyang piling. Handa pa ba siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon ang lalaking minsang bumasag sa kanyang puso? O tuluyan na niyang pipiliin ang isang bagong simula?
Romance
106.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1011121314
...
42
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status