Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Deception And Pain

Deception And Pain

DreamerIsGood
Sa kuwento ng pag-ibig, panlilinlang, at pagbabago, sumasalamin ang kwento ni Sofie, isang babae na nagtrabaho sa isang club upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Isang araw, dumating si Matias Chavez, ang may-ari ng isang condo at ilang illegal na negosyo, na nagdulot ng pag-ibig at kaguluhan sa buhay ni Sofie. Ngunit ang pag-ibig na inakala niya ay hindi ganap, dahil may kakambal si Matias na si Mateo na puno ng inggit at galit sa kanya. Nahulog ang puso ni Sofie kay Matias, ngunit hindi niya alam na ang lalaking minamahal niya ay hindi palaging si Matias, kundi ang kanyang kakambal na si Mateo. Sa gitna ng mga pagpapanggap at panlilinlang, nagpatuloy ang pag-ibig ni Sofie kay Matias. Ngunit ang pagkakataon na mabuo ang kanilang pamilya ay laging nasa panganib dahil sa mga plano ni Mateo na sirain ang relasyon nila. Napapaligiran ng mga pagsubok, pagkakamali, at sakit, nagpasya si Sofie na gantihan si Matias at ipakita ang kanyang galit. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, maaaring mayroong pag-asang mabuo ang kanilang pag-ibig at magkaroon ng pangalawang pagkakataon. Sa huli, ang kwento ng pag-ibig nina Sofie at Matias ay nagpapakita ng mga sakripisyo, pagkakamali, at pag-asa. Ito ay isang kuwento na magpapaalala sa atin na ang pag-ibig ay hindi perpekto, ngunit may kakayahan itong magdulot ng pagbabago at pagpapatawad.
101.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 22 Beses bilang simula gitna wakas halimbawa
Read
+Library
Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger

Unexpectedly Married to the Billionaire Stranger

Hindi kailanman inakala ni Hestia Vale na ang simpleng blind date na dinaluhan niya sa Araw ng mga Puso ang magiging simula ng pinakamasalimuot na kabanata ng buhay niya. Ang plano lang niya noon ay makatakas sa mapang-abusong tiyahin at magkaroon ng bagong simula, pero natapos ang gabi na ikinasal siya sa isang lalaking ngayon niya lang nakilala. Misteryoso. Malamig. Mapanganib. ’Yan si Lucian “Ian” Escalera, ang lalaking nag-alok ng kasal na parang isang business deal. Sa bawat titig at bawat salita nito, alam ni Hestia na may itinatago siya—isang lihim na maaaring magpabago ng lahat. Akala ni Hestia, ligtas na siya sa mga kamay ng pamilya niyang mapagsamantala. Pero nang makilala niya ang tunay na pagkatao ng napangasawa—ang tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking korporasyon sa bansa—mas malaking gulo ang naghihintay. Sa pagitan ng kasunduang kasal at mga lihim na unti-unting nabubunyag, pipilitin ni Hestia na protektahan hindi lang ang puso niya, kundi pati ang kalayaan niyang pinangarap. Ngunit paano kung ang lalaking dapat ay iwasan niya… ang siya ring unti-unting minamahal?
10547 viewsOngoingIdinagdag sa Library 14 Beses bilang simula gitna wakas halimbawa
Read
+Library
The Mafia Boss and His Muse

The Mafia Boss and His Muse

"The Mafia Boss and His Muse" Si Ysabella Fuentes ay isang ambisyosong babae na handang gawin ang lahat upang maiahon ang sarili at pamilya mula sa kahirapan. Nang matanggap siya bilang personal secretary ni Zachariel Ezekiel Montenegro, ang misteryosong CEO ng Montenegro Industries, hindi niya inaasahan na mabubuksan ang pinto ng isang madilim at mapanganib na mundo. Si Zachariel ay hindi lamang isang makapangyarihang negosyante—siya rin ang pinuno ng pinakamalaking sindikato sa bansa, ang Montenegro Mafia. Sa kabila ng kanyang malamig na ugali at walang-awang reputasyon, natagpuan ni Bella ang isang lalaking puno ng sugat mula sa kanyang nakaraan, naghahanap ng dahilan upang muling magtiwala at magmahal. Habang nalalapit ang dalawa sa isa’t isa, unti-unting nalantad ang mga lihim na bumabalot sa buhay ni Zachariel, at si Bella ay naipit sa gitna ng alitan ng kapangyarihan, taksil na alyado, at mga kalabang walang awa. Ang kanilang pagmamahalan ay sinubok ng panganib at pagdududa—isang relasyon na maaaring magdulot ng kaligtasan o kapahamakan. Sa gitna ng baril, dugo, at pag-iibigan, mapapatunayan ba ni Bella na siya ang muse na magpapabago sa takbo ng madilim na mundo ni Zachariel? O masisira ang kanilang relasyon dahil sa mga lihim na hindi kayang takasan ng Mafia Boss? "The Mafia Boss and His Muse" ay kwento ng laban para sa pagmamahal, pagtitiwala, at pag-asa sa kabila ng dilim at panganib.
1.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 35 Beses bilang simula gitna wakas halimbawa
Read
+Library
Maid in Love

Maid in Love

dser
Nang makatakas si Ella sa pagmamalupit at pangmomolestya ng kanyang amain ay napagdesisyunan niyang pumunta ng Maynila at iwanan maging ang ina niyang parang wala na ring pakialam sa kanya. Nakatapos man ng pag-aaral ay inilihim niya ito at namasukan bilang isang kasambahay sa mansion ng isang mayamang businessman na amo ng kanyang tiyahin. Ang pagtatagpo kayang ito ay magiging simula ng isang wagas na pag iibigan o mananatili lamang siyang isang kasambahay sa paningin nito?
7.84.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 152 Beses bilang simula gitna wakas halimbawa
Read
+Library
That Runaway Groom is the CEO

That Runaway Groom is the CEO

Adrasteia Zachry
Isang malaking eskandalo ang kakaharapin ni Danerie, isang kilalang mayaman at CEO ng malalaking kompanya. Ang pagtakas niya sa kaniyang mismong kasal ang magiging simula ng kalbaryong kakaharapin niya sa kaniyang buhay at maglalagay sa alanganin sa lahat ng pinaghirapan niya. DISCLAIMER This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All rights reserved | Adrasteia Zachry Plagiarism is a crime.
2.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 51 Beses bilang simula gitna wakas halimbawa
Read
+Library
Montevallo Series 1: Twisted Betrayal

Montevallo Series 1: Twisted Betrayal

Pagkatapos ng isang masakit na pagtataksil, natagpuan ni Emily ang kanyang sarili sa piling ng isang estranghero na nagngangalang Marco. Hindi niya alam na ang estrangherong ito ay ang kanyang makapangyarihang boss. Sa paglipas ng mga araw, mas lalong gumugulo ang kanyang isip sa kung paano siya nito nakikilala nang lubos. At sa gitna ng lahat ng ito, isang panibagong sorpresa ang kanyang matutuklasan: siya ay buntis. Sino ba talaga si Marco Montevallo, at anong lihim ang bumabalot sa kanilang biglaang pagtatagpo?
1010.6K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 244 Beses bilang simula gitna wakas halimbawa
Read
+Library
That Billionaire Is The Father of My Twins

That Billionaire Is The Father of My Twins

I'm Hazel, 27 years old. Five years na ang lumipas simula nang umalis ako sa Pilipinas para itago ang pagbubuntis ko sa lalaking naka one night stand ko noon. Now I already have 2 kids, twins. Paano na lang kaya kung malalaman niyang may dalawa siyang anak? Magugulat ang lahat kapag nalaman nila na ang kilalang tirador ng mga babae ay may mga anak na pala. Masisira kaya ang reputasyon niya?
1019.5K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 449 Beses bilang simula gitna wakas halimbawa
Read
+Library
Crush ko si Mr. Tahimik

Crush ko si Mr. Tahimik

chicaconsecreto
Hayami Wavyon, isang babaeng pursigidong mapansin ng kababatang si Grayson Xavier. Lingid sa kaalaman ng dalaga na matagal na siya nitong gusto ngunit pinapangunahan lamang ito ng kaba. Simon Florez, siya ang matalik na kaibigan ng dalaga. Handa nitong gawin ang lahat para sa mahal na kaibigan kahit siya pa man ang mawalan. Sino ang pipiliin? Ang lalaking hindi ka iniwan simula umpisa? O ang lalaking unang nagpatibok ng puso niya?
107.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 199 Beses bilang simula gitna wakas halimbawa
Read
+Library
Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother

Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother

alfiellore
Simula nang mamatay ang mga magulang nina Hendrick at Althea ay nagbago rin ang pakikitungo ni Hendrick kay Althea. Naging mahigpit kasi ang lalaki kay Althea kahit na ginagawa naman ng dalaga ang lahat ng gusto nito. Mabuti na nga lang at may mabuting puso si Althea dahil kahit kailan ay hindi nito pinatulan ang pagsusungit ni Hendrick Hanggang sa dumating ang isang gabi na magpapabago sa sitwasyon ng dalawa. Sa kalagitnaan kasi ng gabi ay umuwi si Hendrick ng lasing at doon ay may naganap sa dalawa. Simula noon ay unti-unting nagbago ang pakikitungo ni Hendrick kay Althea. Naging malambing ito at maalaga na ikinatuwa ni Althea ng husto. Subalit panandalian lang pala ang lahat. Kasabay kasi ng pagdating ni Isabel ay magbabago rin ang pakikitungo ni Hendrick kay Althea. Si Isabel daw kasi ang nag-iisang babae na minahal ni Hendrick sa buong buhay nito. Dahil doon ay napagdesisyunan ni Althea na iwanan si Hendrick at magpakalayo-layo. Paano kung sa huli ay si Hendrick naman ang maghabol kay Althea? Papapasukin pa kayang muli ni Althea si Hendrick sa buhay niya o iiwasan na ito dahil may Harry na sa buhay niya?
103.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 98 Beses bilang simula gitna wakas halimbawa
Read
+Library
The Contract Marriage With The Billionaire CEO

The Contract Marriage With The Billionaire CEO

Si Mariel Dela Cruz ay isang simpleng babae na napunta sa mundo ng kayamanan at kapangyarihan nang maging personal assistant siya ng malamig at makapangyarihang CEO na si Craig El Greco. ‎Sa likod ng pagiging ruthless billionaire, unti-unting nahuhulog si Craig kay Mariel—hanggang sa maging mapanganib na possessive na pag-ibig ang pagitan nila. ‎Ngunit may lihim ang nakaraan: ang Dela Cruz at El Greco ay may madilim na kasaysayan ng paghihiganti at pagbagsak ng pamilya. ‎Sa gitna ng galit, sekreto, at isang babaeng handang wasakin sila— ‎maaari bang manatili ang pag-ibig kung ang katotohanan mismo ang kalaban nito? ‎
348 viewsOngoingIdinagdag sa Library 13 Beses bilang simula gitna wakas halimbawa
Read
+Library
PREV
1
...
1112131415
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status