Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Abandoned Wife

The Billionaire's Abandoned Wife

Nang dahil sa isang gabi ng pagkakamali, sapilitang ipinakasal si Diana Saavedra sa lalaking kanyang pinakamamahal na si Nick Gutierrez. Na siyang nagpangyari upang tuluyang mamuhi si Nick sa kanya. Pagkatapos ng kanilang kasal, iniwan siya nito at nanirahan sa ibang bansa kasama ang babaeng itinatangi nito. Nang pumanaw ang abuelo ni Nick, muli itong bumalik sa bansa upang tuparin ang huling habilin ng abuelo, ang magsama sila ni Diana sa iisang bubong at bumuo ng pamilya. Noong una, hindi magawang pakisamahan ni Diana ang kalupitan ni Nick sa kanya, lalo pa at laging nakapagitan ang babaeng tunay na iniibig ng asawa. Nagtiis siya, sa pag-aakalang sa huli, magagawa rin siyang mahalin ng asawa. Subalit dahil sa isang kasinungalingan, napilitang umalis si Diana at tuluyang ibigay ang kalayaan ni Nick sa pamamagitan ng annulment. Kasabay niyon ang kanyang pagtuklas sa tunay niyang pagkatao. Makalipas ang limang taon, sa di inaasahang pagkakataon, muli silang nagkita ni Nick. Lalong tumindi ang pagkamuhi nito sa kanya at pinipilit siya nitong makisama rito dahil hindi raw ito sumang-ayon sa annulment at ito pa rin ang legal niyang asawa. Paano muling pakikisamahan ni Diana ang galit ni Nick? Paano kung muli siyang mahulog dito sa kabila ng kalupitan nito? At higit sa lahat, paano niya hihilingin nang tuluyan ang kalayaan niya rito kung… mayroon silang anak na lihim niyang dinadala nang iwan niya ito? Isang anak na siyang susi upang makuha ni Nick ang kabuuan ng mana nito.
Romance
10558.8K viewsOngoing
Read
Add to library
In Love With My Husband's Son (Filipino)

In Love With My Husband's Son (Filipino)

Jay Sea
Nagpakasal si Celine ng wala sa tamang oras sa isang biyudong mayaman na may isang binatang anak na ang pangalan ay David Gonzalo kahit hindi niya ito mahal. Matapos ang kasal nilang dalawa ay dinala siya nito sa mansion kung saan nandoon ang anak nitong binata na hindi makapaniwala na ang daddy niya ay may bagong asawa na. Unang kita pa lang ni Celine kay David ay nasabi na niya sa sarili niya na gusto niya ito. Wala pa ngang isang linggo ay natagpuan na lang na wala nang buhay ang daddy ni David na pinakasalan nga niya. Galit na galit sa kanya si David sa nangyaring 'yon. Inaakusan siya nito na pumatay sa daddy niya ngunit tinatanggi naman niya 'yon. Pinapaalis na siya ni David sa mansion nila. Kahit mahal niya ito ay umalis siya sa mansion na 'yon. Makaraan ang ilang taon ay nagkita silang muli ni David. Bumaliktad ang takbo ng buhay nilang dalawa. Kung dati siya ay mahirap ngayon ay si David na ang naghihirap. Winaldas nito ang perang pinamana sa kanya ng daddy niya. Nawala ang lahat sa kanya. Gusto ni David na tulungan siya ni Celine. He knows that she became rich because of his dad's money. Tulungan kaya siya ni Celine? Mahal pa rin ni Celine si David ngunit sa tuwing makikita niya ito ay naalala niya ang masasakit na salitang binitawan nito sa kanya. Paano kung iparanas rin ni Celine ang naranasan dati sa kanya kahit may nararamdaman pa rin siya sa kanya?
Romance
3.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Girl Next Door (TagLish Version)

The Girl Next Door (TagLish Version)

Zam
John Aquino, a famous basketball player just met a heartbreak with his six months girlfriend named Kate. Isang buwan din bago tuluyang makalimutan ni John lahat ng sakit na dinulot ng kanyang ex-girlfriend. Sa isang buwan na iyon ay doon niya nakilala ang tauhan ni Julia na bagong kapit-bahay ni John, isang babaeng mabait, disente, at pinapahalagahan ang pamilya. Napakabilis ng pangyayari nang biglang nahulog ang loob ni John sa bagong kapit-bahay niya. Lahat din tayo ay may haharaping problema sa buhay, even the past will hunt us in the future. The thing is, will we let the past hunt us forever, or will we just accept it?
YA/TEEN
108.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Revenge of the Billionaire's Wife

Revenge of the Billionaire's Wife

HMAESTORIES
Si Akiyama, Fumiya Harah ay isang Japanese na iniwanan sa Bahay ampunan ng kanilang inang Filipino. Lumaki si Harah kasama ng kaniyang kapatid na si Aryah sa Bahay Ampunan at doon sila kinuha ng mag asawang Rosemarie at Anthony Coleman. Mga magulang ni Jack Coleman. Lumaki si Harah sa pamilya Coleman at nahulog ang loob ni Jack sa dalaga. Kalaunan ay nabuo ang kanilang pag iibigan at naging mas malapit pa sa isa't isa. Nagpasya silang ikasal. Kaya lang sa mismong araw ng kasal nila Harah at Jack ay sinabotahe si Harah ng kaniyang kapatid na si Aryah. Nilagyan nito ng Aphrodisiac ang tubig na inumin ni Harah at nagkamali si Harah ng kwartong pinasukan. Pinadala ni Aryah bilang unknown sender ang mga larawan at video na nakuha niya sa Mansion ng mga Coleman at nagpanggap na inosente. Kinamuhian ng buong angkan ni Jack si Harah at itinaboy ito. Inagaw naman ni Aryah si Jack. Nang mapalayas si Harah ay naging isang pulubi si Harah, doon niya nakilala ang kaniyang ama at tinulungan siya nito. Makalipas lamang ang ilang taon ay bumalik si Harah sa Pilipinas kasama ng kaniyang triplets na anak para umattend sa gaganaping kasal ng kaniyang kapatid na si Aryah at ng ex boyfriend niyang si Jack. Ininsulto at pinahiya naman siya ni Aryah pati ng mga kamag anak ni Jack. Doon dumating si Shawn para iligtas si Harah kasama ng triplets nilang anak. Hindi lubos akalain ni Harah at ng ibang tao na ang lalaking nakasama niya ng gabing iyon ay walang iba kundi si Shawn Ezekiel Peñafranco, isang hot billionaires. Paano kung alukin si Harah ng kasal ni Shawn? Tatanggapin niya kaya ang alok nitong kasal sa kabila ng paghihirap na naranasan niya dahil lang sa isang gabing pagkakamali?
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
RUTHLESS BILLIONAIRE'S DEAL FOR DESIRE (SSPG)

RUTHLESS BILLIONAIRE'S DEAL FOR DESIRE (SSPG)

Para mailigtas ang nalulugmok na kumpanya ng pamilya Perez, Elena has no choice but to agree, to a deal na inilatag ni Sebastian Montlaire. The contract in exchange for her. Isang kundisyon na imposibleng tanggihan, lalo na't ang pamilya ni Elena ay wala namang pakialam sakaniya. Ngunit sa bawat gabi na nagkakasama si Elena at Sebastian dahil sa kasunduan, mas lumalalim ang obsession ni Sebastian, at mas nagiging komplikado ang puso ni Elena. Is it just a ruthless deal for desire, o hahantong ito sa isang mas malalim pang ugnayan? Kapag kapangyarihan, pagnanasa, at puso ang nagbanggaan... alin kaya ang mananalo?
Romance
105.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband

Sweetest Revenge After Divorcing My Ex-Husband

"I want you back." Iyan ang mga katagang lumabas sa bibig ni Tyson matapos ang ilang buwang pakikipag-hiwalay kay Mariana at muling magpakasal sa babaeng una at tanging minahal nito, nakaluhod at umiiyak, nagmamakaawang tanggapin siya muli ng babaeng itinapon niya ng ganon ganon na lang. Talaga nga namang nasa huli ang pagsisisi. Sa tatlong taon nilang mag-asawa, ni hindi nito pinaramdam kay Mariana ang pagmamahal at pag-aaruga. Sakit at pighati ang isinusukli ni Tyson sa pagmamahal ni Mariana, hindi lang mula sa kanya, maging sa ina at kapatid nito na tila isang basura ang tingin kay Mariana. Matatanggap pa kaya siya ni Mariana? Gayong may iba nang lalaki ang pumupuno sa mga bagay na hindi pinaramdam ni Tyson sa kanya noong sila ay kasal, ang lubos na pag-aalaga at pagmamahal na matagal na niyang gustong maramdaman kay Tyson, ay pinaparamdam na sa kanya ng ibang lalaki na mas karapat-dapat sa kanya.
Romance
1017.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Deathly Fate Two: Faith

Deathly Fate Two: Faith

charmainglorymae
Ang pagtakas ni Raven mula sa masasakit na pangyayari sa buhay niya ay siyang nagbigay ng dahilan upang magbago ang dating Raven. Ilan taon ang nakakaraan, ang dating Raven na kilala ng lahat ay malayo na sa kanilang inaakala. Ang mabait at inosente ay hindi na mahagilap sa pagkatao ni Raven. Ang kataksilan ni Vander ang maghimok kay Raven para magbago. Pero paano niya haharapin kung ang Vander na kilala niyang taksil ay patuloy pa rin sa pagpapanggap bilang isang mabuting tao at niloloko ang lahat? Pero kung maloloko ni Vander ang lahat, hindi niya maloloko si Raven. Hinding hindi niya mapapatawad si Vander, kahit malaman pa niya na siya ang kanyang amour. Pinapangako ni Raven na hindi na titibok ang puso niyang ginawang bakal kay Vander.
Sci-Fi
2.0K viewsCompleted
Read
Add to library
My Billionaire Husband Doted his First Love

My Billionaire Husband Doted his First Love

Mag-aanim na taon nang nagsasama sina Lilian at Marco kasama ang kanilang limang taong gulang na anak na si Justine nang bumalik ang unang babaeng minahal ni Marco; si Winona. Nabaling ang atensiyon ni Marco dito kasama na rin ang kanilang anak na labis na ikinasama ng loob ni Lilian hanggang umabot na sa sukdulan ang kanyang pasensiya. Ano ang maaring gawin ni Lilian sa tahasang pambabalewala sa kanya ng kanyang mag-ama? Mas pipiliin niya bang tiisin na lamang o magdesisyong iwan ang mga ito? Ano ang mahihinatnan ng kanyang magiging desisyon?
Romance
10246 viewsOngoing
Read
Add to library
My Secret Benefactor

My Secret Benefactor

Sampung taon na ang nakakaraan ng mangyari sa pamilya ni Zari ang isang malagim na trahedya. Pinatay ang kanyang mga magulang sa hindi niya mawaring kadahilanan. Hustisya. Iyon ang nais ni Zari para sa kanyang mga magulang. Kung hindi ito kayang lutasin ng awtoridad, siya na ang kikilos para makamtan ito. Along her journey to find justice, may isang tao na palihim siyang tinutulungan. Sino kaya ito? Ano kaya ang magiging papel nito sa buhay ni Zari? Makakatulong kaya ito para makuha ni Zari ang hustisya na kanyang ninanais?
Mafia
660 viewsOngoing
Read
Add to library
My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)

My Amnesia Man (SANCHEZ BUD BROTHERS SERIES #5)

Moonstone13
Natagpuan nila Yanna sa tabing ilog ang katawan ni Sergeant Dixson Sanchez na sugatan at walang malay. Ginamot at inalagaan nila ang lalaking estranghero. Nang magkamalay ang lalaki ay hindi na ito makaalala. Hinala nila Yanna ay nagkaroon ng amnesia ang lalaking kanyang tinulungan. Kinupkop ng tiyuhin ng dalaga ang lalaki at pinangalanan nilang Anton. Sa paglipas ng mga araw ay nagkapalagayan ng loob sina Yanna at Anton. Hanggang sa magkaaminan ng kanilang nararamdaman. Gustong pigilan ni Yanna ang damdamin para kay Anton, ngunit hindi niya kayang labanan ang isinisigaw ng kanyang puso. Kahit may pangamba at maraming tanong sa isipan ang dalaga na masasagot lang kapag bumalik na ang memorya ng lalaki ay sumugal pa rin sa pag ibig si Yanna. Nang manumbalik ang mga alaala ni Dixson ay agad siyang bumalik sa pamilya niya at wala itong matandaan sa nakalipas na buwan na inakala ng pamilya niya na patay na siya. Para siyang bula na bigla na lang nawala sa buhay ni Yanna. Paano kung sa muli nilang pagkikita ay malaman ni Yanna na nagbalik na pala ang mga alaala ng lalaki at siya naman ang nabura sa ala-ala nito? Sabihin kaya ni Yanna kay Dixson kung sino siya sa buhay nito? Ipabatid kaya ni Yanna na may anak silang dalawa o ililihim na lang niya ang lahat kay Dixson na malapit ng ikasal kay Chelsea, na step-sister ni Yanna?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1516171819
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status