MGA TINIK SA KAMA
Si Katricia, nasa kitchen counter at may iniinom, pero hindi nito nilunok, niluwa nito ang likido sa may lababo.
"You took a mouthful of bleach liquid, pero hindi mo nilunok. Ang ginawa mo ay uminom ka ng sleeping pill, half dose pero sapat para makatulog ka. You did your investigation about Zanaya, her way of courtesy, giving people some pastries she made. Doon ka nakahanap ng butas para pagbintangan siyang nilason ka. Obviously, sa bibig mo lang naman made-detect ang poisonous attribute ng bleach. Kung pina-examine ang dugo mo, walang makikita roon," pahayag ni Ark na nagpasinghap sa akin.
Bleach liquid? Umabot sa ganoong sukdulan si Katricia para lang idiin ako? Nilalagay niya sa panganib