Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang
Nagulat pa ako nang abutan s'yang iniinom ang kape na parang wala siyang sugat na iniinda sa kamay.
"I'm sorry ininom ko na. Baka kasi lumamig, sayang," hinging-paumanhin niya nang makita ako.
"Akin na ang kamay mo," sa halip ay sagot ko. Ibinaba naman niya ang tasang hawak saka inabot ang kamay na nasugatan. At nawala ang pag-aalala ko nang makitang maliit lamang pala ang sugat na tinamo n'ya. Tsk! Kaya pala parang wala lang sa kan'ya. Samantalang ako, nag-aalala!
인기 회차