Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Sila'y pinag-isang dibdib ng kanilang masidhing pagnanasa— ang maghiganti at manubos para sa mga inosenteng buhay na isinangla kay kamatayan. Kapwa nanumpang palaging iingatan, poprotektahan, pahahalagahan, at mamahalin ang isa't isa mula sa araw na ito at sa mga susunod pang bukas, subalit ito'y hindi pangkaraniwang kwento ng romansa. Sila'y kapwa nanunumpang dudurugin, sasaktan, kasusuklaman, at kikitilin ang buhay ng isa't isa mula sa araw nang pagkakabunyag ng nakaraan at sa mga susunod pang bukas, hanggang si Kamatayan na mismo ang tumapos sa kanilang ugnayan. Bilang nag-iisang anak ng tanyag na mafia boss, lumaki si Quinn Amara Montejo sa pagkandili ng mga baril at patalim. Sa paghele ng karahasan at kalupitan, kanyang nasaksihan ang walang-awang pagbawi sa buhay ng kanyang mga minamahal. Ganid at uhaw sa dugo ang kaniyang kinalakihang mundo. Tila isang bombang nasa binggit ng pagsabog, rebelyon ang kanyang nakitang tanging susi upang makalaya mula sa anino ng kaniyang ama, ngunit agad itong natuldukan nang mag-aklas ang mga guhit sa kanyang palad. Ni hindi naligaw sa kanyang hinagap ang pagpapakasal, lalong hindi kay Gunther Zenith Dragoza, isang tanyag na business magnate na maraming sikretong itinatago. Lahat ay umaayon sa plano ng binata subalit kung siya'y ipinagkanulo't pinagtaksilan ng sariling puso, sino ang mananaig? Paghihiganti o pag-ibig? Dalawang pusong buong tapang na naglayag sa iisang sagradong tipanan. Sa bisig ng isat isa nga ba nila matatagpuan ang tahanang kanilang matagal na pinananabikan, o sila'y kapwa estrangherong dumaong lamang sa maling isla?
Romance
5.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Nababasa Nila Ang Isip Ko

Nababasa Nila Ang Isip Ko

Ako ang tunay na anak ng pamilya Stone. Gamit ang gossip-tracking system ko, nagkunwari akong mahinhin at masunuring tao, pero sa loob-loob ko, matindi ako gumanti sa tamang oras. Ang hindi ko napansin ay may nakakarinig sa isip ko. “Kahit na anak ka naming tunay, si Alicia lang ang tunay naming tinatanggap. Kailangan mo matututong lumugar,” sambit ng mga kapatid ko. ‘Iniisip ko na baka sinira ko ang usapan namin ng demonyo sa nakaraan kong buhay kaya ako napuntas a pamilya Stone ngayon, naisip ko. Tumigil bigla ang mga kapatid ko sa paglalakad. “Si Alice ay masunurin, may sense kausap at mahal ng lahat sa pamilyang ito. Huwag ka magsimula ng drama para lang magpapansin.” Hindi ko mapigilan isipin, ‘Kung ganoon, may sapat ang sense niya para sirain ang buhay ng lahat at mahal na mahal kayo sa puntong nakakasuka na.’ Natanga ang ekspresyon ng mga magkakapatid.
Short Story · Imagination
684 viewsCompleted
Read
Add to library
The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)

The Mafia's Hidden Angel (Tagalog)

"Boss! Nasa panganib pong muli ang buhay ng asawa mo!" wika ng kanang-kamay ni Kaizer. "Ihanda mo ang mga tauhan at ililigtas natin siya!" malakas na sigaw ng mafia boss. Mabilis na kumilos ang mga tauhan ng Devil's Angel Mafia Organization. Lahat sila ay handang ialay ang buhay para sa kanilang reyna. Buong tapang na sumakay si Kaizer sa sasakyang naghihintay sa kan'ya. Ngunit ang mga mata niya ay punong-puno ng lungkot. Tumatagos doon ang sakit na nararamdaman ng kaniyang puso. Siya ang asawa ngunit ang puso ng babaeng mahal niya ay nahahati sa dalawa. Hindi siya pwedeng gumamit ng dahas dahil baka tuluyang mawala sa kan'ya si Kryzell. Ang babaeng una at pinangakuan niyang huling iibigin. Sa pag-ibig kung saan ay nakikihati lamang siya, hanggang kailan ni Kaizer kayang maging biktima? May halaga ba ang pagiging mafia boss kung ang mafia's hidden angel ay magdesisyon na muling mabuhay ng payapa at malayo sa magulong mundo na meron siya?
Romance
9.8240.5K viewsCompleted
Read
Add to library
THE COLD HEARTED CHAIRMAN

THE COLD HEARTED CHAIRMAN

Si Ryder Sable ang chairman na tinaguriang the cold hearted. Isang insidente sa buhay niya ang naging dahilan nang pagiging malamig niya. Umibig siya sa isang babae na may kaugnayan pala sa kanyang nakaraan. Nakipaghiwalay siya at kinalimutan ito. Pero muli itong magbabalik, ngunit tuluyan ng nawala ang nararamdaman niya para dito. Bagkus ay minahal niya ang kapatid nito. Tunghayan ang kuwento ng buhay pag ibig ni Chairman Ryder Sable.
Romance
1010.4K viewsCompleted
Read
Add to library
THE BROKEN TRUST

THE BROKEN TRUST

" Ilang taon kitang hinintay pero bakit Hindi mo ako nagawang hanapin? Simula noong iniwan mo kami ng anak mo, kinalimutan ko na din na Minsan kitang Minahal!" Isang Matapang, Palaban at mapagmahal na babae si Astra. Lumaki siya sa mahirap na pamilya . Nag iba Ang takbo ng buhay niya ng makita niya si Akio Zeus Ventura, Mayaman, Gwapo at Makapangyarihan. Isang Perma ang bumago sa buhay ni Astra, Naging Contract wife Siya ng Isang mayaman at Kilalang negosyante na si Akio Zeus Ventura at sa hindi inaasahan ay nahulog Siya sa binata, Ngunit sa huli iba Ang pinili ng binata at nagawa niyang Iwan Ang dalaga. Ano Ang mangyayari sa love story nilang dalawa? Mamahalin ba Siya ni Akio?
Romance
1010.0K viewsOngoing
Read
Add to library
My Boss Got Me Pregnant

My Boss Got Me Pregnant

Si Celestine Monteverde. Isang matapang, matalino, at tagapagmana ng isang malaking kumpanya. Sanay siya na siya ang may control, siya ang nasusunod. Pero nagulo ang mundo niya nang makilala niya ang equally powerful at cold-hearted CEO na si Adrian Velasco. Ang boss na hindi niya inakalang magiging pinakamalaking gulo ng buhay niya. Isang gabing puno ng tension at hindi mapigilang attraction ang nagbago ng lahat. Now, she’s pregnant with his child. Pero hindi siya yung tipong magtatago o magpapatalo. Kung akala ni Adrian na kaya niyang diktahan ang buhay niya, nagkakamali siya. Sa laro ng kapangyarihan, puso, at lihim. Sino ang talagang mananalo? Ang boss ba na sanay mag-utos, o ang babaeng hindi kailanman marunong sumuko?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Consortium's Heir

The Consortium's Heir

[No. 2 “The Leading Star” ng “The Legendary Urban Man” Contest] Si Darius Reid, ay ordinaryong university student na laging minamaliit ng lipunan. Ng inisip niya na ang kanyang buhay ay magiging mas malala, isang tawag at isang biglaang pamana ang nagbago ng kanyang buhay. Simula ngayon, hindi na siya isang ordinaryong university student. Siya ay si Darius Reid, ang tanging tagapagmana ng Reid Consortium!
Urban
9.2129.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Ex-Convict Billionaire

The Ex-Convict Billionaire

Nagboluntaryo sa isang medical mission sa loob ng bilangguan si Mikaella. Nagkaroon ng riot at doon niya nakilala ang gwapong preso na si Liam. Na-love at first sight sa kanya ang binata. Ngunit hindi niya ito type. Isa itong malaking red flag. Natitiyak niyang gulo lamang ang hatid nito sa kanyang buhay. Ngunit tila may magnet ang ngiti at expressive eyes ng lalaki. Bakit biglang parang gusto niyang magwala at lumihis ng landas kasama ng binata. Itataya ba niya ang buhay at kinabukasan para sa lalaking hindi niya lubusang kilala? Ginising ng binata ang lahat ng natutulog na damdamin sa kanyang pagkatao. Nakipagtanan siya dito at sinuway ang mga magulang. Nangako itong aayusin ang buhay para sa kinabukasan nilang dalawa. Ngunit ang mga pangako ay napako. Madami siyang natuklasang lihim nito. Ngunit hindi siya sumuko, ipinaglaban niya ang pag-ibig. Nalagay sa panganib ang kanyang buhay dahil sa lalaki. Nagising siya sa katotohanang siya lamang ang tunay na nagmamahal. Makalipas ang limang taon ay muling nag-krus ang kanilang landas. Ngunit bakit ibang-iba na si Liam. Bilyonaryo na ito at makapangyarihan. Tila hindi siya kilala, para siyang invisible sa paningin nito. Ang nakapagtataka ay ito pa ang matindi ang galit sa kanya. Nabaligtad na ang mundo. Siya na ang bilanggo ngayon. Bilanggo ng nakaraan at ng pag-ibig na walang katiyakan.
Romance
9.952.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Hiding The Billionaire's Son

Hiding The Billionaire's Son

Handa akong tumakbo sa kahit saan maitago ko lamang ang katotohanan na nagkaanak ako at ang ama ay walang iba kundi ang boss ko. Ginawa ko ang lahat maitago lamang ang anak ko sa mga katrabaho ko hanggang sa manganak ako. Nagresign ako sa trabaho upang maalagaan ang anak ko at nang makalaki na ito ay agad akong nag-aplay ng trabaho. Sinong mag-aakala na babalik din pala ako kung saan ako nagsimula at muli kaming magkita. Umakto ako na paranng hindi kami magkakilala noon at nanatiling nakadistansiya rito. Hanggang kailan ko maitatago ang katotohanan tungkol sa pagkatao ng anak ko? Handa ba akong lunukin ang takot ko para ipagtapat ang katotohanan? O Magpapadaig na lamang ako sa takot ko at hahayaan na ang tadhana na lamang ang magdikta ng aming kapalaran? Paano kung dumating ang araw na kailanagan ko ng tulong sa ama ng anak ko upang maisalba ang buhay nito. Handa ko bang guluhin ang tahimik nitong buhay kasama ang bago nitong minahal at magulo ang tahimik na buhay na nais ko para sa anak.
Romance
104.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Danger Zone: Fight to Survive

Danger Zone: Fight to Survive

Habang papunta sa kanilang paaralan, ang dalawang magkaibigan ay nadatnan ang sariling tumatakbo sa gitna ng magulong kapaligiran. Isang experimento ang gumimbal sa boung Pilipinas at bumago sa buhay ng maraming tao at ang pagbangon ng mga patay na kumakain ng laman ng mga buhay. Sa gitna nito isang grupo ng mga kabataan ang tinadhanang magkatagpo upang tuldukan ang pandemyang bumalot sa sanlibutan.
Sci-Fi
103.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2223242526
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status