The kasambahay [BL]
Nang matapos na kami ay pinahabilin muna namin ulit lahat ng ito sa kanilang baggage counter, may pupuntahan pa daw kasi kami ni Dylan.
"Dylan, Saan tayo pupunta?"
"Manunuod ng Sine, Ry ko," masayang sabi pa nito at isinama ako para makapili ng movie.
"Si Coco na lang," sabi ko ay Dylan.
"Coco martin? may pelikula ba sya ngayon?" takang tanong pa nito sabay libot ng tingin sa paligid kung saan nakapaskil ang mga showing na movie.
"Hindi si Coco martin, ayun oh," turo ko sa isang poster na may nakalagay na Coco, yung animated.
الفصول الرائجة