Seducing My Hot Ninong Everett
“Akala ko naman kung ano na. Medyo para kang gaga diyan. Pero, oo, napapaisip na rin kasi ako. Gusto ko na ring maging busy-busy-han sa buhay ko. Ayoko naman kasing tumanda na wala manlang experience sa pagbu-business. Pero sana maging okay ang plano kong ‘to ‘no?”
Tumango siya at muling ngumiti. “Oo, magiging okay ‘yan. Saka, kapag kailangan mo ng tulong, huwag kang mahiyang magsabi. Palagi kitang tutulungan, lalo pa’t nagiging matalino ka na ngayon sa buhay. Alam mo kasi, lately, hindi ako natutuwa sa mga pinaggagagawa mo sa buhay mo. Sorry, ha, ayoko lang talaga na nakikitang walang direksyon ang buhay mo. Pero ngayong may pangarap ka na, support ako sa ‘yo until the end, ganoon akong kai
Sikat na Kabanata