Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Hiram na Asawa

Hiram na Asawa

Patong-patong ang mga problema ni Maria Averie Salvador. Bukod sa kailangan niya ng malaking halaga para sa chemotherapy ng kanyang Tatay, hinahabol din siya ng kanyang mga pinagkaka-utangan. Ubos na ang listahan ng mga taong pwede niya pang utangan at kahit pagtitinda niya ng isda sa palengke ay hindi maisasalba ang buhay ng kanyang ama. Ang masaklap, sa isang kisap mata ay tinangay siya ng mga armadong lalaki.Ngunit hindi niya alam na iyon ang babago sa kanyang buhay lalo na't nagimbal siyang makita ang babaeng kamukhang-kamukha niya. Isang Francheska Morales ang kumidnap sa kanya at nais nitong magpanggap siya bilang ito at gampanan ang pagiging asawa sa isang kilalang mabagsik na negosyante ng kanilang bayan. Kailangan nitong lumayo upang mabuntis at maibigay ang tagapagmana ng nag-iisang Sebastian Loki Inferno.Pikit-mata niyang tinanggap ang misyon kapalit ng malaking halaga. Ngunit binalot siya ng kaba matapos makaharap ang lalaking kinakatakutan ng buong bayan nila. Kaya niya bang maging pekeng asawa ng isang Sebastian Loki Inferno?"If you cannot give me a child, you better be dead," — malamig na bungad nito sa kanya.
Romance
9.8794.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Montefalco Series 2: One Night Mistake

Montefalco Series 2: One Night Mistake

Warning: R-18. Not suitable for young readers. Read at your own risk. ________ Kapit sa patalim. Iyan ang ginagawa ng isang mahirap na katulad ko sa oras ng kagipitan. Mahirap. Nakakababa ng digninad. Wala na ngang pinag-aralan pinasok pa ang isang bagay na hindi makatarungan. Ngunit sa ngalan ng pamilya, pagmamahal,at sakripisyo,lahat kaya kong isugal maisalba lang ang buhay ng nanay ko. Pera kapalit ang dangal. Dangal na nawala para makasalba ng isang buhay. Ito ang mahirap para sa gaya kong isang mahirap ngunit wala kang pagpipilian kundi pasokin ito dahil ito lang ang naisip mong madaling paraan. "So, ano ang dahilan mo bakit sumama ka sa akin?" Mapang-akit niyang tanong sa mapusok naming halikan. "Pera," pa-ungol na sagot ko sa sensasyon na nadarama. Dangal laban sa isang buhay na kailangan iligtas. Puri para sa perang inaasam. A one night mistake that changed my life forever that I can't escape.
Romance
1042.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Housemaid's Secret

The Housemaid's Secret

Zenshine
Para takasan ang nakatakda niyang kasal sa isang matandang lalaki ay lumuwas si Bethany Gayle Chavez sa isang malayong probinsiya. Ipakakasal kasi siya ng mommy niya sa isang Chinese business tycoon. Bagay na never niyang sinang-ayunan. Bilang heiress, alam na niya na kapalit ng pagiging marangya ng buhay niya ay ang pagpapalakas at pagpapalawak ng impluwensya ng bawat pamilya kaya naman kailangan niyang maikasal sa isang taong kaparehas o higit pa sa estado nila sa buhay. Kaya naman para makatakas sa kasunduang hindi niya gusto. . .nagpaka-layo kayo siya at nagpanggap siya bilang isang simpleng babae. Namasukan siya sa isang mayamang haciendero bilang house maid at doon ay nakilala niya si Simon Clarke Silvestre. Nagmamay-ari ito ng heka-hektaryang lupain sa probinsya at may malaking hacienda. Naging maganda at kaswal lang naman ang pagtanggap sa kanya ng binata. Pero naging mahirap para sa kanya ang pagsisilbi rito dahil kagagaling lang nito sa isang aksidente. Iritable si Simon at mabilis na magalit. Hindi naman siya ganito noon. Nagsimula lang ang pagbabago niya simula noong maaksidente siya. Hindi nila alam na si Bethany ay isang tagapagmana at nagpapanggap lamang bilang kasambahay. Bagay na sinesekreto niya sa lahat dahil ayaw niyang mahuli at ibalik sa mga magulang niya kundi ay malilintikan siya at ipapakasal sa matandang instik na iyon. Pero paano kung sa isang pagkakamali ay magbabago ang buhay ni Bethany? Si Simon ba ang magliligtas sa kanya sa masalimuot niyang magiging kapalaran sa matandang intsik na iyon, o mas lalo lang nitong sisirain ang buhay at mga pangarap niya?
Romance
105.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Reclaiming the Billionaire's Love

Reclaiming the Billionaire's Love

Limang taon ang nakalipas mula nang maghiwalay sina Luna at Alexus—isang flight attendant at isang bilyonaryong piloto na dating nagmamahalan. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay nawasak nang matuklasan ni Luna ang lihim na maaaring magdulot ng matinding sakit kay Alexus: ang kanyang sariling ama ang dahilan ng pagkamatay ng ama ni Alexus. Sa desperasyong protektahan ito mula sa masakit na katotohanan, sinira niya ang relasyon nila sa pamamagitan ng isang kasinungalingan. Sinabi niyang niloko niya ito at hindi si Alexus ang ama ng dinadala niyang anak. Ngunit hindi kailanman nawala ang nakatagong sugat sa kanilang mga puso. Ngayon, limang taon ang nakalipas, muling nagkrus ang kanilang landas sa isang flight na hindi inaasahan. Si Alexus ay isang matagumpay na piloto at bilyonaryo, ngunit dala pa rin ang sakit ng nakaraan. Si Luna naman, isang single mom, ay pilit na binubuo ang buhay kasama ang kanilang lihim na anak na si Bella. Habang nalalantad ang katotohanan tungkol sa nakaraan at ang lihim ni Luna, magagawa kaya nilang buuin muli ang nawasak na pag-ibig? At kapag nalaman ni Alexus na si Bella ay anak niya, handa ba siyang patawarin si Luna at labanan ang mga multo ng kanilang nakaraan para sa pagkakataong maging buo muli bilang isang pamilya?
Romance
9.721.5K viewsCompleted
Read
Add to library
MY POSSESSIVE LOVE

MY POSSESSIVE LOVE

Jude Henry Gomez. mayaman, gwapo at anak ng isang bilyonaryo lahat na ata ng katangian ay nasa kanya na, kahit sinong dalaga ay papangarapin siya. Mary Lynelle Abad isang simple na dalaga na nagmula sa simpleng pamilya na walang hinangad at pangarap kundi ang makatulong sa pamilya. Paano kung gumawa ng paraan ang tadhana para pagtagpuin sila? Hindi niya alam na ito ang panganay na anak na magiging amo niya. Mababago kaya ng isang simpleng dalaga ang masungit at playboy na binata? Paano babaguhin ni Mary Lynelle ang isang possessive na bilyonaryo na si Jude Henry. How will Mary Lynelle change a possessive billionaire like Jude Henry Gomez?
Romance
9.9105.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire’s Sexy Karma

The Billionaire’s Sexy Karma

Sa paniniwala ni Purisima Cruzado, ang anak ang pinakamalakas na angkla ng isang ina. Kaya nang dumating ang panahong kinailangan niyang mag-ipon para sa operasyon ng kanyang ina, kinain niya ang takot at hiya para makapasok sa Moonlit—isang madilim na mundong pinapasukan lamang ng mga desperado at mayayaman. Isang gabi. Isang kliyente. Isang kasunduan kapalit ng malaking pera. Hindi niya inakalang ang lalaking iyon ang estrangherong tanging pinaglingkuran niya—ang magiging ama ng batang isinilang niya. Pagkalipas ng ilang taon, muling nagtagpo ang kanilang landas. Dirus Van Arkel—ang kliyenteng hindi niya malilimutan, ngunit siya, hindi man lang naalala nito. At sa hindi inaasahang pagkakataon, inalok siya ni Dirus ng trabaho: magpanggap bilang kanyang kasintahan… at ang anak niya ay ipakitang anak nilang dalawa upang pagselosin ang dating fiancée nito. Ngunit paano kung ang “pagpapanggap” na ito ang maglalantad ng katotohanang matagal niyang inilihim? At paano kung ang lalaking minsan niyang binayaran para mabuhay ang ina niya… ay siya ring lalaking nakatadhanang wasakin ang pader na itinayo niya sa puso niya?
Romance
236 viewsOngoing
Read
Add to library
His Unexpected Son

His Unexpected Son

Doc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang babago sa kanyang pananaw. May isang babae na magpapakilala sa kanya at sasabibin na nabuntis siya nito. Kanya kayang tatanggapin ito o tatakasan katulad ng kanyang ginagawa sa tadhana?
Romance
108.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Manliligaw kong Doctor at CEO

Ang Manliligaw kong Doctor at CEO

MHAYIE
"Pag-ibig nga naman  !, hindi mo Hiniling pero Dalawa ang Dumating!" . Isang NBSB (No boyfriend since birth) ang bibihag sa Dalawang kilala sa larangan ng kanilang mga propesyon na mag-aagawan sa puso ng babaeng Simple pero pang Miss universe ang mukha . Si Doc  ang hot na Surggeon Doctor at kinababaliwan ng lahat ng mga Nurse at kababaihan ,at ang isang susubok na makuha ang puso ng isang College student /model . At ang C.E.O na Seryoso sa buhay pero Sweet sa dalagang iniibig at malakas ang Sex Appeal sa lahat ng kababaehan at handang makipagsabayan , makuha lang ang puso ng babaeng iniirog. Hanggang saan masusubok ang pasensya ng dalawang iibig sa Magandang kolehiyala na wala pang karanasan sa pag-ibig. Sino ang magwawagi at sino ang magpaparaya ?.
Romance
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
IKAW SA AKING MGA KAMAY

IKAW SA AKING MGA KAMAY

CATALEYA DOMINGO, nakasumpong ng pagpapanibagong buhay sa mala-paraisong bayan ng El Nido sa Palawan. May stable job siya bilang isang secretary at isang lihim na online romance writer. Kinalimutan na niya ang mga hindi magandang nangyari sa buhay niya noong nasa Manila pa siya. Kung may isang bagay siyang hinihiling sa kasalukuyan, iyon ay magkaroon ng mapagmahal na asawa at sariling pamilya. LUKAS ADRIATICO, isang mayamang binata na galing sa prominenteng pamilya. May nakatanim na galit sa puso niya dahil nahuli niya ang asawa na pinagtataksilan siya bago namatay sa isang car accident. Naging woman hater siya at ang tingin niya sa mga kalahi ni Eva ay isang laruan lang. Takot siyang magmahal muli dahil baka lolokohin na naman siya. Tanging pangarap niya ang mapamahalaan ang kanilang malaking kompanya. Walang kamalay-malay si Lukas na siya ang ginawang character peg ni Cataleya sa sinusulat nitong romance novel. Parang naglalaro ang tadhana, na sa pagkamatay ng boss niya, ang binata naman ang magiging boss ng dalagang secretary. Sa kabila ng pagiging hostile na boss ni Lukas kay Cataleya, magkakalapit pa rin ang mga loob nila. Ngunit may isang malaking kasinungalingan sa nakaraan ang nag-uugnay pala sa kanilang dalawa.
Romance
1012.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Babysitting The Ruthless Billionaire's Son

Babysitting The Ruthless Billionaire's Son

Mag-a-apply sana si Giselle bilang Domestic Helper sa Saudi Arabia. Pero pagdating niya sa Maynila, nadukutan siya, nawala ang mga papeles pati na rin ang perang inipon ng kanyang ama. Dahil insidenteng iyon, napadpad siya sa puder ni Raul Montoya—isang single dad na ubod ng gwapo, matipuno, at mayamang negosyante, ngunit ubod nga lang din ng sungit at palaging iritado. Magtatrabaho siya rito bilang nanny ng anak nito. Unang araw pa lang niya sa trabaho, naranasan na niya ang hagupit ng sama ng ugali nito. Tila ang init ng dugo nito sa kanya at mas lumala pa ito sa mga sumunod pang mga araw hanggang sa natuto siyang lumaban dito, dahilan para mas lalo itong magalit sa kanya. Ngunit hindi mapaalis-alis ni Raul si Giselle dahil napalapit na rito ang anak niya. Nagpatuloy ang bangayan ng dalawa hanggang sa may nangyaring hindi inaasahan—isang makasalanang gabi ang nangyari sa kanilang dalawa. Isang gabing hindi nila malilimutan. Isang gabing nagparanas sa kanila ng kakaibang init at sarap. Ito na kaya ang maging hudyat ng tuluyang pagbabago ng relasyon nilang dalawa?
Romance
416 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3940414243
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status