Love Revenge Game
Ibinalik niya sa dating lalagyan na pinagkuhanan niya ng gitara pagkatapos inawit ang huling berso ng kanta upang sakupin ang buong kamay, saka maigi akong sinulyapan mata sa mata na punong-puno ng kaniyang pagmamahal sa akin.
“Hindi ako naniniwala na ang destiny ang gumagawa ng ating kapalaran kundi tayo. Weʼre the creator of our own destiny, Xyrah.” Hinaplos niya ang aking pisngi pansamantala. “Ayokong mapunta ka sa iba kaya hinding-hindi kita papakawalan kahit maubos pa ang dugo na nanalaytay sa aking katawan,” seryuso niyang pagdidiin sa bawat salitang kaniyang binitiwan. “Mahal na mahal kita, Xyrah. Ang tanging maipapangako ko, ibibigay ko sa `yo ang buong lakas ko para maipahayag o mai