The Poor Husband Returns as a Billionaire
Iniwan siya dahil akala nila wala siyang mararating.
Bumalik siya bilang lalaking hindi nila kailanman malilimutan.
***
Limang taon siyang nanahimik. Isinantabi ang yaman, kapangyarihan, at pangalan. Nagpanggap bilang isang karaniwang lalaki upang malaman kung sino ang tunay na totoo sa mundo ng kasinungalingan. Sa kanyang pagbabalik, dumurog siya ng mga inaakalang mas makapangyarihan sa kanya—at kabilang dito ang babaeng pinakamamahal niya.
Para kay Lilly Ybañez, si Damon Salvatore ay isang mabait ngunit mahirap na lalaking walang kinabukasan. Kaya’t sa gitna ng pangarap at panlilinlang, pinili niyang iwan ito para sa mas marangyang buhay—kasama ang lalaking may pera, impluwensiya, at lihim na motibo.
Ngunit ang hindi niya alam, ang lalaking iniwan niya ay ang pinakamayamsng negosyante sa bansa—isang bilyonaryong mas mapanganib sa katahimikan kaysa sa sinumang makapangyarihan.
Sa kanyang pagbabalik, bitbit ni Damon ang yaman, katotohanan, at bangis ng isang pusong nasaktan ngunit hindi kailanman nagpatalo.