Untamable Heart
Natigilan ako at tinitigan si Lino, nakangiti lang ito dahil sa hinawakan ko ang bungkos ng pera na nasa bandang kaliwa.
Pumalakpak ang babae at sinabi, “she is a natural, we could use her.” Nagtaka ako, di kasi ako naniniwala na talagang ibibigay ng babae ang pera sakin. Alam ko na hindi basta-basta ang mga taong kausap ko, alam ko na ang mga ganitong klase ng tao ay mga bumabali sa batas. Natahimik ako ng biglang nagsalita ang babae. Wag daw ako magalala dahil tanging mga aritokrato lamang ang mga binibiktima nila, mga taong mayaman na at lalo pang nagpapayaman. Naisip ko na para pala silang si Robin Hood, isa sa mga karakter ng story na binabasa sa akin ni papa bago matulog.
Bab Populer