ONE NIGHT: MAFIA BOSS
Ang mga tanong na ito ay tila mga sugat na hindi kayang pagalingin ng oras.
Ngunit sa kabila ng lahat, sa bawat patak ng ulan, pinipilit kong ipaalala sa aking sarili ang mga magandang alaala namin. Naalala ko ang mga araw na puno ng tawanan at pagmamahalan, ang mga simpleng sandaling nagbigay liwanag sa aming buhay. "We’ve shared so much love," sabi ko sa kanya, habang hawak ko ang kanyang kamay, umaasa na mararamdaman niya ang aking sinseridad. "I need you to come back so we can make more memories together."