Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Bitter Sweet Lover (ATS2) TAGALOG COMPLETED

Bitter Sweet Lover (ATS2) TAGALOG COMPLETED

Kilalang walang sinasanto ang katulad ni Novice De Guzman. Pagdating man sa business world o usaping buhay. Hindi siya nangingiming kalabanin ang sino man hahadlang sa kaniyang mga plano. Kung kinakailangan niyang pumatay, magagawa niya. Sa kabila ng lahat ay mapapasunod siya ng taong higit na kinasusuklaman nito- ang sariling ama. Iminungkahi nitong magpakasal siya, pumayag si Novice kahit labag sa kaniyang loob. Natuklasan niyang kilala niya ang babaeng napipisil nito para sa kaniya. Walang iba, kun'di si Shaina Monuz, ang dating nobya ng binata! Ipapakita niya sa nagmamagaling na ama na maling-mali ito na ipakasal siya. Pakikisamahan ni Novice ang babae at sasaktan katulad ng dati... Pero namamalayan na lang niyang unti-unti siyang nahuhulog dito, kasabay ng pagkasira ng pagsasama nila, dahil na rin sa mga maling desisyon ng binata. Maisasalba pa ba niya ang pagsasama nila? O hahayaan niyang muling mawala ito sa kaniyang buhay...
9.520.7K viewsCompletedAdded to Library 495 Times as tula para sa ama
Read
+Library
Trystan Lerwin Wuizon

Trystan Lerwin Wuizon

breathe.shaiy
Trystan Lerwin Wuizon is known for being a young, handsome billionaire and woman hater. Bata pa lang siya ay iniwan na siya ng kaniyang ina sa ama niya. He hated her because she chose her boyfriend over him. Si Ashanti Ruiz Salazar ay anak ng isang doktor at abogado. Ang gusto ng mga magulang niya ang maging isa siyang doktor, abogado o enhinyero. Pero ang gusto niya ay ang maging isang flight attendant. Hinayaan siya ng mga magulang niya dahil akala nila ay magbabago pa ang isip ni Ashanti. Butthey found out that Ashanti enrolled in a different school just to be a flight attendant. Due to disappointment, pinalayas nila ang anak at sinabing bahala na siyang buhayin ang sarili niya. Walang kaso ito kay Ashanti dahil matagal niya na itong pinagplanuhan. She had different part time jobs para madagdagan ang savings niya. So, she'll survive. Years after, she graduated and finally reached her dream. Her batch celebrated their success at a newly opened bar. It was the grand opening kaya discounted lahat. Pinaghalong saya at lungkot ang naramdaman ni Ashanti. Saya dahil natupad na ang pangarap niya at lungkot dahil hindi pa din siya kinakausap ng mga magulang niya. Uminom siya hanggang sa tuluyan na siyang malasing. Pagkagising niya kinabukasan ay wala siyang matandaan at nasa isang hindi pamilyar na kuwarto na siya habang nakahiga sa tabi ng isang lalaki nang walang kahit na isang saplot sa katawan. Dahil sa takot at kaba, agad na nagbihis si Ashanti at umalis. Hindi na siya nagpakita pa kahit kailan sa lalaking iyon. Lumipas ang ilang buwan ay nalaman niyang buntis siya at ang ama ay isang estranghero para sa kaniya! Magkikita pa kaya silang muli? O mananatili na lamang isang sikreto ang naging bunga ng isang mainit na gabing pinagsaluhan nila?
6.1K viewsOngoingAdded to Library 147 Times as tula para sa ama
Read
+Library
One Night of Beauty

One Night of Beauty

Markuz
Beauty Pareech is the definition of her own name, though she is dark skinned she embodies the qualities of a beauty queen. Ang kagandahang tagglay niya lang ang maipagpapasalamat niya sa kaniya'ng walang kwentang ama dahil sa murang eda pa lamang niya ay iniwan na sila nito. Isang trahedya ang nangyari sa kanyang ina na nagtulak sa kanya upang gawing ang bagay na pagsisisihan nita sa huli. For Winsley Aushwitz as the CEO of his company, it's a mist for him to be tough, dapat wala siyang inaatrasan maliban sa katotohana'ng pinagtaksilan siya ng kanyang fiance at ng sariling ama. Kaya't isang gabi ay nagpaubaya siya sa kanyang naghihinagpos na damdamin at ininlabas niya ang galit sa kakawang babae na ani mo'y isang iton na diyamante, kakaiba. Sila ay muling nagtagpo makalipas ang apat na taon na para bang nakatadhana. Pagbigyan kaya nila ang kanilang mga sarili na mahalin ang isa't-isa now that they have a reason? Pero buhay talaga ay mapaglaro at isang sekreto ang pilit na sisira sa kanilang namumukadkad na damdamin.
103.4K viewsOngoingAdded to Library 101 Times as tula para sa ama
Read
+Library
SANDALING KAPILING KA

SANDALING KAPILING KA

Bata pa lang ay naranasan na ni Yohann ang hirap ng buhay. Habang nasa kalye ay nakilala nito ang ama ni Martina na si Mang Antonio na tumulong kay Yohann na makakain. Hindi makakalimutan ni Yohann ang mag-ama at ang kabutihan ng mga ito hanggang sa naging isa na siyang matagumpay na doctor. Aksidenteng nagtagpo muli ang landas ni Yohann at Martina ng isugod sa hospital ang Tatay nitong si Mang Antonio. At sa mismong hospital na pagmamay-ari ni Yohann nadala ni Martina si Mang Antonio. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Yohann ang presensiya ni Martina ngunit hindi ito nagtagal dahil sa kasama nitong binata. Sa pagtatagpo kaya ng landas ng dalawa ay magagamot kaya ang ilang taong lumipas na hindi nawala sa isipan ni Yohann si Martina? Oh ito ang magiging daan para mabuo ang isang pagmamahalan na tinadhanang maramdaman nila sa isa't isa?
149 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as tula para sa ama
Read
+Library
Lovin' My Enemy's Daughter

Lovin' My Enemy's Daughter

'Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang. At hindi lahat ng kasalanan ng magulang ay kailangan akuin ng isang anak.' Mula pagkabata, namulat na si Carl Angelo sa dinanas na hirap ng kapatid niyang si Caren dahil sa kagagawan ng isang baliw na lalaki. Nasaksihan niya ang paghihirap ng kapatid dulot ng hindi karaniwang sakit nito. Masakit at mahirap makitang nasa ganoong kalagayan ang kanyang kapatid at habang lumalaki siya ay may namumuong galit at paghihiganti sa puso niya sa taong gumawa noon sa kanyang Ate Caren. Hanggang sa lumipas ang mga taon at dumating sa buhay niya ang isang babaeng kayang palabasin ang lahat ng nakatagong emosyon sa loob niya. Sa unang beses na masulyapan pa lang niya ang magandang mukha ng dalaga ay nagawa nitong buhayin ang lahat-lahat sa kanya kasama na doon ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. At doon pa lang ay itinatak na niya sa kanyang puso't isipan na pagmamay-ari niya ang babaeng nagngangalang Vanessa Joy Gayla. Pero paano kung dumating ang panahon na malaman niyang ang babaeng kinahuhumalingan niya ay anak pala ng taong kanyang kinasusuklaman? Paano niya maisasakatuparan ang paghihiganting nabuo sa kanyang isipan? Isang magandang pagkakataon na para maging sandata niya ang dalaga laban sa ama nito. Pero kaya nga ba niyang gamitin ang dalaga na sa simula pa lang ay walang ng ibang ginawa kun'di ang mahalin at pagsilbihan siya? Kaya ba niyang saktan ang babaeng nagmamay-ari na ng puso, isipan at katawan niya? Matuto pa rin kaya siyang magpatawad kung alam niyang habambuhay na nagdudusa ang kapatid niya dahil sa kagagawan ng ama nito? Alin ang pipiliin niya? Pagmamahal o paghihiganti?
1013.2K viewsCompletedAdded to Library 436 Times as tula para sa ama
Read
+Library
Revenge in Uncle Saint's Bed

Revenge in Uncle Saint's Bed

Walang ibang pinangarap si Ashanti kundi ang maibalik ang dating init at pagmamahal ng kanyang ina—pagmamahal na naglaho nang iwan sila ng kanyang ama para sa ibang babae. Kaya nang dumating ang pagkakataong mapasaya ito, hindi na siya nagdalawang-isip pa: pakakasalan niya ang lalaking pinili nito para sa kanya—si Grant. Ngunit ang akala niyang "happy ending" ay naging simula ng impyernong buhay mag-asawa. Sa likod ng magandang itsura at katayuan ni Grant ay ang lamig at kalupitan na sumira kay Ashanti. Mabuti na lamang at dumating si Uncle Saint—ang nag-iisang tiyuhin ni Grant, ang matagal na nitong karibal, at ang pinakamalaking tinik sa lalamunan nito. Kabaliktaran naman, si Uncle Saint ang naging tanging sandalan at kakampi ni Ashanti sa gitna ng dilim. Sa pagtira nila sa iisang bubong, sa bawat sandali ng pagdamay at pag-unawa, unti-unting namulaklak ang isang damdaming ipinagbabawal. Nagsimula ang lahat sa "no-strings-attached" na ugnayan hanggang nauwi na lang sa matinding pagmamahalan—isang pag-ibig na bawal, delikado, at puno ng panganib. Hanggang saan sila dadalhin ng bawal nilang ugnayan? Paano kung biglang magbago si Grant at nais nitong ayusin ang kanilang nasirang pamilya? Dagdag pa sa gulo, bumalik ang asawa ni Uncle Saint—handang gawin ang lahat para mabawi ito. Hanggang saan nila kayang itago ang kanilang lihim? Kung kailan nahanap na nila ang tunay na pag-ibig, ipaglalaban ba nila ito kahit laban na sa prinsipyo at kasal? O susuko na lamang sila at itutuwid ang pagkakamali, kahit na ang kapalit nito ay ang pagwasak sa kanilang mga puso?
10168 viewsOngoingAdded to Library 3 Times as tula para sa ama
Read
+Library
Carrying the Billionaire's Twin Babies

Carrying the Billionaire's Twin Babies

Queen_Sienna
Nagmula sa isang mayamang pamilya si Sienna Montemayor kaya nang malaman niyang ipinagkasundo siyang ipakasal sa isang lalaking hindi niya kilala ay naglayas siya. Napadpad siya sa isang bar at doon ibinuhos niya ang sarili upang makalimot subalit dahil sa kalasingan ay nagbago ang kaniyang buhay. Naibigay niya ang sarili sa isang lalaki na hindi niya kilala at hindi niya inaasahang mabubuntis siya. Sa takot na bumalik sa pamilya niya ay sinubukan niyang pumasok bilang sekretarya sa isang sikat na kompanya. Pagpasok sa opisina ng kaniyang magiging boss ay halos liparin niya na ang daan paalis. Nakilala niya ang kaniyang magiging amo bilang ama ng kaniyang dinadala. Ang mas lalong nagpanginig sa buong katawan niya ay nang malaman niya na ang ama ng dinadala niyang anak ay sa bilyonaryong si Liam Del Fierro pala, ang mortal na kalaban ng pamilya niya. Ngayon hindi niya alam kung paano siya tatakas dahil binakuran na siya ng bilyonaryo pagkatapos malamang buntis siya sa anak nito.
101.1K viewsOngoingAdded to Library 23 Times as tula para sa ama
Read
+Library
I kidnap the General's daughter

I kidnap the General's daughter

Provinsiyanang manunulat
**Orphan at the Age of 11, Illias Became a monster when his parents died due to massacre. Pursuing his bowed in front of his parents grave to take revenge on the General who magnify the death of them. Investigating the General but rather he found the General daughter's who's a brat intelligent lawyer. Abducted uses her bilang kabayaran sa kasalanan ng kanyang ama but it's not enough to reach the ecstasy vengeance satisfaction he wants. Punished her body and soul. Olivia, chooses the miserable life as slavery of the mafia who imprisoned and treat her like a wild animals in the cage over to live peacefully, and remain silent no matter what happened order to protect her parents from Illias. But one day she wakes up that she learned to love the monster. Meron kayang freedom ang kanyang pag ibig para sa binata o makukulong paren sa kanyang kalooban just like her situation is? **
104.6K viewsOngoingAdded to Library 115 Times as tula para sa ama
Read
+Library
The Billionaire's Secret Agent

The Billionaire's Secret Agent

Caleb is a multi-billionaire business tycoon at the same time a loving brother to his siblings. His focus is on his family business, na minana niya pa sa namayapa niyang ama na si Don. Crisostomo Reid. May sampu siyang kapatid sa Ama, isa na rito si Chandria Reid. Isang sikat na modelo sa iba't-ibang panig ng bansa, ito ang pinaka close niya sa lahat ng kaniyang kapatid, dahil sa napaka sweet nito sa'kaniya. Kaya gano'n na lamang ang labis na panglulumo niya nang matagpuang patay ang kapatid ng mga awtoridad sa condo nito at pinaniniwalaang nag suicide pa. Sa kagustuhan niyang malaman ang totoong nangyari sa pagkamatay ng kaniyang pinakamamahal na kapatid two- years ago. Makikilala niya si Vanessa Rui, isang sikat na secret agent, also known as a detective at highly recommended nang kaniyang matalik na kaibigan.. Sa pagkrus ng landas nilang dalawa. Paano kung guluhin ng matapang at bruskong babae ang nahihimlay niyang puso. Handa kaya siyang buksan muli ito sa ngalan ng pag-ibig..
1014.4K viewsCompletedAdded to Library 575 Times as tula para sa ama
Read
+Library
Her Love Marked Him First

Her Love Marked Him First

“Ako ang nauna sa kanya sa buhay mo… Ako ang unang nagmahal sa ‘yo, Denmark. Hindi siya! Kaya akin ka na, noon pa man!” — Frances Alva Nang magdalagita si Frances Alva, alam na niya ang papel ni Denmark Mondragon sa buhay niya. Ang lalaking pakakasalan niya balang araw, ang magiging ama ng mga anak niya, ang lalaking nakalaan para sa kanya. Ngunit sa mata ni Denmark, isa lamang siyang kapatid ng kaibigan. Walang higit pa roon. Walang pagtingin. Walang puwang sa puso nito ang gaya niya. Subalit hindi niya akalain na ang tadhana mismo ang magbibigkis sa kanilang dalawa. Isang iglap, isang pagkakamaling hindi sinasadya, naabutan sila ng kapatid sa iisang kama, at nauwi sa isang kasalang mali na sa simula pa lang… dahil may ibang mahal ang binata. Ngayon, nakatali na sila sa biglaang kasal. Kasalang walang pagmamahal at puno ng sakit dahil sa paraan ng pakikitungo nito. Magkakapuwang pa kaya siya sa puso ng binata? May pag-asa pa kaya siyang mahalin ni Denmark? O mauuwi lang ito sa pusong sugatan?
72.7K viewsOngoingAdded to Library 87 Times as tula para sa ama
Read
+Library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status