Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Starting Over Again With The Twin's Daddy

Starting Over Again With The Twin's Daddy

Para kay Josephine Thomas, ang arranged marriage niya kay Nicholas Herrera ay hindi isang sakripisyo kundi isang katuparan ng matagal na niyang pangarap. Mahal niya ito mula pa noon pa man. Kahit alam niyang isa lang siyang ampon at ginamit ng pamilya niya para sa negosyo, hindi siya nagreklamo. Kahit malamig si Nicholas at hindi siya minahal pabalik, tiniis niya ang sakit. Ngunit ang akala niyang magiging daan para mahalin siya ng asawa ay siya ring sumira sa kanya. Sa araw na balak niyang sabihin kay Nicholas na buntis siya, nakita niya ito sa ospital, kasama ang babaeng totoong minamahal nito. At sa harap ng mga mata niya, narinig niya ang pinaka-masakit na salita. “Magpapakasal na kami, Josephine. Magpa-file na ako ng divorce.” Gumuho ang mundo niya, pero hindi siya sumuko. Kahit delikado para sa puso niya, pinili niyang ituloy ang pagbubuntis. Hanggang sa isang araw, nawala siya sa buhay ni Nicholas… at hindi na muling lumingon. Apat na taon ang lumipas, at muling nagkrus ang mga landas nila. Sa pagkakataong ito, si Nicholas na ang humahabol. Puno ng pagsisisi, gustong bumawi. Pero may puwang pa ba siya sa puso ni Josephine? O huli na ang lahat para sa kanilang dalawa?
Romance
349 viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing Mafia's Heart

Chasing Mafia's Heart

Si Enzo Valderrama ay isang lalaking malupit at malamig pa sa yelo sa pakikitungo sa mga babae. Para sa kanya hadlang ang magkaroon ng seryosong pakikipagrelasyon. Isa siyang mafia na nagpapatakbo ng isang training camp para sa mga assassins niya na pinaparentahan niya sa mga mayayamang tao sa bansa. Ito ay isang sekretong pasilidad lamang kaya lahat ng nakakatuklas sa aktibidad nila ay pinapapatay niya ganoon siya kalupit. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay makikilala niya si Taira Monde, isang hostess na nagtatrabaho sa Pentagon Club para kay Chard Buenavista. Ang Pentagon ay isang lugar kung saan nagaganap ang lahat ng mga illegal na gawain sa buong bansa. Napag-alaman niyang may malaking utang ang ama ni Taira kay Chard kaya napilitan itong magtrabaho doon. May umusbong na hindi maipaliwanag na pakiramdam si Enzo para sa dalaga kaya lagi siyang nasa Pentagon para i-table ito at minsan naman ay inilalabas niya ito sa club. Lahat ng nakakaalam ng madilim na aktibidad ng Pentagon ay dinidispatsa ni Chard. Nang isang araw ay nakita mismo ng mga mata ni Taira ang ginagawa ng grupo ni Chard ay nakaramdam siya ng takot. Wala siyang ibang maisip na paraan kung hindi ang magtiwala kay Enzo at sabihin dito ang lahat ng nalalaman kahit na hindi niya alam kung magiging kakampi niya ba ito. Binili siya ni Enzo kay Chard sa malaking halaga higit pa sa pagkakautang ng kaniyang ama at nagsimula siyang pumasok sa training camp at nagsanay bilang isang babaeng assassin. Nagsanay siya hanggang sa naging magaling siya sa larangan nito at mabigyan siya ni Enzo ng kliyente. Pero isang araw ay mismong si Enzo Valderrama na kailangan niyang patayin para sa isang espesyal na kliyente katumbas ng malaking halaga. Makakaya ba niyang patayin ang taong nagligtas sa kanya at itinitibok na ng puso niya?
Romance
444 viewsOngoing
Read
Add to library
The Unfaithful Love

The Unfaithful Love

Blurb: "YOUR MOTHER IS DYING...." "I WANT YOU TO BECOME MY MISTRESS!"   Hindi inakala ni Rozelle Lynn na ang matapat at totoo niyang pamumuhay at pananaw patungkol sa pagmamahal ay magsisimulang magbago dahil sa mga pangyayari sa kaniyang buhay na ni sa hinagap ay hindi niya inasahan.   Ano ang gagawin ni Rozelle Lynn para muling bumalik sa dati ang lahat sa kaniya?   Paano kung biglang may dumating sa buhay niya na ibig niyang makuha?   Magagawa kaya niyang talikuran ang tao na pinagkakautangan niya ng buhay o makikipaglaro siya sa tadhana para makuha lang ang nais?
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
He's My Sinful Salvation

He's My Sinful Salvation

Si Seraphina ay isang waitress na nagtatrabaho sa isang marangyang hotel sa Maynila. Isang gabi, nakilala niya si Damien, isang misteryosong bilyonaryo na umuwi sa Pilipinas. Agad silang nagkagustuhan sa isa't isa, ngunit may mga hadlang na kailangan nilang harapin. Si Damien ay may madilim na nakaraan na humahabol sa kanya. May mga taong gustong siyang saktan, at handa silang gamitin si Seraphina para makamit ang kanilang layunin. Kailangan nilang magtulungan para malampasan ang mga pagsubok na ito. Sa gitna ng panganib at intriga, matutuklasan nina Damien at Seraphina ang tunay na kahulugan ng pag-ibig at kaligtasan. Ang kanilang pagmamahalan ang magiging daan para sa kanilang pagbabago at paglaya.
Romance
152 viewsOngoing
Read
Add to library
Take Me Back In Your Arms

Take Me Back In Your Arms

Martyr na kung tawagin pero kayang gawin lahat ni Zhang para lang sa lalaking minamahal niya kahit na pilit siyang tinataboy nito. Hindi lingid sa kaalaman ni Zhang na takaw gulo si Zech, kaya hangga't maari ay gumagawa siya ng paraan para mapabuti ito at mabawasan ang pagiging suki nito sa Detention Office. Hanggang saan nga ba aabot ang pasensya at pagmamahal ni Zhang para kay Zech? Sapat na ba ito para manatili siya sa tabi ng nasabing lalaki kahit na makailang beses na siyang sinaktan at binalewala?
YA/TEEN
2.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho para buhayin ang sarili at para buhayin ang mga taong nagpalaki sa kanya. Nalayo sa mga magulang at walang maalala. Lumaki sa pamilyang walang pagmamahal sa kanya. Pinagmamalupitan sa kabila ng mga sakripisyo niya. Araw-araw humaraharap at lumalaban sa hamon ng buhay. Walang reklamo, walang angal. Pero isang pangyayari ang magpapabago ng lahat. Kailangan niyang tumakas sa mga taong nagpalaki sa kanya. Masakit man para sa kanya pero wala siyang magagawa dahil sariling kaligtasan niya ang nakasasalalay. Hanggang kailan ang mga paghihirap ni Clea? Darating pa ba ang araw na matatagpuan niya ang totoong pamilya? Mahahanap niya ba ang lalaking magbibigay ng tunay na pagmamahal sa kanya? Pero paano ba magmahal kung ang taong minamahal mo ay nakatali pa rin sa nakaraan niya? Kaya bang pangatawanan nang puso mo ang pag-ibig na alam mong wala namang kapalit?
Romance
9.130.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Babysitter Of A Playboy

Babysitter Of A Playboy

Rhaiven Mendoza, ang dakilang playboy na kilala sa buong campus. Dahil sa kakaibang katigasan nya ng ulo ay kinakailangan syang kunan ng yaya para may magbantay sa kanya. Ngunit, lahat ng yayang kinukuha ng kanyang mga magulang ay hindi nagtatagal dahil sa kalupitan nito. Hanggang sa nakahanap na nga sila ng magiging katapat nito. Si Haila na kayang gawin lahat para sa kanyang pamilya. Magkakasundo kaya sila o mapapabilang rin si Haila sa mga yayang napatalsik nito?
YA/TEEN
1025.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Conquering the Mafia Heir

Conquering the Mafia Heir

maxi
Sweaty and calloused hands, heavy breaths, and bruises of the pasts has been what Calithea Amara Noval trying to either dodge or manage to turn down. Hindi niya pinangarap lumaban para mabuhay, pero hindi rin niya pinagsisisihan na lumalaban siya para sa buhay. The tranquil she couldn't recognize at any bumps and holes of her life she has been trying to revamp isn't like the black-and-blue-mark on her skin, but shades darker she couldn't conceal. The roars of beast outside the match ring put a pause on as she saw Theon North Ledesma inside. She didn't welcome him at all, but he happened to found his way inside her. Sa bawat pagpasok ni Theon sa sistema niya ay siya'ng paglabas ng katotohanan sa pagkatao niya. Winning the Conquest has been her thirst to get out of the Underground, para sa ranggo, para sa pribadong pagkatao habang nagbabanat ng buto. Pero ang katotohanan na ang yumao niya'ng ama ay isang dating manlalaro kapalit ng buhay at si Theon na sa kanya'y pumatay ay hindi niya matakbuhan, sinubukan pero hindi mabitawan. Caving in for a peaceful life on the south, she managed to do a living, and brought out a living. Pero sa pagtakbo, kahit anong tulin ay mayroong mas matulin. Kailangan niya'ng mabalikan ang ina, kailangan niyang makuha ang posisyon ni Theon sa Mafia para masira ito. Pero sa bawat hakbang paakyat, unti-unting nabubutas ang kan'yang nilalakaran kasabay nang pag-angat ng mga rebelasyon, kung ano siya, at sino siya. Sapat na nga ba ang posisyon ni Theon para makuha niya ang inaasam na panalo? o hindi na niya kailangang kunin ito? Pumasok siya sa isang laro, at tatapusin niya ito sa isa pang laro. Ang sipa at suntok na para nga ba kay Theon o sa iba na humahatak sa kaniya?
Mafia
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Lifeless Body

Lifeless Body

Namatay ang kanyang mga magulang para lang maitakas at mailigtas siya sa kumidnap sa kanila. Magmula nun ay para na siyang isang katawang nawawalan ng buhay.
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Game: His Brother, My Lover

The Billionaire's Game: His Brother, My Lover

Disclaimer: This book is RATED SPG Ang akdang ito ay naglalaman ng mga temang maaaring hindi angkop para sa lahat ng mambabasa, kabilang ang matinding emosyon, maseselang eksena, at mga paksang maaaring sensitibo para sa ilan. Ang lahat ng tauhan, lugar, at pangyayari sa kwentong ito ay kathang-isip lamang. Anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya ng may-akda. Ang pagbabasa ng akdang ito ay nangangailangan ng masusing gabay ng nakatatanda. Ang may-akda ay hindi nagtataguyod o humihimok ng anumang negatibong asal o pananaw na maaaring makita sa kwento. Para sa responsableng pagbabasa. Si Sunshine Caparal ay isang maganda, mabait at anak ng negosyante pero walang amor sa kanila ang kaniyang ama. Habang ang kaniyang ina ay namatay sa panganganak dahil sa kaniyang bunsong kapatid. Dahil nailigtas niya ang buhay ng isang mayaman at respectadong tao sa bansa, binigyan siya ng chance maikasal sa tagapagmana nito. Ito lang ang nakita niyang paraan para matustosan ang gastusin sa paggagamot ng kaniyang bunsong kapatid. Pero nalaman niyang ang kaniyang step sister ay may relasyon dito kaya naman nandiri siya. Sa sobrang galit niya nagawa niyang sumiping sa kapatid ng kaniyang magiging asawa. Si Benedict Lorenz Sanmiego. Ang panganay at independent na anak ng Sanmiego Group. Naging Fuck Buddy sila kapalit ng magaling na doctor para sa kaniyang kapatid. Kasabay no'n ang pagkawala ng kaniyang shares at ang mapapangasawa. Ano nga ba ang kahahantungan ng kanilang paggamit sa isa't isa? May maganda nga bang patutunguhan ang walang kwentang relasyon na mayroon sila? Alamin..
Romance
105.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4243444546
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status