Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
HEAVENLY DESIRE (ALLURING AFFAIRS SERIES 6)

HEAVENLY DESIRE (ALLURING AFFAIRS SERIES 6)

Miss Robin
Umpisa pa lang ay masidhing pagnanasa na ang naramdaman ni Trevor para kay Heaven, ang maganda ngunit masungit na nurse na minsang nagligtas sa buhay niya. Ginawa niya ang lahat para maagaw si Heaven sa boyfriend nito at masira ang relasyon ng dalawa. Nang magtagumpay si Trevor ay sinamantala niya ang kalungkutan ni Heaven para mapalapit sa dalaga at maangkin ito. Pagnanasang unti-unting nauwi sa pagmamahalan. Pagmamahalang tumatag habang lumilipas ang panahon. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung kailan handa na niyang pakasalan si Heaven ay saka niya na-diskubre na anak pala ito ng taong pumatay sa kaniyang ina. Magawa pa kaya ni Trevor na paghigantihan ang taong labis niyang kinamumuhian? O sapat na ang labis na pagmamahal niya kay Heaven para makalimutan ang mapait niyang nakaraan?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
BE WITH YOU (TAGALOG VERSION)

BE WITH YOU (TAGALOG VERSION)

BE WITH YOU (TAGALOG) Lumaki si Adeline Pendleton sa isang mayamang pamilya. Nasa kanya ang lahat ng gusto ng isang tao sa buhay. Kayamanan, katanyagan, kagandahan, pera, mga damit na taga-disenyo, at mga masasarap na pagkain. Lahat, maliban sa lalaking mahal niya- si Drake Wright. Si Drake Wright ay ang tagapagmana ng Wright's Corporation. Sa kanyang murang edad, bumuo ang kanyang mga magulang ng isang imperyo na mamanahin niya balang araw. Okay ang lahat para sa kanya, hanggang sa nasangkot ang kanyang ama sa isang seryosong sitwasyon na nakaapekto sa kanilang kumpanya. Sinabihan siya ng kanyang mga magulang na malulugi ang kanilang kumpanya at ang tanging makakalutas sa kanilang problema ay dapat niyang pakasalan ang anak ng kanilang kaibigan- si Adeline Pendleton. Hindi niya gusto ang babae dahil ito ay masyadong walang muwang para sa kanya; naiinis siya sa presensya nito, at may mahal na siyang iba. Sa kasamaang palad, may malubhang karamdaman din ang kanyang ama at wala siyang magawa sa kanilang kumpanya kaya't humingi ito sa kanya ng pabor na ayusin ang problema para sa kanya. "Marry her, son. That's the only way. If you won't, maglalaho lahat ng sinakripisyo at ginawa namin ng ina mo para sa kumpanya natin." Sabi ng ama ni Drake habang nakahiga sa kanyang kama, hindi maigalaw ang kanyang mga kamay. Ano kaya ang mangyayari sa one-sided at broken marriage nina Drake at Adeline? Kakayanin kaya ni Adeline ang malupit na pagtrato at kayabangan ni Drake? Mabubuhay ba silang magkasama bilang mag-asawa nang walang pagmamahal at pagkakaintindihan? O mamumulaklak ang pag-ibig sa gitna ng bawat poot at hindi pagkakaunawaan?
Romance
1055.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Bogus Billionare

Bogus Billionare

Dahil pinagtaksilan ng kanyang fiance, napagpasyahan ni Caroline Evans na magpakasal sa iba ng biglaan. Tinatawanan siya ng lahat dahil sa kanyang desisyon na talikuran ang pagiging tagapagmana ng pamilya Morrison at sa halip ay pumili ng isang mahirap na binata. Pero ang hindi alam ng lahat, ang binatang iyon ay isa pala sa pinakamayamang tao sa sa buong mundo, at nasa bansa lang siya para mag invest sa pag unlad nito. Siya rin ang uncle ng kanyang dating fiance! Sobrang nasaktan si Caroline Evans dahil sa pakiramdam niyang niloko siya at dahil dun ay nagpumilit siyang makipag divorce. Pero kinorner siya ng kanyang asawa at puno ng lambing na sinabi, “Hindi ako ang bilyonaryong iyon. Nagpa-retoke lang yun para maging kamukha ko..” Tinitigan ni Caroline ang gwapong mukha nito at naniwala siya. “Anong sumpa ito na magkaroon ng mukhang kagaya ng isa sa pamilya Morrison!” Kinabukasan, nagulat ang buong mundo sa balitang itinakwil na sa pamilya ang tagapagmana ng pamilya Morrison at ni sinco ay wala ng natira rito. Sa kabilang banda, ang bagong kinoronahang top billionaire, ay nakasuot maskara para takpan ang kanyang kagwapuhan.
Romance
9.837.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Unconditional

Unconditional

Prinz Amaranthine GonzalesDramaGoodgirlIndependent
Sabi nila, ang buhay daw ay isang walang katapusang pakikibaka. Minsan, ang mga labang kailangan mong pagtagumpayan ay yaong mga hindi mo inaasahan. Handa ka ba sa anumang hamon ng buhay? Gaano kahanda ang puso mo sa mga bagay na ni sa hinagap ay hindi mo akalaing haharapin mo? Paano kung kinakailangan mong mahiwalay sa pinakamahalagang bahagi ng pagkatao mo? muli ka bang babangon para magpatuloy, o hahayaan ang sariling malugmok sa sitwasyong kinalagyan mo? Sa kabilang dako, gaano kalaking sakrepisyo ang handa mong ibigay para sa isang buhay na nakasalalay sayo? Handa mo bang talikdan ang lahat para sa isang responsibilidad na biglang naatang sa mga balikat mo? Ano ang mga hamon na kaya mong suungin, mga pagbabagong kaya mong harapin para sa isang bagay na hindi mo naman lubos na ma-a-angkin? Ang pag-ibig ba ay laging may depinisyon? Lagi ba itong may basihan at kaagapay na kondisyon? Pano kung ang pagmamahal ay ipinagkait ng panahon, mabibigyan pa ba ng isang pagkakataon? Ito ang mga tanong na minsan ko nang naitanong sa sarili ko, at hanggang ngayo'y gumugulo sa isipan ko. Simple lang naman sana ang mithihin ko, subalit bakit ipinagkait ito sa akin? Naalala ko pa kung paano nagsimula ang lahat...
Other
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Married to Ruin you

Married to Ruin you

Akala ni Averill Alarcon, sapat na ang sakit nang ipagpalit siya ng nobyo sa ibang babae. Pero hindi pala roon nagtatapos ang kanyang pagkawasak. Sa isang iglap, itinapon siya ng kumpanyang itinayo niya sa sariling kamay — siniraan, pinagtulungan, at itinaboy na parang walang kwenta. At sa gabi ng kanyang pagbagsak, dumating si Sebastian Dela Vega — ang CEO na kilalang walang puso, brutal sa negosyo, at mas bihasa sa laro ng kapangyarihan. Isang kasunduang kasal ang inalok niya… kapalit ng paghihiganti ni Averill sa mga taong sumira sa kanya. Pero sa likod ng kasunduang iyon, mas malupit pa pala ang kapalit. Dahil si Sebastian—hindi lang siya gagamitin, kundi unti-unting dudurugin… Kasal ba ito para sa kanyang tagumpay? O para tuluyang sirain siya
Games
352 viewsOngoing
Read
Add to library
Buy Me for a Billion

Buy Me for a Billion

Prostitute? Mababa ang tingin ng karamihan sa mga kababaihang tulad ni Rebecca. Dahil sa kahirapan, hinanda na ni Rebecca ang sarili niya na ibenta sa halagang isang bilyon pambuhay niya man lang sa ama’t ina niya. Mas lalo pang tumindi ang kagustohan niyang iyon nang kinailangang sumailalim sa heart transplant ang tatay niya. Nakilala niya si Grayson na sumubok sa pagkapilya niya. Binigyan siya nito ng isang linggo para akitin si Grayson at kumbinsihin na bilhin siya nito sa halagang isang bilyon. Pero paano kung ang isang linggong iyon ng pangungumbinsi ni Rebecca sa binata. . .makumbinsi rin kaya ang puso ni Grayson para mahulog sa dalaga? O mananatiling pera ang magpapatakbo sa relasyon nilang dalawa?
Romance
1017.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Owning Her (tagalog)

Owning Her (tagalog)

"Pakakasalan Kita," walang emosyong mababakas sa boses nito. Sa tono nito ay hindi nagtatanong kundi nagsasabi lang na para bang utang na loob niya pa at dapat siyang matuwa. Napatigil siya sa pag-iyak. Marahas na nag-angat siya ng tingin dito. Nababaliw na ito kung iniisip nitong papayag siya sa gusto nitong mangyari. Hindi sa lalaking bumaboy sa kanya. Mapait siyang natawa "Hinding hindi ako magpapakasal sa demonyong katulad mo!" Puno ng pagkamuhi na sigaw niya dito. Ngunit wala siyang nagawa ng kaladkarin siya nito papunta sa isang judge para magpakasal. At mas lalong wala siyang nagawa ng unti-unting nahulog ang loob niya dito at matutunan itong mahalin sa kabila ng mga nangyari.
Romance
9.877.2K viewsCompleted
Read
Add to library
MAHAL KITA PERO

MAHAL KITA PERO

Blossom
Ang pagmamahal ay para sa bawat isa, kalayaan natin humanap ng tao na makapupuno at masasabi, na siya na nga ang makakasama natin sa habang buhay. Ngunit bakit napaka lupit ng buhay para kay Red. Anak mayaman, gwapo, matipuno, halos lahat ng katangian para sa Ideal Man ay nasa kanya. Lahat nga ba ay nabibili ng pera? Nabibili ng yaman ang dignidad? O may tao talagang sapat na makita lang masaya ang minamahal niya. Hanggang saan makakaya ng binata ang hagupit ng tadhana para ipaglaban ang mahal niya. Masasabi nga ba na totoo ang Happy Ending? o hanggang sa pelikula lamang pala makikita ito.
Romance
2.6K viewsOngoing
Read
Add to library
THE OBSESSION SERIES BOOK 1 Jervis Dean Peddleton

THE OBSESSION SERIES BOOK 1 Jervis Dean Peddleton

LYNN
Jervis Dean Pendleton successful businessman and owner of Pedle/Vie pharmaceutical company met Adelyn Axelle Dela Fuente na isang pharmacist, Para makuha ang babae ay gumawa ito ng kontrata. babayaran niya ito kapalit ng serbisyo nito para maging babae niya. sa unang paghaharap nila ay tila hindi nito nagustuhan ang offer ni Jervis hanggang sa magkasakit ang ama niya, kailangan nila ng malaking pera para matustusan ang dialysis nito tatlong beses sa isang linggo. Pumayag siya sa offer ni Jervis. nung una nga ay sumusunod lang siya sa gusto nitong mangyari hanggang sa may nangyari na sa kanila, unti unti na siyang nahuhulog dito at minahal na nga niya ang lalaki na ganun din naman ang nararamdaman sa kanya, hahadlangan nga yun ni angelica na gagawin ang lahat para makuha si Jervis, Sisirain niya ang reputasyon ni Adelyn bilang isang lisensyadong pharmacist. Sisirain niya ito sa trabaho kay Jervis at sa magulang nito nang magtagumpay sa paninira si angelica ay nagpakalayo layo si adelyn kasama ang magulang at ang magiging anak nila ni Jervis na nasa sinapupunan niya pa. Nang malaman ni Jervis ang paglayo ni adelyn ay halos ikabaliw niya ito pinahanap niya ang dalaga na inabot ng taon. at nang matagpuan ito ay dinakip niya ito at dinala sa maliit na isla ng balabac, dito nga ay ipaparamdam niya sa babae ang sobrang pagmamahal at obsession na nararamdaman niya
Romance
822 viewsOngoing
Read
Add to library
Heiress Bodyguard

Heiress Bodyguard

Blurb: Nang malaman ni Kana Marie Ramirez Palma na bilang na lang ang araw niya sa mundong ibabaw, nagpasya siyang i-enjoy na lang ang sarili sa pamamagitan ng pag-travel. At hindi niya inaasahang makikilala si John Serrano sa isang bar sa Malaysia. At dito niya ipinagkaloob ang matagal na niyang iniingatang perlas. Para sa kanya, para saan pa ang iniingatan kung kukunin na siya ni kamatayan? Si Master Sergeant John Serrano ay isang sundalo na kasalukuyang may misyon sa bansang Malaysia. Pero napagbintangan siya sa isang kasalanang hindi naman ginawa. Nakulong siya ng dalawang taon ngunit nakalaya din para sa isang misyon- ang maging personal bodyguard ng anak ng isang Chief of Staff ng Pinas at ng Bilyonaryang. Ano kaya ang magiging reaksyon ni John kapag nalamang ang babaeng inaakalang nasa langit na ang kanyang magiging amo?
Romance
1056.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3536373839
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status