Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Art Of Temptation: Her Sweet Revenge

Art Of Temptation: Her Sweet Revenge

LauVeaRMD
Pinatay ang magulang at kapatid ni Scarlet nang mga kalalakihan na di nila kilala. Nagising na lang siya na wala ng buhay ang kanyang pamilya at nag-iisa na lamang siya. "Ibibigay ko sa inyo ang hustisya na nararapat para sa inyo, ipinapangako ko iyan, ang kamatayan ninyo ang paghuhugutan ko ng lakas, para hanapin ang mga salarin na naging sanhi ng inyong kamatayan," lumuluhang sambit ni Scarlet sa harapan ng puntod ng kanyang pamilya, sa bawat salita na binitawan niya ay tila isang pangako para sa kanyang pamilya na pinaslang ng walang kalaban-laban. Galit at pagkasuklam ang nasa puso ng dalaga, para sa mga taong gumawa noon sa kanila. Kaya sa pagpunta niya sa Maynila ay nakilala niya si Lance Dela Piña na isang negosyante. Si Lance na kaya ang makakapagpabago sa pananaw ni Scarlet? Mahihilum kaya ni Lance ang sugatang puso ni Scarlet, dahil sa pagkawala ng kanyang pamilya? Mapapawi kaya ni Lance ang galit at puot na nasa puso ng dalaga! Ang binata na kaya ang makakapigil kay Scarlet para sa paghihiganti na gagawin nito? Paano kung may malaman na isang sekreto si Scarlet tungkol sa kanyang tunay na pagkatao? Paano kung malaman din niya na ang taong tumulong sa kanya ay siyang naging dahilan ng kamatayan ng kanyang pamilya.
Romance
104.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Ang unang pagkikita nina Isabelle Reyes at Andres Vargas ay sa isang handaan, kung saan kapansin-pansin ang natatanging kagandahan ng dalaga. Halos lahat ng mga mata ng mga tao ay napako sa kanya. Tanging si Andres lamang na nakasuot ng tuwid na unipormeng militar, may mahigpit na tindig, at tahimik siyang tiningnan na may kalmadong pagkawalang-interes. Ngunit dahil sa kasunduan ng kanilang mga pamilya — ang pamilya Reyes at pamilya Vargas — pinilit ipakasal si Isabelle kay Andres, isang bagay na hindi naman tinutulan ng dalaga. Matapos ang kasal, habang sila ay magkasama sa kanilang higaan, tinanong ni Andres si Isabelle tungkol sa ugnayan nila ng kanyang kapatid na si Marco. Sa pagkakaalam ni Andres, may malalim na pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman, dahil sa pakiwari niya, inagaw niya ang nobya ng kanyang kapatid. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unting nahulog ang kanyang damdamin para kay Isabelle at ninais niyang mapasakanya ito ng buo. Ngunit may isang lihim si Isabelle — isang lihim na siya ay muling nabuhay upang iligtas ang buhay ng lalaki mula sa nalalapit nitong kamatayan dulot ng digmaan. Maililigtas kaya niya ito, o magkasama silang mapapahamak?
Romance
10491 viewsOngoing
Read
Add to library
The Secret Witness

The Secret Witness

Alin nga ba ang isasalba? Ang pagkakaibigan o galit sa mga puso? Ang tungkol sa pagkakaibigan na mas pipiliin ba ang magpatawad o ang mamuo ang galit at manatili.
Mystery/Thriller
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Marry Me, Mr. Professor

Marry Me, Mr. Professor

Sina Alexis at Manuel ay malapit ng ikasal. Gayunpaman, habang papalapit ang petsa ng kasal, nagsimulang magpakita ang mga bitak. Muling lumitaw ang damdamin ni Manuel para sa kanyang dating kasintahan nang mabasag ni Alexis ang vase na regalo nito. Dahil hindi niya nabalewala ang kanyang hindi mapigil na mga emosyon, hindi namalayan ni Manuel ang kanyang sarili at nasampal si Alexis. Nadurog ang puso at dismayado, ginawa ni Alexis ang mahirap na desisyon na itigil ang kasal, napagtanto na ang kanilang relasyon ay hindi buo. Sa paghahanap ng pang-unawa, nakahanap siya ng hindi inaasahang mapagkukunan ng sandalan kay Alvin, isang matalino at mahabagin na CEO at tagapagturo sa isang sikat na unibersidad. Sa pagpapatuloy ni Alexis sa buhay ay natuklasan niya ang isang mas malalim na pag-unawa sa kanyang sarili at kung ano ang tunay niyang ninanais sa isang asawa. Sa pamamagitan ng kanilang ibinahaging pag-uusap at paggalang sa isa't isa, natagpuan ni Alexis ang paggaling at panibagong pakiramdam ng pag-asa para sa hinaharap. Sa gitna ng kaguluhan ng nawalang pag-ibig at mga bagong simula, ang paglalakbay ni Alexis sa pagtuklas sa sarili ay nagbukas, na humantong sa kanya sa mga hindi inaasahang lugar at nagturo sa kanya ng mahahalagang aral tungkol sa pag-ibig, katatagan, at kapangyarihan ng pagmamahal.
Romance
1012.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]

The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]

Sa hindi inaasahang pangyayari ay naaksidente si Don. Rafael at napadpad siya sa kabundukan ng Sierra madre. Tinulungan ng dalagang taga bundok ang matandang Don ngunit ng araw ding iyon ay binawian ng buhay ang may sakit nitong lola. Sa pagkamatay ng matanda ay isang lihim ang natuklasan ni Don. Rafael tungkol sa pagkatao ng dalagang nagligtas sa kanya. Bilang pagtanaw ng utang na loob ay inampon ng matanda ang dalaga. Ang tanging paraan na naisip ni don Rafael upang ma-protektahan ang dalaga laban sa angkan niyang ganid sa salapi ay maikasal ito sa kanya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay si Don. Rafael at inihabilin niya ang lahat sa isa nitong apo na si Alexander lll. Labis na nagimbal ang lahat dahil sa huling testamento na iniwan ng matanda at iyon ay kailangang pakasalan ni Alexander ang asawa ng kanyang Abuelo para makuha ng binata ang kanyang mana. Zanella Smith- isang inosenteng babae na lumaki sa kabundukan ng Sierra madre. Isang malaking katanungan para sa lahat ang kanyang pagkatao na tanging si Don. Rafael lang ang nakakaalam. Alexander lll- kilala ng lahat bilang suplado at masama ang ugali ngunit sa pagdating ni Zanella ay biglang nagulo ang noo’y tahimik na buhay ng binata. Paano kung sa huli ay malaman ni Alexander na ang lahat ng yaman na mayroon sila ay napunta sa pangalan ng asawa ng kanyang Lolo, kay Zanella, masunod kaya niya ang habilin ng kanyang Abuelo na kailangang protektahan ang dalaga na ngayon ay asawa niya o katulad din siya ng iba niyang kamag-anak na walang ibang ni nais kundi ang mawala sa landas nila ang dalaga upang mabawi ang yaman na nasa pangalan nito? “Ito ang ikatlong yugto ng kwentong Behind Her Innocence…”
Romance
1011.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Lie's And You

Lie's And You

RIDA Writes
Iniwan sina Angela ng kaniyang Ama dahil sa ibang babae. Sanggol pa lamang siya nuong umalis ang Tatay niya. Isang lihim ang mabubunyag tungkol sa kanyang pagkatao. Itinago ni Johnny upang hindi mawala sa kanya si Angela.
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia Lord's Elusive Wife

The Mafia Lord's Elusive Wife

alittletouchofwinter
"Boss, nawawala si Madamé! Dala-dala niya rin si Young Master!" "What? Look for them! Or I'll bury all of you six feet under the ground!" Mabilis na nagkilusan ang lahat sa sigaw ng Mafia Lord patungkol sa asawa nito at hinanap ang kanilang Madame na laging tinatakbuhan ang asawa. Binuksan ni Amelia ang mga mata isang araw na walang naaalala tungkol sa kanyang nakaraan. Pero isang lalaki ang bumungad sa kanya at nagpakilala na asawa niya ito. May mga tanong man na nabuo sa utak, walang alinlangan na nagtiwala si Amelia kay Lance dahil sa pakiramdam niya, mahal niya ang lalaki. Pero paano kung malaman niyang si Lance ang dahilan kung bakit wala siyang maalala tungkol sa sarili at ang buong pagsasama nila ay kasinungalingan lang? Magagawa pa ba ni Amelia na ibigay muli ang tiwala sa lalaki kahit pa mahal niya ito kung isa si Lance sa mga taong una pa lang ay gusto na siyang mawala sa mundo?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Bed Slave

The Bed Slave

WARNING 18+ (content pornographic words that are not suitable for young readers) Sa kagustuhan ni Belle na mabuhay ang ama ay napilitan siya na i-alok ang sarili sa lalaking sobra sa kalahati ang edad niya. Si Aldric Smith na kung yaman ang pag-uusapan ay walang makakalamang. Ang lalaki ang una niyang karanasan sa lahat. Sa halik, sa romansa at indayog sa kama. Ngunit kalaunan ay natutunan niyang pahalagahan. Higit doon ay alam niyang mahal na niya ang lalaki at gusto rin niyang mahalin din siya nito pabalik. Ngunit ano ang karapatan niyang humiling ng pagmamahal kung may perang katumbas ang bawat pagpapasaya niya. May karapatan pa ba ang gaya niyang bayaran na makatagpo ng tunay na pagmamahal gayong ang lalaking pinapangarap ay may asawa na.
Romance
104.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle

Forbidden Love With My Ex-husband's Uncle

Tatlong taon akong nagtiis sa pagsasama namin ni Gabriel. Akala ko nakalimutan niya na ang tungkol sa kapatid ko pero nagkamali pala ako. Nalaman kong buntis ako, excited akong sabihin sa kaniya ang tungkol dun pero biglang gumuho ang mundo ko ng malaman kong umuwi na pala ng bansa ang kapatid kong si Mia. Ang babaeng totoong minahal ni Gabriel. Sinubukan kong ayusin ang relasyon namin, sinubukan kong iparealize sa kaniya na mahal niya ako pero palagi niya akong pinagtatabuyan. Palaging si Mia ang pinupuntahan at pinipili niyang samahan. Sa pagguho ng mundo ko, si Uncle Asher ang naging sandalan ko. When I decided to divorce my husband saka naman siya naghabol sa akin but who would I chose? My husband who hurt and broke my heart into million pieces or his uncle who's messing with my feelings now?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Her Boss Twin Babies

Her Boss Twin Babies

Si Laura ay isang babae na namulat sa madumi at magulong buhay sa lansangan. Maagang naulila sa magulang kaya mag-isang nilalabanan ang hirap ng buhay, ngunit hindi nagpatalo ang musmos niyang katawan at pag-iisip. Gamit ang sariling pagsisikap at diskarte sa buhay, iniahon niya ang sarili mula sa lugmok na kapalaran. Ngunit sa kasabay ng pag-angat ni Lara ay ang pag-pasok ni Eugene sa kaniyang buhay, na hindi nagtagal ay inibig narin niya. Ang nararamdaman niyang ito ay maghahatid sakaniya ng isang malaking responsibilidad. Isang responsibilidad na babaliktad sa mundo niya at labis na dudurog sa pagkatao niya. Nakahanda ba siyang ipag-patuloy ang pag-ibig sa taong may may mahal pang iba? Handa ba siyang tumayong Ina para sa anak na nagmula sa babaeng kaagaw niya?
Romance
1055.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1617181920
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status