Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Claimed By The Haciendero

Claimed By The Haciendero

"I always get what I want." Iyan ang motto sa buhay ng spoiled brat na si Daciana Vittoria. Ngunit ng makilala niya ang binatang si Kane Sylvester ay nasubok ang kanyang pagiging spoiled. Mas nagkaroon ng thrill ang inaayawan niyang pag uwi sa Hacienda ng Lolo niya dahil kay Kane. Sa paglipas ng maraming taon ay nagmatured at natuto sa buhay si Daciana at sa pagbabalik niya sa Hacienda ng Lolo niya ay muli niyang nakita si Kane. Paano kung sa pagbabalik niya ay muling bumalik ang nararamdaman niya para sa binata? Ang nasa isip lamang ni Kane ay ang magantihan si Daciana dahil sa ginawa nito noon. Ano ang mangyayari sa paghihiganting kanyang gagawin? Kakayanin ba niyang saktan ang damdamin ng babaeng kahit kailan ay hindi naalis sa puso niya?
Romance
108.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)

Troublemaker Meets The Four Hottie Professors (SPG)

Hindi alam ni Cheska Vega kung kamalasan ba o tadhana ang naglapit sa kanya sa apat na gwapong propesor ng campus. Ang plano lang niya ay makatapos nang tahimik, pero napasok siya sa isang lihim na set up na puno ng tukso at bawal na pagnanasa. Ngunit paano kung sa gitna ng larong bawal ang puso, siya mismo ang unang madapa? Sa bawat araw na lumilipas, mas nahuhulog siya sa apoy ng kanilang lihim na relasyon. Ang mga lalaking dati’y simpleng pantasya lang, unti-unti nang nagiging sentro ng kanyang mundo. Ngunit sa likod ng halakhak at init, hanggang kailan niya kakayaning itago ang kasalanang ito? At sa apat na lalaking nagturo sa kanya kung paano magmahal sa paraang bawal… sino ang pipiliin ni Cheska sa dulo ng lahat ng tukso?
Romance
10569 viewsOngoing
Read
Add to library
Love and Revenge of the Lost Billionaire

Love and Revenge of the Lost Billionaire

Anaclito Ramirez Acosta
Sa mundo kung saan kayamanan at kagandahan ang siyang tinitingala upang makuha ang hinahangad na tagumpay. Isang anak ng bilyonaryo na nagngangalang Larry Evangelista ang magiging biktima ng inggit at kataksilan mula sa kanyang matalik na kaibigan at kasintahan. Sa pag-akyat ng tatlong magkakaibigan sa isang mataas na bundok. Isang maitim na plano ang magaganap na siyang magpapaiba sa buhay ng karamihan. Dito magsisimula ang agawan ng kapangyarihan, kayamanan at kahit ang kasintahan. Samantalang mabubuo naman ang isang pagmamahalan na hindi sinasadya sa pagitan ng isang babaeng lumaki sa bundok at isang anak ng bilyonaryo na nagkaroon ng amnesia. Kung maling pag-ibig ang naging dahilan ng pagtataksil, isang hindi inaasahang pag-ibig din ang magiging daan upang makabalik sa dating buhay at isagawa ang paghihiganti upang makuha ang katarungan na hinahangad. Sa pagkawala ng kanyang memorya muli niya kayang mabawi ang itinayo at pinaghirapan ng namayapang amang bilyonaryo na may pag-aari ng malaking kompanya at hindi mabilang na halaga ng kayamanan na ipinamana sa kanya ng namayapang ama sa gahamang madrasta at sa ibang kasabwat nito? Ano ang magiging papel sa paglabas ng tunay na ina na matagal nang inasam-asam ni Larry makatutulong ba ito o magiging isa sa mga kontrabida sa kanyang buhay? Sa huli ba'y magkakamit ba ang totoong pag-ibig sa kabila ng kaniyang galit at paghihiganti?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)

MARRIED TO THE WRONG BRIDE (TAGALOG)

Nang mamatay ang lola ni Shawntina ay naisipan niyang makipagsapalaran sa Maynila. Pumasok siya bilang isang katulong sa mayamang pamilya. Sa mga ilang buwang pananatili niya roon ay naging maganda naman ang trato sakanya. Hanggang sa isang araw ay may di inaasahang pangyayari ang hindi niya makakalimutan. Ang ipakakasal siya sa taong hindi niya kilala at sinasabing pinaka-kinakatakutan sa lahat...
Romance
21.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Redemption

The Billionaire's Redemption

Para iligtas ang kanyang pamilya sa matinding pagkakautang ay pumayag si Alia na makipagsundo sa 1 year marriage kay Elias Valiente. Si Elias ay isang bilyonaryo na may malaking pangalan sa buong Asia. Kailangan niya ng heir na magpapatuloy sa kanyang pangalan kaya niya inalok si Alia ng kasal. Ang kanilang kontrata ay may mahigpit na patakaran at iyon ay dapat maging perfect husband and wife sila sa mga mata ng publiko. Bukod doon ay kailangan din nilang tuparin ang lahat ng marital duties kabilang ang pagiging intimate sa isa’t-isa. Gayunpaman, ang kasunduan ay mahigpit na nagbabawal sa pagkakaroon ng anumang emosyonal na damdamin para sa isa’t-isa. Ngunit habang tumatagal ay nagsisimulang makita ni Alia ang lamat sa bakal na pader ni Elias. Nakikita niya ang kalungkutan sa mga mata nito at ang lihim na sakit ng nakaraan. Samantala si Elias na nasanay sa pagkontrol ay naguguluhan na din dahil sa pagiging tunay at pagpapasakop ni Alia sa kanya. Kailangan nilang mamili kung susundin ba nila ang napagkasunduan sa kontrata, o harapin ang bawal at mapanganib na katotohanan na sila ay nahuhulog na sa isa’t-isa.
Romance
315 viewsOngoing
Read
Add to library
Tarinio Castillion: Under His Means

Tarinio Castillion: Under His Means

Tarinio Castillion also known as 'The Castillion Hacker' isang magaling na agent na nabibilang sa secret department. Tagalutas ng kaso at tagapatay ng mga malalaking taong salot sa lipunan.A happy go lucky Castillion. Hindi man siya kabilang sa pitong magkakapatid itinuring siyang isa sa mga ito dahil sa dugong nananalaytay sa kanyang katawan.Womanizer. Fucker. Asshole. Son of a bicth. Lahat na ay nasa kanya, may kayabangan pero may ipagmayabang talaga. Isa siya sa malakas tumawa kapag nakikita niyang umiiyak ang kanyang mga pinsan dahil sa babae. Siya? Siya ang iniiyakan ng mga babae.Wala sa angkan nila ang pangit kaya ginagamit niya iyon para maikama ang mga babae. Bukod sa pagkakama ng mga babae araw araw ay ang pagiging agent ang talagang buhay niya. Pagdakip sa mga anay ng lipunan at mga drug syndicates na sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan.At isa si Amanda Colen Trei sa mga taong iyon. Babaeng ulo ng pinakamalaking sindikato ng ipinagbabawal na gamot sa buong bansa. At si Tarinio ang humawak ng kaso para dakpin ito.Madadakip nga ba niya kung taliwas sa gawain nito ang ipinapakita ng inosenteng mukha ng dalaga?
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Mapaglarong Tadhana

Mapaglarong Tadhana

Warning: Please be advised that this story contains TRIGGER WARNINGS, and POTENTIALLY OFFENSIVE LANGUAGE, VIOLENCE, SEXUAL HARASSMENT, SENSITIVE LANGUAGE ang MATURED THEMES, that not suitable for young audiences. _________ Akala ko ang pagkamatay ni mama at papa ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko hindi pa pala dahil may mas lalong masakit pa na nanaisin ko na lang ding mamatay para makasama si mama at papa. Ang hirap at sakit na dinanas ko sa poder ng tiyahin ko.Ang pagmalupet niga sa akin. Ang pagtalikod sa akin ng mga kaibigan ko noong kailangan ko sila. Ang ipagtabuyan ako ng taong mahal ko at ang pagkamuhi niya sa anak namin dahil isa akong biktima ng panggahasa. Imbis na tulungan,pinili nilang ako ay talikuran at pabayaan. Ngunit sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko may taong taos-pusong tumulong sa akin at inako ang lahat ng responsibilad na hindi niya dapat gawin sa akin. Ngunit ang hindi ko inasahan na ang taong tumulong pala sa akin ay siya pala yong taong sumira ng buhay ko ng buong pagkatao. Ang taong tumulong sa akin siya rin pala ang taong gumahasa sa akin. Gusto ko siyang maparusahan sa ginawa niya sa akin, ngunit sa anong paraan? Ipagkatiwala ko ba iyon sa batas o ako mismo ang gagawa? Ngunit, paano? Gayong sa puntong ito natutunan ko na siyang mahalin. Bakit sa ganitong paraan ako pinaglaruan ng tadhana? Makayanan ko bang ipakulong ang taong mahal ko? Maibigay ko pa ba ang hustisya para sa sarili ko kung ang taong iyon ay parte na ng buhay ko?
Other
105.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Innocent Secretary

The Billionaire's Innocent Secretary

Amore Love
Maging mayaman iyan ang pangarap ni Lexi De Asis na kaniyang makamtan sa pamamagitan ni Ally Sandoval ang bilyonaryong businessman na boss niya. Ngunit hindi tumatalab ang kaniyang pang-aakit sa binata dahil napakasungit nito sa kaniya at hindi nito pinapansin ang kaniyang karisma. Hanggang sa sumuko si Lexi sa kaniyang boss at magkaroon naman ng interes sa nakababatang kapatid ni Ally na si Gilbert. Muling ginamit ni Lexi ang kaniyang karisma sa bunsong kapatid ni Ally ngunit hindi inakala ni Lexi na ang kaniyang naging biktima sa plano niya ay si Ally. Dahil sa kahihiyan na inabot ni Lexi sa kaniyang boss ay umalis siya ng trabaho na nagdadalang tao. Muli pa bang magkru-krus ang kanilang landas ni Ally o tuluyang magkakalayo ang kanilang landas dahil nakatakda na itong ikasal sa iba?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Vows Of Vengeance

Vows Of Vengeance

Handa ka bang ipagpalit ang iyong kalayaan para sa iyong pamilya na kahit kailan ay hindi ka itinuring na isa sa kanila? Si Xanthia Altaraza ay ipinagkanulo ng kanyang sariling pamilya at ipinakasal sa isang lalaking hindi niya kilala. Sa kabila ng malamig na pakikitungo nito sa kanya ay naging mabait at masuyo sa kanya ang kanyang asawa. Hindi namalayan ni Xanthia na nahulog na ang loob niya rito. Ngunit, dahil sa pagkabunyang ng isang malaking sikreto ng kanyang pagkatao ay itinakwil siya ni Fabio Allegri. Lumipas ang mga taon ay muling bumalik si Xanthia, upang maghiganti sa mga taong nanakit sa kanya. Kasama na doon ang lalaking dati na niyang minahal. Inalok niya itong muli ng isang kasunduan. Ano kaya ang mangyayari sa labanan ng galit at pagmamahal sa kanyang puso?
Romance
7.72.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Passionate Hunter

The Passionate Hunter

Ellie Kim
Kinailangan ni Yuan ang tulong ni Pamela dahil tanging ito lamang ang nakakaalam ng pasikut-sikot bundok na ibig niyang akyatin. Noong una ay duda pa siya sa motibo ng lalaki pero kalaunan ay napapayag siya nitong maging guide. May hinahanap ito ngunit hindi nito sinasabi sa kaniya kung ano iyon. Inis siya kay Yuan ngunit sa kalaunan ay nahulog ang loob niya rito, lalo na nang sabihin nito sa kaniyang maganda siya. Wala pang nagsasabi ng ganoon sa kaniya dahil baguhan siya sa larangan ng purihan at bolahan. Ang munting paglalakbay nila ay nauwi sa sandamakmak na peligro. Lalo tuloy silang naging malapit sa isa’t isa… Hanggang sa dalhin siya nito sa Maynila. Pero pagdating nila roon, tila hindi na ito nagagandahan sa kaniya. Pangkabundukan lang yata ang kaniyang alindog.
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status