Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss

The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss

"Sa tingin mo ba na pipiliin ka ng CEO boss natin? Kagaya ng isang cheap na katulad mo... Na isang assistant lamang niya?" ani sa akin ng pinakamagandang babae sa department nung team dinner namin. Natahimik naman ako dahil sa sinabi nito sa akin at napayuko ako. Mabuti hindi pa dumadating ang asawa ko at hindi niya maririnig ang insulto na sinasabi sa akin. "Look at you. No fashion sense and also a nerd lady... So manang. Ang gusto ng boss natin ay ang mga kagaya namin na fresh at magaganda." Napakamao ako pero nananatili pa rin akong kalmado sa nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganito sila sa akin. Biglang natahimik ang lahat nang biglang bumukas ang pintuan at napatingin naman ako roon at nakita ko si Nando na kakarating lang. Umupo siya sa upuan niya at katabi niya ang babaeng yun na kinakunot ng noo niya. Napatingin naman siya sa babaeng nasa tabi niya. "Bakit ka nakaupo sa tabi ko?" Natigilan naman ang babae at parang namutla dahil sa malamig na sinabi ng asawa ko. Napatingin naman siya sa akin na kinagulat ko. "Come sit with your husband." Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa asawa ko at bigla namang natahimik ang buong kwarto dahil sa sinabi nito. What the... ****** LMCD22
Romance
1010.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Rejected Wife of A Heartless CEO

Rejected Wife of A Heartless CEO

Sabi nila, isa raw sa magagandang araw sa buhay ng isang babae ay ang maikasal sa lalakeng mahal niya. Pero hindi ako. Dahil iniwan ako ng lalakeng nangako sa akin na sasamahan ako habang buhay sa mismong seremonya ng aming kasal. Iniwan niya akong nag-iisa sa altar at mas pinili ang nakababata kong kapatid. Hindi lahat ng kasal ay masaya. Isinumpa ko ang araw  na iyon at nangako sa sariling maghihiganti. Pero paano pa ako makapaghihiganti kung namatay ako mismo sa araw na iyon?
Romance
8.532.7K viewsOngoing
Read
Add to library
BROKEN VOW

BROKEN VOW

Mugsy Wp
Si Yuan, isang simpleng lalaking nangakong habambuhay mamahalin si Donna Angeles. Isang simpleng babaeng namuhay mag-isa. Nangako siya na habambuhay itong mamahalin subalit nagkaroon siya ng misyon. Kailangan niyang hanapin ang may-ari ng microchip kaya umalis siya at tumungo sa England. Sa pagdating niya doon sa England ay Microchip ang kaniyang nakita. Isang pag-ibig sa piling ni Mitch Madrigal, Anak ng kaniyang kaaway. Sa piling ni Mitch, pansamantala niyang nakalimutan ang lahat ng pangako niya sa Pilipinas, Nakalimutan niya si Donna. Pagkalipas ng Tatlong-taon ay masaya silang namuhay ni Mitch bilang mag-asawa pero hindi lahat ng pangako ay hindi natutupad. Isang araw nakarating sa kaniya ang balitang ginahasa si Donna at ngayon nga ay nagdadalang-tao ito. Nang gabing iyon ay tumawag ito sa kaniya at sa kasamaang palad ay si Mitch Madrigal ang nakasagot ng tawag na para sana sa kaniya. Hindi akalain ni Mitch na may kasintahan si Yuan sa Pilipinas at ang masakit ay nagdadalang-tao ito at hindi niya maatim na mamuhay nang payapa sa piling ni Yuan habang may batang lumaki ng walang ama. Sa boung buhay niya, palagi siyang nakatago at kinukutya ng kambal niya at hindi niya hahayaang may ibang batang makaranas nito kaya kahit na parang hinahati ang puso niya sa sobrang sakit ay pinili niyang palayain si Yuan. Pinili niyang sirain ni Yuan ang pangako nito sa kaniya kesa sa inosenteng bata.
2.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle

The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle

Tila sanay na sa mga pagsubok ng buhay Amara Santos. Lumaki siyang kinakayod ang lahat para sa kakambal niyang si Selene, na may malubhang sakit na matagal ng dinadala. Ang tanging liwanag sa kanyang madilim na mundo ay ang kanyang kasintahang si Liam dela Cruz, anak ng alkalde. Simula pagkabata, siya na ang kanyang sandigan—ang lalaking nangakong mamahalin siya kahit anong mangyari. Ngunit, isang masaklap na kapalaran ang dumating sa buhay nya. Sa kritikal na oras ng kanyang kapatid sa ospital, iniwan siya ni Liam at ipinagpalit sa isang babae na makakatulong sa kanyang ambisyon na pumasok sa politika. At sa isang iglap, natagpuan niya ang sarili sa isang hukay na isang paraan lang ang kalalabasan. "Pakakasalan mo ako, at ibibigay ko sa’yo ang lahat ng kailangan mo." Sino ang lalaking ito? Si Ethan? Si Ethan Alcantara. "Simple lang ang kasunduan, Amara," sagot ni Ethan. "Ikaw ang magiging asawa ko, at sa mata ng publiko, magiging perpekto tayong magkapareha. Kapalit niyan, matutulungan ko ang kapatid mo." Tila isang malafairy tale na tagpo ang nangyayari sa buhay ni Amara, at sa palubog niyang kumunoy ay mayroon siyang prince charming na tagapag sagip. Mararanasan nga ba nya ang maging prinsesa? O isa na naman itong pag-papanggap na mapipilitan siyang ituloy dahil sa kasunduang iligtas ang kanyang mahal na kapatid? Hanggang saan aabot ang kanyang pagtitiis na mag-panggap? Magkakaroon nga ba ng pag-ibig sa pagitan nila ni Ethan?
Romance
10476 viewsOngoing
Read
Add to library
Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Sila'y pinag-isang dibdib ng kanilang masidhing pagnanasa— ang maghiganti at manubos para sa mga inosenteng buhay na isinangla kay kamatayan. Kapwa nanumpang palaging iingatan, poprotektahan, pahahalagahan, at mamahalin ang isa't isa mula sa araw na ito at sa mga susunod pang bukas, subalit ito'y hindi pangkaraniwang kwento ng romansa. Sila'y kapwa nanunumpang dudurugin, sasaktan, kasusuklaman, at kikitilin ang buhay ng isa't isa mula sa araw nang pagkakabunyag ng nakaraan at sa mga susunod pang bukas, hanggang si Kamatayan na mismo ang tumapos sa kanilang ugnayan. Bilang nag-iisang anak ng tanyag na mafia boss, lumaki si Quinn Amara Montejo sa pagkandili ng mga baril at patalim. Sa paghele ng karahasan at kalupitan, kanyang nasaksihan ang walang-awang pagbawi sa buhay ng kanyang mga minamahal. Ganid at uhaw sa dugo ang kaniyang kinalakihang mundo. Tila isang bombang nasa binggit ng pagsabog, rebelyon ang kanyang nakitang tanging susi upang makalaya mula sa anino ng kaniyang ama, ngunit agad itong natuldukan nang mag-aklas ang mga guhit sa kanyang palad. Ni hindi naligaw sa kanyang hinagap ang pagpapakasal, lalong hindi kay Gunther Zenith Dragoza, isang tanyag na business magnate na maraming sikretong itinatago. Lahat ay umaayon sa plano ng binata subalit kung siya'y ipinagkanulo't pinagtaksilan ng sariling puso, sino ang mananaig? Paghihiganti o pag-ibig? Dalawang pusong buong tapang na naglayag sa iisang sagradong tipanan. Sa bisig ng isat isa nga ba nila matatagpuan ang tahanang kanilang matagal na pinananabikan, o sila'y kapwa estrangherong dumaong lamang sa maling isla?
Romance
5.4K viewsOngoing
Read
Add to library
BOOK 2: Maid For You Too

BOOK 2: Maid For You Too

Si Anna Alejandra ay isang ulirang anak na walang ibang hiling kundi ang mai-angat sa laylayan ang pamilyang siya lang ang inaasahan. Isang probinsyanang nakipagsapalaran sa siyudad para tugunan ang pangangailangan ng mga kapatid. Namasukang kasambahay sa pamilyang Martinez, at nakilala ang isang binatang babago sa kapalaran nya, si Javier Martinez. Kontento na si Anna sa panakaw tingin nya sa binata noong una, ngunit habang tumatagal ay humihiling sya nang higit pa. Nangyari naman ito nang maging malapit sila sa isa't isa, at naging magkaibigan hanggang sa nagkagustuhan. Subalit sa halip na mauwi sa happily ever after, isang bangungot ang kaniyang naranasan.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ceo's Blind Wife

The Ceo's Blind Wife

Dahil sa aksidente namatay ang kanyang ama, kasabay din noon ang pagkawala ng liwanag sa kanyang mga mata. Nabuhay siya sa dilim at sa pagmamaltrato ng kinilalang pamilya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala niya ang isang lalaki na nagbigay liwanag sa madilim niyang mundo at bakod sa mapanakit na lipunan. Nanaisin pa ba niyang makakita o, mananatili na lamang siya sa kadiliman gayun ang lalaking natutunan niyang mahalin ay may tinatago pa lang sikreto sa kanyang nakaraan? Handa ba siyang palayain ang taong pinakamamahal para sa ikaliligaya nito kahit na ang kapalit noon ay ikawawasak niya.
Romance
1023.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Abducted By My Father's Enemy

Abducted By My Father's Enemy

Halos pagsakluban ng langit si Ambria nang malaman niyang namatay sa brutal na paraan ang kanyang ama. Ngunit sa kabila ng bilin sa kanya ng kanyang ama na huwag uuwi ng Pilipinas ay hindi niya sinunod ito at umuwi siya upang ipagluksa ang pinakamamahal niyang ama. Ngunit nang pabalik na siya sa Europe upang ituloy ang kanyang Buhay ay hinarang ang kotseng sinasakyan niya patungong airport. Kinidnap siya ng armadong mga lalaki at ikinulong sa madilim na kuwarto. Hindi siya nakaramdam ng takot dahil alam niya ang kanyang kapalaran sa kamay ng mga kumidnap sa kanya at hinanda na niya ang kanyang sarili na mamatay at sumunod sa kanyang mga magulang. Ngunit paano kung hindi kamatayan kundi kasal sa Isang estranghero ang i-alok sa kanya upang makalaya? Papayag ka siya sa kasunduan? O papayag siya upang mahanap at makapaghiganti sa taong tumapos sa Buhay ng kanyang natitirang magulang?
Mafia
2.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Tarinio Castillion: Under His Means

Tarinio Castillion: Under His Means

Tarinio Castillion also known as 'The Castillion Hacker' isang magaling na agent na nabibilang sa secret department. Tagalutas ng kaso at tagapatay ng mga malalaking taong salot sa lipunan.A happy go lucky Castillion. Hindi man siya kabilang sa pitong magkakapatid itinuring siyang isa sa mga ito dahil sa dugong nananalaytay sa kanyang katawan.Womanizer. Fucker. Asshole. Son of a bicth. Lahat na ay nasa kanya, may kayabangan pero may ipagmayabang talaga. Isa siya sa malakas tumawa kapag nakikita niyang umiiyak ang kanyang mga pinsan dahil sa babae. Siya? Siya ang iniiyakan ng mga babae.Wala sa angkan nila ang pangit kaya ginagamit niya iyon para maikama ang mga babae. Bukod sa pagkakama ng mga babae araw araw ay ang pagiging agent ang talagang buhay niya. Pagdakip sa mga anay ng lipunan at mga drug syndicates na sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan.At isa si Amanda Colen Trei sa mga taong iyon. Babaeng ulo ng pinakamalaking sindikato ng ipinagbabawal na gamot sa buong bansa. At si Tarinio ang humawak ng kaso para dakpin ito.Madadakip nga ba niya kung taliwas sa gawain nito ang ipinapakita ng inosenteng mukha ng dalaga?
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Redemption

The Billionaire's Redemption

Para iligtas ang kanyang pamilya sa matinding pagkakautang ay pumayag si Alia na makipagsundo sa 1 year marriage kay Elias Valiente. Si Elias ay isang bilyonaryo na may malaking pangalan sa buong Asia. Kailangan niya ng heir na magpapatuloy sa kanyang pangalan kaya niya inalok si Alia ng kasal. Ang kanilang kontrata ay may mahigpit na patakaran at iyon ay dapat maging perfect husband and wife sila sa mga mata ng publiko. Bukod doon ay kailangan din nilang tuparin ang lahat ng marital duties kabilang ang pagiging intimate sa isa’t-isa. Gayunpaman, ang kasunduan ay mahigpit na nagbabawal sa pagkakaroon ng anumang emosyonal na damdamin para sa isa’t-isa. Ngunit habang tumatagal ay nagsisimulang makita ni Alia ang lamat sa bakal na pader ni Elias. Nakikita niya ang kalungkutan sa mga mata nito at ang lihim na sakit ng nakaraan. Samantala si Elias na nasanay sa pagkontrol ay naguguluhan na din dahil sa pagiging tunay at pagpapasakop ni Alia sa kanya. Kailangan nilang mamili kung susundin ba nila ang napagkasunduan sa kontrata, o harapin ang bawal at mapanganib na katotohanan na sila ay nahuhulog na sa isa’t-isa.
Romance
302 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status