Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Loving Dr. Cherry: Chain to Love

Loving Dr. Cherry: Chain to Love

Gumuho ang mundo ni Cherry Villafuerte sa paulit-ulit at harap-harapang pagtataksil ng kanyang nobyo. Dahil sa pagkabigo, parang nawalan ng direksyon ang buhay niya, at napilitang mag-leave sa trabaho. Ngunit sa kanyang pagkalugmok, isang lalaki ang biglang pumasok sa buhay niya—si Reynan Cuevas, ang dating masungit at suplado niyang pasyente, siya ang tila naging ilaw sa madilim niyang mundo. Sa kanilang hindi inaasahang pagkikita, may kakaibang alok sa kanya si Reynan. Isang solusyon na maaaring magpapalaya sa kanya mula sa sakit—isang kasal na kontrakwal. Ngunit handa ba siyang sumugal sa kasanduang kasal na hindi tiyak ang kahihinatnan? O mananatili siyang magpapagapos sa relasyon na siya lang ang nagmamahal?
Romance
1015.2K viewsCompleted
Show Reviews (8)
Read
Add to library
sweetjelly
Ngayong tapos na ang Connected Hearts Series... "His Pet Nanny" "Daisy His Remedy" Loving Dr. Cherry: Chain to Love" May isa na naman akong kwento na i-share sa inyo! "She’s My Wife, Never My Love… Until I Lost Her." Malapit na malapit!
Analyn Bermudez
Ms sweet wag kna nmn masyado mapanakit sad kami sa nangyayari kina reynan at cherry sna malampasan nila lahat Ng pagsubok..reynan wag ka Muna mag isip Jan mas mabuti mag usap kayo dlwa ni cherry wag ka umalis Ng di man lang nagpapaliwanang SI cherry..hays puro runaway nlng nababasa ko nangyayari
Read All Reviews
His Heir, My Son

His Heir, My Son

Calixto Cortez III
Marissa was only eight when her mother sold her. Hikaos sila sa buhay kaya kailangan ng kanyang ina na dumeskarte. Nabenta siya ng kanyang ina sa halagang tatlong daang libo sa mag-asawang nangangarap magkaroon ng anak. Akala nya ay magiging masaya na siya sa buhay dahil sa yaman ng mga bumili sa kanya, lingid sa kaalaman niya ay pinagkasundo siyang ipakasal sa lalaking di nya kilala. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nabuntis si Marissa ng isang lalaki na kinamumuhian nya. Kilala ni Marissa ang lalaki dahil madalas nyang makita ito sa mga business meeting ng kanyang mga adoptive parents. Nang mabalitaan ng kanyang adoptive parents ang nangyari sa kanya ay pinalayas nila si Marissa sa kanilang pamamahay. Bumalik sya sa kanyang tunay na pamilya dala-dala ang sanggol sa sinapupunan.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Carrying My Ex-Boss Child

Carrying My Ex-Boss Child

Sa kagustuhan kong ipamukha sa ex-boyfriend ko na kaya kong magbuntis ay nagdesisyon akong sumailalim sa isang IVF procedure pagkatapos ay sa isang surrogacy. Pero mukhang hindi kami kampi ni Lord dahil ang naiturok sa akin ay ang sample na galing sa boss kong laging galit at sinisante ako! Pero paano kung dahil sa pagkakamaling iyon ay magbago nang tuluyan ang buhay ko? Paano kung mawala sa akin ang lahat dahil tinanggap ko siya sa buhay ko? At paano kung dumating ang isang araw ay maghihiganti ako sa kanya?
Romance
233 viewsOngoing
Read
Add to library
Falling for My Boss

Falling for My Boss

Sa murang edad, maagang namulat si Elisia Delgado sa hirap ng buhay. Sa paglipas ng panahon, hindi nagbago ang kanyang sitwasyon, ngunit sa gitna ng kanyang paglaki, natutunan niyang maging matatag at mangarap para sa sarili. Ang buhay ay mahirap ngunit madaling maging matatag, iyon ang naging panlaban ni Elisia. Sa kabila ng lahat, mawawala ba ang kanyang lakas ng loob sa pagdating ng isang lalaki sa kanyang buhay? Lalo na't siya ay unti-unti nang nahuhulog sa lalaking ito. Mahina nga ba ang mga babae pagdating sa pag-ibig? Dahil tila ba nawawala na ang kanyang lakas. Ano kaya ang gagawin ni Elisia kung ang nagiging hadlang sa kanyang pangarap ay ang siyang magpapaibig sa kanya nang wagas?
Romance
22.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Vampire who will fall inlove with me

The Vampire who will fall inlove with me

Iam Sorowenpein
Habang nagtatago sa grupong humahabol sa kanya ay di sinasadyang napadpad si Erinn sa mapunong parte sa likod ng kanilang eskwelahan. Nung gabing iyon, di niya lubos akalain na Magtatagpo ang landas nila ni Volt, na isang bampira, na puno ng sugat ang buong katawan at may pana pang nakabaon sa likudan nito. Dahil sa pagtulong ni Erinn, ay di niya akalain na mapapaloob siya sa isang ugnayan na ang tanging makakapagpasawalang bisa lang ay kamatayan. Magiging obligasyon ni Volt na protektahan si Erinn hanggang sa pinakadulo ng buhay nito dahil sa pagkakaligtas nito sa kanya.
LGBTQ+
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The 125-Year-Old Wife

The 125-Year-Old Wife

Zanicolette
Ano kayang reaksyon ng ninuno natin kung mapunta sila sa 2020?Taong 1895.Isa ako sa mga batang namulat sa digmaan ng mga Pilipino at Amerikano. Nang lumaki ako, ipinagkasundo ako sa lalaking kalauna'y inibig ko rin, si Isagani. Ngunit sa hindi inaasahan, nagkasala s'ya sa batas at ipinapatay. Dalawang taon din ang lumipas, akala ko ay tuluyan na akong ikakasal sa lahing Amerikano...Ngunit nagkamali ako, dahil isang araw namulat ako sa ibang panahon at nalaman kong ikinasal na ako. Ikinasal sa lalaking nagmula sa taong 2020.
108.2K viewsCompleted
Read
Add to library
PADRE TIAGO

PADRE TIAGO

Si Padre Santiago Baldemor o Tiago ang bagong talagang kura-paroko sa San Sebastian. Kinahuhumalingan siya ng mga tao at kabataan sa bayan dahil sa kanyang kabaitan at pagiging aktibo sa simbahan. Ngunit hindi ito ang kanyang mukha sa kanyang sampung sakristan sapagkat kinatatakutan siya ng mga ito, maliban lamang kay Angelo. Sa tuwing nag-iisa ang sakristan na si Angelo sa presensya ni Padre Tiago, ito naman ang panahon na lumuluhod siya hindi sa altar kundi sa harapan ng kura-paroko. Araw-araw sa ano mang oras, luluhod siya upang sambahin ang katawan ni Padre Tiago. Para kay Angelo, nagsisilbi itong bendisyon sa kanyang uhaw na pagkatao.
LGBTQ+
1029.2K viewsOngoing
Read
Add to library
ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE

ONE NIGHTSTAND: HOT BILLIONAIRE

Synopsis Si Luigi Mondragon, isang multi-billionaire at matagumpay na negosyante, ay kilala sa pagiging mapaglaro sa pag-ibig at sa mga babae. Sa likod ng kanyang marangyang pamumuhay, maraming naiinggit at nagtatangkang pabagsakin siya dahil sa kanyang kasikatan at tagumpay sa iba't ibang bansa. Sa isang gabi ng kasiyahan na iniayos ng kaibigan niya sa isang sikat na bar, hindi inaasahan ni Luigi na magbabago ang takbo ng kanyang buhay. Doon niya nakilala si Leona Suarez, isang babaeng lasing at sugatan ang puso, nag-iisa habang naglalasing sa sakit ng pag-iwan sa kanya ng dating kasintahan—pinagpalit ito sa isang bakla. Kaya balis ito nasaktan dahil sa dina-daming pwede ipalit ay bakla pa. Habang umiiyak at sinisigaw ni Leona ang kanyang galit sa mga lalaki, hindi mapigilan ni Luigi ang mabighani sa kanyang tapang at pagiging totoo. Ngunit sa mundo ni Luigi na puno ng intriga, selos, at mga lihim, magagawa ba niyang makuha ang puso ng babaeng pilit iniiwasan ang pagmamahal? O magiging isa lamang si Leona sa mga nadamay sa mapanganib na laro ni Luigi? Isang kwentong puno ng pighati, galit, at pagmamahalan.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Beast CEO Paradise

The Beast CEO Paradise

THEGUYWITHTHEGLASSES
Sa hirap ng buhay at dahil sa malaking utang dahil sa pagkalulong sa sugal, walang nagawa ang Tiyahin ni Kylie kung hindi ibenta siya sa isang strip club. Doon— makukuha ng dalaga ang interest ng isang halimaw na nagbalat kayo bilang isang guwapong binata. Maangkin siya nito at may mabubuo sa loob niya. Umalis si Kylie sa syudad dahil doon at piniling tumira sa isang probinsya— lumipas ang ilan taon, naging matagumpay ang buhay ni Kylie. Isa na siyang Restaurant owner at Hotelier. Pero sa kasamaang palad, paglalaruin muli siya ng tadhana, dahil mamumukatan niya, ang VVIP guest pa lang hinihintay niya ay ang lalaki pa lang umangkin sa kanya. Sa pagtatagpong muli ng landas nilang dalawa, ano ang gagawin ng dalaga sa pagkikita nilang ulit ng lalaking nagbigay sa kanya ng malaking trauma? Masasabi niya ba sa binata na may nabuo sa sinapupunan niya ng gabing iyon? Pero paano niya magagawa iyon, kung ang binata ay nakatali na sa iba at magpapakasal na? May pag-asa pa bang magka-isa ang dibdib ng dalawang pusong nag-umpisa sa mali? A novel written by: TheGuyWithTheGlasses
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Ugly Maid

The Billionaire's Ugly Maid

Maejin
Muntik ng mamatay ang CEO ng Ziff Corporation na si Seven Ziff dahil sa isang ambush kung hindi lang dahil sa pagkakaligtas sa kaniya ng mag-asawang napadaan sa pinangyarihan ng krimen. Subalit namatay din ang mag-asawa dahil sa pagtulong sa kaniya. Hindi nagtagumpay ang mga taong nais pumatay sa kaniya at nagpasya ang kaniyang lolo na dating chairman ng Ziff Corporation na manatili muna siya sa mansiyon at pansamantalang iwan muna ang pagiging CEO habang inaalam pa kung sino ang nais magpapatay sa kaniya. Habang nasa mansiyon ay nag-utos naman si Seven ng tao upang hanapin ang anak ng mag-asawang tumulong sa kaniya. Nais niya itong bigyan ng gantimpala ngunit nagulat siya nang malamang nalalagay din pala sa panganib ang anak ng mag-asawa sa hindi niya malamang dahilan. Dahil doon, gumawa siya ng paraan upang mapunta sa poder niya ang babae sa pamamagitan ng pagiging isang katulong. Hindi niya maaaring ipaalam sa babae ang tunay na dahilan para na rin sa kaligtasan nito at kailangan niyang alamin nang paunti-unti kung bakit pati ito ay ipinapapatay din ng mga taong gustong pumatay sa kaniya. Si Filippa, may malaking bukol sa mukha na siyang naging hadlang upang kakitaan siya ng ganda ay magsisilbing katulong sa mansiyon ng mga Ziff at walang kaalam-alam kung bakit nasa panganib ang buhay niya at kung ano ang tunay na kailangan ng guwapong bilyonaryong si Seven sa kaniya...
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3233343536
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status