Sugar Daddy
Makalipas ang ilang sandali ay si Zuck naman ang lumapit sa akin, tipid lamang akong ngumiti sa kanya bilang pasasalamat sa pagdamay sa akin nitong mga nagdaang araw.
"Don't worry about Uno, I already take care of him." Mahinang sambit ni Zuck at marahan lamang akong tumango-tango sa kanya. Sa puntong ito ay wala na akong pakialam pa kay Uno, gusto kong isisi sa kanya ang lahat ng nangyari pero wala na akong lakas, kung maibabalik ko lang siguro ang lahat ay hindi ko na lang sana itinuloy pa ang paghihiganti ko, kung alam ko lang na aabot sa ganito ang lahat ay sana kinimkim ko na lamang ang sakit na nararamdaman ko.
ตอนยอดนิยม