Loving Dr. Cherry: Chain to Love
sabi nito sabay tingin sa aming likuran na parang may hinahanap.
Umupo ako. “Jerome, gusto ko lang malaman... ano na ang lagay ni Liza?” tanong ko agad, walang pasakalye. “Ano'ng naging komplikasyon?”
Napakamot sa batok si Jerome. Tumingin rin siya kay Reynan. “Cherry, to be honest, hindi ko maintindihan,” sabi niya. “Ang treatment, maayos. Walang rejection. Walang adverse reaction. Wala rin kaming nakitang immune compromise. Stable ang platelets, kahit may pagbaba, pero expected naman iyon sa chemo. Pero bigla siyang bumagsak. Nagsimulang manginig, bumaba ang oxygen, nagka-seizure. Acute tumor lysis syndrome ang diagnosis—pero ang bilis, Cherry. Para bang may na-trigger.”
Sikat na Kabanata